Chapter 47: Knowing the Enemy

Natatawa ako habang nakatingin kay Ace na nagmumukmok habang nakanguso pa sa lamesa. Marami siyang binubulong na hindi ko maintindihan pero probably puro pagsisisi ang lumalabas sa bibig niya dahil sa ginawa niya sa amo niya.

Biruin mo ba namang wala kang sahod ng isang buwan. Mukhang ngayon na maghihirap ang butler ni Luk ah. Halos isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin siya makamove-on sa nangyari kahapon.

Though I was shocked until now, sinusubukan ko na lang iprocess sa utak ko ang mga pangyayari. I'm not expecting this pero ayoko namang magtanong nang magtanong. Hindi ako yung tipo ng taong nakiki-usiyosyo sa mga buhay ng ibang tao sa paligid ko. Kung gusto nilang ipa-alam sa akin ang mga bagay, gusto ko sa kanila na magmula para hindi naman nila masabi na pinipilit ko sila.

"Nakakahalata ka na ba?" Ace asked out of the blue. Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Matagal din akong nanahimimik bago nakasagot. "Yes. I'm curious and I want to dig more but I'm not the type of person who will stick my nose into someone else's private life. Kung may gusto kayong sabihin o ipaalam sa akin, sabihin niyo at 'wag niyo ng hintayin na magtanong ako dahil hindi ko gagawin iyon." I smiled.

Hindi ako bulag para baliwalain ang mga nakikita at naoobserbahan ko. I can smell something fishy, pero susubukan ko na lang takpan ang ilong ko. But I'm not promising na lagi kong gagawin iyon. Minsan nga, may theory na ako sa isip ko at ang kailangan ko na lang ay confirmation.

"Wag kang mag-alala marami kaming ipagtatapat sa'yo pero hindi ngayon."

I looked at him and nodded. Maya-maya lang ay tumunog na ang relong ibinigay nila sa akin. Oras na pala para mag-training.

"Gotta go naghihintay na si Lucian," sabi ko kay Ace. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na sa nakasanayan kong training ground.

Bumaba ako ng basement at pumunta sa training ground. Pinalibutan ko ng tingin ang malawak na silid pero wala akong nakita ni anino ni Lucian. Ang sabi ni Lucian 'wag daw akong malate, pero bakit mukhang siya yung nalate? Wow ha.

Naglakad ako papunta sa safe zone sa loob ng glass room, do'n ko na lang hihintayin si Lucian since wala pa siya.

I gripped the door and counted ten seconds. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Ipinilig ko na lang ang ulo ko matapos kong magbilang. Baka guni-guni ko lang 'yon.

Hindi pa man lang ako tuluyang nakakapasok ay may bumagsak galing sa kisame. I immediately moved away from my place and land a kick on his side.

Teka lang sino ba 'to?!

Nakita kong sisipain niya din ako sa tagiliran kaya gumalaw ako palayo pero nasundan niya agad ito ng suntok sa kabila kaya natamaan ako sa braso. Skilled! He faked a kick to land a punch on my arm.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humugot ng baril. Really?! Akala ko ba safe zone itong kwartong 'to? Bakit mukhang dito pa ako madidisgrasya?

Inunahan ko na siyang suntukin sa panga para naman mahilo siya ng konti. Pagkatapos ay bumaba ako para padausdusin ang isang paa ko sa sahig at matapilok siya. Bago pa siya malaglag ay kinuha ko na ang kamay niyang may hawak na baril at hinablot ito. I smirked bago itutok sa nakalapigang katunggali ko ang baril.

Maya-maya ay tinanggal na niya ang suot niyang bonet at tsaka ko lang nalaman na si Lucian pala siya.

Naaawa ako na natatawa habang tinitingnan ang mukha ni Lucian. Panay rin ang daing niya.

Biglang nanlamig ang kamay ko nang marealize ko na tinututukan ko ng baril si Lucian. 'Di sinasadyang naihulog ko ito sa tiyan niya na mas lalo pang nagpa-daing sa kanya.

"Sorry," pigil ang tawang sabi ko.

"Mukhang hindi ka na takot sa baril ah," mahinang sabi niya.

Umiling ako. "Medyo nabawasan lang ang takot ko dahil nasasanay na ako, pero tumatayo pa rin ang balahibo ko kapag nakakita ako ng ganyan."

I offered my hand to him to help him stand and he accepted it. Hinila ko siya patayo at dinala sa sofa.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na siya 'yan. Dapat kasi sinabihan niya muna ako!

Hinawakan niya ang ulo niya. "My head is spinning."

Napangiwi ako. Oo na. Kasalanan ko na. Nasuntok ko siya sa panga eh pero hindi ko naman sinasadya. That's a self defense!

"Tutuloy pa ba natin ang physical class natin ngayon?" Tanong ko pa. Mukhang hindi na kasi kaya ng teacher ko eh.

"That was supposed to be a surprise quiz that you'll fail because you're not prepared," wika niya. Surprise quiz huh?

