Chapter 4: Secret Organization

Isinuot ko ang black jeans ko at ang puting v-neck T-shirt na susuotin ko para sa araw na ito. Hindi naman ako mamasyal sa kung saan kaya hindi na ako nagdress. Pupunta ako ngayon sa headquarters.

After I finished putting my rubber shoes, I immediately run towards the door. Excited na akong magkamisyon ulit. Isang buwan din ang leave ko kaya hindi ako nakatanggap ng misyon. Sa isang buwan na yun, ang tanging ginagawa ko lang ay mag-disguise bilang kung sino-sino para maiwasan ang mga guards na pakalat-kalat sa lungsod. I hate those guards!

Maya-maya ay nakasalubong ko si Zandra.

"Where are you going? And why are you dressed like that?" she asked, raising an eyebrow.

"Work," maikling sagot ko sa kanya.

Alam niya na nagtatrabaho ko. Pero syempre iba yung sinabi kong ginagawa doon, in short nagsinungaling ako. I felt so guilty for lying pero para naman sa safety niya 'to. Pero half lie lang naman yun, kasi totoo namang nagtatrabaho ako, hindi nga lang niya alam kung ano, dahil hindi ko sinasabi sa kanya kung anong klase at saan ako nagtatrabaho. Hindi ko nga alam kung nacucurious siya o hindi kasi hindi naman siya nagtatanong tungkol dun.

Hindi talaga niya alam ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho o kung bakit ko ginagawa ito. It's very simple. Justice.

May rason naman ako kung bakit ako nagsisinungaling. At yun ay ayaw ko siyang ma-involve sa mga pinaggagagawa ko. Alam kong delikado ang ginagawa ko dahil sa mga misyon at ayaw kong malagay siya sa kapahamakan. Kapag nalaman niya ang ginagawa ko at ang dahilan kung bakit ko ginagawa iyon, magpupumilit siyang tumulong at maging involve, at yun ang pinakaunang ayaw kong mangyari.

"Pinayagan ka ba ni mommy?"

"Yeah."

"Pero nagsinungaling ka?"

"Yeah."

"Anong sinabi mo?" Tiningnan muna niya ako bago may ibinulong sa sarili na rinig na rinig ko naman. "Hindi mo naman na kailangang magtrabaho, prinsesa ka naman na."

Pagkatapos nun ay humarap ulit siya sa akin. Tiningnan ko na muna siya sa mata bago nagsalita.

"Bakit ang dami mong tanong?" balik na tanong ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. "Fine. I won't ask. Pero kapag nakita ka ni mommy na ganyan ang suot mo malilintikan ka. Diba hindi dapat nagsusuot ng pantalon at T-shirt ang prinsesa? It's for commoners, remember?"

"Yeah, pero dito ako komportable. Tsaka isa pa. Pupunta ako sa trabaho, ganito talaga ang laging suot ko. Alangan namang magdress ako dun, duhhh, saan ka nakakita ng nagtatrabaho na naka-dress, sige nga? At kapag nahuli ako na ganito ang suot, hindi ko na kasalanan yun. Kasalanan mo yun kasi kanina pa dapat ako nakaalis kung hindi mo ako kinakausap ngayon."

Naningkit naman ang mga mata niya.

"Kasalanan ko pa? Kasalanan ko bang hindi ka dumaan sa secret door, eh ginawa nga yun ni papa para hindi tayo makita sa palasyo kapag gusto nating lumabas pero bawal."

"Correction. Ginawa yun ni papa for emergency purposes. Tsaka hindi naman 'to emergency ha. At kapag narinig tayo ni mama na pinag-uusapan natin si papa, malalagot tayo."

"Kaya lumayas ka na at dun ka dumaan sa secret door. Nakalimutan mo na bang may guards sa main door? Ano ka invisible para hindi ka nila makita. Dapat nga nagti-thank you ka pa sa akin dahil pinigilan kita na dumaan don. Hindi yung ako yung sinisisi mo."

"Edi thank you," I replied sarcastically.

She rolled her eyes and motioned her hand moving back and forth, meaning, pinapaalis niya na ako.

Umakto naman akong nalungkot, "Hindi mo na ba ako mahal? Bakit pinapaalis mo na ako?"

"Shut up. Aalis ka o tatawag ako ng guard para makita niya ang suot mo at maisumbong ka kay mommy?"

"Eto na nga aalis na."

