Chapter 52: Grateful

“What?! You're gonna do a favor for Vania? At yung kasama pa ako?!” Naiirita kong tugon nang sabihin sa akin ni Luk na humingi si Vania ng favor sa kanya na makasama kami ngayong araw.

“Oh com'on. Pumayag ka na. Huli na raw naman na 'to,” pamimilit niya habang magkakrus ang braso at nakasandal sa vanity table ko.

Umiling ako. “You're making it sound that she will be gone forever. Anong huli? But still...no! Ayokong sumama sa isang utak kriminal.”

“Anastasia! That's rude. Pero alam mo, you should prepare already,” Luk stated. Umalis siya sa pagkakasandal niya at tinitigan ako sa mata. “I'll be back in 20 minutes. Pagdating ko, dapat nakabihis ka na.”

I shook my head as I crossed my arms. “Parang kailan lang ang cold ng trato mo sa kanya ah. What happened?”

Instead of answering, he turned his back on me and walked nonchalantly. “20 minutes.”

Naiwan tuloy akong masama ang loob. I don't really want to go. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nagpapanggap na okay lang ang lahat sa harap niya. Andami niyang atraso sa akin. First, she put me and Luk on danger when I ran away from my wedding. She is also the reason why Lola Emilia died. Then, she tipped the DE about our location that's why I was shot on my shoulder. Siya ang dahilan kung bakit napupunta ako sa panganib, at ang masama do’n, nangdadamay pa siya ng inosenteng tao.

Matapos ang ilang minutong pagbabalik sa nakaraan, I felt a tear fell down, but at the same time, my hands are also clenched. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Maybe I'm sad dahil may mga pinagsamahan kami na mahirap kalimutan, at galit din ako sa mga ginawa niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Ang bigat ng pakiramdam ko.

I was about to lay on the bed again when my cellphone rang. It's Luk. “What do you want?”

I heard him chuckled slightly. “I miss you.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Umayos ka nga! Ano bang kailangan mo?!”

“Just kidding. Magdisguise ka pa lang konti. Para hindi ka makilala sa pupuntahan natin.”

I rolled my eyes. “Do I really have to go?”

“Yes, so go get dressed. Bye. Love you.”

“Lucind!” Saway ko sa kanya. Narinig ko naman siyang natawa pero in-end na niya ang tawag.

Napailing na lang ako habang walang ganang kinukuha ang mga damit at gamit na kailangan ko.

I had to be in disguise again. Argh. I have to wear this brown wig on ponytail, the eye glasses, and of course a slight make-up. I fixed some details on my face para hindi ako makilala, then after that I jump into this white oversized polo and blue jeans.

Maya-maya lang ay narinig ko na si Luk na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. “Anna, 20 minutes is over!”

“Yeah, right. I'm coming!”

Kinuha ko lang ang sling bag ko na may laman ng mga gamit ko at tumakbo na palabas ng kwarto.

“Do I really have to do this?” I asked unenthusiastically. Sunod kong ini-lock ang kwarto ko.

Tumango naman siya habang pinapa-ikot ang susi ng kotse niya. “Yes—”

“But—”

“And no buts. Tara na.” Wika niya at pinangunahan ang daan.

Nakasimangot naman ako pero patuloy ko pa rin siyang sinusundan. Pansin ko lang, kahit medyo malayo siya naaamoy ko pa rin ang pabango niya. Ang cringe mang sabihin pero ang bango nito, at the same time, familiar ang amoy. Then I remembered when and where did I smell that perfume. No’ng birthday ko, habang isinasayaw niya ako sa gitna ng dance floor. I was referring to the green-eyed man na sure akong siya 'yon.

I stared at his back in awe. Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa labas at nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

I cleared my throat. “Uhm, saan nga pala natin imi-meet si Vania?”

I saw him smirked but then it vanished instantly as he answered my question. “Just get in the car, Your Highness. I will drive you to her safely.”

