Chapter 46: Locked with my Groupmate
Umingos ako habang kinakapa kung ano itong malamig na bagay na nakalagay sa kaliwang kamay ko. My forehead creased while thinking hardly. I instantly panic when I can't figure out what is this thing.
Agad na bumukas ang mga mata ko para tingnan kung ano ito pero hindi ko inaasahang masasalubong ko pala ang titig ni Luk. I froze.
Nakaposas nga pala ako...
We stared at each other for seconds pero ako na ang unang pumutol dito.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya. I saw him shifting his gaze to the ceiling.
Matagal siyang nanatiling walang kibo bago niya napiling sagutin ang tanong ko. "Appreciating your beauty."
I can feel it again, the rapid pounding of my heart. Para siyang sumasayaw kasabay ng ilang libong musika. Hindi ko alam kung bakit pero siya lang ang nakakapag-paramdam sa akin nito, maliban sa isa pang tao. And I don't think this is the right time to think about him, to think about the green-eyed man.
Umayos ako ng upo at gano'n din naman siya. "Ilang oras na kaya ang lumipas?" Bulong ko.
"Matagal-tagal din tayong natulog, siguro 12 hours na tayong naka-kulong dito," tugon niya habang nakatingin sa bintana.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Labing-dalawang oras?! Gano'n na katagal? Pero hindi naman yun sigurado eh.
Kinapa ko ang bulsa ng suot kong short at nakapa ko ang isang kwadradong bagay. Tsaka ko lang naaalala na dala ko pala ang cellphone ko!
Inilabas ko ito para tingnan ang oras.
"You have your phone?" Tanong ni Luk na tinanguan ko naman.
"It's 9:45 in the morning, ibig sabihin matagal-tagal na rin tayong nandito," pagpapa-alam ko sa kanya.
"May signal ba? Naka-connect ka ba sa wifi? Maybe we can call them para ilabas tayo dito," suhestiyon niya.
Agad kong tiningnan ang status bar at napanguso ng makita kong wala itong signal, pati ang wifi ay wala rin. "Wala eh."
Ramdam kong napasandal siya sa headboard ng kamang inu-upuan namin at bumulong, "Signal jammer."
Ako naman ay nagpatuloy sa paghahalungkat ng laman ng cellphone ko gamit ang kanang kamay ko. Napunta ako sa albums at doon ko nakita ang latest picture na nakuha ko. Ito ang picture ng mga kasama ko sa bahay noong mga bata pa sila. I remembered taking a picture of them because I can't resist their cuteness, pero syempre iba na ngayon. No'ng bata lang sila cute hindi ngayong damulag na sila.
Napatigil ako sa nag-iisang solo pic ng bata. Medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan ko siya nakita.
"What are those?"
Nagulat ako ng magsalita ang katabi ko. I smiled at him and then I turned off my phone. Ibinalik ko na rin ito sa bulsa ko.
"Ah. Those were random pictures of the four of you. Nakita ko lang yun sa isa sa mga album sa sala," sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya. "And the last picture?"
"That kid was familliar to me. Sino ba siya sa inyo?"
"Patingin nga ulit," sabi niya sa akin.
Umiling ako. "Wag na."
"Sige na. Baka masabi ko sa'yo kung sino siya," he insisted sabay abot ng bulsa ko.
"Wag na nga." Pinigilan ko ang kamay niyang may posas para abutin ang bulsa ko. Then I noticed something.
"Where did you get this scar?" Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa peklat na nasa kanang pulsuhan niya. I can sense that he looked away. Ayaw niya bang sabihin sa akin?
Pinakawalan ko ang kamay niya na hawak ko. Bakit hindi siya makatingin sa akin? May nangyari ba sa kanya na ayaw na niyang balikan? May tinatago ba siya? O sadyang tinatamad lang siyang magsalita?
I looked at somewhere para alisin na rin ang isip ko tungkol do'n. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin. Ang gusto ko, siya mismo ang mag-sasabi sa akin.
Napatingin ako sa kanya nang magsimula siyang mag-salita.
"That was a tattoo. A tattoo that I got since I was baby. It symbolizes something and I don't wanna think of it anymore so I erased it." He said.
Tattoo na nakuha simula pagkabata? May gano'n ba? I shrugged. Sabi niya ayaw na niyang isipin pa kaya siguro hindi ko na lang din iisipin 'yon, though I was curious kung bakit may tattoo siyang dala na niya simula no'ng sanggol siya.
I took my phone from my pocket at ipinakita sa kanya ang hinihingi niyang picture kanina. "Here."
Matagal siyang napatingin sa cellphone ko na iniaabot sa kanya pero maya-maya ay kinuha na rin niya ito.
Nakita kong nagdikit ang kilay niya bago niya ibinalik ang cellphone ko.
"You're familiar of me?"
My mouth gaped. "Ikaw 'yon?" I asked in amazement.
He nodded, confused. "Maybe my kid figure looks familiar to you because I look like him?"
Tiningnan ko ang picture niya no'ng bata pa siya at ang mukha niya ngayon nang pabalik-balik. "Maybe." Pero may parte pa rin ng utak ko na nagsasabing nakita ko na siya. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito matapos kong mag-isip ng ilang minuto.
Napasigaw ako nang biglang gumalaw si Luk at nahila ang kamay kong naka-posas.
"Aray naman, Luk!"
Bumalik siya malapit sa tabi ko. "Sorry. I forgot."
"Bakit ka ba kasi bigla-biglang gumagalaw?" Naiirita kong tanong.
Tinuro niya ang ilalim ng kama. "Naalala ko kasing may laptop pala akong nilagay sa ilalim nitong kama. I put it incase na makulong ako dito. At ngayon ay magagamit ko na siya!"
