Chapter 49: Vague Truth

A day passed since I discovered that Ace is an assassin. Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ako magre-react kapag nandyan siya. Maybe I'm too shocked and a little bit afraid? Natatakot kasi ako sa ideyang isa siyang assassin, na marami na siyang napatay. Kaya hanggang ngayon, pilit ko pa rin siyang iniiwasan kahit na nasa iisang bahay lang kami.

Napabalikwas ako nang bangon nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sandali lang!" Pagpapaalam ko sa tao sa kabilang banda nito. I slowly walked towards the door, only to see an unexpected person carrying a tray with foods for lunch.

"Hey," mahinang bati ni Ace sa akin. "I brought you lunch and we need to tal—"

"I'm sorry, I can't," I immediately replied and closed the door.

Napasandal ako sa pintuan habang pinapakalma ang sarili ko.

He's still the same, still Ace.
He's still the same, still Ace.
He's still the same, he's Ace!

Paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko. Right, he's still Ace. Ano bang dapat na ikatakot ko?

Wait—am I too hard on him? Nasasaktan ko na ba siya? If I were on his situation right now, siguro ay masasaktan ako kung ganito ang gagawin sa akin.

He tried to talk to me yesterday, pero iniwasan ko siya, hanggang ngayon. Then, he brought me lunch but I slammed the door right before his face. Hindi na tama ang ginagawa ko. Kailangan ko na siyang harapin.

Huminga ako nang malalim bago pihitin ang door knob. Hindi na ako nagulat nang makita ko siya na nakatayo pa rin sa harap ng pinto.

"Sorry." I tried to smile. "What are you saying again?"

Napayuko siya. "Is it okay if we talk?"

Tumango ako. "Sure. Pero 'wag dito, maybe sa garden?"

Agad siyang napa-angat ng tingin. I gave him a genuine smile para iparating sa kanya na I mean what just I said.

"But how about the lunch that I made?" Tanong niya.

Dumako ang tingin ko sa lamesa sa loob ng kwarto ko. "Let me put this there. Kakainin ko mamaya. Thank you."

Kinuha ko ang tray na dala niya at inilapag ito sa lamesa ko. Pagkatapos ay tahimik kaming lumabas ng bahay.

"I want to explain," agad na sabi niya nang maka-upo kami sa isa sa mga benches.

I looked at the red flower beside our seat. "Okay. Basta siguraduhin mo lang na sasabihin mo sa akin kung may gagawin kang something ha, like you know, an assassin thing." Mahirap na baka may balak siyang masama sa akin at hindi ko alam kasi 'diba, tahimik gumalaw ang mga assassi—

My eyes widened as I heard him tsked, then realized what I just said. Agad akong tumingin sa kanya.

"I'm sorry, I didn't mean to."

Napatampal na lang ako sa noo habang pinapagalitan ang sarili ko. Pero maya-maya ay narinig ko na rin si Ace na nagsalita.

"I understand your action towards me. Sorry if hindi ko sinabi agad sa'yo. Balak ko sanang itago na lang sa'yo ang trabaho ko..." Pinutol niya ang sasabihin niya.

I don't know what to think and say. Should I say that it's okay even if it's not? Or should I say that I understand him? Argh!

Tiningnan niya ako nang diretso sa mata  dahilan para hindi ko maputol ang eye contact namin sa isa't isa. Now, his eyes is full of emotion.

"Hindi ko naman alam na malalaman mo agad. Wala akong choice kung hindi ang iligtas kayo dahil baka mapahamak kayo. Pero I'm still the same Ace that you knew. Wala namang nagbago. Iba na ba ang tingin mo sa akin?"

I let out an awkward laugh. Hindi ko alam ang sasabihin. Napayuko na lang ako. "No—yes. I don't know."

I played with my hands after saying that. Umangat ako ng tingin nang matapos ng ilang minuto ay wala pa ring nagsasalita. Hinihintay niya ang explanation ko.

"Ganito kasi. You know I'm afraid of guns at ayaw na ayaw ko sa violence. At ang makita ko na ang isa sa mga itinuturing kong kaibigan ay may pinatay na mga tao sa harap ko...hindi ko inexpect 'yon," paliwanag ko sa kanya. "Medyo natakot lang ako sa'yo, sa pagiging assassin mo. I witnessed how you killed many people, you're like a monster with no sympathy."

After I said those words, I saw how his reaction changed.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you. But I just feel that I need to tell you that."

He nodded slowly. "Iba na ba ang tingin mo sa akin?" Pag-uulit niyang tanong.

I didn't speak a word, only the defeaning silence can be heard. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagbago nga ba talaga ang tingin ko sa kanya?

"Okay, let me explain my self first."

Nanatili pa rin akong tahimik na nagbigay sa kanya ng hudyat para magsimula nang magsalita.

"Hiwalay ang trabaho ko sa personal na buhay ko. They are two different worlds living inside me. Kaya wala kang dapat na ikatakot sa akin," he explained.

But that does not change the fact that you killed many people.