Mabagal naman akong tumango pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse. Nang matapos kong mai-ayos ang seatbelt ko, tsaka lamang niya pina-andar ang kotse. And in an instant, nakarating na agad kami sa mall.

As soon as Luk met the wind outside the car, I felt his mood changed. Anong nangyari? Naging cold na naman siya.

“Are you okay?” Tanong ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng pinto.

He nodded. “Yes.”

At ang ikli na naman ng sagot niya. Napa-iling na lang ako. He's up to something. Or maybe, they are up to something at hindi ko iyon alam.

Silently, he lead the way towards a cafe. Dito ata kami magkikita nila Vania. Buti na lang, walang maraming tao kaya chill lang ako. Though I'm a little bit nervous because I don't want anyone to know that their princess is here. I'm sure makakarating 'yon kay mama, at yun ang pinakahuling gusto kong mangyari.

I stopped walking when I saw a glimpse of Vania waiting in a corner of the cafe. Ramdam ko ang pagtaas ng emosyon ko, halo-halong emosyon. But then Luk hold my hand and walked with me towards our seat.

Even though I can smell the aroma of coffee inside, my mind only spins in one thought. How can I forgive this girl.

Hindi ko mai-alis ang tingin ko kay Vania. I am fully aware that I'm giving her sharp glares pero ang ipinagtataka ko, nakangiti pa rin siya sa akin.

“Do you guys want anything?” Boses 'yon ni Luk na pumutol sa tinginan namin.

“Do they have cheese-flavored ice cream?” I asked him. Miss ko ng matikman ulit ang paborito ko.

“We’re not in an ice cream parlor,” sabat ng kaharap ko.

I gave her a deadly look pero hindi siya natinag. She smiled back at me. “Pero wala namang masama kung magtatanong ka. I’m sure they will try to serve one.”

Bahagya akong napanganga ngunit agad din itong napalitan ng pag-ikot ng mata. I'm still mad at her. Kung pwede lang sakalin ko siya sa kinauupuan niya gagawin ko, but I have to behave dahil ayaw kong maka-agaw ng atensyon.

“Sa'yo?” Tanong ni Luk sa kanya. I don't want to mention her name 'cause I feel like I'm going to puke. I would rather call her a demon.

“Anything will do,” sagot niya, habang nakangiti pa rin. Ngayon lang ako nakaramdam ng urge na burahin ang ngiti niya sa mukha.

I saw Luk nodded then he went to the counter.

Seryoso ba siya? Iiwan niya akong kasama ang kinasusuklaman ko? Omaygash, he must be crazy!

“So... Ana.” Panimula ng katapat ko. Dapat pala nagdala ako ng ear phones. Para may dahilan ako para hindi siya kausapin.

“Why don't we pretend that nothing happened between us? You know, yung parang dati lang. A softie Anastasia and flirty Vania. What do you think?” She offered.

I smirked. I am shock, deep inside. Because it is my first time smirking. But yeah, I did that. And I think that's really cool.

“Com'on, we're kinda like friends back then. At mas okay 'yon kaysa ngayon,” she insisted while leaning forward towards me.

I faked a smile at her. “That... wouldn't happen. Hindi ko pa rin ma-imagine kung paano mo nagawa ang lahat ng kasamaan mo—”

“Yeah, me too. Pero pwede ba, 'wag muna natin pag-usapan 'yan ngayon. Can't we cherish this moment?” She smiled sweetly.

I rolled my eyes. Ayaw ko na talagang makipag-usap sa kanya. Bakit ba ang tagal ni Luk?

I glanced at him and he is currently at the counter reading some paper, maybe the receipt. Napa-tingin din naman siya sa akin kaya nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik. Tiningnan din niya ulit ang papel na hawak niya at seryosong binasa ito. What's up with him?

Napa-yuko na lang ako habang iniisip kung ano ang meron sa hawak niya at kung bakit seryoso siya habang binabasa ito?

Napansin kong mas lumapit pa si Vania sa akin. “Hey—”

“Oh, shut up!” I immediately yelled at her to cut her off. Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya? Kasi ayoko talagang marinig ang boses niya sa ngayon.

