Chapter 39: Rule Number Two

Rule number two. Blend in the crowd.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni papa no'ng tinuruan niya ako kung paano matutunan ang art of disguising. At ngayon ay ginagawa ko 'yon.

Even though hindi naman masyadong kailangan, but still...

Naisip ko, kailangan ang pangalawang rule sa sitwasyon ko ngayon. I'm now here in the Philippines, where our language came from, at hindi ko ito sariling kaharian. In short, dayuhan lang ako. But I don't want anyone knowing me about being a princess, well, except ofcourse for Lucind. Gusto ko ng bagong buhay kahit sandali lang. Gusto kong normal lang na tao ang pagkakakilala nila sa akin. Kaya heto ako ngayon. Hayst.

But I think, mahirap gawin ang rule na ito ngayon. I cannot perform it properly kahit na maraming tao, lalo na sa lugar na ito. Bakit? Kasi kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung nasaan ako, at ang malala pa nito, hindi ko makita si Luk at Ace.

Siguro mag-iisang oras na akong palakad-lakad dito sa loob ng mall sa kahahanap sa kanilang dalawa. Kanina pa rin ako dito lingon ng lingon para lang makita sila pero wala eh. Hindi ko sila mahanap. Kaya mapapansin talaga ng mga tao na hindi ko alam ang lugar na ito. Kasi naman eh!

"Asan na kaya sila?" Bulong ko sa sarili ko. Sumasakit na rin ang paa ko sa kalalakad. Sinisigaw ng utak ko na umuwi na lang pero hindi ko talaga alam kung saan ako uuwi. Wala nga akong kaalam-alam sa lugar na ito maliban na lang sa nasa loob ako ng mall.

May tinitingnan lang kasi ako no'n sa isa sa mga stalls tapos bigla na lang silang nawala. Hindi man lang nila naisip na hindi ko alam ang luhar na ito. At hindi pa nagpaalam...or nagpaalam talaga sila sa akin pero di ko narinig. Geeeezzzz.

Narinig ko kasing may sinabi si Ace sa akin pero hindi ko nabigyang pansin dahil busy ako sa tinitingnan ko. Pag-lingon ko bigla silang nawala, nag-panic na rin ako. Akala ko maaabutan ko pa sila kapag umalis ako sa kinatatayuan ko pero anong nangyari sa akin? Naligaw lang ako. Naiiyak na ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa isa sa mga pintuan sa mga malls. Siguro ay babalik na lang ako dun sa hotel kung saan kami nagcheck-in nila Ace. After kasi naming makarating galing Spain, sa hotel muna kami nagpahinga since gabi na rin no'n. Ngayon dapat kami pupunta sa pansamantalang tuluyan ko habang nandito pa ako sa Pilipinas after namin magshopping pero hayst.

Nakalabas nga ako ng mall pero nagtaka ako dahil wala namang mga tao sa labas. Pintuan pa ata sa likod ng mall ang nalabasan ko dahil nang lumingon ako sa kanan ko, doon ko nakita ang di kalayuang kalsada, at sa harapan ko naman ay mataas na pader.

Tinahak ko ang makipot na daan papunta sa highway. Medyo nakakakaba rin dito kasi may mga napapanood akong movies na yung mga bida, napupunta sa ganitong klaseng lugar tapos may mangyayari sa kanilang masama. I tried to wash the thought away dahil ayoko namang lamunin ako ng kaba ko lalo na't hindi ko alam kung nasaan ako.

"Ate, kahit barya lang po."

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng mahinang boses na halos pabulong lang. Hinanap ko kung saan nanggaling ito at nalaman ko na ang may-ari ng boses ay isang binatilyo na...pulubi.

I looked at my left and right, and noticed something. Bakit dito siya namamalimos?

Kapag kasi namamalimos ako, do'n ako sa mataong lugar pumupunta, hoping that people would give me something. Syempre gawain ko 'to eh.

Pero maybe pagod lang siya kaya naisipan niyang magpahinga sa walang katao-taong lugar. Mahirap rin kasi ang mamalimos. Ako mismo ay naranasan na ang bagay na 'yan. At nakakapagod talaga.

"Ate?"

I flinched a bit hearing the boy's voice. Bumalik kasi ang ala-ala ko sa Cepheus kaya medyo nakalimutan ko ang tungkol sa bata.

Kinapa ko ang bulsa ko at hinugot ang kung ano man ang nahawakan ko.

