Chapter 42: Dare
I frowned nang marinig ko ang laptop ko na nag-iingay. I've been busy exploring the watch that Scion gave me at midnight. I discovered na pwede itong gamitin na pang-bukas o pang-sara ng tv, lampshade, the door, window-blinds and even the aircon. I'm very much amazed on how it works here in my room and I'm not yet done tapos may mang-iistorbo sa akin.
"Ano?!" Naiirita kong bungad sa kung sino man ang nang-istorbo sa akin. I was quick to change my expression from irritation to happiness nang makita ko kung sino ang nasa screeen ng laptop ko.
Callix put his hand on his chest and act like his hurt. "Ouch. You didn't even miss me? I'm so hurt."
"No! I'm sorry. I was busy looking at this watch." Pinakita ko sa kanya ang relo ko. "Look, it's so cool like you."
Nakita ko namang napakamot siya sa batok niya. I swear I am rolling my eyes in my head. "Hindi naman. Ano ba, Zie! Don't make me blush."
"Uhhh. Ano bang sadya mo? You know I'm busy with this hi-tech stuff," wika ko sa kanya.
"Pinag-papalit mo na talaga ako dyan ah." He pouted. "But anyways, I have a good news for you."
"What is it?" Tanong ko sa kanya pero sa likod niya talaga ako nakatingin cause I can see a wagging tail behind him.
"You remember the two people that you asked me to continue getting infos about?" Nakangiti niyang tanong.
Napa-isip naman ako nang malalim. At maya-maya lang ay naalala ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Raphael and the green-eyed man?"
Tumango siya. "Guess what? Nakakuha na ako ng iba pang impormasyon tungkol sa kanila!"
I smiled. "Talaga?" Syempre nagkukunyari lang ako. I decided na wag na lang sabihin kay Callix na hiningian ko si Scion ng favor about sa bagay na 'yan. I just want to see him happy lalo na ngayon na malayo ako sa kanya.
"Yup! Wanna know something about the green-eyed man first? He's---"
I can see his excitement to share what he had been hacked. "No I don't wanna talk about the green-eyed man. Let's focus on Raphael."
Natigil si Callix sa sinabi ko sa kanya. His eyes narrowed and gave me an accusing smile. What? Wala namang masama sa sinabi ko. I just feel like I don't need to know more about the green-eyed man.
"You sure? Ayaw mo ng malaman kung sino siya o kung kilala mo siya?" Paninigurado niya.
Tumango ako. "Yes."
"Bakit? Kilala mo na ba siya?"
I shrugged my shoulders. "No. Gusto ko lang naman malaman kung ano pang tinatago ni Raphael."
I saw him turning around his swivel chair at nang kaharap ko na ulit siya, inusog niya ang laptop na ginagamit niya pang-video call sa akin at nilagay sa tabi nito ang isa pang laptop. "So let's start."
Ako naman ay inihanda ang tenga ko sa pakikinig sa kanya. Ano pa kayang itinatago ni Raphael? I'm so curious.
"I discovered that Raphael and his father was giving a big amount of money to your mom. They had been doing this since the time that she announced your wedding at the ball. Pero simula nung tumakas ka, at the day of your wedding, itinigil na nila ang pagbigay."
After hearing that, I felt the urge to cry. Pero hindi na ako ang dating Anastasia. I'm trying and practicing to be a brave one.
Kaya pala. Kaya pala naisip ni mama na ito ang solusyon sa kakulangan namin sa pondo, binabayaran pala siya nina Raphael. I feel so loved. Grabe. Hindi ako makapaniwala.
"Zie? You okay?" Narinig ko ang boses ni Callix.
I looked at the screen of the laptop and gave him a sad smile. "Yes. Go on. I want to know more."