Inilagay ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng lamesa at ipinatong ang ulo ko dito. Para naman hindi niya ako kausapin.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Luk. “Ana, we need to talk.”

Napa-angat ko ng tingin at binigyan siya ng nagtatakang tingin. “We're talking.”

“Privately,” he added.

Binigyan ko si Vania ng tingin pero agad ko ring ibinalik ito kay Luk.

“Sure.”

Dinala ako ni Luk sa comfort room ng cafe. I gave him an are-you-serious look. But he just shrugged it off.

“Seryoso ka ba talaga? Dito? Sa loob?” Tanong ko ulit sa kanya matapos niyang ilock ang pinto. Hindi ba parang... Aish, I don't want to mention it. I also keep my distance from him. Mahirap na.

“Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Ito lang ang alam kong private sa loob nitong cafe. At isa pa, wala namang malisya kung hindi ka mag-iisip ng kakaiba,” wika niya habang nakatitig sa akin.

“Pero pa'no na lang kung may makakita sa atin paglabas? Anong sasabi—”

Naputol ang sasabihin ko ng iabot niya sa akin ang isang papel. Nagtataka ko naman itong tiningnan nang matagal pero kinuha ko din agad.

It was folded in half and at the front part. Words like this are written:

AV rots. You will be defeated soon.

At sa loob naman, may mga jumbled letters na hindi ko maintindihan.

Oadd qgm hdwskw sul dacw qgm mkwv lg twxgjw. Kgewgfw eayzl tw osluzafy mk jayzl fgo. Sfv A osfl lg lsdc lg qgm hjanslwdq twusmkw A zsnw hdwflq gx lzafyk lg ksq. Sxlwj ow sdd xafakz zsdx gx gmj vjafc, ow oadd jmf af vaxxwjwfl osqk tml escw kmjw lzsl ow oadd ewwl sl lzw tskwewfl gx lzak esdd. Lzak ak eq dskl xsngj. Ksfs sq hsytayqsf faqg scg.

Nagkadikit ang mga kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang mga letters na nandon.

“What are those?” I asked Luk, referring to the jumbled letters.

He took the paper from me. “It is a coded letter from Vania. At the front page, she gave us a clue on what might be the code. AV rots. I thought that it might be ROT because of the word rots. At sa sunod na sentence, defeated is the only word that stands out. Kapag binilang ang letters sa defeated, 8 letters ito. So probably Rot 8 ang ginamit niyang code.

If you decode it, ito ang magiging kalalabasan: Will you please act like you used to before. Someone might be watching us right now. And I want to talk to you privately because I have plenty of things to say. After we all finish half of our drink, we will run in different ways but make sure that we will meet at the basement of this mall. This is my last favor. Sana ay pagbigyan niyo ako.

Napatitig ako sa papel na hawak ni Luk. Okay, this is making me curious. Why? Bakit kailangang sabihin ni Vania na last favor na niya 'yon?

“So, are you down?”

Nalipat ang tingin ko kay Luk at mabagal na tumango.

“Groupmate pa rin natin siya, may pinagsamahan tayo. Kahit na marami siyang ginawang maling bagay, alam kong may dahilan 'yon. Kaya kahit ngayon lang, magpapanggap akong parang walang nangyari,” I said while my mind is in deep thought.

Pero naputol ang pag-iisip ko ng mapansin kong tahimik lang si Luk. And when I Luk at him, he's smiling...at me.

“What?” Tanong ko.

He shook his head. “Wala. Let's go outside.”

Nauna ng binuksan ni Luk ang pinto at nauna rin siyang naglakad palabas. But after a few seconds, hindi pa man lang siya nakakalabas nang tuluyan ay napatigil siya.

My eyebrows knitted. “What's up?”

Sinilip ko ang tinitingnan niya at laking gulat ko ng may isang matandang babae na naghihintay sa labas ng cr.