"Good. At mas magaling pa rin ako sayong um-acting."

Natawa na lang ako at bumalik sa kwarto ko. Magaling din naman akong um-acting. Hindi nga niya napansin na kung hindi dahil sa kanya, nakita na ako ng guards. Hindi ko lang talaga pinahalata na tama yung pinagsasasabi niya sa akin at ako yung mali. Sa totoo lang, excited talaga ako kaya hindi na pumasok sa isip ko ang guards. Kung di dahil sa kanya baka naparusahan na naman ako. Siguro ang nakita niya ay yung intensyon ko na dumaan talaga sa main door at may plano sa mga guards. Tsk. I'm smart. Kung napatunayan na naman niya na tama siya at mali ako, aasarin na naman niya ako na siya ang mas magaling.

Nilock ko ang pinto at dumiretso sa secret door. Lumuhod ako at inikot ang salaming bulaklak na nakadikit sa ding ding. Promise hindi mo talaga mapapansin na lock siya at may secret passage sa loob kasi para talaga siyang design na nakadikit sa pader.

Pagkalabas ko ay nandoon na si Callix at hinihintay ako.

"Nasaan ang sasakyan?" tanong ko sa kanya.

"Nasa harapan ng palasyo."

"Ha? Bakit nandun? Makikita tayo ng ibang guards."

"Wag kang mag-alala. May plano ako, hindi kita ipapahamak. Syempre kapag napahamak ka kasama rin ako. Gusto mo ba na maparusahan tayo?"

Umiling naman ako.

"Yun naman pala eh."

"Kasama ba sa plano mo yung suot ko? Kapag nakita tayo ng guard sa main door na pantalon ang suot magsusumbong yun kay mama. Lagot tayo."

"Don't worry. Kinausap ko na siya. Since siya naman yung sinusunod ng ibang guards, sinabihan ko na siya na paalisin muna sa harap ng palasyo ang ibang guards. Alam na niya ang gagawin niya."

Tumaas naman ang kilay ko.

"Friends kayo?"

"Oo. Syempre kailangan yun dahil rule breaker ang binabantayan ko. Atleast may kasabawat ako at hindi ako nahihirapan sa pagsisinungaling sa reyna."

Napa-tsk na lang ako sa sinabi niya. Nagsimula akong maglakad papunta sa main door. Nang makita ko ang sasakyan na gagamitin namin ay sumakay ako sa passenger's seat. Hindi ko na pinansin si Callix.

Maya-maya ay kinausap ni Callix yung guard at tumawa ito.

"Friends nga sila," bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ay dumiretso si Callix sa sasakyan at pinaandar na ang makina.

"Galit ka ba?"

"Hindi," mabilisan kong sagot.

"Eh bakit ka ganyan?"

"Anong ganyan?"

"Nang-iwan ka na lang."

Tumalim naman ang tingin ko sa kanya.

"Oh tingnan mo yang mata mo. Parang gusto makapatay. Bakit ba kasi," sabi niya nang simulan na niyang paandarin ang sasakyan.

Huminga muna ako ng malalim. Kapag hindi ko ito sinagot, mangungulit at mangungulit ito. Kaya dapat sagutin ko na ngayon pa lang.

"Eh kasi ikaw."

"Anong ako?"

"Ipinamukha mo sa akin na rule breaker ako. Nagui-guilty tuloy ako."

Napapreno naman siya, kung hindi lang ako nakaseatbelt, tumalsik na ako.

"Anong problema mo?" sigaw ko sa kanya.

Seryoso lang niya akong tiningnan at matapos ang ilang segundo ay humagalpak siya sa tawa.

"Ano talagang problema mo?" ulit na tanong ko sa kanya.

Matapos niyang tumawa ay pinaandar na ulit niya ang sasakyan.

"Nakakatawa ka kasi."

"Ako? Nakakatawa? Mukha ba akong nagpapatawa?"

Tumango lang ito.

"Sa tatlong taon mong pagpasok sa organization na yun na hindi alam ng nanay mo at sa ilang beses mong hindi pagsunod sa nanay mo, nagui-guilty ka pa rin. At hindi mo matanggap na rule breaker ka, kahit andami mo ng binaling rule sa palasyo. Katulad ngayon, nakapantalon ka. Eh sabi ng nanay mo, bawal magpantalon dahil prinsesa ka."

Naningkit naman ang mga mata ko.