Nagsimula na siyang magsalita ulit. "All along, he's been hiding his true self inside a shell. Maraming cases na fi-nile against him from different people. Mostly, pambubugbog. But because he's the prince of Tyran, walang laban ang mga taong 'yon. At sinusubukan nilang itago ang lahat ng 'yon sa public. Buti na lang sobrang galing ko at nahalungkat ko 'yon."
This means na I've made the right decision. Ito ang dapat sana'y nahanap ni Callix ng mas maaga para matigil ang pagpapakasal ko kay Raphael. Kung ipinakita ko ito kay mama, maybe---maybe she would not listen to me. Tama, hindi siya makikinig sa akin. Nakuha nga niyang tumanggap ng pera kapalit ng pagpapakasal ko kay Raphael. Ano bang pumasok sa utak ko at naisipan ko na mapapatigil nito ang pagpapakasal ko dahil mas pipiliin ni mama ang kapakanan ko kaysa pera?
Tinawanan ko na lang ang huling sinabi ni Callix para itago ang kalungkutan ko. "Ang yabang mo pa rin hanggang ngayon."
"Humble na nga ako sa lagay na ito eh," pagbibiro niya pa. "By the way, I've heard na nanakawan ka raw. Ikaw naman kasi, sobrang bait mo. You have to lessen your kindness, lalo na't wala ako sa tabi mo."
Hindi nakapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Who told you that?"
"Lucind," maikling sagot niya.
I chuckled. So bestfriends na sila? "I can't, it's natural. Ugali ko na talaga ang pagiging mabait."
"Kahit na. Makinig ka na lang sa akin because butler knows best. Someone's coming," wika niya.
"Ako rin may gagawin pa ako. Pakisabi na lang kay Zandra miss ko na siya, and sorry for everything," maikli kong turan. I don't want to give a long message. I might get emotional.
"Sure. Bye!"
Dali-dali na rin akong tumakbo palabas matapos ibaba ni Callix ang tawag. May pupuntahan pa kami ni Ace at Lucian eh. Nakabihis na rin ako kanina pa. Hinihintay ko lang na dumating ang oras ng pagpunta namin sa café ni Luk. Ayaw niya kasi akong isama, hmp. Edi kami na lang ang pupunta, tutal pumayag naman ang dalawa. Hindi kasama si Scion dahil mas gusto niya raw kasama ang laptop niya. Tsk.
Nang makarating ako sa garahe---teka, garahe pa ba 'to o parking lot? Pa'no ba naman kasi ang daming kotse.
Nahagilap ng mga mata ko ang dalawa sa di kalayuan. Nilapitan ko si Ace na nakasandal sa hood ng isa sa mga kotse.
"Garage ba ito o parking lot?" Tanong ko sa kanya. "But anyways, alin ba dyan ang sasakyan natin?"
Natawa ako ng sabay na itinuro ng dalawa ang isa't isa.
"His car," turo ni Ace.
"Kotse niya," sabi naman ni Lucian.
"Yung totoo. Alin ba talaga? Ha? Baka naman maglalakad lang tayo?" Wika ko sa kanila.
"Di'ba nag-usap na tayo na kotse mo yung gagamitin? Di'ba? Sabi ko pa nga sa'yo yung BMW mo yung gamitin." Hinarap ni Ace si Lucian.
Nakita ko naman ang pag-iling ni Lucian. "Nope. Natalo ka sa bato-bato pick di'ba. Besides, tinatamad ako mag-drive. So Anastasia, let me lead you to his Mustang."
Before we started to walk, I saw Ace mumbled something like love you or whatever to Lucian. And after the three of us entered the car, Lucian whispered 'I love you too' to Ace.
"Gays," I muttered before Ace started the engine of the car. Natawa si Lucian habang hindi naman maipinta ang mukha ni Ace.
Hanggang sa makarating kami sa café ay walang nagsalita, kahit ako. Kasi iniisip ko dati na si Ace and Luk have romantic relationship. Naalala ko pa nga yung sa Spain eh. Pero sinabi naman ni Luk na mali daw ang iniisip ko. Tapos ngayon, silang dalawa na naman ni Lucian? Huh? Nagtataksil ba siya kay Luk? Hmp.