She gave us a weird look pero napalitan ito ng kamot sa ulo sabay sabing, “Mga kabataan talaga ngayon.”

Napayuko na lang ako sa hiya sabay bulong ng mga katagang, “Sorry po.”

Pakiramdam ko ay mainit ang pisngi ko habang naglalakad papabalik sa table namin. Nakakahiya!

“I told you baka mangyari 'yon!” Apila ko kay Luk kahit na ramdam ko pa rin ang pag-init ng pisngi.

“Hey, it's not my fault!”

Sinalampak ko na lang ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa. Aish! I can't believe that happened.

“Ano bang nangyari?” Tinig 'yon ni Vania na nagtatanong.

Hinarap ko siya at binigyan ng I-am-embarassed look. “May isang babaeng nakakita sa amin ni Luk na sabay lumabas sa cr. At kasalanan 'yon ni Luk.”

“No, it's not!”

“So?” Tanong ulit ni Vania.

Blanko ko siyang tiningnan. Hindi ba niya gets ang sinabi ko? Anong klaseng utak ang meron siya. Matagal-tagal ko din siyang tinitigan bago siya nag-react.

“Oh! She thought that you two did something inside the cr!” She exclaimed.

Mas lalo pang nag-init ang pisngi ko at sa tingin ko ay namumula rin ito. “Vania! Hindi mo na kailangan pang isigaw.”

I saw her giggled. “Why don't you drink your orders na. Para mabawas-bawasan 'yang kahihiyan niyo sa katawan niyo. Look at Luk, he's pale!”

Agad naman akong napatingin sa katabi ko at napansin kong maputla nga siya.

“Ayos ka lang ba?” I asked, baka mamaya may sakit pala siya, dapat hindi na kami pumunta dito.

He scratched the back of his neck while nodding. “I'm fine. Kailangan ko lang siguro ng kape.”

I saw him sipped his coffee kaya sinimulan ko na ring kainin ang ice cream ko. Thankfully, nagawan ni Luk ng paraan para makakain ako ng cheese-flavored ice cream.

Minutes passed at tahimik pa rin kaming tatlo sa table. Okay, this is so awkward.

Paulit-ulit ko na lang na hinalo ang ice cream ko habang hinihintay kung sino ang magsasalita.

“We had fun,” Luk said, out of the blue.

Parehas kaming napatingin ni Vania sa kanya.

“Sinasabi mo dyan?” Tanong ko sa kanya pagkatapos ay ibinalik ang atensyon ko sa ice cream ko.

“Di'ba we had fun back at the Philippines? Sa sunod ay sumama ka sa amin.” Ulit pa niya.

Nagpanting ang tenga ko. Iniiwasan kong makipag-eye contact sa kanila dahil iniiwasan ko ring maisip ang nangyari bago kami umalis do'n.

“Kung makakasama pa ako.” I heard Vania whispered.

“What do you mean?” Sambit ko habang ang atensyon ko pa rin ay nasa ice cream ko.

She chuckled. “Ah. Nothing. Gusto ko lang sabihin na...ang cute ko.”

Natigil ako sa paghahalo ko sa ice cream ko at napatingin kay Vania. Pagkatapos ay natawa ako habang iiling-iling. “Mas cute ata ako.”

“Yeah, she is.” Sabat ni Luk.

Hindi ko na lang pinansin ang dalawa dahil nagdidiskusyon na sila ngayon kung sino ang cute sa amin ni Vania. Hayst. Hindi ko alam kung ilang minuto sila nag-away bago natahimik ang lahat.

Inangat ko ang tingin ko at tinanong sila. “Okay na kayo? Tapos na?”

“Yeah, at narealize kong mas cute talaga ako sa'yo,” sagot ni Vania.

Napatsk na lang ako at umirap sa hangin. Ngayon lang 'to.

Maya-maya ay napansin kong tumayo si Luk.

“Saan ka pupunta?” Agad kong tanong.

Tiningnan naman niya ako. “May bibilhin lang ako sa ibang stalls. Dito muna kayo.”