"Sige ipamukha mo pa sa akin na rule breaker ako. Mas lalo pa akong nagiging guilty. Nagui-guilty lang naman kasi ako kapag may nagsasabi sa akin tungkol sa maling ginawa ko. Nakokonsenya kaya ako."

Tumawa na naman si Callix.

"Ah may konsensya ka pa pala. Akala ko wala na. Sa dami ng ginawa mong against the rule, nakokonsensya ka rin pala. Akalain mo yun?" sabi niya habang tumatango pa at nagpipigil ng tawa.

Tiningnan ko siya ng masama.

"At—"

"Callix," saway ko sa kanya. May diin ang pagsabi ko sa kanya ng pangalan niya.

"Tapos—"

"Callix!" Nagbabanta na ako Callix, naku kapag di ka pa tumigil ewan ko na lang. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo.

"Wag ka ngang—"

"Callix, titigil ka o papalabasin kita dito?" mataray na tanong ko sa kanya. Lumalala na rin ang taray virus ko.

"Eto na titigil na," sabi niya at umaktong izinipper ang bibig.

"Titigil ka rin pala. Bilisan mo na mag-drive dyan," sabi ko sa kanya.

Medyo bumababa na ang pagkainis ko sa kanya nang hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagda-drive.

Alam kong malapit-lapit na kami sa aming destinasyon. Kaunti na lang ay makakarating na kami. Ano kayang misyon ko ngayon? Excited na ako!

Maya-maya pa ay binasag ni Callix ang katahimikan. "Nandito na tayo," sabi niya at pinahinto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

Bumababa ako sa sasakyan kasabay ng pagbaba ni Callix.

"Hihintayin pa ba kita?" tanong niya sa akin.

"Hindi na, tatawagan na lang kita kapag magpapasundo ako sayo," sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa malaking bahay. Nakangiti ako rito na parang baliw at parang ngayon lang nakakita ng ganitong klase ng bahay.

"Aalis na ako," narinig kong sabi ni Callix. "Tsaka tigilan mo yang ngiting ganyan, mukha kang ewan."

Hinarap ko si Callix para sapakin dahil kanina pa ako naiinis sa kanya pero wala na siya sa tabi ko. Nakatakbo na agad siya sa loob ng sasakyan. Natatawa ako dahil alam na agad niya na sasapakin ko siya, kilalang kilala talaga niya ako.

"Bye." Kumaway siya sa akin at kinindatan ako.

Nang makita niyang nainis ako sa kindat niya ay ginawaran niya ako ng isang mapang-asar na ngiti at pinatakbo ang sasakyan.

Geezz, nakakainis ang lalaking iyon. Sinabi ko naman sa kanya na ayaw kong kinikindatan ako tapos ginagawa pa rin niya. Ang pangit kaya tingnan ng taong nangingindat, ang sarap tusukin ng mata.

Ginagawa lang naman niya yun kapag nang-aasar siya sa akin. At nang-aasar siya dahil tinamaan na naman siya ng topak niya. Kapag tinotopak kaya ang lalaking iyon ay nangbwibwisit ng kung sino-sino.

Huminga ako ng tatlong beses bago harapin ulit ang mansyon. Malaki ito at nag-iisa lang. Wala siyang kapit-bahay. Nasa kanluran ito ng Cepheus at ang may-ari nito ang may hawak ng halos kalahati ng lupa na nasa kanluran. Katulad ng palasyo, napapaligiran din ito ng maraming puno at sa likod ng mansyon ay may dagat.

Agad akong tumakbo papunta sa gate kung nasaan ang doorbell. Fudge, namiss ko to!

I stare at the doorbell for a few seconds. It amaze me because this doorbell has a fingerprint sensor! Kapag pinindot ng isang tao ang doorbell, at naka-register dito ang fingerprint niya, ang gate ay kusa na lang bubukas. Kapag naman hindi naka-register ang fingerprint ng isang tao dito, para lang itong isang ordinaryong doorbell at kinakailangan ng guard para buksan ang gate. Diba, so cool! Bakit kaya walang ganito sa palasyo?

I tap the doorbell and the gate automatically open. My fingerprint is registered, as well as the other members of AV Organization. I don't know what AV means but I know what is the purpose of this organization. To get rid of those bad people that influence the society.

