Chapter 48: The Assassin

Everyone's weird today. Kanina ko pa pinapanood ang balik-balik na mga ulupong sa harapan ko. They kept on walking but no one would give me an attention. Kahit katiting lang. Feeling ko nga hindi nila ako nakikita eh.

Oo na, alam kong ayaw nilang sabihin ang nangyayari sa kanila ngayon pero mali naman siguro na hindi nila ako pansinin. Hindi naman ako mangungulit kung anong pinagkaka-abalahan nila. Binigyan ko ng tingin si Scion na kanina pa tipa nang tipa sa kanyang laptop bago umalis sa couch na kina-uupuan ko. Kukuha muna ako ng malamig na tubig para mainom.

Ilang hakbang lang bago ako nakarating sa pinto ng kusina pero nagtaka ako dahil sarado ito. I slowly twisted the doorknob but it's locked. Ibig sabihin, may tao sa loob. Bakit naman nila isasara ang pinto ng kusina?

Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para makinig ngunit mga bulong lang ang naririnig ko. Lumuhod ako at yumuko sa siwang na nasa ibaba ng pintuan. Sana na lang wala sa aking makakita dito dahil siguradong pagtatawanan nila ako sa posisyon kong ganito.

"We're going. Prepare your car."

"Yes, my Lord."

Ah so si Ace at Luk pala ang nag-uusap. What's with the formality?

"Tayo lang dalawa ang pupunta. Scion and Lucian will act as our support incase something happens," rinig ko ang madiing boses ni Luk sa loob.

"And what about Ana?"

My forehead creased when I heard my nickname. What about me?

"Hindi siya pwedeng sumama. 'Wag na lang tayong magpakita sa kanya bago umalis to avoid questions."

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa parking lot. I'm done! I cannot handle my curiosity anymore. Kung ayaw nilang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari pwes ako ang aalam.

While marching towards the parking lot, I was rooted in my place after I realized that I don't exactly know the car that they will use. Napa-iling na lang ako bago dumiretso sa Mustang ni Ace. Sa pagkaka-alala ko kasi ito ang narinig kong gagamitin nila.

Isiniksik ko ang sarili ko sa compartment sa likod habang hinihintay sila. Sana nga ito ang gamitin nila. I don't wanna waste my effort sa pagsiksik dito.

I shut my eyes while waiting for them.  Maya-maya lang ay nagsimula na akong huminga nang malalim. Nanlalamig din ang katawan ko habang bumabalik sa akin ang ala-ala noon sa Cepheus. Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ang imahe ng drug lord noon na may tattoo ng Dead-End Organization. I was catching for my breath but thanks to the sudden starting of the car's engine, I was able to open my eyes.

Hindi nagtagal ay umandar na rin ang kotse at doon ko na lang ibinigay ang focus ko kaysa mag-isip ng mga bagay-bagay.

I chuckled. I thought I'm brave enough to go back to Cepheus. Pero kulang pa yata eh.

Nagtaka ako dahil mukhang tahimik sila sa loob ng kotse hanggang sa tumigil ang makina. Ngayon ko lang naisip na seryoso sila ngayon sa kung anumang gagawin nila. Parang naka-work mode sila.

Halos tumalon ang puso ko nang biglang malakas na sumara ang pinto. I need to hurry up o hindi ko na sila maaabutan.

Umupo ako at palabas na sana nang bigla kong maalala ang suot ko. I face-palmed. I forgot na bawal pala akong makilala and I don't have things to disguise my self. At isa pa, nakapang-bahay lang ako!

Ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kotse. Anong gagawin ko?
Bumagsak ang tingin ko sa black na bag na katabi ko dito sa likod. I opened it only to see some clothes.

Pinili ko ang isang leather leggings at white na off-shoulder blouse. Medyo nagdadalawang isip pa ako kung susuotin ko ito pero wala na akong choice. Madali akong nagbihis at inayos ng konti ang buhok ko. Inabot ko ang nag-iisang rubber shoes at tumakbo na palabas.

Paglabas ko pa lang ay bumungad na sa akin ang napakaramibg kotse. Dali-dali akong pumunta sa elevator at pinindot ang button na may nakalagay na ground floor.

Para akong napaatras bigla nang bumukas ang pinto ng elevator na sinasakyan ko.

A club?! Anong ginagawa nila dito?

Napatingin din ako sa suot ko. Okay, medyo out-of-place pero hindi ko tanggap na hindi nila ako papansinin dahil pupunta lang sila sa isang club!

Sumugod ako papasok sa loob habang magka-dikit ang mga kilay. Buti naman at hindi na ako hinarang ng bouncer kasi duh, nasa legal age na ako.

Pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga tao lalo na yung mga babaeng grabe kung manamit. Ako tuloy ang nahihiya para sa kanila. Wala ba silang respeto sa sarili nila? Pero well, nasa club naman ako kaya hindi na nakapagtataka kung may makikita akong mga ganito.

Napa-iling naman ako bago tinuloy ang paglalakad papalayo sa pinto. I smirked nang makita ko agad si Ace na mag-isang naka-upo sa isang table at hindi kumikibo. Parang biglang nataranta ang isip ko kung lalapit pa ako sa kanya.

I feel like... he's not the Ace that I know. He's emotionless. Parang wala siyang paki-alam sa paligid. Kaya siguro walang lumalapit sa kanya kahit pogi siya kasi pakiramdam ko, isang maling galaw mo lang...kaya ka niyang saktan.

I forced a smile bago tuluyang lumapit sa kanya. "A-ace?" Nagdadalawang isip kong tawag sa pangalan niya.

He gave me a sharp glaze before his eyes widened. Doon na ako nakahinga nang maluwag. He's back.

"Anastasia?! What are you doing here?" Tanong niya habang papalapit ako.

I shrugged then also sit on one of the stool. "I'm bored in the house 'cause everyone keeps on ignoring me so I went here."

Nakita kong parang tinitimbang niya ang sinabi ko. Then his eyes twitched. "Liar," he whispered.

I laughed. What a lame excuse of me. "Asan nga pala si Luk?"

He pointed at the other side of the club. "There. Talking to someone."

Tiningnan ko ang tinuturo niya at nakita kong nakikipag-tawanan siya sa isang babae na halos hubad na. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot? Galit? Kasi siguro galit ako sa kanila dahil hindi nila ako pinapansin. Pero It doesn't matter anyways. I don't care. I rolled my eyes.

Mas ini-usog ko pa ang stool ko papalapit kay Ace. "Bakit niyo ako iniiwasan?"

"Ana, 'wag ka na magtan—"

"Anong ginagawa niyo dito?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Alam ko namang hindi niya sasagutin ang mga tanong ko pero kahit na.

"Ako muna ang magtatanong, oo o hindi lang ang isasagot mo. I'm expecting an honest answer."

Tumaas ang isang kilay ko. "Sige, payag ako basta sagutin mo pagkatapos ang mga tanong ko."

He nodded then he started to shoot his questions. "Are you hiding in the compartment of my car?"

"Yes," I answered honestly.

"Did you eavesdrop at our conversation in the kitchen?"

"Yes. But I didn't me—"

"Aren't you angry?"

"No."

"Are you curious?"

"Yes."

"Is that your own clothes?"

"No."

"Are you jealous?"

"Yes—" Nanlaki ang mga mata ko dahil huli na nang marealize ko ang tanong niya. "Wait, no!"

He smirked. "Kaya naman pala. Halika puntahan natin sila."

Hinawakan ni Ace ang pulsuhan ko at hinila ako palapit kina Luk.

"Hey, bud. Your girlfriend is jealous," sabi ni Ace sabay tulak sa akin papunta kay Luk.

Nahalata ko naman ang bahagya niyang pagkagulat pero maya-maya ay ngumisi siya.

Inabot niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Agad ko siyang pinanlakihan ng mata at pilit na tinatanggal ang magkahawak naming kamay pero mas malakas siya.

"What are you doing?" Reklamo kong bulong sa kanya.

He just smiled then he pulled me towards his side nang hindi binibitawan ang kamay ko.

"She's Ana—Anne, my girlfriend," pagpapakilala niya sa kausap niya.

Pilit akong ngumiti pero nawala rin iyon ng mapansin kong pinapasadahan ako ng tingin ng katapat ko habang nakataas ang kilay. What the fudge?!

I rolled my eyes. Ayoko sa matataray. "You may now leave my boyfriend," pagtataray ko dito. She flipped her hair before she turned her back and walked away. For the second time, I rolled my eyes. Tsaka ko binitawan ang kamay ni Luk.

"What are you doing here?!" Gulat niyang tanong. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi sinagot.

"Ano ba 'yang suot mo, bakit ganyan?" Humina ang boses niya habang nagtatanong. My eyebrows rose even higher.

Nakita kong hinubad niya ang suot niyang leather jacket at pagkatapos ay ipinatong niya sa akin ito.

Ipinagkrus ko ang mga braso ko. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

Diretso niya akong tiningnan. "We have no time." Inilipat niya ang tingin niya kay Ace. "Ace...do your job. We'll not going to stick with the original plan anymore so I'm giving you my trust in this matter. I'm going to take care of Anastasia. Goodluck."

His butler slightly bowed down before the emotion on his gace faded, then he went somewhere.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang hinahatak niya ako papunta sa sulok ng club kung saan walang masyadong tao. Pagkatapos ay binitawan niya ako at pina-upo sa isa sa mga upuan doon.