I nodded but then I saw Vania and Luk exchange glances. Ngayon na ba?

“Pero 'di mo pa ubos yung kape mo,” kontra ni Vania.

What? Anong bang sinasabi niya? Akala ko ba kalahati?

“O sige, ‘pag mas marami yung sa'yo, you can go. Pero kapag kaunti, ubusin mo muna.” Dagdag ni Vania.

Wait is this another trick of her?

I saw Vania grabbed Luk's cup of coffee at pinag-pantay ito. She made a face ng makita niya ang resulta.

“Fine! Makakaalis ka na.” Inabot ni Vania ang kape kay Luk at ininuman naman niya ang kape niya.

“Thank you.” Sabi ni Luk pagkatapos ay umalis na.

Nanatili naman akong tahimik habang minamasdan ang mga kilos ni Vania.

“Okay ka lang ba?” Nagtatakang tanong ko.

She shook her head. “Pwede mo ba akong samahan sa cr? Nasusuka ata ako.”

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko alam ang nangyayari.

Hindi niya tinatanggal ang eye contact niya sa mata ko na parang may gusto siyang ipahiwatig.

“Sure, pero ang lapi—”

Oh. I realize something. Hindi yung cr sa cafe ang tinutukoy niya kun'di yung cr ng mall. Para makalabas kami dito sa cafe!

“Sure, let's go!”

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya ito. Sabay kaming naglakad palabas ng cafe. She held my arms as she motioned the countdown kung kailan kami maghihiwalay. Nararamdaman ko ang daliri niya na nakadikit sa braso ko at kung pang-ilan na ang binibiling niya.

Here we are. 3, 2, 1.

Saktong pagka-one ay napatapat ako sa hagdan at siya naman ay sa pasara ng elevator. We immediately run towards our path.

Hindi ko alam kung sino ang sinusundan ng nanonood sa amin, basta ako ay patuloy na tumatakbo pababa.

Maingat pero mabilis ang pagtahak ko pababa ng hagdan. Tumutulo na rin ang pawis ko dahil ilang floor na ata ang nababa ko.

2nd Floor.

Sulyap ko sa maliit na plaka na nakadikit sa pader. Konti na lang.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para matapos na ang paghihirap ko. Ang hirap hirap kaya tumakbo pababa ng hagdan. Buti na lang ay hindi madulas ang swelas ng sapatos na sinuot ko, kung hindi ay kanina pa ako nadapa.

Tumigil muna ako at hinabol ng kaunti ang hininga nang makarating ako sa ground floor. Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa gilid ng noo ko pero hindi ko ito ininda at nagpatuloy na ako sa pagtakbo. Sana lang ay may tubig na naghihintay sa akin sa parking.

Mabilis na papalit-palit ang paghakbang ko ngunit natigil ito ng maabot ko na ang pinakahuling hakbang sa hagdanan. Sakto namang lumabas si Vania sa elevator? Huh?

Hinabol ko pa rin ang hininga ko pero nagtanong na ako agad. Napaturo pa ako sa pinto ng elevator na kakasara lang. “B-bat ang t-tagal—”

Hindi na niya ako pinatapos pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa kung saan.

Hindi ba muna niya ako papahingahin? Aish.

Halos wala na akong makita dahil nahihilo na ako at hindi na rin ako makahinga. Basta ang alam ko bigla na lang akong napaupo sa sahig matapos naming tumakbo.

Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang, pawisan na ako at malagkit na ang pakiramdam ko. Hinayaan ko munang makahinga ako bago magreklamo.

“Kailangan ba talagang mangyari 'yon? Aatakihin ako ng hika dahil sa'yo eh.” Ini-angat ko ang ulo ko at tiningnan siya ng masama.

Medyo nagulat ako ng makatanggap lang ako ng ngiti galing kay Vania, at teary-eyed pa siya.

Ngayon bigla akong nag-alala. “Hala, sorry na. Kahit 'wag mo ng sagu—”

Vania sitted and leaned towards me, then she gave me a warm hug. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat pero nang tumagal ay tinapik-tapik ko ang likod niya. What's up with her?

