Chapter 50: Last Day on Vacation (Part II)
Agad na kumuha ng atensyon ko ang malaking glass window, kung saan kitang kita ang paglubog ng araw. I started to walk towards it and unconsciously sat on the couch while watching the sunset.
"It's beautiful!" Medyo nakakabawas ng frustration ko. Maya-maya ay dumating si Luk at may iniaabot na juice. Agad ko naman itong tinanggap.
"The sun's gone. Maybe we could take our dinner? Then after that we're going on a stargazing," he stated.
I can imagine my eyes twinkling. "Talaga?!"
Tumango naman siya. "Yup, kasi yun naman talaga ang gagawin natin dito. Pero tigilan mo ang pagpa-puppy eyes mo. Hindi bagay sa'yo."
I grimaced. "Hindi naman ako nagpa-puppy eyes! I thought my eyes are twinkling-well, atleast that's what I expected. You're the second person that told me that, maybe it's true."
"And who's the first?"
"Callix." I answered.
Nagkibit-balikat naman siya. "Totoo nga siguro."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at sinundan na lang siya. Dinala naman niya ako sa dining room ng bahay kung saan may mahabang table at upuan. The room is lighted by semi-flash lights and led lights at the corners. On one side of the room, there is a mini-bar with different kind of wines and wine glasses hanging upside down. Unlike their mansion, this house is more modern.
He brought a plate with a roasted beefsteak. The smell is so nice and also the dressing. Nakapagtataka na nakapagluto ng ganito si Luk.
"Niluto mo 'to?" Tanong ko sa kanya habang inilalapag niya ang shake na ginawa niya kuno.
"Yup!"
I raised an eyebrow.
"Just kidding. It was my robot. He's name is Pan. Our teams robot," pagbabago sa sagot niya.
"And where is he?" I excitedly asked. Gusto kong makakita ng robot!
"Unfortunately, he's asleep so he can't see you."
Nagka-dikit ang mga kilay ko. "May natatutulog bang robot?!"
"Meron. Siya," patango-tangong saad niya.
Fine! Kung ayaw niyang inilabas, e'di 'wag!
Kinain ko na lang ang nakahain sa harap ko at pagkatapos ay mabilis na ininom ang apple shake na para bang hindi ako nakatikim ng apple juice kanina. Aish. Pero in fairness, masarap ang luto ni Pan.
"Tapos ka na agad?" Tanong sa akin ng katapat ko.
I nodded.
"Well, I'm also done," he announced.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Meron ka pang tira." Tinuro ko ang natitirang beefsteak sa plato niya.
"I can't eat that, Pan's cooking skills is terrible!"
I rolled my eyes. "Liar! Baka mas magaling pa nga siya sa'yo."
"Yeah. Whatever."
Tumayo siya at naunang naglakad na para bang wala siyang iniwan na pagkain sa lamesa. Aish. I don't really get him sometimes.
Sinundan ko siya bago pa siya makalayo at mukhang pupunta siya sa labas. I think I saw a glimpse of telescope positioned outside through the glass window from the dining room.
Medyo nagulat pa ako nang kaunti dahil pinagbuksan ako ni Luk ng pinto-at ipinatong pa sa balikat ko ang jacket na suot niya. Napatulala ako sa kanya habang pinagmamasdan ang papalayo niyang pigura.
I felt like there's some change on Luk's aura by the time that we stepped out of the house. Or maybe it was just the sea breeze and the soft sand. Umiling ako para iwaglit ang nasa isip ko at sinundan na lang si Luk.
Iginiya niya ako sa puting tela na nakalapag sa buhangin kung saan may telescope nga!
"What is this for?" I excitedly asked.
He just motioned his hands gently towards the cloth at hindi na nagsalita pa. Kaya umupo na lang ako doon, tinabihan naman niya ako pagkatapos ng ilang segundo.
Silence engulfed our surroundings making me appreciate the whole scene. Tanging ang alon lang sa dagat na humahampas sa dalampasigan ang nag-iingay. The bright stars decorated the sky without the moon in sight. Nagbibigay din ito ng liwanag maliban sa coastal string lights na nakasabit sa kung saan para paligiran kami.
I took a deep breath as I reach the picnic basket near my seat. Ngayon ko lang narealize na sobrang nakahinga na pala ako nang maluwag, hindi kagaya noon na bukod sa trabaho ay inaatupag ko rin ang pagiging prinsesa. Ito naman talaga yung purpose ng pagbabakasyon namin dito 'diba?
