Chapter 51: Welcome Back!

I was out of breath. It seems like I'm inside a deep and dark abyss before I woke up. All I can see is this two pair of green eyes staring intently at me. Kaya wala na akong ibang magawa kung hindi ang imulat na lang ang mata ko kasabay ng paghinga ko nang malalim.

Pero hindi ko inaasahan na sa paggising ko, sasalubungin ako ng mga matang katulad ng nasa panaginip ko. For a while, I stopped breathing.

“Y-you're E-ezniel...” Yun lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.  Si Ezniel ang green-eyed man na nakilala ko noong birthday ko. Wala man akong ebidensya na si Lucind at Ezniel ay iisa pero naniniwala naman ako.

Bumakas sa mukha ni Luk ang pagka-gulat pero napalitan din ito ng masayang ngiti. This time, nakahinga na siya nang maluwag at naka-sandal na sa upuan malapit sa kamang hinihigaan ko.

“I'm glad. You're awake. Who's Ezniel?” He asked while his forehead is creased.

Tumawa na lang ako sa isip ko. Ofcourse hindi niya aaminin iyon. Pero para sa akin, silang dalawa ay iisang tao na ngayon. Hindi ko alam kung paano ko biglang naisip 'yon pero naniniwala naman ako sa sarili ko.

“Gaano na ako katagal na natutulog?” Pagbabago ko sa usapan.

“You've slept for two days, miss sleeping beauty.” Luk answered while eating some grapes.

My mouth gaped. Two days?! Really? “Sino ang nagbibihis sa akin kung gano'n?!” Nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Binigyan ako ni Luk ng nakakalokong ngiti na sinabatan pa ng pagtaas at baba niya ng kilay. Omaygash. This can't be.

Pwersado akong umupo at nagkrus ng braso habang nanlilisik na tinitingnan si Luk. “WAG MONG SABIHING IKAW?!”

Nakita kong tumawa si Luk nang kaunti. “Chill ka lang, ano ka ba. Nagbibiro lang naman ako. Syempre yung female nurses sa team natin ang nagbibihis sayo.”

“Team? Nasa Cepheus na tayo?” Hinihingal kong tanong. Nakakahingal pala ang sobrang galit. Hindi na dapat 'yon maulit pa.

He nodded. “Yes, Your Majesty. Welcome back to Cepheus.”

Doon ako natulala. Oo, excited ako na makabalik. Pero hindi ako sigurado kung handa na akong balikan ang lahat ng nandito. Nag-aalangan pa ako. Kaya ko na bang harapin ang lahat? Lahat ng mga ala-ala? Lahat ng mga iniwan ko? Si Zandra, si mama, at ang D.E. Hindi ko alam.

Pero nandito na rin naman ako, wala na akong magagawa. All I need to do is to face all of my fears with the help of the people who believe in me. But before that I have to do something.

“Pwede na raw ba akong maka-alis?” Baling ko kay Luk.

He looked at me, confused. “Our doctor said na you need more rest. Kaya 'wag ka munang masyadong gumalaw.”

“I'm fine na. May gagawin lang talaga akong importante.” I rolled my eyes. “Who says I follow doctors advice? I've slept for two days and I think that's enough.”

Mabagal man pero tumayo pa rin ako at naglakad. I am perfectly fine. Wala akong nararamdaman na iba. I can manage.

As I reach the door, Luk called me. “Anastasia, can I come?”

“No.” Hindi lumilingong sagot ko sa kanya. I want to visit Lola Emilia's house all by myself.

Minutes passed and I saw myself walking through this familiar alley. Kung saan ko nakilala si lola. The memory of lola taking me to her house is still fresh. Hindi ko inaasahan na madadamay siya sa mga nangyayari sa buhay ko. I owe her an apology.

Tahimik ang paligid, hindi gaya ng dati na puno ng tao ang mga kalsada. Siguro ay dahil palubog na rin ang araw. Sa dalawang buwang pag-alis ko, I don't think something has changed. Cepheus is still the same.

Parehong maliwanag na ilaw ng mga poste ang makikita tuwing pagabi na, parehong mga bilihan, pare-parehong mga bahay at gusali, pero malinaw sa akin kung ano ang nag-iba. Ang pagkawala ng isang mabuting tao sa gitna ng lugar na ito. Bihira na lang ang mga taong may mabuting puso na kagaya ni lola, at para sa akin, nagi-stand out siya kumpara sa iba.

Kaya ngayon, nanghihina pa rin ako, nanghihinayang dahil ako ang dahilan kung bakit siya nawala. Nagdadalawang-isip pa rin ang mga paa ko na humakbang sa tapat ng pintuan kung saan naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina kahit di ko siya kadugo. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang mabagal na inaabot ang door knob ng sira-sirang pintuan kahit napakalapit na nito.

“Here I come.” Bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ito.

Nang mapihit ko na ang door knob at mabuksan nang kaunti ang pinto, mapait na lang akong napangiti.

I took a deep breath and gathered my thoughts. Hinanda ko ang sarili ko para pumasok. And when I'm about to enter, my phone rang.

Matamlay kong inilabas ito mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag ni Luk.

“What? I'm on my moment na tapos sinira mo pa,” I irritatedly told him.

Narinig ko naman ang pag-tsk niya. “Mas mahalaga pa ba 'yan kaysa kay Vania?”

My eyes widened. Isinara ko ulit ang pinto. He got my attention. “Bakit? Anong nangyari kay Vania?”

“Kendeev is questioning her right now, inside the interrogation room.”

Bigla naman akong nagtaka. “Ha? Bakit?”

“Just come here. Dalian mo.” After he said that he immediately ended the call.

Argh! Nakakairita siya. Sana nag-paalam siya nang maayos bago niya ibinaba ang tawag. Bastos talaga.