All I have is a credit card that Luk gave me earlier and a Cepheus' paper bill. Umiling ako at iniabot sa bata ang paper bill na dala ko. I don't know if pwedeng magamit ang pera galing sa Cepheus dito sa bansang ito, pero basta nagbigay ako, okay na 'yon. Also, I can't give the credit card because this is not mine. Kung sa akin lang 'to ay tiyak na ibibigay ko na.

Nagulat ako sa kanya ng bigla niyang hinablot ang pera na iniaabot ko sa kanya. Pero napangiti na rin ako ng bigla siyang napangiti. Ganito ba talaga ang mga pulubi dito?

Tiningnan pa niya ako habang may ngiti sa labi.

"Okay na ba y---"

Hindi agad ako nakagalaw nang agawin niya ang credit card na hawak ko. Napatigil pa ako sa pagsasalita at nakatitig lang sa papalayo niyang pigura.

Did...he just...snatch my credit card?! I mean Luk's credit card?! Teka, hindi akin 'yon!

Nang matauhan ako ay agad akong tumakbo para habulin siya. Hindi ko naman alam na magnanakaw pala siya eh. Akala ko....aish basta! I have to find him. Unang araw ko pa lang dito sa Pilipinas tapos ang malas malas ko na. Naligaw na nga, nanakawan pa. Hayst.

Nang makalabas ako papuntang highway, I immediately stopped. So...where can I look for him?

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, at parang agad na sagot sa tanong ko, nakakita ako ng kumpol ng tao. I ran towards them at naki-usosyo na rin. I pushed myself between the bunch of people until I reached the front.

At doon ko nakita ang magnanakaw ng credit card at ang may-ari ng credit card, si Luk! Omaygash, I found him! Is this a blessing in disguise? Dahil kung hindi ako nanakawan, edi hindi ko makikita si Luk. Wow.

"Luk, tama na!" Sigaw ko sa kanya kahit ang ingay ng paligid at hindi ko alam kung maririnig niya ako.

I smiled when his fist stopped mid-air. Nakapatong na kasi si Luk sa magnanakaw at akmang susuntukin ito pero napatigil siya. Narinig niya ata ako.

Agad namang lumingon sa direksyon ko si Luk at nang makita niya ako ay bigla siyang tumakbo sa akin sabay yakap.

"Akala ko kung napa'no ka na," bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Okay lang naman ako," saad ko. Ang mga tao naman kanina na nakapalibot ay unti-unti ng umaalis. "Luc—"

"May sugat ka ba, ha?"

Umiling ako. "Wala. Pero—"

"Mabuti naman. Eh pasa? Baka kung ano'ng ginawa sa'yo ng magnanakaw na 'yon?" Hinawakan ni Luk ang dalawang balikat ko at tiningnan ang magkabilang braso ko, pati na rin ang mukha.

"Okay lang talaga ako. Luk yung an---"

"Wag mo nang uulitin 'yon ha? Nababaliw na ako kahahanap sa'yo. Sobrang nag-aala—"

"Ano ba, Luk?! Pwedeng patapusin mo na muna ako? Kanina ka pa eh!" Sigaw ko sa kanya, siguro ay singkit na rin ang mata ko ngayon. Kasi naman, napapansin ko na hindi niya ako pinapatapos magsalita. Kanina pa ako may gustong sabihin eh! Kasi...

"May nakakalimutan ka ata. Yung magnanakaw, paalis na—"

"Ano naman?"

Mas lalo pang naningkit ang mata ko. Isa pa. "Yung credit card mo, hindi mo pa nakukuha!"

Nagtaka ako ng kalmadong humarap si Luk sa magnanakaw. Kahit na patakbo na ito at nasa kanya pa rin ang credit card, hindi pa rin siya hinabol ni Luk.

Sumigaw ako ng makitang tumakbo ang magnanakaw pero si Luk, andito pa rin sa katabi ko. "Luk!"

Hahatakin ko na sana siya para habulin namin ang magnanakaw pero pinigilan niya ako.

"Let him be," kalmado niyang sabi.

"What?! Are you crazy? Credit card mo yun!" Nagsasalita ako habang nakatingin sa tumatakbong magnanakaw. Bakit niya pinabayaang makatakbo yung magnanakaw?

I tried thinking his reasons at may isang sagot na pumasok sa isip ko. Si Ace! Agad akong lumingon sa direksyon kung saan tumakbo ang magnanakaw. At parang sa mga teleserye, biglang lumabas si Ace out of nowhere at inisahan niya ng suntok ang magnanakaw. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa amin na parang walang nangyari.

