Chapter 55: Half of the Truth

Greetings, Princess Anastasia. Sigurado akong nagtatanong ka ngayon kung bakit ginawa ko itong video na ito. Ngunit isa lang ang natitiyak ko ngayon, napapanood mo ito kung kailan wala na ako.

My forehead wrinkled habang pinapanood ko ang video ni Merda sa laptop ko. Ano bang meron at kailangan niyang mag-video? At bakit ba siya umalis?

My eyes widened sa sunod kong nakita. She took off something in her face. At ngayon kamukha na niya si Vania!

Merda and I are one. Ako si Vania Buenaventura slash Merda na katulong niyo sa palasyo. Matagal na akong nagmamanman sa'yo at sa pamilya mo para sa Dead End Organization. Almost three years din ata. Kaya no'ng inutusan ako na patayin ka, kahit sobrang lapit ko ay hindi ko nagawa.

Napatakip na lamang ako ng bibig dahil sa mga naririnig ko. Vania and Merda is a one person. Paano niya nagawang itago lahat ng ito sa akin ng tatlong taon? Ibig sabihin sobrang galing niyang mag-disguise. And to think na nagtrabaho siya bilang maid namin at agent ng AV, siguro sobrang laking asset niya para sa Dead End Organization.

Akala ko ay walang makakabisto sa akin na nagtatrabaho ako sa Monterene's Palace. Kaya naging chill lang ako. Pero nalaman ni Sir Kendeev. Remember the time you got an envelope from AV regarding your task inside your room? Ako ang may pakana noon. Hindi mo lang alam pero sobrang naattached na ako sa'yo kaya kapag may ini-uutos sa akin para mapahamak ka, hirap na hirap akong gawin. Akala mo lang mataray si Vania, pero ang totoo, gusto kitang makabonding bilang totoong ako. Pero ang daming humahadlang, kaya sinigurado kong hindi mo na makikilala ang totoong ako, hanggang sa mawala ako.

Napansin kong matamlay si Vania habang nagrerecord nitong video. Siguro ay sobrang lungkot niya. I bit my lower lip to stop myself from crying.

Alam mo, naiinggit nga ako sa'yo eh. Kasi lahat ng gustong mong gawin, nagagawa mo. Kahit minsan, grounded ka, nagagawa mo pa ring tumakas.

I saw her chuckled slightly for the first time.

Si Luk, gusto ko siya pero ikaw ang gusto niya. Kaya ingatan mo siya ha. 'Wag mo siyang paiiyakin dahil kung malaman ko na pina-iyak mo siya, babangon ako sa hukay.

Nagulat pa ako nang marinig ko ang pinakahuling salitang binitawan niya. Parang tinanggap na niya rito na mamamatay talaga siya.

Yeah, alam ko na ang magiging kahihinatnan ko. Kasi alam ko sa sarili ko na mas pipiliin kita kaysa trabaho ko. Hindi ka pwedeng mapahamak dahil bihira na lang ang taong katulad mo, at isa pa mahalaga ka sa akin. Kaya siguro napapanood mo 'to ngayon kung kailan wala na ako...at nasakop na rin ng Tyran ang palasyo niyo.

Narinig ko 'yon sa tatay ko. Simula pa lang ay balak na talaga nilang patalsikin ang pamilya niyo sa palasyo niyo.

At alam mo ba? May magandang balita ako sa'yo.

I overheard the King of Tyran, buhay ang tatay mo. Tinatago lang nila sa isang lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng tao sa kastilyo ng Tyran. Alam kong magandang balita ito para sa'yo. At masaya ako na ako ang nakapag-sabi nito sa'yo.

Hindi ko na mapigilang mapaluha pero at the same time napangiti ako. Vania is a blessing in disguise. She is a good soul trapped in a situation that forces her to do bad things.