Tama na nga ang kaiisip ko ng ganito. I can hear the other side of my brain shouting like 'Stop! Why are you thinking that kind of things? You stupid!'
Nang magising ang diwa ko ay nalaman ko na naka-order na pala ang dalawa at may blueberry cheesecake na sa harapan ko kasama ng kape.
Una kong tinikman ang cheesecake habang nakikita ko sina Ace na kain lang ng kain na parang wala ng bukas. Pero hindi naman yung tipo na parang baboy kung kumain, yung tama lang para sa isang taong may class at manners.
And to judge their cheesecake, I think it's perfect! Yummy! Pero hindi ito ang ipinunta ko dito.
I cleared my throat before calling the waitress. "I think there's something wrong with my cheesecake. I need to see your manager," kalmado kong wika sa kanya.
Magalang naman siyang sumagot. "Pero ma'am, hindi po basta bas---"
"Sorry?" I raised my eyebrow. "I need to see him. Now." Nilagyan ko ng awtoridad ang boses ko pero sinigurado ko pa ring katamtaman ito para sa aming dalawa. Syempre, ayaw ko rin namang gumawa ng gulo dito sa café ni Luk. May hiya pa rin naman ako noh.
"Busy po kasi---"
"Anong nangyayari dito?" Sabay kaming napatingin ng waitress sa nagsalita. My lips tugged up as I saw Luk narrowing his eyes on me.
"Eh kasi po, nagpupumilit si ma'am na makita ka. May problema daw po sa cheesecake niya," sumbong ng waitress kay Luk.
Pinatong naman ni Luk ang kamay niya sa balikat ng waitress. And I felt the urge to roll my eyes without any reason. "Sige na. Magtrabaho ka na. Ako na ang bahala rito."
Tumango ang waitress pagkatapos ay bumalik na rin sa kanyang ginagawa habang si Luk naman ay bumaling sa amin.
"Hi Lucind!"
"Hello Dark!"
Nginitian ko naman siya at masiglang bumati. "Hi Luk!"
Hinila niya ang isang upuan at doon umupo. "Anong ginagawa niyo dito?" He asked eyeing the three of us.
"Can't you see?" Tanong ko sabay subo ng cheesecake. "We're here to eat."
Sumang-ayon naman ang dalawa kong kasama. "Yes. Sinamahan lang namin si Anastasia. And besides, its her treat. Sino bang aayaw sa libre?"
Napa-irap na lang si Luk. "Really? Tapos na siguro kayong kumain. Pwede na kayong umalis."
I pouted. Sinasabi sa akin ni Callix na wag daw mag-pout dahil hindi bagay pero I'm doing it now. "Ang sungit mo naman. Kakarating pa nga lang naman. Look, hindi pa namin nakakalahati ang in-order namin."
"That's right, dude," pagsang-ayon ni Lucian kaya napangiti ako.
"Is that so?" Pagmamasungit pa ni Luk. "Sige, ipatake-out niyo na lang yang in-order niyo."
I shook my head while stirring my coffee. "No. Dito na namin ito uubusin. Don't mind us, bumalik ka na sa trabaho."
Bakit niya ba kasi kami pinapaalis? Eh hindi ko pa naman siya nakikitang magtrabaho. Hayst. Yun lang naman talaga pinunta ko rito eh.
"Hindi pwede. Kailangan niyo ng umalis," sabi ni Luk ng may diin. He eyed the three of us nang hindi kami kumibo pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Fine. Lucian and Ace, mamaya pag-uwi ko dadalhan ko na lang kayo ng favorite duo niyo, kahit marami pa," saad niya na para bang sumusuko. "Dalhin niyo na si Anastasia."
