Chapter 5: First Mission

Nagmamadali akong naglakad palabas ng headquarters. Bumukas ang malaking pinto at nagpakita sa akin ang isang hagdan pataas. Dali-dali akong pumunta doon.

Pinindot ko ang earpiece ko para tawagan si Callix. Nang sumagot siya ay nagsalita agad ako.

"Callix, sunduin mo ako dito, palabas na ako."

Pinatay ko agad ang tawag at hindi na hinintay ang sagot niya. Nang paakyat na ako ay naalala ko pala na suot ko pa rin ang jacket at face mask ko. Kaya naman pumunta ako sa locker ko. Nilagay ko ulit ang kamay ko sa hand scanner at kagaya ng ginawa ko kanina, walang pag-aalinlangang nagsalita ako.

"Agent shut up."

Tinanggal ko agad ang face mask ko at jacket at pasalampak na inilagay sa loob. Hindi ko na naisipang ilagay pa yun sa hanger o di kaya ay tiklupin ng maayos. Next time ko na lang aayusin yan. Wala ako sa mood.

Tumakbo ako paakyat ng hagdan at papunta sa gate ng bahay. Nang makalabas ako ay nakita ko agad si Callix na nakasandal sa hood ng kotse at naghihintay sa akin. Nang mapansin niya ako ay humarap siya sa akin. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagdikit ng mga kilay. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa driver's seat ng kotse. Nang akmang isasara ko na ang pinto ay pinigilan niya ako.

"Anong gagawin mo?" tanong niya habang magkadikit pa rin ang mga kilay.

"Magda-drive."

"Saan ako uupo?"

"Malamang sa shotgun seat. Alangan naman kumalong ka sa akin habang nagda-drive ako."

Napasimangot naman siya.

"Zie wag mo akong pilosopohin. Hindi ka pwedeng mag-drive, tingnan mo ang itsura mo. Baka mabangga tayo."

"Callix, inuutusan kita na dun ka na umupo sa shotgun seat. O kung ayaw mo, maiwan ka na lang at maglakad pauwi. Diba butler naman kita? Kaya sundin mo ako."

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya. At kapag gumaganyan siya, ibig sabihin, talo siya.

"Fine!"

Lumipat naman siya sa kabila at pinaandar ko na ang kotse. Sa una ay relax pa akong mag-drive, pero habang tumatagal ay naaalala ko ang nangyari sa akin sa loob ng base kaya hindi ko maiwasan ang pag-init ng ulo ko.

"So your mission is just simple. Kailangan mo lang naman kunin ang loob ng taong papakasalan mo. Si Raphael Voltair. At kapag nakuha mo na ang loob niya, maari ka nang makakuha ng paunti-unting impormasyon sa kanya."

Pagpapaliwanag niya at nagbigay pa ng picture ni Raphael. Pero, no way.

"What?! At bakit ko naman gagawin iyon? Tsaka bakit ako lang?" tanong ko sa hindi makapaniwalang boses.

"That's your mission. Kaya mo na iyon mag-isa at hindi mo na kailangan ng tulong ng iba."

"Boss, alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Yes lux, alam ko ang sinasabi at pinaggagagawa ko," sabi niya habang ginagalaw ang swivel chair pero nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Pwede namang si tenebris na lang ang gumawa niyan, o di kaya si umbra. Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang pinakamalapit sa kanya."

"Pero ayaw ko."

"Yun nga ang point ko. Ayaw mo, kaya tinawag kong misyon. Misyon na kailangan mong kumpletuhin. Sa ayaw mo at sa gusto."

"Hindi pwede. Ayaw ko nga siyang makasama tapos kukunin ko ang loob niya? No way. Hindi nga ako pumayag na magpakasal sa kanya. At tsaka kapag naisip niya na okay lang na ikasal ako sa kanya, baka hilingin niya kay mama na mas paa-gahin ang kasal. Sunod-sunuran pa naman si mama kay Raphael. At yun ang pinakaunang ayaw kong mangyari. Gusto ko sumuko na siya. Hindi ba pwedeng ibang misyon na lang ang kunin ko?"

"Yan ang nararapat na misyon na para sa'yo at hindi na yan mababago."

Umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo ko. Ayaw kong magpakasal sa kanya!

Tumayo ako at inihampas ng malakas ang kamay ko sa lamesa. Alam kong hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya pero naririnig niya ako. At alam ko rin na dahil dun mararamdaman niya na naiinis ako na ako.

"Sit down lux. Kumalma ka muna."

"Pati ba naman ikaw boss? Pipilitin mo rin ako. Parehas lang naman pala kayo ni mama. Akala ko dito ko mararamdaman na walang kumukontrol sa buhay ko, mali pala ako."

"Lux, pumasok ka sa organisasyon na ito at pinangako mong tatanggapin mo lahat ng misyon na ibibigay sayo."

"But not this one! Nakasalalay dito ang kinabukasan ko. At kapag naramdaman nila na wala akong problema sa kasal, baka mas pabilisin nila ito. Ayaw kong magpakasal na hindi sang-ayon sa kalooban ko. Magsisi ako sa huli!"