Sorry sa lahat ng mga panggulo na ginawa ko at ng DE Org sa inyo. I don't understand why they're doing this, maybe for power? Revenge? Money? I don't know, sumusunod lang ako sa kanila. Ako na ang humihingi ng sorry. Hindi ko pinagsisihan kung mawala man ako. Dahil nasabi ko na ang lahat ng dapat mong malaman para matapos na ang kaguluhang ito. I chose to sacrifice myself to end this once and for all kasi kung hindi, sino ang gagawa? At ngayong alam mo na ang dapat mong malaman, umaasa ako na may gagawin ka para matigil na ang lahat. I am asking a favor. Please do something to stop DE. Masyado ng maraming nadadamay. I'm counting on you, Anastasia.

Vania's genuine smile is the last thing I saw before the video stopped. Madiin kong ipinikit ang mata ko habang mabagal na isinasara ang laptop ko.

Nang maimulat ko ang mata ko ay naalala ko ang box kung saan ko kinuha ang usb, may kwintas doon na hindi ko pa nakikita.

Dali-dali kong hinila ang sulong ng lamesa kung saan nakapatong ang laptop ko at kinuha ang box. Iniangat ko ang kulay gintong kwintas na may disenyong butterfly. Teka, may naalala ako bigla.

"Buwan ang nasa iyo at paru-paro naman ang kabiyak niyan."

Inilabas ko ang kwintas ko na nakalagay sa loob ng damit ko at itinapat ito sa kwintas ni Vania. Pagkatapos ay ipinagkabit ko sila na para bang puzzle. Napangiti ako ng makita kong angkop ang mga pendant sa isa't isa. Ibig sabihin, si Vania ang nangangalaga ng isa pang symbol ng Xenophilia at ngayon ay nasa akin na ito parehas.

Napapitlag ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Dali-dali kong hinila ang usb sa laptop ko at ibinalik ito sa box kasama ang kwintas. Pagkatapos ay inilagay ko ito sa drawer ng lamesa.

“Pasok!” Sigaw ko sa taong kumakatok sa pinto.

Bumungad naman si Callix na nakapamulsa pa habang nakangiti at naglalakad.

“Chocolate for my cousin.” He said then he took out a chocolate from his pants. Umupo siya sa lamesa ko.

I shook my head. “Nagtatampo pa rin ako sa'yo. Biruin mo, simula bata pa lang tayo butler na kita at naging best friend for many years. Tapos ngayon malaman-laman ko, pinsan pala kita. At anak ka ng boss ko sa AV?”

Tumayo ako at tinungo ang kama ko para magtalukbong. I felt betrayed kasi ang dami pala niyang tinatago sa akin.

I heard him groaned. Pagkatapos ay narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Aba, hindi man lang ako sinuyo. Nilayasan pa talaga ako. Dinadagdagan lang niya ang sama ng loob ko sa kanya. Naku, kapag naipon 'to, ewan ko na lang.

I stayed under the blanket for minutes bago ko napag-desisyunang lumabas doon. Ang init na kasi at pinagpapawisan na rin ako.

Umalis ako sa pagkakatalukbong ngunit halos atakihin ako sa puso ng bumungad sa mukha ko ang mukha ni Callix. Napa-upo tuloy ako ng wala sa oras pero hindi natuloy kasi nauntog ako sa noo ni Callix.

Sinapo ko ang noo ko na sobrang sakit ngayon habang nakatingin nang masama kay Callix. Humahagalpak siya ng tawa.

“Akala ko umalis ka na!” Reklamo ko sa kanya.

Mangiyak-ngiyak akong umupo at kumuha ng isang unan pagkatapos ay ibinato iyon sa kanya.

Agad naman niya itong nasalo at tiningnan lang ako ng nakakaloko.

I rolled my eyes at him. Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

“Lumayo-layo ka sa akin, nag-iinit ang ulo ko,” sabi ko sa kanya nang hindi lumilingon.

Nang makarating ako sa pintuan ay bubuksan ko na sana ito pero hinarang niya ang braso niya. Napabuntong hininga ako.

“Ano bang kailangan mo?” Tanong ko sa kanya habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa pintuan.

Para naman siyang baliw sa harap ko na nakatawa at nagpapacute.

“Miss ka na ni Tasia.”

Tasia? Yung aso?

I chuckled. “Miss mo lang ako eh.”