I arched my eyebrows. Talaga lang ha. Sinusuhulan niya sina Ace. Hmp! Buti kung sumunod naman sila.
Nilingon ko sina Ace at nagtaka ako dahil nakita ko silang nagpapalitan ng tingin. Maya-maya lang ay tumayo sila at hinawakan ang braso ko sabay hila sa akin paalis.
Pinanlakihan ko sila ng mata. Mga kupal!
"Sorry, Ana," sabay nilang sabi.
Traydor! Mga traydor! Huhu. Pilit kong tinatanggal ang kamay nila sa braso ko. Nakikita ko rin na nakatingin na sa amin ang ibang tao. Kakasabi ko pa lang na ayaw ko ng ganito eh.
"Your highness, magpabitbit ka na sa kanila," natatawang sabi ni Luk. I gave him a sharp glare.
"No way! Dito lang ako!"
Nakita kong umiling ang dalawa pagkatapos ay binitawan nila ako. Ano naman bang problema nila?
Nagulat ako nang buhatin ako ni Ace in a bridal style. Omaygash.
Sa una ay nagpupumiglas ako pero walang mangyayari sa akin ng ganito eh. "Fine! Put me down. Uuwi na tayo. Oo na, kaya ko naman eh," sabi ko sa kanila nang nasa may pinto na kami ng café. Nakakahiya!
Binaba naman nila ako at bago kami lumabas ay nilingon ko si Luk na naka-smirk sa akin. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti bago magsalita. "Luk! You look so cute with that apron."
Iniwan ko ang dalawang traydor na nagpipigil ng tawa at nauna na akong sumakay sa kotse ni Ace. Pero maya-maya lang ay sumunod na rin sila.
Buong byahe ay tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Nakikita ko ang pagsulyap-sulyap nilang dalawa sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Akala nila bati na kami? Hindi pa! I can't believe na pinili nila si Luk kaysa sa akin.
Nang makarating kami sa mansyon ay dumiretso ako sa kusina. I opened the ref and got some cold water. I think I need some refreshment. I was about to drink the water when one of the traitor entered the kitchen and sat on the island counter.
"Ana, we're playing some game. Wanna join us?" Rinig kong tanong ni Lucian.
Hindi ko siya pinansin at tuluyang ininom ang tubig.
"Okay. If nagbago ang isip mo, we're just in the living room."
Hinintay ko munang lumipas ang ilang minuto bago lumabas sa kusina. I am heading inside my room dahil wala rin naman ako sa mood. Maybe matutulog na lang ako.
Natigil ako sa pag-akyat sa hagdan nang may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko ginamit ang elevator kasi mas malapit naman yung hagdan. I turned my head towards the owner of the voice then I recognize it was Scion.
"Hindi ka sasali?" Tanong niya sa akin.
I shook my head, uninterested.
"Why? Sumali ka na. We're playing truth or dare with a twist. Sige na. Please," pamimilit niya.
I just smiled at him.
"Please, Ana. Please." He said.
I took a deep breath. Fine! Makulit si Scion eh. Tsaka wala naman siyang kasalanan. Dapat 'wag ko siyang idamay.
Pumunta ako sa pwesto nila at tiningnan silang tatlo. At nag-iwan talaga sila ng space para sa akin ah.
I sat on the carpet between the twins kahit di ko bati si Lucian. There is a bottle in the middle of us. Hula ko, galing ito sa mini bar nila.
"So we're going to play truth or dare with a twist," wika ni Ace. "The twist is, instead of directly asking truth or dare, one must ask a riddle first. Kapag nasagutan ng isang player ang riddle, he or she don't need to do the truth or dare. Pero kapag hindi, kailangang mamili ng player ng truth or dare. Gets?"
The twins nodded, well, except me.
"But first. I wanna say something."
"Me too," dagdag pa ni Lucian.
The two made a cute face then they said 'sorry' in unison. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa dahil sa itsura nila. Pati nga rin si Scion ay natatawa.