"What are you doing here?" Luk asked with his knitted eyebrows. "Alam mo bang delikado dito? Look at you, halatang hindi ka handa sa pagpunta mo dito. Akala ko ba hindi ka pwedeng makilala? You're not in disguise! Hindi ka dapat nagpunta dito."

Ramdam ko ang pagpipigil niya sa pagtaas ng boses. I found it somewhat...sweet. Lahat ng binibitawan niyang salita ay may kasamang pag-aalala. Yumuko na lang ako habang dinidinig ang iba pa niyang sasabihin.

"Akala ko kapag hindi ka namin pinansin, magkukulong ka sa kwarto mo. I did that because I don't want you to meddle with our work! Pero mukhang mali ako," napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Sorry," I muttered. Hindi ko naman kasi alam kung anong ginagawa nila. I'm just a curious cat who wants to know the reason why they're avoiding me. E'di sana sinabi na nila sa akin kanina kung anong nangyayari, hindi yung iiwasan nila ako.

Napa-angat ako sa pagkakayuko dahil nakarinig ako ng sunod sunod na tunog na nanggagaling pala sa relo ni Luk. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Napansin ko rin ang pagkaka-alarma niya dahil tumingin siya sa pintuan ng club.

"We have to get out of here," saad niya sabay hatak sa akin palabas.

Ako naman ay nagpumigil. "Teka, pano si Ace?"

"I know he can handle this. Maalis na sana ang possibility na hindi namin magagawa ang task na ito, only if you didn't come," he said in a monotonous voice.

Napayuko na naman ako. Siguro nga. "I'm...really sorry." That's all I can say after what happened.

"Look at me."

Dinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at iniangat ito upang tingnan ko siya sa mata.

"It's not your fault. May kasalanan din kami. Sorry," he assured me. "Now, we have to get out of here because someone might recognize you and the police is coming."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko at nagpahila na sa kanya palabas.

Seryoso?! Bakit hindi niya sinabi agad? Bakit may pulis? Ilegal ba ang ginagawa nila? Ano bang nangyayari? Ayoko pang mahuli! I can't imagine my name on the headline of a newspaper saying that I am into illegal stuffs! Hindi pwede 'to!

Hindi ko na alam kung nasaan kami dahil nakafocus ako sa pagtatanong sa isip ko. Basta ang alam ko lang nakalabas na kami sa loob ng club. And we're safe!

Not until I bumped into Luk's back and in a blink of an eye, I saw a lot of men in black surrounding us. Wtf! Bakit ang bilis ng mga pangyayari?! Maybe I'm not in focus. Kailangan kong magfocus!

"Anastasia, you know what to do," wika ni Luk.

Anong I know what to do?—wait—ah yes! Pagkatapos na mag-loading ang utak ko ay tumango ako. Focus, Anastasia. Focus!

I readied my self to fight and kick the tummy of the guy opposite to me. Naramdaman ko na rin ang paggalaw ni Luk. Siniko ko sa leeg ang lalaking naka-itim na nasa parteng kanan ko at yumuko para mailagan ang paparating na suntok sa kaliwa. Tsaka ko naman siya ginantihan at tinuhod sa sikmura. I don't like landing punches on someone's jaw but I have no choice, so I did it at one of my attackers. Ilan na ba ang nasample-an ko?

I was about to finish the last guy but he took out his gun and he pointed it at me. Lugi ako! Agad kong itinaas ang dalawang kamay ko at napa-atras. Maya-maya ay naramdaman ko ang likod ni Luk sa may likod ko. Mukhang gano'n din ang nangyari sa kanya. Napaface-palm na lang ako aa isip ko. Paano na ngayon? Akala ko ba ligtas na kami? Bakit naman ganito?

Agad na nanlamig ang mga kamay ko at nagsimula na akong kabahan. Kasabay no'n ang pag-ilaw ng kulay pula ng relong suot ko. Pa-simple kong tiningnan ang relo ni Luk na kaparehas nito at umiilaw rin ito. Nagkadikit ang mga kilay ko. Ano ang ibig sabihin nito?

Binigyan ko ng tingin ang iba pang men in black na napatumba ko kanina at isa-isa na itong tumatayo. Pinalibutan nila kaming dalawa ni Luk. Lahat sila ay may baril na hinugot at itinutok ito sa amin.

Napalunok ako ng laway at ramdam ko ang pamumutla ko. Guns. I hate guns! Akala ko kaya ko ng malabanan ang takot ko dito dahil nakakahawak na ako nito, pero hindi pa pala. I don't know how to react. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Galit, kaba at higit sa lahat takot. I hate this!

Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko inaasahan na darating ang araw na maraming nakatutok sa aking baril, yung parang wala na akong takas. Yung naghihintay na lang ako kung kailan ito ipuputok.