"Let's go?" Tanong niya sa amin.

Narinig ko si Luk na sumagot habang ako naman ay nakatulala lang sa lanya at nakanganga pa.

Wala ako sa sarili habang nakasunod sa kanila. Pumasok kami sa isang kotse, probably, kotse ni Ace. At ng nasa gitna na kami ng byahe, tsaka lamang ako nakapagsalita. Dahil do'n ay nabasag ang katahimikan, kanina pa kasi sila tahimik eh.

"Paano niyo ako nahanap?" Tanong ko habang tinitingnan si Luk sa rearview mirror.

"With the help of my men," he answered.

"Huh?" Teka, tama ba ang narinig ko? O nabingi lang talaga ako?

"Basta. You don't need to know," Luk replied.

Tumango ako. Bakit kaya? Pero by the way...saan ba kami pupunta?

Tumikhim si Ace na parang magsasalita kaya napatingin ako sa kanya. "In our house."

"Anong sinasabi mo?" Nagtataka kong tinanong si Ace. Kasi naman, kahit hindi ko pa siya tinatanong ay sumasagot na agad siya. Masyadong advance. Parang nababasa niya ang nasa isip ko.

Tinapunan naman ako ni Ace ng tingin mula sa driver's seat kung saan siya naka-upo. "I've been observing you for a while through the mirror, you're eyes are telling me that you are curious on where are we going."

"Alas, you shouldn't have use your skill to Anastasia—"

"But I already used it to her, maybe twice?"

"That's what I'm saying. Dapat 'di mo ginagamit sa kanya dahil kahit alam niya ay nagugulat pa rin siya."

"Whatever."

Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nakatuon ang atensyon ko sa kanila. Iniisip ko ang sinabi ni Ace. Ang sabi niya ay 'in our house'. So may bahay silang dalawa, at isa lang 'yon. Are they living together? Meron ba silang romantic relationship? Ate they gay? Okay lang naman sa akin kung gano'n sila.

"Are you some sort of....couples?" Pinakawalan ko ang salitang, well, nakapagpatigil sa ikot ng mundo. I mean ikot pa lang ng gulong, dahil tumigil ang kotse na sinasakyan namin sa pag-andar.

Unang humarap si Ace. "Are you serious?!"

"Paano mo naman naisip 'yon?" Dagdag na tanong ni Luk habang binabato ako ng tingin na parang sinasabing may ginawa akong malaking krimen.

I looked at them innocently. "Cause Ace said, 'in our house.' So I concluded that you two are living together."

I noticed Luk rolled his eyes and afterwards, bumalik na rin sa pagmamaneho si Ace. What? Wala naman akong ginagawa ah. I stayed silent dahil baka kung ano na namang masabi ko at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

May nadadaanan kaming mga puno sa may kanan ko. At nung tumingin ako sa kabilang parte ng kotse, may kulay asul na dagat sa gilid ng kalsada. I stared at it for the whole ride dahil minsan lang ako makakita nito. Parang iniikot nga ata namin yung paligid ng dagat dahil kanina pa meron nito dito.

Maya-maya lang ay lumiko ang sasakyan namin papasok sa isang kalsada at sa dulo ay may malaking kulay itim na gate. May mga puno rin sa dinadaanan namin.

"This is our house," rinig kong sabi ni Ace pero ang mata ko ay nakatutok pa rin sa unahan. Parang palasyo rin ang bahay nila Luk. "Our property. Naisip namin na magtayo ng bahay para sa aming magka-kaibigan. Lucind, Scion, Alex, Lucian and me founded this. At ito ang kinalabasan."

My mouth gaped after hearing what he said. Just the five of them, but they can buy this kind of property. At para lang sa kanilang magka-kaibigan. What kind of friendship they have at bakit sumagi sa isip nilang magpatayo ng bahay? Tsaka gaano ba sila kayaman?

"Close your mouth, Your Highness," rinig kong sabi ni Luk.

I heard Ace's chuckle kaya napa-pout na lang ako. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Hmp!

Inikutan namin ang isang mini-garden na may fountain sa gitna. Bago nakarating sa malaking front door. Parang nasa palasyo lang rin ako nito.

"Dito na kayo bumababa. I will just park my car at the parking," paalam sa amin ni Ace.

Nauna namang bumaba si Luk sa akin dahil pinagbuksan pa niya ako ng pinto. I muttered my thanks to him before walking towards the polished marble staircase.