"Sorry na kasi, Anastasia. Patawarin mo na kami. Mas malaki kasi yung suhol sa amin ni Luk," saad ni Ace.
Lucian nodded in agreement. "Oo nga. Sorry na."
I rolled my eyes then chuckled. "Forgiven. So let's start?"
Napasuntok sa hangin na parang bata ang dalawa habang si Scion naman ay nagsimula ng i-spin ang bottle. I thought na hindi ako mauuna pero mukhang mali ako. The mouth of the bottle was pointed at me.
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lucian. "She's mine!"
My heart skipped a beat but I know that it is clearly because I was shocked.
"Go ahead," wika ni Ace sa kanya.
He put his head on one of his fingers. "A rooster lays an egg at the very top of a slant roof. Which side is the egg going to roll off?"
Huh? Ano daw?
I racked my brain to find something unusual at the sentence but I found nothing. Magcha-chamba na lang ba ako? Bahala na. "Maybe at the right side. Because it's more slanted than the left?"
Scion and Ace exchanged glances while Lucian started to laugh hard. I looked at him weirdly and waited for him to stop laughing.
"Rooster don't lay eggs, darling," sabi niya sa akin habang pinipigilan pa rin ang pagtawa.
"Truth or dare." Napalingon ako kay Ace nang tanungin niya ako.
"Truth," sabi ko sa kanya.
"Who will you choose, Me or Lucind," tanong niya sa akin.
Tinatanong pa ba 'yan? Edi si... "Lucind." Syempre ininis nila ako kanina eh.
"What?" Reklamo ni Scion at Lucian.
"Lucind or Me?" Dagdag na tanong ni Lucian. Isa pa 'to eh.
"Lucind," I answered, irritated.
"Me or Lucind." This time si Scion naman ang nagtanong.
"Si Lucind nga. Teka lang, andaya niyo ah. Dapat isang tanong lang eh," I told them with a glare.
Bumuntong hininga lang sila pagkatapos ay pina-ikot ni Scion ang bote. Ngayon si Ace naman ang naturo.
"What can you keep after giving but can't glue together after breaking?" Tanong ni Scion. I just observe na walang nagrereklamo tungkol sa kung sino ang magbibigay ng riddle. I mean, they give chance to others. Yung parang kung sino ang handang magtanong, yun na yun. Walang kokontra. Hayst. I really admire their friendship.
"I'm not good into riddles. So, what's the answer?" Tanong ni Ace kay Scion.
Sinimangutan naman siya ni Scion. "Hindi ka man lang nag-isip. But the answer is promise. Truth or dare?"
"Dare."
"Give me one of your cars," Scion said. Sinabi niya iyon na parang hindi malaking bagay ang hinihingi niya. Nalaglag tuloy ang panga ko.
"What?! No way!" Pagkontra ni Ace.
Umiling naman si Scion. "Bro, you chose dare, so you have to do it. Just give me the car that you used earlier."
"But that's my Mustang!" Sabi pa ni Ace.
"No more talks, just give me the key of your car. That's mine now," Scion said while grinning.
"Fine!" He threw the key to Scion, which the latter instantly catched. "Next!"
It's my time to spin the bottle kayo kinuha ko 'yon at pinaikot. Napangisi ako ng tumapat ito kay Lucian. Sa ngayon, wala pang nakakasagot ng mga riddles. Ibig sabihin, malaki ang possibility na hindi rin masagutan ni Lucian ang riddle ko sa kanya.
"What spends all the time on the floor but never gets dirty?" I smirked.
Mataas ang confidence ko dahil ilang segundo na ang lumipas pero nakatulala lang si Lucian sa bote.
"Why is the master of all riddles taking so long?" Nakakalokong tanong ni Ace kay Scion.
Scion chuckled. "Maybe he's getting old. You know, oldies are getting amnesia and stuffs."