"No. You should calm down. This is for our organization. Makakadagdag ito sa pieces of information na makakabuo sa malaking puzzle. At isa pa, hindi ka namin pababayaan. I have plans. "

"Plans? Bullsh*t!"

Naglakad ako at tuluyan ng umalis. Pero may pahabol siyang sinabi.

"You should think about this. Malaking tulong ito para sa organisasyon."

Hindi ako lumingon at naglakad paalis.

"Fudge! Zie may puno! Ahhhh," napalingon ako kay Callix at sa tinuturo niya.

Mabilisan ko namang inikot ang manibela pakaliwa para maiwasan ang puno na itinuturo niya.

"Oh Fvck. Sh*t. Ayaw ko pa mamatay, sh*t," sabi ni Callix sa sarili niya habang madiin na nakapikit at nakahawak ang dalawang kamay sa upuan niya.

Natatawa naman ako sa kanya. Ganito talaga ako magmaneho kapag mainit ang ulo. Kaya siguro ayaw akong pagdrive-in ni Callix kanina.

Bumukas naman ang mga mata nya at tinitingnan ang daan. Halatang takot na takot siya.

"Oh fudge! Zie! Zie! Zie! Fudge. Anong kasalanan ko sa buhay ko at ikaw ang naging amo ko. Lagi mo na lang ako ginaganito. Fvck. Sh*t. Ahhhh Zie, tumingin ka sa dinadaanan mo! Mamatay tayo! Sh*t. Ahhh, Zie babangga tayo."

Mabilis na inilingon ko ang ulo ko sa daanan at nakita kong tatama kami sa isang malaking bato. Mabilis ko namang tinapakan ang preno. Kapag ganito ako ay hindi ako nagpapanic kaya kapag babangga ako, chill lang. Ganun ang kailangan ng isang driver. Relax.

Napansin ko naman na mabilis na nakalabas si Callix sa sasakyan. Kaya lumabas din ako at pinuntahan siya.

Pagdating ko ay nakita ko siyang malalim ang bawat paghinga.

"Oy Cal, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Hindi makapaniwalang tiningnan lang niya ako.

"What?"

"Wow ha. Sa tingin mo okay lang ako? Pagkatapos mong mag-drive nang pagkabilis-bilis, akala ko mamatay na ako. Tapos tatanungin mo ako kung ayos lang ako. Ano sa tingin mo ang sagot? Muntik pa akong magka-heart attack ng dahil sayo. Ano ka ba talaga? Naguguluhan na ako. Prinsesa o car racer?"

Natatawa akong sumagot. "Both."

"Hindi naman kita tinuruang magmaneho ng ganun ah. Saan ka natuto no'n?"

"Experience. At tsaka diba kapag mainit ang ulo ko ganun talaga ako magpatakbo. Akala mo naman ngayon mo lang yun naranasan. Eh dati ko pa ginagawa yun, may isang beses nga na muntik pa tayong mahulog sa bangin."

"Sige ipaalala mo pa. Bakit kaya ako pa naging butler mo?"

"Kasalanan ko bang nag-apply ka?"

Tumango-tango lang siya. "Edi kasalanan ko na. Bakit kaya ngayon ko lang naisipan 'to?" Sumeryoso ang mukha niya. "Magpa-file na ako na ako ng resignition letter."

Nawala naman ang ngiti ko.

"Seryoso?"

Tumango ulit siya.

"Callix naman. Hindi magandang biro yan."

Itinuro niya ang mukha niya. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Callix naman."

"Anastasia, totoo ang sinasabi ko."

Tinawag niya ako sa pangalan ko. Ibig sabihin hindi nga siya nagbibiro. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi siya pwedeng umalis. Callix. Hindi. Ayoko. Best-friend ko siya.

"Callix, please."

"Hindi na magbabago ang isip ko. Anastasia pagod na ako. Ang pagod mong bantayan. Nakakapagod na. Kailangan ko ng break."

"Pero sabi mo hindi mo ako iiwan?"

Umiling siya.

"Nagbago na ang isip ko. Anastasia, lahat ng tao napapagod. At ngayon sobrang pagod na ako. Hindi ko na kaya. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang. Lagi naman akong nagbibigay sayo."

"P-pero Callix, promise, hindi na kita isasama kung ayaw mo. Hindi na kita pipilitin. Callix, huwag mo naman akong iwan."

"No Anastasia. Kailangan ko na talagang magresign."

"Callix."

Tumulo ang isang patak ng luha ko. Kasunod ng pangalawa. At ng pangatlo. Hanggang parami ng parami na sila.

Nilapitan niya ako at pinunasan ang mga luha ko kaya mas lalo pa akong umiyak.

"C-callix please?" Nangungusap ang mga mata ko pero umiling lang siya. At mas lalo pa akong napa-iyak.

Ang dami na naming pinagsamahan. Tapos gaganituhin lang niya. Itinuring ko siyang best-friend tapos iiwan lang niya ako. Bakit? Bakit lahat ng taong mahal ko ay iniiwan ako. Ganun ba talaga?