Narinig ko ang buntong hininga niya kaya mas lalo pa akong natawa. Sabi ko na nga ba eh.

“Syempre. Kaya 'wag ka ng magalit sa akin. Sorry na nga eh.” Wika pa niya habang kinakain na ang tsokolateng ibinigay niya sa akin kanina.

Napa-iling ako. “Akala ko ba para sa akin 'yang chocolate?”

I saw him licked his thumb na para bang sinasabing naubos ko na kaya 'wag ka ng magreklamo pa. “Ayaw mo tanggapin eh. Kaya ayan, ubos na.”

Napa-tsk na lang ako at wala sa sariling napa-upo sa kama ko.

“Callix, kung hihingiin ko ba ang tulong mo para sa mas malaking task, okay lang sa'yo?” Tanong ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya. He took a chair at umupo siya nang nakaharap sa sandalan nito.

“Oo naman. Dati naman na nating gawain 'yan di'ba? Ano bang task? Binigyan ka ba agad ni daddy ng bagong gawain?” Tugon niya sa akin.

I shook my head. “Isang task na kinakailangang mapagtagumpayan ko. Let's say, a task that I've been waiting for.”

I was talking about getting my father back from our enemies. Ilang taon din nilang naitago si papa, panahon na para ilabas ko siya sa Tyran.

“Teka, can you tell me what exactly are you talking about?”

I smiled. Hindi pa pwede. Kailangan ko munang mag-isip kung anong gagawin ko. “Sasabihin ko sa'yo kapag may plano na ako. Pero game ka ba?”

He gave me a weird look but then he said yes. “Basta siguraduhin mo lang 'di mo ikapapahamak 'yan.”

“I can't promise that. All our tasks have risks. Pero sige, ita-try ko.” I gave him a look of assurance.

Ngayong alam ko na ang totoo tungkol sa nangyari kay papa, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. My goal is to give him justice after all. Kasi akala ko noon ay patay na siya, pero hindi pala. Kaya ang plano ko ngayon ay bawiin siya, at ibalik siya dito sa pamilya niya.

“Alam ba 'to ni Zandra?” Tanong niya habang nakatingin sa bintana.

“No. Zandra doesn't need to know. Ayaw kong madamay siya. Masyado pa siyang bata.” I told him. “Speaking of Zandra, may alam ka ba tungkol sa pagsali niya sa isang organization?”

“Katulad mo?” Dagdag niya na tinanguan ko naman.

“I remembered when I was in the Philippines. I saw a young picture of her in an album. 'Yong album na 'yon ay para sa mga members ng mas malaking organization. Pero hindi ako sigurado kung siya nga ba iyon.” Kwento ko sa kanya. Simula kasi noon ay hindi na naalis sa isipan ko ang mga kuro-kuro ko.

I heard him laughed slightly. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

“Kung ganoon ay magkapatid nga talaga kayo. Pero wala naman siyang nasasabi sa akin na katulad mo rin pala siya. Baka kamukha lang niya ang nakita mo,” he said.

Napayuko at napatitig sa kumot ko. Baka nga.

“Siguro kaya lang ako nago-over think kasi ayokong madamay si Zandra sa mga gulo na kagaya ng pinapasok ko.” Wika ko sa hangin.

Napatingin ako kay Callix nang marinig ko ang paggalaw ng upuan niya. Nakatayo na siya at nakatingin sa akin.

“Siguro nga. Hindi ko pa pala napapakain si Tasia. Pupuntahan ko lang muna siya. Basta bati na tayo ha.” Sabi niya na ikinatawa ko.

“Oo.”

He smiled then he walked towards the door. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mabuksan niya ang pinto.

Bahagya akong napanganga nang makita ko si mama na nag-aabang sa pinto pero agad ko namang naisara ang bibig ko.

I saw them both bowed to each other pagkatapos ay nilagpasan nila ang isa't isa.

Si mama? Dinalaw ako sa kwarto ko? Himala.

“Ano pong meron?” Nakatingalang tanong ko kanya habang palapit siya sa akin.

Nakangiti naman siya sa akin. “Nothing. I just want to visit you. How are you?”