Bago ako pumasok ay tinawag ni Luk ang pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anastasia, can I talk to you about your identity?"

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Sure. What about my identity?"

Diretso niya akong tiningnan sa mata. "Don't let them know your real identity. 'Wag mong sabihin na prinsesa ka. At sa Cepheus ka nakatira. Don't mention about your family, and if possible even your friends there."

"So basically, you want me to lie," paglilinaw ko.

"Not totally lie but just don't tell it to them. Ang alam lang nila ay katrabaho kita sa isa pang agent headquarters."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At paano kung magtanong sila?"

"They are not like Vania. Hindi sila chismoso sa background ng isang tao. At hindi ka rin nila pipilitin kung ayaw mong sabihin. But if that happens, just improvised," he shrugged.

So....is this the time that i should apply the rule number two? Blend with them, and act like i'm not a princess. Sure thing! Kasama naman iyon sa mga tinuro sa akin ni papa para maperpekto ang art of disguising.

"Should I change my style too? You know, my clothing style." Tanong ko pa.

"Yep, you can wear eyeglasses too as part of your daily life here if you want," sagot niya. "Because you know, some people might know you."

I smiled. Pwede na akong magdamit kung saan ako komportable! Yehey! And yeah, maybe magsusuot na rin ako ng glasses habang nandito ako.

"Yun lang?" Hinawakan ko na ang door handle para buksan ang pinto.

"Wait. 'Wag mo na sanang ulitin yung ginawa mo kanina. Sobra akong nag-alala ako sa'yo."

"Sorry na. Pero sige."

"Promise?"

Tumango ako bago excited na pinasok ang bahay. Excited na ako dahil kanina ko pa gustong makahanap ng toilet. Dahil ihing-ihi na ako. Aish.

Kaso may problema. Ang laki laki nitong bahay at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang sosyal nga na parang palasyo namin kaso nakakaligaw at nakakalula dahil ang daming staircases. Ang dami pang pinto at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Dumapo ang tingin ko sa malaking golden couch. Not totally golden pero may gold so yeah. Wala namang tao do'n. Ang laki nga nitong bahay pero wala namang tao. Sinong nakatira dito? Multo?

Sunod na lumipat ang tingin ko sa mini-bar malapit sa sala. Doon ko nakita ang isang lalaki na nakasuot ng pang-bar tender. Agad ko siyang nilapitan.

"What do you want, miss? Wine? Cocktail? Water or juice? Or do you want to see my bar tending skills?"

I gave him an are-you-serious look. Seryoso? Is this even a house or a bar?

Tumikhim ako. "I just wanted to ask something." Inikot ko ng tingin ang buong bahay pati ang taas nito pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang tingin. "Where is the toilet located?"

He rested his jet black eyes at my face and gave me a smile. Saan ba sila Luk nakakuha ng ideya na kumuha ng poging bar tender? I mean bakit hindi naman talaga siya parang bar tender dahil napakaputi niya.

"Walk towards the elevator near the mini-cinema at the left side of this house. Then press the button leading to the top-most floor where the olympic size pool is located. Nandoon ang aming toilet."

Napanganga ako. May olympic size pool sa bahay na ito? Bahay pa ba 'to o hotel? Whatever.

Sinunod ko ang sinabi niya at sumakay sa elevator. Sana lang mas bilisan pa nitong elevator dahil ihing-ihi na talaga ako. Konti na lang.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng elevator nang tumigil ito at tulad nga ng sinabi ng bar tender, nakita ko agad ang olympic size swimming pool, sa loob ng glass wall. Tinungo ko ito at binuksan ang glass door.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko pero wala naman akong nakikitang cr. Teka, scam ba yung bar tender? Niloloko niya ba ako? Naku, kumukulo na naman ang dugo ko. Wag niya lang akong inisin, kasi ihing-ihi na talaga ako.

Nakakita ako ng taong nakatalikod, na naglilinis nung pool. Nilapitan ko siya at tinawag.

"Uhm, kuya?" Tawag ko sa kanya sa impatient na boses. Omaygash.

"Why?" Naramdaman ko ang tingin nung lalaki pero sa pool naman ako nakatingin. Im getting impatient.

"Saan ba yung---" Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino ang kaharap ko. "Ikaw?!" Ang lalaking kaharap ko lang naman ngayon ay yung bar tender kanina. Pero....parang tumaba siya. O ako lang 'yon?