"Callix. Cal. Huwag mo akong iwan."

"Ssshhh, huwag ka nang magsalita," sabi niya pero parang may kakaiba sa boses niya. Iaangat ko sana ang mukha ko para makita ang mukha niya pero bigla niya akong niyakap.

Mas lalo pa akong umiyak dahil sa ginawa niya. Parang non-stop ang luha ko.

"Callix please."

Hindi siya sumagot. Mas lalo pang humigpit ang pagkayakap ko sa kanya. Bakit hindi niya ako iniwan dati pa lang? Para hindi na ako nasasaktan ng ganito. Best-friend ko siya. Pero bakit ganun? Iiwan lang din naman pala niya ako. Pagod na daw siya? Bakit ako, hindi napapagod? Pagod na rin akong iwan ng mga taong mahal ko. Una si Papa, tapos siya? Sino pa sa susunod. Si Zandra? Sana hindi na yun mangyari. Callix naman. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ka.

"Maghanap ka na lang ng ibang butler," sabi niya.

Kumawala naman ako sa pagkakayakap niya. Maghanap ng ibang butler? Hindi yun ganun kadali.

"Callix, wag ka na kasing..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha niya. Para siyang nagpipigil ng tawa. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil baka namamalik-mata lang ako pero walang nagbago. Ganun pa rin ang itsura niya.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Ang pangit mo," sabi niya at humagalpak sa tawa.

"Eh bakit ka tumatawa?"

"Kasi..."

Teka, wag mong sabihing.

"Nagbibiro lang naman ako, tapos grabe ka kung maka-iyak. Magaling ba akong um-acting? Ganun ba ako kaimportante sayo kaya iniyakan mo ako?" Tumatawa pa rin siya.

What the actual fudge! Umiyak ako para lang sa wala. Hindi magandang biro yun. Naramdaman kong umaakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko. Pero walang sense kung magagalit ako. Kaya pinanlamigan ko siya ng tingin. Napalunok naman siya.

"W-what?"

Hindi ko siya sinagot at bumalik sa loob ng sasakyan. Ini-lock ko lahat ng pinto para hindi siya makapasok. Wala akong pake kung kailangan niyang maglakad pauwi. Ginusto niya yan diba.

Kinakatok naman niya ang bintana ng sasakyan, pero wala akong pake. Ganito ako kapag sobrang nagagalit walang pake at nanlalamig.

Pinaandar ko ang sasakyan at hindi pinansin ang mga pagtawag niya sa pangalan ko. Babalik na ako sa palasyo.

May tumatawag sa earpiece ko at hindi ko iyon sinagot dahil alam kong si Callix lang na naman yun. Kapag naaalala ko si Callix ay nag-iinit ang dugo ko.

Habang tumatagal ay hindi ko napapansin na pabilis na pala nang pabilis ang sasakyan na minamaneho ko. Wala ditong tao kaya wala akong pake.

Ipinagpatuloy ko ang pagda-drive ko habang pabilis nang pabilis ang pag-andar ng sasakyan ko. At kanina pa may tumatawag sa earpiece ko kaya naiinis lang ako sa isiping si Callix iyon. Tiningnan ko ang speedometer ng sasakyan at kaunti na lang ay malapit na ito sa pinaka-limit nito.

Wala akong pake.

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Wala ditong tao kaya ayos lang. Itinatak ko yan sa isip ko.

Pero maya-maya ay may nakita akong isang aso sa unahan. Teka, naliligaw ba siya?

Tinapakan ko ang preno ng sasakyan pero hindi ito tumitigil. Naalala ko na malapit na pala sa limit ang sasakyan at ngayong ng tingnan ko ito ay lagpas na sa limit at over na siya. Fudge. Nanlaki ang mga mata ko sa isipin na mababanggaan ko ang kawawang aso kaya ang ginawa ko ay bumusina ako ng maraming beses.

Beepp. Beeepp. Beeep.

Pero nakatingin lang sa akin ang aso. Teka bakit hindi siya gumagalaw. Malapit na siyang mabanggaan. No. Hindi pwede.

Nakikita kong kaunti na lang ay mababanggaan ko na siya kaya naman nag-panic ako. Fudge! Anong gagawin ko.

Parang may sariling isip ang kamay ko at niliko nito ang manibela. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko natamaan yung aso. Lumingon ako sa likod at nakita kong ayos na ayos lang siya.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa daan ay halos matigil ang pagtibok ng puso ko dahil...

Bbbooooommmm.

Isang malakas na tunog ang lumabas ng bumangga ang sasakyan ko sa isang malaking puno. Unti-unti nang nag-blur ang paningin ko. Maingat akong sumandal sa sandalan ng kotse ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkakabangga ko. I grit my teeth as I felt too much pain in my head. I began to talk to myself just to be calm, saying positive words and whispering some happy thoughts like the one that I did earlier. I smiled.

"O-okay lang, a-atleast hindi ko n-nabanggaan yung aso, b-buhay pa siya ngayon," sabi ko sa sarili ko bago pumikit ang mga mata ko at maramdamang may tumulong dugo galing sa ulo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top