Nakita ko siyang napabuntong hininga. "And in this kind of work, alam mong hindi maiiwasan ang pumatay, lalo na't kami ang humahawak sa halos lahat ng organisayon sa buong mundo. But you  don't have to worry about them, dahil mas masahol pa sila sa akin."

I let his words sink deeper as I thought of it. Maybe hindi nga dapat mabago ang tingin ko sa kanya dahil lang sa nalaman ko. Hindi pa man niya ako nakikilala ay ganyan na ang trabaho niya. What am I expecting? Na hindi na siya uulit na pumatay? I doubt it.

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin at tingnan siya sa mata. "Sa ngayon ay hindi ko masasagot ang tanong mo. Pero ikaw naman ang tatanungin ko."

"What is it?"

"Are you guys hiding plenty of secrets from me?" Tanong ko nang may diin.

He smirked. "Secrets... When someone hides a secret from you, they just wanted to protect you or they think that this is not the right time for you to know, at least that's the reason for us. So spare us if in the future, you discovered that we kept big and many secrets from you."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso? Hindi niya itinanggi? What the fudge, I didn't expect that coming!

Tumayo siya kaya napatayo na rin ako. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa loob ng bahay. Maybe it's the end of our conversation.

"May sikreto kang malalaman galing kay Luk, maybe later or tomorrow. Brace yourself," wika niya bago kami tuluyang naghiwalay.

Ako naman ay naiwang nakatayo sa pwesto ko at hindi na gumagalaw. Nang mapagod ako ay wala sa sariling napa-upo ako sa isa sa mga couch sa sala.

"Nga pala. Magha-hiking kami bukas. Sasama ka ba?"

Napatingin ako kay Ace nang bumalik siya para sabihin iyon. "Hindi ko alam," lutang na sagot ko.

Nakita ko siyang nagkibit-balikat at patuloy na umakyat pataas.

Wait—did he just say hiking? Omaygash gusto ko 'yon. Gustong gusto kong maghiking dati pa. Hindi lang ako nagkakaroon ng pagkakataon. Ano bamg nangyayari sa akin?

Why am I affected to Luk's secret, anyway? I shouldn't be dahil baka kapag nagpa-apekto ako, buong araw ko iyong iisipin at lagi akong lutang. Right, I should focus my attention to something else. Hihintayin ko na lang ang oras na si Luk na mismo ang magsasabi ng sikreto niya. For now, I should pack my things that I will bring for the hiking tomorrow.

Papatayo na sana ako pero nakakuha ng atensyon ko ang isang picture na nakalabas nang kaunti sa isang album. I took the album and opened it.

Nagtataka pa ako habang kinukuha ang nakatalikod na picture sabay upo sa couch. At the back of it, the word Alex is written.

Oh, so si Alex pala ito, yung babaeng kasama sa Pangaea. What does she look? Hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Quickly, I turned it to see the front.

No'ng una ay hindi ko nakilala kung sino ang nasa picture, bata kasi, but I find her familliar. From her hair, to her eyes, I think I completely know her.

Nakaramdam ako ng biglang panginginig ng mga kamay ko. A sudden flush of emotions rushed throughout my veins, mostly confusion. Kaunti na lang ay paiyak na ako, nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Pero sinusubukan ko pa ring mag-isip.

Paano nangyari na ang taong pinoprotektahan ko sa ganitong trabaho ay nakapasok dito? Bata pa siya! Akala ko kapag tinago ko na agent ako ay mananahimik lang siyang mabuhay sa palasyo. Kaya nga ang sinasabi ko sa kanya kaya nagdi-disguise ako ay dahil paborito ko itong gawin. Hindi ko ipinaalam na kasali ako sa sikretong organisayon para protektahan siya, para hindi na siya gumaya pa sa akin.

Pero bakit parang mas malaki ang tungkulin ng kapatid ko sa ganitong bagay kaysa sa akin? Hindi ko matanggap dahil mas bata siya. Dapat sinusulit na muna niya ang teen-age life niya. Hindi yung papasukin agad niya ang ganitong bagay.

Agad kong pinunasan ang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata ko. Dali-dali kong isinara ang album at pagkatapos ay tumakbo papunta sa kwarto ko dala-dala ang picture ni Alex slash Zandra. Ayokong may makakita sa akin.

Nang makapasok ako ay agad kong ni-lock ang pinto at nanghihinang napa-upo sa kama.

Kahit anong gawin ko para protektahan ang mga minamahal ko ay nababalewala. Both of us have a traumatizing past in our childhood, kaya para makabawi ay dapat na ini-enjoy namin ang buhay namin ngayon. But here I am, stuck in finding justice for my father. 'Yan ang dahilan ko kaya sumali ako sa AV. Pero si Zandra, hindi ko alam ang dahilan niya. Hindi pwede na parehas kami ng rason dahil wala siyang naaalala, at bata pa siya noong nangyari iyon. Baka nakalimutan na niya.