Nung una ay ayaw kong sumali dito nang may mag-alok sa akin, pero sa huli ay napapayag nila ako. They said that they can help me to find those bad guys who infiltrate our palace ten years ago. Hindi ko matatanggihan ang ganoong offer kaya pumayag ako. I want to find justice for my father. Alam ko na totoo ang mga nakita ko. Naniniwala ako na hindi aksidente ang nangyari. Sinubukan kong sabihin kay mama ang mga nakita ko pero hindi niya ako pinapaniwalaan. She said, "It is all an accident! And don't you dare talk about your father right in front of me!" Kaya ako na ang gumagawa ng paraan.

Mahirap ang mga ginagawa namin sa organisasyon. Spying, being agents, disguising and hacker. Minsan nga muntik pa akong mahuli sa ginagawa kong misyon, buti na lang dumating ang mga kagrupo ko. We use codenames kaya yun lang ang alam kong pangalan nila. I am lux, the other one is tenebris and the other is umbra. Each group has three members and each member has a particular skill that is used in doing our mission. Magaling akong mag-disguise kaya ako ang nakikipaginter-act at gumagawa ng mismong misyon, umbra is our hacker at si tenebris naman ang laging nakasunod sa akin at nagbabantay, kapag may problema na makakasagabal sa misyon, siya lagi ang mag-aayos dahil hindi ako pwedeng umalis sa pwesto ko, at siya ang nagbabantay sa akin at to the rescue kapag may nangyayaring masama, although lagi kaming nag-aasaran, nagagawa pa rin naman niya ang role niya.

Tanging codename lang ang alam namin tungkol sa bawat isa. We don't even know our groupmates' name. And we are not allowed to show our faces to our groupmates, even when we are doing our missions. Hindi ko alam kung bakit pero kasama yun sa rules. Kaya hindi ko pa rin kilala ang mga kagrupo ko kahit three years na kaming magkakasama. Minsan lang naman kami nagkakasama sa misyon, kapag sobrang delikado lang at kailangan ng teamwork.

Nang makarating ako sa likod ng mansyon, hinanap ko agad ang pinto papasok sa headquarters. Nasa garden ako ng mansyon at kita mula dito ang kulay asul na dagat. The soil is full of grass pero alam kong may ilan ditong peke. Hindi mo ito mahahalata kung hindi mo alam.

Pumunta ako sa parte malapit sa isang malaking puno at lumuhod. Alam kong dito ang pinto.

"Where's that?" I asked myself. Kinapa ko ang ibabang parte ng malaking puno. Nang makapa ko na kung ano ang hinahanap ko ay pinindot ko ito ng malakas. Unti-unting bumukas ang balat ng puno at tumambad sa akin ang isang bagay na parang atm machine pero mas maliit. Kailangan ng code para mabuksan ang pinto. Syempre kailangan ng maraming security.

I entered 6084 at bumukas ang isang parte ng lupa kung nasaan ang pekeng damo.

"Yess! I'm so excited!" I exclaimed.

Excited naman talaga ako kanina pa. Isang buwan din akong hindi nakatanggap ng misyon. Kanina ko pa nga iniisip kung ano ang misyon ko.

Bumaba ako gamit ang hagdan at ng makarating na ako sa baba ay napatanga na lang ako sa paligid. I miss this. This is my kind of paradise.

Para siyang isang malaking sala sa labas. The wall was painted white. May mga kulay puting sofa, malaking flat screen tv at airconditioned. May malaking ref din kung saan pwedeng kumuha ng pagkain at isang maliit na kusina. Walang tao doon kaya dumiretso ako sa part ng kwarto kung nasaan ang bawat locker. Siguro nauna na ang mga kagrupo ko sa loob. Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang locker at tanging kami lang ang makakabukas.

We have 25 lockers here. Ibig sabihin noon ay 25 members lang ang miyembro ng organisasyon, maliban sa boss.

Pumunta ako sa locker ko at inilagay ang palad sa hand scanner na nasa pinto ng locker. Ang isang locker ay kasingtangkad ng ordinaryong single door refrigerator at half ang width nito. May voice recognition din ito kaya wala talagang ibang makakabukas. Habang nakapatong ang kamay ko sa scanner ay kailangan sabihin ang code name.

"Um.. A-agent." Nag-aalangan pa rin ako kung tama ba ang sasabihin ko. "A-agent...Err.... Shut up?"