Pero nakapagtataka na ini-interrogate ni boss si Vania? Bakit naman niya gagawin 'yon? I know I can trust Vania. Oh yeah, maybe nadamay lang siya kasi my something na nangyari.

Wala na akong sinayang na oras at tinahak ko agad ang daan pabalik sa base ng AV. Kailangan kong malaman kung anong nangyari.

Nang makarating ako sa labas ng interrogation room ay naabutan ko si Luk na paikot-ikot at hindi mapakali.

“Anong nangyari?!” Magkadikit ang kilay na tanong ko sa kanya.

Itinuro niya si Vania na nasa kabilang banda ng glass na bintana. “Inaakusahan siya ni Kendeev na siya ang nagturo sa DE kung nasaan tayo noong nasa Pilipinas pa tayo. Kaya may umatake at bumaril sa'yo.”

Nanlaki ang mga mata ko. “ANO?!”

Parang biglang tumaas ang dugo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. I can't barely move a muscle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa isa sa mga couch at napa-upo.

“P-paano n-nangyari 'yon? She can't be a t-traitor, r-right?” Nangiginig na sambit ko. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

I saw Luk shrugged his shoulders. “I don't know. Anyone can be a traitor.”

“Naniniwala ka kay boss?” I looked at him. Hindi ko inaasahan ang isinagot niya sa akin.

“Kendeev won't accuse someone if he doesn't have a strong proof. Hindi siya yung tipo ng tao na magtuturo na lang nang basta-basta.”

Unbelievable! Hindi ba siya naniniwalang hindi traydor si Vania? Kasi ako, oo.

“But we're good friends! All of us. We're a team. I believe she can't do that to us! Kasi hindi iyon magagawa ng isang kaibigan,” I convinced him.

“Well, maybe you're not her friends,” singit ng isang boses. At 'yon ay kay boss. His voice is as cold as ice.

Bagsak ang balikat na sumandal ako sa upuan pagkatapos ay napayuko na lang ako. I can't believe this is happening.

“You're just convincing your self to believe in a false belief. Nga pala, gusto ka raw niya maka-usap. Pero kung ako sa'yo, hindi na ako makikinig sa kung ano mang sasabihin niya...I hate traitors." He coldly said and walked away.

I can feel my body shivers habang lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig niya.

Nilingon ko si Vania at nakita kong nakatingin din siya sa akin. At ngayon, wala na akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Hindi na siya ang Vania na kilala ko.

Mabagal akong naglakad papunta sa loob ng silid kung nasaan siya. At habang naglalakad ako, iniisip ko kung anong sasabihin ko. Kasi hindi ko talaga alam. Hanggang sa naka-upo na ako sa tapat niya at ang unang lumabas sa bibig ko ay...

“Did you really do that?”

She nodded. "Yes. At wala akong pinagsisisihan.”

I was taken aback by what she said. Now, I felt so betrayed.

“Akala ko magka-ibigan tayo? We're a team, right? Tinulungan pa nga kita kay Luk. Ang tagal na ng pinagsamahan natin! Hin—”

"Stopped! I don't wanna hear your dramas! It was all an act, okay?! You are not my friend! Kalaban ka!” She yelled.

“Why?!” Tanong ko. Kailangan kong malaman kung bakit niya nagawa 'yon.

Instead of answering me, she just provoked me.

“Did you know, na ako ang dahilan kung bakit may humabol sa inyo ni Luk nung itinatakas ka niya sa araw ng kasal mo kay Raphael?”

Naalala ko pa 'yon. Halos mamatay na ako dahil sa pagmamaneho ni Luk dahil may humahabol sa amin at pinagbabaril kami.

I blankly stared at the traitor while waiting for the next words that she will say.

“At siguro, alam mo na rin na ako ang may pakana kung bakit kayo natunton sa Pilipinas. Nag-enjoy ba kayo? I hope magaling na ang sugat mo." Nakakaloko niyang saad habang nakataas ang gilid ng labi niya. “Welcome back!”

I can feel my rage engulfing my body. Nag-iinit ang ulo ko. Ang mga kamay ko ay nanginginig dahil sa marahas na pagkuyom ko dito.

“Oh, wait. There's moreee!” Halatang nag-eenjoy siya na nakikita ang reaksyon ko dahil sa tono ng boses niya. “Kumusta naman si—ano nga bang pangalan no'n? Lola Emilia? Tama! Kumusta na siya? Buhay pa ba siya?”

Doon na nandilim ang paningin ko. My mind went blank. Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na pinatama ang kamao ko sa makapal niyang pisngi.

My mind is in a whole mess at pakiramdam ko ay ang gulo ng paligid ko. Ang malinaw lang sa akin ay gusto ko pang sundan ang suntok na ginawa ko sa babaeng kaharap ko. But then , someone stopped me from landing another hit on her stupid face.

“WHAT NOW?!” Nagwawala kong sigaw. Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak ng dalawang tao na umaawat sa akin. But their strong grip didn't stop me from kicking this traitor on her tummy.

Seeing her lose her balance and lie on the floor don't make me feel better. Sa tingin ko ay kulang pa ang ginawa ko. Ngunit nailayo na ako ng dalawang humahawak sa kanya.

I can feel my despise over her increasing. My blood is boiling and I want to hit her again but I can't. “Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" I told her while gritting my teeth. I'm throwing her my sharpest glare.

“Scary,” she playfully said, then smirked.

“GO TO HELL!” I screamed at her. The door banged after me dahil sa kakagawan ng dalawang humihila sa akin.

Hindi ko pa rin tinigilan si Vania sa pagtingin sa kanya nang masama kahit na may pasa na siya sa mukha. I will totally assure my self that she will pay. Hindi ko papalagpasin ang ginawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top