Kumuha ako ng dalawang malamig na softdrinks na nasa lata at ibinigay ko kay Luk ang isa. Tinanggap niya naman agad ito ngunit ang tingin niya ay nasa kalangitan pa rin. I can't blame him. Maganda naman talaga itong pagmasdan.
"Which do you think is a planet?" Luk said out of the blue.
"Huh?" Nalilito kong tanong pagkatapos ay tiningnan din ang langit. "M-maybe none of them?"
"How can you say?" Sunod niyang tanong.
Question and answer ba 'to? Aish. Pero anyways, makasagot na nga.
"They all look alike. All of them are like a twinkling dot," I answered while looking at him. Nakapagtataka na siya ah.
Nakita ko naman siyang umiling. Pagkatapos ay itinuro niya ang ilang bituin. "Those are planets. Look through the telescope."
Ipinaglipat-lipat ko ang tingin ko kay Luk at sa telescope. Ano bang gusto niyang sabihin? Kanina pa siya ganyan. Kinakabahan tuloy ako.
I shook my head. "Go straight to the point. What's with the serious mode ba?"
Bumuntong hininga siya. "We, humans, are all the same when you look at it naked. Ofcourse you will see no difference. But if you tried to observe each of us harder, you will find things that differs from another."
Ha? Ano daw? Bakit bigla na lang naging ganyan ang sinasabi niya?
"Everyone has their own secrets and mysteries but when we join in the crowd, no one will give attention about those, people will just think that we're all the same."
Oh. I think, naiintindihan ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Tumango ako. "Just like the planets, disguised as stars."
He nodded. "When you're in disguise, did people quickly notice that you're just pretending to be someone else?"
"No."
"Right. Malalaman lang nila kapag binigyan ka nila ng sobrang atensyon. And your intentions when disguising, nalalaman ba nila?"
"Hindi rin," sagot ko ulit.
He sipped his softdrinks before talking again. "You see, lahat tayo ay may tinatago o nagtatago. Nagpapanggap na ibang tao. Probably we have our own reasons, either good or bad.
We keep secrets because we don't want others to know about it, we disguise and pretend because we want to hide our true self. And why are we doing this? Because we have our own intentions. Kung hindi ito bibigyan ng atensyon ng iba, then they wouldn't know."
"Do you want to be a victim of this hiding and pretending?" Tinapunan niya ako ng sandaling tingin.
I shook my head. Of course not! Ako dapat ang suspect, hindi ang biktima.
Tiningnan niya ako sa mata. "Then you should observe deeply. Don't be fooled by what others look. Don't underestimate other people.
Because sometimes the real enemy might be the one you drank coffee with many times."
Sinabi niya lahat 'yon nang hindi tinatanggal ang eye contact namin. Tumataas tuloy ang balahibo ko sa braso.
Pero naiintindihan ko lahat ng sinasabi niya, pati ang gusto niyang ipahiwatig. Siguro, dapat na 'wag na akong basta basta magtiwala sa kung sino-sino. I should choose the people whom I trust wisely.
"Eh ikaw. Mapagkakatiwalaan ba kita? Are you not a traitor?" Tanong ko sa kanya.
"I have my secrets, but I assure you, you can trust me."
"Weh? Pa'no mo nasabi?" I jokingly said.
"Because I will put my life at risk just to be your knight in shining armor."
Doon naman ako natigilan. Seryoso ba siya? Nagbibiro lang naman ako eh.
"At seryoso ako." Tiningnan niya ako sa mata na para bang nababasa niya ang isip ko. I can see the familiar sincerity in his eyes.
"T-talaga? May sikreto ka?" Nabubulol kong tanong para baguhin ang usapan. "Baka p-pwede mo naman ishare."
He slightly chuckled. "Secrets will come out if it is the right time. Just stay patient. Aaminin kong marami kaming tinatago sa'yo. Pero sasabihin naman namin 'yon sa tamang panahon."
"Bakit hindi ba pwedeng ngayon na ang tamang panahon?" I pouted.
Natawa lang siya pero naputol iyon ng biglang pagtunog ng kanyang relo. "Fuck."
"Anong nang—"
Bigla niya akong hinatak papasok sa loob ng bahay at pagkatapos ay ni-lock niya ang pinto. May pinindot siyang kung ano-ano sa relo niya na naging dahilan ng pagbaba ng mga bakal na panangga sa paligid ng bahay niya na para bang pinoprotektahan kami. Kasabay naman nito ang pagkarinig ko ng malakas na pagsabog sa labas ng bahay.