I saw Lucian tsked. "Your shadow."
Hayst. Sayang! Magsi-celebrate na sana ako eh. Sinabi nina Ace na siya ang 'master of all riddles', ibig sabihin kaya niya sagutin lahat ng riddles na ibabato ko? Is that another skill or something?
Sumimangot ako at walang imik na pina-ikot ang bote. Akala ko pa naman hindi siya makakasagot.
Tiningnan ko si Scion ng sa kanya tumapat ang bote. I heard Ace's chuckle so maybe siya na lang ang magtatanong.
Ace cleared his throat. "Why did I throw the butter out of the window?"
Nakita ko ang pagdikit ng kilay ni Scion. "I have to get the answer on this one. Mamaya bawiin sa akin ni Ace ang kotse na kinuha ko sa kanya," wika niya sa sarili niya.
Ako naman ay nag-iisip ng pwedeng isagot sa riddle ni Ace kaso naalala ko bigla na hindi pala talaga ako magaling sa gano'n.
Maya-maya lang ay hinarap na ni Scion si Ace. "Because the butter is expired?"
Natatawang umiling si Ace. "Because I want to see the BUTTER-fly." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay humagalpak siya ng tawa. Sumunod naman si Lucian na mukhang nagets ang sinabi ni Ace, habang ako naman ay matagal silang tiningnan bago nagets ang joke. Natawa na rin tuloy ako ng kaunti. Pero konti lang kasi di ko na-gets agad. Hayst. Loading pa kasi eh.
"So, truth or dare?" Tanong ni Ace matapos ang ilang minuto niyang pagtawa. Nailing na lang tuloy ako dahil nakikita ko ang reaksyon nila ni Lucian.
"Truth! Baka bawiin mo sa akin ang kotse eh," sabi ni Scion kay Ace.
Ace grinned. "Hmmm. Sige. Anong password mo sa laptop mo?"
Scion frowned. "Dare na lang. I don't want anyone opening may laptop."
"Give me one of your laptop," natatawang wika ni Ace.
"F*ck you!" Scion hissed.
Ace motioned his index finger from side to side then he tsked. "No more talks. Just give me your laptop."
"Fine! Later!" Scion said irritatedly making me chuckle. Kapag tungkol talaga sa laptop masyadong protective si Scion.
"Ako naman ang magpapa-ikot." Napatingin ako kay Lucian nang magsalita siya. Pagkatapos ay pina-ikot niya ang bote. Pabagal nang pabagal ang pag-ikot ng bote na parang pinagpipilian pa nito kung sino ang ituturo niya, bago ito tumigil nang tuluyan at ituro ako.
I hissed at the bottle ako na naman?!
"A bus driver goes the wrong way on a one-way street, he passed the cops but they don't stop him. Why?" Tanong ni Lucian. Siya na naman?! Nakakainis ha. At tsaka bakit ba kapag siya ang nagbibigay sa akin ng riddle laging situational? Kakagigil ha.
"I don't know, just gave me the answer!" Pikon ko na sabi sa kanya, making him chuckle.
"Because he's walking."
Really? Yun lang pala? Maybe hindi ko lang naintindihan nang maayos yung riddle or...ayaw kong kalabanin ang master or all riddles dahil napipikon na rin ako sa kanya.
"Truth or dare?" Scion asked excitedly.
Nag-truth na ako kanina. Kaya, "Dare."
The three of them looked at each other like they're speaking through their minds, or what do you call that? Ah, telepathy.
"Ano na?" Tanong ko sa kanila. Bakit ba ang tagal nila magsabi ng dare. Eh madali lang naman mag-isip ng ganyan.
"Ignore Lucind for 24 hours," sabi ni Ace.
Natigil naman ako sa kinauupuan ko. 'Yon ang dare nila? That sounds...great!
"Game! I will ignore Luk for 24 hours," nakangiting wika ko habang tinitingnan silang tatlo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top