“Alam mo ba, no'ng bata ako. Inggit na inggit ako sa'yo. Gusto ko rin kasi noong maging prinsesa pero kabaliktaran ang nangyari sa akin. Bata pa lang, para na akong puppet ng magulang ko.” I heard her sniffed. “Hanggang ngayon naman. Kaya nga nagawa ko ang lahat ng bagay na makakasakit sa'yo. I had to.”

Binitawan niya ako pero nakatingin pa rin siya sa mata ko. Her tears are flowing down pero nakangiti pa rin siya. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Vania, and it hurts me to see her in pain.

“Sorry, Anastasia. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Alam kong hindi sapat ang sorry lang para maibalik ang buhay na nakuha ko pero 'yon lang ang kaya.”

She held my hand. Malamig ang mga ito.

“Alam mo ba no'ng una kitang makasama, hindi ko alam kung paano ka iaapproach bilang isang Vania. Kaya naging flirty na lang ako, kay Luk. Para naman matandaan mo ako bilang gano'n. You're so kind, deserve mong maging leader. Sa sobrang bait mo, hinahayaan mo ako na minsan ay sungitan ka.

Alam mo ba, sobrang nagpapasalamaf ako sa'yo kasi ng dahil sa'yo, nakadate ko si Luk? Kahit alam ko naman na ikaw ang gusto niya.”

Sinulyapan ko naman si Luk na nakatingin lang sa amin. Really?

“Gusto pa sana kitang makasama nang matagal. Pero hindi na pwede eh. Hanggang dito na lang ako.”

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ano bang sinasabi niya. “Prank lang ba 'to?”

She smiled. “Kung pwede lang. Pero hindi eh. You're like my sister, kahit na hindi mo nakikita. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko. Pinapangako kong babawi ako sa'yo, kahit hindi mo na ako kasama.”

She hugged me again and this time, I hugged her back. Both of us have tears flowing down our cheeks.

“I'm so grateful that I met you in this life. At masaya akong makasama ka bago matapos ang lahat.”

She leaned her head on my left shoulder bago natahimik ang lahat. My mind is in state of shock right now kaya hindi rin ako makagalaw. Sana panaginip lang ang lahat. Hindi ko na alam kung ano ba ang mundong pinasok ko. Ganito ba talaga ito karahas? Bakit kailangang may magpaalam? Kailan ba 'to matatapos?

I can't contain myself right now. Lalo na habang iniisip ko na nakasandal sa akin ang walang kibong katawan ni Vania. My tears are flowing endlessly.

Paulit-ulit kong naririnig ang huling sinabi ni Vania.

“I'm so grateful that I met you in this life. At masaya akong makasama ka bago matapos ang lahat.”

Mas lalo pa akong napahikbi ng maalala ang mga pangyayari na kasama siya, lalo na yung mga pikunan namin.

Masaya rin akong nakilala kita. Our memories will remain in my heart. Kahit na puro asaran lang 'yon. You're one of the beautiful girls that I knew. And I'm so lucky to met you.

I felt the weight on my shoulder lightened, marahil ay kinuha na nila ang katawan ni Vania.

Ramdam ko din ang maingat na paghawak ng dalawang kamay sa braso ko para aalalayan na tumayo. At hanggang sa maka-upo kami sa sasakyan ay inaalalayan pa rin niya ako dahil halos hindi ko maaaninag ang nasa paligid ko. My head is aching and I'm tired.

Luk cupped my cheeks and guide my head towards his shoulders. Ako naman na nanghihina ay sumunod na lang.

Narinig ko ang buntong hininga niya. “Ana, I know that this time will come. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa future. But when the time comes na papipiliin ka over me, or them. Choose them, because I don't deserve to be picked.”

I closed my eyes and that one tear fell. Matapos kong marinig ang sinabi niya, wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango na lamang.

I'm willing to enter the warzone, para tapusin na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top