Ibinaba ko na ang nanginginig kong kamay dahil wala na akong mapagkukunang lakas para patuloy pa itong itaas. Hindi pa man lang tumatagal ay naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng kamay ni Luk sa kamay ko.

"You're not alone. 'Wag mong problemahin ang mga baril dahil hindi ka pa mamatay. Ang problemahin mo ay kung paano mo matatalo ang takot mo dito. Andito lang ako, I will never leave you. Tandaan mo yan," bulong sa akin ni Luk.

Maybe this is the right time to conquer my fear. Tama si Luk.

Tiningnan ko isa-isa ang mga baril na nakatutok sa akin. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kaya panay ang hinga ko nang malalim at pagkatapos ay ibinubuga ito.

I should make myself even braver. Inisip ko ang mga dahilan kung bakit nga ba takot ako dito, at iyon ay dahil may may mga buhay ng mahahalagang tao sa akin ang tinapos nito at nakita ko pa mismo. Ayaw ko ng madagdagan pa iyon.

Kahit na takot na takot pa rin ay itinutok ko ang paningin ko sa isa sa mga baril. Kailangan kong alisin ang takot ko, kailangan kong maniwala sa sarili ko na kaya kong gawin ito. Kasi kung hindi ngayon, kailan pa? Kapag nadagdagan na naman ang mawawala sa akin? Ayaw ko na! Kaya kong matalo ito dahil ayaw ko ng magpadala sa takot, kailangan kong harapin ito. At isa pa, andito si Lucind sa tabi ko...hindi niya ako iiwan.

After minutes of inner-self batfle, I can now feel the courage rushing inside me. Tapos na? Natalo ko na? Dinamdam ko ang tibok ng puso ko at hindi na ito mabilis. Binitawan na rin ni Luk ang kamay ko. Ibig sabihin, wala na akong takot. Napakalma ko na ang sarili ko! Ang kailangan na lang namin gawin ay mag-isip ng paraan upang matalo ang mga ulupong na ito na mukhang kanina pa ata ini-interview si Luk.

Kukunin ko na sana ang baril ng pinakamalapit sa akin kaso bigla itong natumba. Huh? Wala pa akong ginagawa!

Napatingin ang lahat dito at bumakas sa kanilang mukha ang pagtataka. Maya-maya ay nagkalat na ang dugo nito sa sahig. I gasped.

"Hanapin niyo ang gumawa nito! At kapag nahanap niyo siya ay dalhin niyo siya sa akin dahil may kailangan siyang pagbayaran!" Sigaw ng isang malaking lalaki na mukhang lider ng mga ito.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ng mga tauhan niya pero isa-isa na itong bumagsak. At siya na lang ang natira.

Nagtatakang hinanap ko ang namamaril pero hindi ko siya mahanap. Ang tahimik ng paligid na hindi ko aakalaing may isa pa palang tao rito. Kung sino man siya, tiyak na hindi siya nakararamdam ng awa dahil ang dami niyang pinatay ng sunod-sunod. Iniisip ko pa lamang ang taong ito ay tumataas na ang balahibo ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tumabi na kay Luk.

"Who is this motherf*cker who killed my men?! Pagbabayaran niya ang ginawa niya! LUMABAS KA DIYAN SA LUNGGA MO AT HARAPIN MO AKO!" His angry shout echoed the whole parking lot.

"Scared?" My comrade smirked. "Oh, don't try to find him because he teleports."

Him? Sino sa kanilang tatlo? Eh pare-parehas naman silang lalaki. Maliban na lang kung may bakla sa kanila, na malabong mangyari. Tsaka hindi naman siguro sila marunong pumatay.

"B*llshit! Papatayin ko na lang kayo!"

Mabilis niyang itinutok sa akin ang baril na naging dahilan ng paninigas ko. I'm not scared but I do not expect this! My eyes are wide open na naging dahilan upang masaksihan ko ang mabilis na paggalaw ng isang tao papunta sa likod niya kasabay ng pagbagsak niya.

Segundo lang ang ginugol ng taong ito para mapatay ang target niya, para siyang hangin. Ngunit ang hangin na ito ay tumigil sa harap ko. At hindi ko inaasahan ang nakikita ko.

"A-ace?" Paninigurado ko pa. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. "W-what a-are y-you?"

Hindi ko na nararamdaman ang takot ko sa baril. Pero ang takot sa taong kaharap ko, hindi ko maipaliwanag.

Napaatras ako. Ang mga mata niya, mas malala pa no'ng kanina sa loob ng club. Parang walang kabuhay-buhay. Hindi nagpapakita ng emosyon. Hindi siya si Ace!

"I'm Ace Piermont and I'm an assassin. I am trained to kill people when necessary," wika niya sa malamig na boses.

A-ace has a m-monster side?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top