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Advance ka pala talagang mag-isip."
We both laughed dahil sa sinabi ko. Finally! Makaka-usap na namin ang tatlong bugok. Sorry for the word na hindi dapat talaga gamitin ng isang prinsesa pero nasa Pilipinas naman ako at hindi ako prinsesa dito kaya okay lang.
Sabay naming tinungo ang gilid ng kama at tinulungan ko si Luk na buksan ang malaking drawer dito. Bumungad sa akin ang isang laptop at charger nito. May parang usb din ni maliit na kasama ito.
Kinuha ni Luk ang laptop at ako naman ang kumuha ng dalawang natira.
Pagkatapos naming maka-upo ay binuksan ni Luk ang laptop at nakita kong ipinasok niya ang maliit na usb sa usb port.
"Scion made this thing, nagnakaw lang ako ng isa kasi ayokong magbayad." He chuckled. "This is a device for signal jammers—na inilagay dito sa loob ng kwarto, kaya walang signal ang phone mo kanina. Kapag pinasak ko ito sa laptop, the laptop will not be affected by the jammer. At makakasagap na ito ng signal."
I nodded. Gano'n pala 'yon. I'm wondering kung ilan pang mga bagay ang na-imbento ni Scion sa edad niyang seventeen. He's so talented. Well, halos lahat naman sila talented.
Tumipa lang si Luk sa kanyang keyboard na parang isang eksperto at maya-maya lang ay nasa screen na ang mukha ng tatlong parang nakakita ng multo.
"Miss us?" Nakakalokong tanong ng katabi ko sa kanila.
Hindi pa rin na-aalis ang pagka-gulat sa kanilang mga mukha. "How..."
"Manghuhula ang kaibigan niyo. Boy scout siya, lagi siyang handa," sabi ko sa kanila habang tinuturo si Luk.
Nakita ko kung paano sila nagpipigil ng ngiti maliban na lang kay Ace na panay ang lunok ng laway. He seems to be facing a very fearful creature.
"Patay kayo sa akin kapag nakalabas ako, ang kapal ng mukha niyong batukan ako sa mismong kwarto ko," Luk threatened. I saw him giving Ace a sharp glare.
Ako naman ang nagsalita. "Kayong tatlo may kasalanan kayo sa akin. Sa tingin niyo ba magandang ipasinghot sa akin ang chloroform? Ha? Paano na lang kung marami pala ang napasinghot niyo sa akin. E'di hindi na ako nagising."
Lucian shook his head. "Sorry but the chloroform that I made you inhale is just a bit—"
"Hep! Walang explain, explain. Palabasin niyo na kaya kami?" Sabi ko pa.
Scion laughed. "How was your time with each other? Did you enjoy it?"
"Scion!" Saway ko. "Hindi kami natutuwa."
"Ay, hindi kayo natutuwa? Kulang pa ata yung oras niyong magkasama eh," hirit ni Scion. "Isang araw pa bago kayo makalabas."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Isa!"
"Ace. Get the key and open the door. That's an order," my groupmate said in a monotonous voice making me looked at him. Para talaga siyang hindi natutuwa.
Nagtaka ako ng walang sabi-sabing umalis si Ace sa harap ng screen.
"Hey! Stop." Pagpipigil ni Scion at hinabol niya si Ace.
Nakita ko namang napabuntong hininga si Lucian. Ibinalik niya ang tingin sa screen at sinabing "Ang daya mo, bro." Bago niya pinatay ito.
Naguguluhan kong binigyan ng tingin si Luk habang sinasara niya ang laptop niya.
"It's okay," sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti.
Kahit na nagtataka pa rin ako ay tinulungan ko siyang iligpit ang laptop sa ilalim ng kama.
Bakit agad na sinunod ni Ace si Luk? Mukha siyang natatakot sa kanya. Tsaka bakit niya ginamit ang line ko na "That's an order"?
Maya-maya lang ay umikot na ang door knob ng pinto. Pagkatapos ay iniluwa no'n ang tatlo.
"Let's go," bulong sa akin ni Luk.
Naglakad kami papunta kay Ace na may hawak ng susi. Siya naman ay tinanggal ang pagka-posas naming dalawa.
"You could pick lock pero hindi mo ginawa," sabi ni Lucian kay Luk.
Ibinigay ni Luk ang posas kay Ace na tinanggap naman ng huli. "Because I don't want to. I don't want to waste energy dahil alam kong mahihirapan lang ako."
Lucian tsked. "Ginusto mo rin naman pala. What's with all the drama?"
Pabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawang nag-uusap. Naguguluhan na ako.
"It's just that, I don't like what Ace's doing to me these past few days." Binigyan niya ng tingin si Ace na nakatingin lang sa akin, para siyang nanghihingi ng tulong.
Nagsimula nang humakbang si Luk bago nagsalita. "Ace come with me."
Dali-daling sinundan ni Ace si Luk at nagsimula na rin kaming maglakad.
Luk is ordering Ace like he's Ace's superior. Anong nangyayari?
"Yes, my Lord."
Doon ako natigil sa paglalakad. My lord? Ang ibig sabihin ba no'n—
"Yes, Ace is Lucind's butler," bulong ni Scion na nilagpasan lang ako. "At mukhang wala siyang matatanggap na sweldo ngayong buwan."
I was frozen in my place. Bahagyang napabukas ang bibig ko. He's Luk's butler? Paano? Bakit? At walang matatanggap na sweldo si Ace mula kay Luk dahil sa pinaggagagawa niya? Kawawang Ace.
Pero ang pinakamalaking tanong na gumugulo sa utak ko ngayon ay ano ba talagang klaseng tao si Lucind para magkaroon siya ng butler?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top