Napanganga ako ng ilang segundo pero napalitan din naman ito ng kaba. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Luk ano bang nangyayari?!" Natataranta kong tanong.
"Dead End. Stay there. Papunta na sina Ace, may kukunin lang ako madali," kalmado niyang sabi.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang Dead End. Paano sila naka-abot dito? Biglang bumalik ang mga ala-ala na kinatatakutan kong mangyari ulit. Malalim na ang paghinga ko pero hindi ko pa rin makontrol ang tumatakbo sa isip ko.
Patakbong pinuntahan ako ni Luk at nakita ko sa mata niya ang pag-aalala. "Anastasia, kumalma ka lang. Walang mangyayari masama hanggang nasa tabi mo ako, okay?"
Medyo natawa ako sa sinabi niya pero pinipilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. I know I am brave. Kaya ko 'to. I once won over my trauma with DE, at magagawa ko ulit 'yon.
Inabot sa akin ni Luk ang pistol na hawak niya. "This is just for your protection. Kaya mo 'yan."
I smiled and took the gun. Kaya ko talaga 'to. I guess marunong na akong gumamit ng baril and that's all thanks to them.
"So this is the plan. Aakyat tayo hanggang sa rooftop gamit ang elevator." Tinuro niya ang elevator sa harapan namin. "Until there, ligtas tayo. Pero pag nakalabas na tayo, hindi na tayo sigurado. Mauuna kang umakyat sa chopper, I will cover up for you. Kahit anong mangyari o marinig mo 'wag kang lilingon sa likod, okay?"
I nodded. "Copy."
Naglagay siya ng granada sa bulsa ng leather jacket niya pagkatapos ay pina-una na niya akong sumakay sa elevator. Kinakabahang pumasok ako sa loob kaya wala na lang akong magawa kun'di ang pumikit. Parehas kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa rooftop. Sarado pa rin ito.
"When I say run, run, bilisan mong tumakbo dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang icover ka," bilin niya ulit na tinanguan ko naman.
"Here it is." Huminga ako nang malalim.
"One...two...three...RUN!" Luk shouted.
Unang hakbang ko pa lang ay putukan na ang naririnig ko, maya-maya ay nasundan ito ng pagsabog. Pero heto ako, tumatakbo lang na parang ilang kilometro ang layo ng pupuntahan ko. Bakit ang tagal?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa peripheral vision ko ang pagtaas ng helicopter sa may kaliwa ko. Hindi ako ang target pero I'm pretty sure na nasa likuran ito ni Luk at hindi niya ito alam. Pero nakikita ko rin na malapit na ako sa chopper namin.
Natataranta ako at para bang hindi nagkakasundo ang mga paa ko. At the end mas pinili kong tapusin muna ang nasa likod ni Luk.
I focused my attention to the man pointing a gun at Luk's back. Mas kinabahan pa ako dahil baka maunahan niya ako. I can't lose my partner!
I took up all of my courage para iputok ang baril na hawak ko. Tumama man ito o hindi pero atleast nailipat ko ang atensyon ng taong 'yon sa akin.
"ANA!" Luk's scream echoed.
Napalingon ako kay Luk dahil dito pero pagkatapos ay nagpatuloy na lang rin ako sa pagtakbo sa chopper. Wala na akong marinig dahil siguro nakafocus na ang attention ko sa pagtakbo para na rin mabilis na akong makarating. I can feel my body weakens as I reach my seat inside. Napagod ata ako sa pagtakbo.
Ngumiti ako kay Ace nang lumingon siya sa akin pero hindi man lang niya ako nginitian. His face is full of concern. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang problema kaso hindi naman niya ako maririnig. Pumikit na lang ako at sumandal sa upuan habang hinihintay ang pagdating ni Luk.
Maya-maya lang ay nakarating na rin siya at naramdaman ko na ang pag-angat ng helicopter. Isinandal ni Luk ang katawan ko sa braso niya kaya nanghihina kong iminulat ang mata ko kahit medyo blur na ang paningin ko.
Nagtaka ako dahil sumalubong sa akin ang itsura ng mukha niyang parehas ng kay Ace, nag-aalala rin siya. "Please don't die on me, please."
Mapakla akong natawa. That's the time I realize na may tama pala ako ng bala nang hindi ko namamalayan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top