Napaface-palm na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng locker. Naalala ko na naman ang mga panahon kung saan isini-set ko ang password ng locker ko. Pagkatapos kong magsabi sa boss na papasok ako dito sa organisasyon, pinapunta niya ako dito para i-set ang password ng locker ko. Well, kausap ko lang naman nun si Callix gamit ang earpiece ko dahil sabi ko sa kanya wala akong tiwala sa mga tao dito noon at kapag may nangyari sa akin ay pumasok siya agad.

"Tumahimik ka nga Callix. Bakit ba sobrang daldal mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa locker.

"Eh bakit? Wala naman akong ibang kausap dito maliban sayo. Ang boring kaya dito, nakakapagod maghintay."

Ipinatong ko ang kamay ko sa hand scanner.

"Agent..."

"Uy may mul—"

"Shut up!" sigaw ko sa kabilang linya.

Maya-maya ay may narinig akong boses ng isang robot.

"Okay agent shut up, you may get your paraphernalias in here."

"What?! Sino si agent shut up?!" gulat na tanong ko pero di ito sumagot. I frowned. "Hindi ako yun!"

Kinausap ko naman si Callix. "Kasalanan mo 'to Callix! Ang ingay-ingay mo kasi. Agent shut up tuloy password ko."

"Teka, wala a—"

"Tse!" sabi ko sabay patay sa tawag. Nakakainis! Papabago ko na lang.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago kasi hindi na daw pwede.

Kinuha ko ang black leather jacket na may logo ng organisayon. Para lang siyang letter AV na pinagpatong na nasa loob ng isang bilog. Lahat ng miyembro ay mayroong logo at napili kong ilagay yun sa gilid ng jacket ko. Isinuot ko rin ang tactical half face mask. Mahirap na, baka may makakita ng mukha ko, matanggal pa ako sa organisayon. Dito kasi kapag may nilabag kang kahit isang rule, tanggal ka na agad.

Pagkatapos ay pumunta ako sa tapat ng isang malaking pinto na half shape ng oval. Bumukas na lang ang pinto mag-isa. Dahil lang naman yun sa logo na nakadikit sa jacket ko na may electromagnetic wave, kaya madaling makapasok. Kailangan ng logo ng AV para makapasok sa loob, kapag wala kang logo, di ka makakapasok maliban na lang kung may susundo sayo galing sa loob.

Noong una kong pagpasok dito, inaasahan kong sa likod ng malaking pinto ay isang malaking kwarto na maraming kagamitan, pero na-disappoint lang ako.

Ang laman lang naman ng kwartong ito ay isang pinto katapat ng pinto papasok, sa gitna naman ay dalawang single size white sofa, one small table and a glass elevator, sa gilid sa bandang kaliwa. Yun lang naman.

Ang sadya ko dito ay puntahan ang boss para alamin ang misyon ko at makikita ko siya sa likod ng pinto na kaharap ko. Doon kami pupunta kapag aalamin namin kung ano ang misyon namin.

Tumapat ako sa harap ng pinto at may pinindot na isang maliit na button.

"Codename?" tanong ng isang robot na boses.

"Lux."

Pagkatapos nun ay bumukas ang pinto. Nagulat naman ako na wala akong nakita na mga kagrupo ko. Bakit wala silang dalawa?

Naglakad ako palapit sa isang lalaking nakaupo sa swivel chair at nakatalikod.

"Hey boss," bati ko sa kanya.

"Sit down."

"Where's my groupmates? Are they late?" I asked.

"None, you will have this mission all by yourself."

"So I don't need this mask?"

"Yes but don't remove that."

"Why? It's only you and me. Imposible namang hindi mo ako kilala."

Inabot ko ang dulo ng face mask para sana tanggalin pero kinontra niya ako.

"Don't remove your mask!" saad niya sa ma-awtoridad na boses. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa boses niya, kaya sinunod ko na lang siya.

"Um, fine. So what is it?" tanong ko sa kanya.

"This mission is very easy so you don't need the help of your groupmates. It's only for you."

"Okay. So what is it?"

Hindi mo na kailangan magpaligoy-ligoy pa boss, sabihin mo na lang sa akin. Excited na din ako, pero bakit parang may isang parte ng isip ko ang hindi mapakali? Kanina ko pa ito nararamdaman pero hindi ko na lang pinapansin. Tiningnan ko ang likod ng swivel chair habang hinihintay ang sasabihin ni boss.

"So your mission is....."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top