Umusog ako para bigyan siya ng space sa pag-upo. Pero nagulat ako ng humiga siya at sumandal sa headboard. She spread her arms.

“Come here. I want to hug you,” she said.

Nawi-weird-an man sa kanya ay sinunod ko na lang din ang utos niya. Sumandal ako sa braso niya at niyakap siya, niyakap naman niya ako pabalik.

It's been a long time since I felt her touch again. Ngayon lang niya ako niyakap. I miss her big time.

“You've grown a lot.” Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. “You learned to decide for yourself. Natututo kang kumilos ng hindi ako kasama. Naging malakas ka kahit wala ako sa tabi mo.”

Ramdam ko ang pamamasa ng mata ko. Ang tagal ko ng hindi naramadaman ang alaga ni mama, pati na rin ang yakap niya. Kaya ngayon, sobrang saya ko na nagkaroon ulit kami ng oras na ganito.

“I thought kapag naging istrikto ako, susundin mo lagi ang gusto ko. Yung tipong magkukulong ka lang sa palasyo at wala kang gagawin. Pero nalaman ko kay Kendeev na pumasok ka pala sa kanya para mabigyan ng hustisya ang papa mo,” pagpapatuloy pa niya.

Napanganga ako at halos naistatwa sa pwesto ko dahil sa sinabi ni mama. Ba't naman sinabi ni Tito Kendeev na nagtatrabaho ako sa kanya? Aish.

“Ayaw kong mapahamak ka at madamay sa gulo ng pamilya natin. But you already made your choice years ago and that is to be involve in this mess.” Patuloy niya pa ring hinahaplos ang buhok ko. Ako naman ay walang magawa kun'di ang makinig lang sa kanya.

“I build up my walls dahil ayaw kong may masilip kayo tungkol sa mga ginagawa ko na may kaugnayan sa papa niyo. I made my plan. Pero hindi ko inaasahang mas maganda pala ang plano mo.”

“Mom...I'm sorry.” Now, I felt guilty. I didn't mean to ruin her plan para matuloy ang mga plano ko.

“No, anak. I'm sorry. Wala ako no'ng mga panahong kailangan mo ng ina. Hinayaan kong mapalayo ang loob mo sa akin sa mahabang panahon.” I felt her kissed the top of my head.

Dati ko pa 'to gustong itanong sa kanya. Kaya susulitin ko na ang oras ngayon. “Mama, I always felt like you love Zandra more than me. Totoo ba 'yon?”

She laughed softly. Si mama naman. Tinatawanan pa ako.

“Medyo. Mas maganda siya sa'yo eh.”

Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Napayuko ako. Dapat pala hindi ko na lang siya tinanong about do'n.

“Syempre joke lang, 'wag mo namang higpitan ang yakap mo. 'Di na ako makahinga oh,” natatawa niyang sabi. “Pantay ang pagmamahal ko sa inyo kaya 'wag mo ng isipin 'yan.”

I pouted at inangat ko ang tingin ko kay mama. Ang kaninang mabigat na loob ko ay gumaan. Pagkatapos ay mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya.

“Mama naman eh. Nagjo-joke pa. Paiyak na sana ako eh,” turan ko. Ready na 'yong luha ko oh.

Mas natawa pa siya. “Sasamahan kita sa lahat ng gagawin mo. Kaya kung may balak ka, 'wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa akin.”

Huh?

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Sana hindi niya maramdaman ang panlalamig ng buong katawan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Alam ba niya na alam ko na kung nasaan si papa? Alam na rin ba niya na nagpaplano ako na bawiin siya? Pero imposible wala pa akong pinagsasabihan ng mga nalalaman ko. Kahit si Callix ay hindi pa alam ang mga balak ko.

“Opo,” maikli kong tugon habang nagdarasal na sana mali ang iniisip ko. Dahil kung malalaman ni mama na buhay si papa, maaaring magpumilit siya na sumama sa pagsugod ko sa Tyran. At hindi 'yon pwedeng mangyari dahil ayaw kong may mangyari ring masama sa kanya, tulad ng nangyari kay papa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top