I'm working for AV, a branch of Pangaea. But Pangaea is where Zandra is working. Ibig sabihin mas mabigat ang trabaho niya kaysa sa akin dahil pangkalahatan ang Pangaea, not to mention that she's younger. Kaya hindi ko talaga matanggap.

Hindi ko alam kung mapaproud ba ako kay Zandra o magagalit. Paano niya nagawang makapasok at magtrabaho dito nang hindi ko nalalaman. Nakakatawa lang dahil parehas pala kaming nagtatago ng sikreto sa isa't isa. Akala ko ako lang yung may sikreto, siya rin pala.

Marami pang tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kagaya ng, paano nakapasok at nalaman ni Zandra ang organisasayong ito? Ano ang dahilan niya? Bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin? Pero ang pinakamalaking tanong ay alam ba ng apat na ang kilala nilang Alex ay kapatid ko? Kung oo, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung bakit ang dami-dami nilang tinatago sa akin.

Ang bigat lang sa kalooban na sa ibang paraan ko pa malalaman ang mga sikretong tinatago nila. Dapat sana sinabi na nila sa akin bago ko pa malaman sa iba. Oo na, alam kong may mga itinatago rin ako, at alam kong may sariling dahilan si Zandra kung bakit hindi niya sinabi sa akin, kaya pipilitin ko siyang intindihin.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok dito. "Ana, have you made up your mind? Sasama ka ba? If yes, then you should be packing right now."

I smiled bitterly. "I can't...I just feel like I don't want to." Parang nawalan na ako ng gana na maghiking.

"Okay."

Akala ko ay umalis na si Ace pero maya-maya ay narinig ko ulit ang boses niya.

"Kung gano'n ay aalis na kami," wika niya. "We're all prepared, except for Dark. He is sick so he can't come."

Pagkatapos niyang magsalita ay tsaka ko narinig ang yabag ng mga paa papalayo.

Luk is sick?

Kung aalis na sila, siguro ay ichi-check ko muna ang kalagayan ni Luk. Maybe it's better to shift my attention to something else.

I walked towards the kitchen and made a not-so-delicious soup. Hindi ako masyadong marunong magluto, kaya humingi na lang ako ng tulong kay Mr. Google. Pero siguro okay na 'to? Pagkatapos ay inilagay ko ito sa tray kasama ang isang baso ng tubig at gamot.

Dahan-dahan kong dinala ang inihanda ko sa tapat ng pinto ng kwarto ni Luk pagkatapos ay kumatok. Walang sumasagot sa loob ng kwarto kaya naisipan ko na pumasok na lang.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Luk na natutulog habang nakabalot ng makapal na kumot. Immediately, I put the tray on his bedside table.

Namumula ang mukha niya, baka sobrang taas na ng lagnat niya. Sinapo ko ang noo niya at pagkatapos ay mabilis ding inalis dahil pakiramdam ko ay napapaso ako.

Napa-iling ako at lumabas ulit sa kwarto niya. Kailangan ko siyang punasan para kahit papaano ay bumaba ang body temperature niya.

After I prepared a luke warm water and cloth, I used the elevator to go back to Luk's room.

Agad kong inilapag ang dala ko at pinigaan ang damit, saka ko ito pinunas sa noo ni Luk. Sunod ay tinanggal ko ang kumot na nakapulupot sa kanya at pinunasan din ang mga kamay at paa niya, pati na rin ang leeg. Kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya ay dadalhin ko na talaga siya sa hospital. Ako ang kinakabahan sa kanya eh.

Pagkatapos ng lahat ay ipinatong ko ang damit sa noo ni Luk.

Umupo ako sa tabi ng kama niyanat maingat na tinapik ang pisngi niya ng tatlong beses. "Luk, wake up. You need to eat and drink your medicine."

He just grunted. Inulit ko ang pagtapik sa kanya pero hindi siya nagigising! Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ano nang gagawin ko? Unang beses ko pa lang ito na maiwan mag-isa kasama ang may sakit. Nag-aalala na ako. Hindi ako nito marunong! I'm just recalling what my mom and dad did when I was a kid. Right, I should call an ambulance.

Tumayo ako at papahakbang na sana ngunit may pumigil sa akin at hinila ang pulsuhan ko.

Napalingon ako kay Luk at nagka-dikit ang kilay. I thought he's asleep?

"Don't leave," mahinang wika niya.

Oh shoot. Bakit bigla na lang tumibok nang mabilis ang puso ko?

"I-I won't," nauutal kong sagot. Bumalik ako sa pagkaka-upo sa kama.

I saw him smiled, weakly.

"Thank you," he said. "I love you..." He then hugged my waist while me, I froze.

My eyes widened and in a sudden, I felt butterflies inside my stomach. What did he just say? Then what should I reply? Omaygash.

"Mom."

Pagkatapos kong marinig 'yon ay parang bigla akong nasuka. All the feelings stopped.

"Oh." Was all I can say. Hindi pa kasi tapos Anastasia, 'wag kang assumera. I just hope na lang na gumaling agad si Luk. Aish.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top