I nodded. "It is. But I'm always prepared. At isa pa, nasipa mo naman na ako sa tagiliran ah. Ano pang ipinuputok niyang butchi mo?"

"Aish!" Inis niyang sabi. At hinawakan niya ang panga niya.

Don't make me feel guilty!

"Patingin nga!" Hinablot ko ang panga niya at tiningnan kung may pasa ba ito. I heard him groan in pain pero hindi ko ito pinansin.

Mukha ngang napalakas ang suntok ko. Kasi naman eh! Hindi man lang nagsasabi. May pasa tuloy siya sa panga.

"EHEM!"

Napabitaw ako at napa-ayos ng upo dahil sa gulat. Lumingon ako sa pintuan at doon ay nakita ko si Luk na nakasandal at nakakrus ang mga braso.

"Luk!" Tawag ko sa pangalan niya.

Naglakad siya papunta sa amin. "You have an e-mail from your butler. Gusto mo bang tingnan o dito ka na lang kasama ni..." Pinukol niya ng tingin ang katabi ko. "Lucian."

Tumayo ako at naglakad na papunta sa pinto. Ang diin kasi ng pagka-sabi ni Luk sa pangalan ni Lucian. May pag-uusapan ata sila.

"I have something to discuss with you."

'Yan ang huli kong narinig bago ko nilisan ang training ground.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang laptop ko at dumiretso sa kama.

Ano naman kaya ang e-mail na sinend sa akin ni Callix? Is it important? Pero kumusta na kaya siya? Ano ng nangyayari sa Cepheus?

I shook my head amd focus on the screen on my laptop. Nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang title ng document.

"The Dead-End Organization."

Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang document. He did it! Nakuha niya!

Before I read all the details, I scrolled the page down to the bottom. Dalawang pahina lang para sa isang malaking organisayon.

Mula sa pinakataas ay binasa ko ito. Pero iilang mga salita at pangungusap lang ang napag-tuunan ko ng pansin at ang iba'y nakalimutan ko na.

The Dead-End is a well-protected organization with many connections. It grants illegal and immoral requests, and operates at the Black Market. All the members that are listed here don't hesitate in pulling the trigger when needed. They collect their rival's superior and caged them inside a prison underground somewhere in Tyran without giving them proper food until they face death.

I can see a lot of their members but their leader is not included. Hindi ba ito nakuha ni Callix?

Agad kong pinunasan ang nag-iisang luhang pumatak sa pisngi ko. I don't know why I'm crying. Siguro hindi ko lang kaya ang pinaggagagawa nila. Para silang hindi tao. Ganyan sila kasama.

Kaya pala pati ako hinahabol nila? Pero bakit? Dahil ba may lumapit sa kanila para patayin ako? Kung hindi lang bullet proof yung sinasakyan ko noon e'di sana patay na ako ngayon. Bakit pati si Lola Emilia? Bakit siya? Bakit kailangan nilang mandamay ng tao? Hindi ko maintindihan. Anong karapatan nila para kunin ang isang taong itinuturing ko na na pamilya? Wala! Wala silang karapatan!

My mind is full of hatred. Dahil do'n ay agad ko ng ini-forward sa AV ang impormasyong nakuha ko. Now, I already made up my mind. I'm going to avenge everyone who became a victim of that bullshit organization!

Napatingin ako sa aking telepono nang bigla itong tumunog. Callix is calling me... Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

"What's up?" Walang gana kong tanong.

Matagal na natahimik ang kabilang linya. "Are you okay?"

I nodded and laugh weakly kahit hindi niya naman ako nakikita. "Alam ba 'to ni Raphael? Alam ba ng mga Voltaire?"

"Zie..." Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Callix pero maya-maya lang ay sinagot niya na rin ang tanong ko. "Hindi ko alam."

I stared at the wall of my room. Alam ba 'to nila Raphael? Sa kanila ang Tyran, imposibleng wala silang alam sa mga nangyayari sa organisasyon. Hindi nila alam may namumugad na palang masamang damo sa nasasakupan nila. Should I warn Raphael—

"Zie, may sasabihin ako."

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"It seems like one of your friends is keeping a big secret," wika niya.

Nagpanting ang mga tenga ko. Big secret?

"Kilala ko na rin kung sino ang sinasabi mong green-ey—"

Hindi ko na narinig pa ang ibang sasabihin ni Callix dahil biglang dumating si Luk. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"May I speak with Callix? About the info that he sent," pagpapa-alam niya.

Alam kong nakikinig si Callix sa kabilang linya dahil natahimik din siya. Sinulyapan ko ang pulsuhan ni Luk bago ko ibinigay ang cellphone ko at naglakad palabas ng kwarto.

There are two things that are confusing me now.

First is what Callix said. The big secret of one of my friends.

And second, the emblem of DE Organization that is given to them in certain conditions: members are being marked if they decided to join the organization in the right age or when a member bequeathed their membership to their child since birth, receiving the mark even though he's a baby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top