"Ako?" Nagtatakang itinuro ng kaharap ko ang sarili niya.

"Di'ba andun ka sa mini-bar kanina? Paanong---" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko dahil sobra talaga akong nagtataka.

Matagal naman niya akong tiningnan at maya-maya ay ngumisi siya bigla na parang may naalala.

"Ah, nagteleport kasi talaga ako papunta dito kaya nauna ako sa'yo," wika niya.

Naningkit naman ang mga mata ko. "Sinong inuto mo?"

"Ikaw. Nagpa-uto ka naman di'ba." Nginitian pa niya ako ng nakakaloko. Anong nangyayari?

"H-ha?"

"Ano bang kailangan mo?" Pagbabago niya ng topic.

Pwede naman pala siyang maka-usap ng matino eh. "Di'ba tinanong kita kanina kung asan yung toilet."

Umakto naman siyang nag-iisip. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Right. Naalala ko na. Pero anong ginagawa mo dito? Di'ba nasa ground floor ang cr."

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. "Ano?! Pinaglololoko niyo ba ako?!"

Nakita ko siyang umiling. "Hindi. Promise. Nasa baba talaga."

"Pero sabi mo kanina andito," sabi ko sa kanya.

Napailing ulit siya. "Wala ata akong sinabi."

Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin at inirapan. Okay, nahawaan na talaga ako ng Zandra virus, official na'to.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa elevator at dumiretso sa pinakababa.

Naabutan ko si Luk at yung bar tender na nag-uusap. Nakita naman nilang dalawa ako pero binigyan ko lang ng masamang tingin ang bar tender at pumunta kay Luk.

"Luk, asan yung cr, bilis." Nagmamadali ko siyang tinanong.

He slowly pointed his index finger towards the right. "There, madali mo lang yun makikita."

Sinunod ko siya at tumakbo sa direksyon na itinuro niya. At kagaya ng sinabi niya madali ko lang iyon nakita. Hindi ko na nakita ang paligid ko dahil ang iniisip ko na lang talaga ngayon ay ang maka-ihi. At nang makatapos na ako ay agad din akong lumabas. Bakit ba kasi ang laki-laki ng bahay na ito at nakakaligaw?

Dumapo ang tingin ko sa apat na lalaking naka-upo sa sofa sa sala. Parang may pinag-uusapan ata sila kasi naka-kumpol sila.

"Anong meron?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila. Nag-init na naman ang ulo ko dahil nakita ko kanina ang dalawang lalaki na pinagtrip-an ako kanina, pero nakabihis na. So...kambal pala sila? Bakit hindi ko agad napansin. May pa-teleport-teleport pa silang nalalaman. Dalawa naman pala sila. Para tuloy akong uto-uto kanina kagaya ng sinabi ng isa sa kanila kanina. Hmp.

"Anastasia, mukhang napagtrip-an ka ata nila kanina," sabi ni Luk sa akin.

Tumango naman ako habang palitan ko silang binibigyan ng masamang tingin. "Oo nga. 'Yang bar tender at janitor niyo," saad ko.

"Janitor?! Sa gwapo kong ito, mukha ba akong janitor?" Hindi makapaniwalang wika ng isa.

"Okay lang na tawagin akong bar tender, atleast gwapong bar tender," saad pa ng isa.

Tumikhim naman si Luk. "They are neither the janitor nor the bar tender, they are my friends. Scion and Lucian, also the owner of this house."

Tumango ako. "Ahhh, may-ari lang pala ng bahay eh. Bak---teka, WHAT?! May-ari ng bahay?!"

Nakita ko naman silang apat na tumango at pare-parehas ang ngiti na nakaguhit sa labi. Nakatanga lang ako sa kanila ng ilang segundo o minuto siguro dahil narinig ko na silang nag-uusap-usap at hindi ako pinansin.

"So where are we?"

"Schedule."

"Ah, yeah. Lucind is asking about our class for tomorrow and our schedule."

"So what is our class?"

"Hmm, let me see.....No way!"

"Why?"

"We have our friggin' detective-like lesson for tomorrow. This is torture!"

I heard them all groaned, except yata kay Lucind. But later on, I found mysel groaning with them. What is happening with me?!

A detective-like lesson? Para saan? Bakit parang ayaw nila do'n? At bakit parang ayaw ko rin? Omaygash, I can't stand this. Parang mababaliw ata ako kapag kasama ang apat na lalaking ito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top