Chapter 32: Pranking Callix

Habang ibinabalik ko ang kutsilyong dinala ko sa task kanina, hindi ko mapigilan ang pag-ngiti. Katatapos lang naming gawin ang task na ibinigay sa amin ni boss, at ngayon ay nasa weapon room ako habang ang mga kagrupo ko ay nasa lounge ata o nasa office ni boss.

Unti-unti na akong nasasanay sa bagong routine ng buhay ko. Halos araw-araw rin akong gumigising nang maaga para gawin ang mga task na ini-assign sa akin, sa amin. Hindi ko maipagkakaila na masaya siya. Masaya siya kaysa sa dati no'ng prinsesa pa ako. Pero mas masaya kung andito si Zandra at Callix kaso hindi pwede. Hayst. Pero sana nandito ang kahit isa man lang sa kanila.

Mabilis kong kinuha ang kutsilyo at umikot patalikod pagkatapos ay ibinato ito sa kung sino mang pumasok. My instincts told me to do it kaya sinunod ko na lang.

Nakita kong inilagan lang ito ni Luk at umiling. Luk ang tawag ko sa kanya kasi habang ng Lucind. Wala naman siyang pake kung anong itatawag ko sa kanya, siya na rin ang nagsabi.

Naka-smirk na lumapit siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko. "What?"

Tiningnan niya ang kutsilyong nakatarak sa pader malapit sa pinto pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Who taught you that?"

"At bakit mo naitanong?" Pagtataray ko sa kanya.

He chuckled. "He taught you well."

Lalo tuloy ako naging proud kay Callix dahil sa sinabi niya. "I know. His my butler after all."

"Oh. So your butler taught you? Si Callix di'ba?"

Bigla akong napalingon sa kanya. "You know him?"

He nodded. "Your butler."

Inirapan ko siya at nauna nang naglakad.

"Tapos si Vania, 'di mo matandaan ang pangalan," bulong ko.

"Who's Vania again?"

"Tsk."

Iniwan ko siya at mabilis na naglakad papunta sa locker. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Vania.

"Hi, Vania!" Masiglang bati ko sa kanya.

Napailing ako nang irapan niya ako at walang siglang bumati. "Hm."

Yes, for me, greetings niya yun sa akin. Suplada kasi ito. Buti na lang talaga hindi ko naiisipang sabayan ang pagiging mataray niya. Pero kapag kay Luk... Hmph, wag na nga! Para tuloy akong nagseselos.

I opened my locker and put my jacket inside. Sinarado ko na rin yun pagkatapos.

"Saan—"

Kakausapin ko sana si Vania kaso 'pag tingin ko, wala na siya sa dati niyang pwesto. Sa'n yun napunta?

Nakarinig ako ng mahinang sigaw at tinatawag niya ang pangalan ni Luk. Aba, nakasunod na naman siya do'n sa lalaking iyon. Itatanong ko pa lang sana kung saan na siya pupunta pagkatapos kaso mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Napailing na lang ako at naglakad palabas ng headquarters. Hindi man lang nila ako hinintay!

Nga pala, ngayon rin ibibigay sa akin ni Luk yung nakuha niyang details about do'n sa mark na nakita ko nung operation.

Dali-dali akong lumabas at hinabol sina Luk. Hindi talaga ako hinintay ng mga iyon! Hmp.

Tinulak ko ang front door para makapasok.

Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon ang taong nakadekwatro sa couch sa living room.

Luminga-linga ako. Pero bakit hindi ko makita sila Luk at Vania? Asan kaya ang dalawang iyon? Bahala nga sila.

Nilagpasan ko ang taong alam kong tinitingnan ako at umakyat pataas. I walked towards my room.

I pushed myself towards the bed. Ba't kaya nandito si Callix? Kanina lang pinupuri ko siya tapos ngayon andito na siya? Kakaiba naman.

Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi ko siya pinansin. Eh sa trip kong mang-trip ngayon. Malas siya, siya ang napagtripan ko. Well, I will pretend that I can't see him. Kunyari ghost siya, makaganti man lang dahil hindi man lang siya nagpasabi na pupunta siya dito.

Nagbihis lang ako ng pambahay at bumaba na rin.

Binati ako ng dalawang lalaki na nanonood ng movie pero isa lang ang pinansin ko. And that's Luk.

Kumuha rin ako ng sarili kong pwesto at nakinood na rin. Maya-maya ay nilipat ko ang tingin ko kay Luk.

"Luk, where's Vania?"

His brows met. "Vania? Never heard of that name."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Tenebris," maikling usal ko.

Para namang nagkaroon siya ng bright idea matapos kong sabihin iyon.

"Ah. Our groupmate. Umalis na siya kanina. I didn't allow her to enter the mansion since we have a visitor."

Nagkunyari akong hindi ko alam ang sinabi niya sa akin. "Huh? Visitor?" I scanned the whole house para kunyaring hinahanap ko ang bisitang sinasabi niya. "Asan?"

"Sitting beside me," he obviously said. Tiningnan ko naman ang katabi niya pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang tingin.

"Wala naman ah. Tell me." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Can you see things that I can't see? Do you have third eyes or something like–what do you call that, again?–Ah! Anting-anting?"

He just shook his head. "Nevermind. You want some?"

Tiningnan ko ang iniaabot niya sa aking box na may lamang popcorn. Tumango na lang ako since gusto ko rin makatikim ng bago, puro chocolates na lang kasi ako dito.

Tumayo ako at kumuha ng popcorn pero narinig ko si Callix.

"Hey! Wag ka nang kumuha. May almond yan, I know you're allergic to almonds."

Bumalik ako sa kinauupuan ko na parang walang narinig. Nope Callix. Kahit miss na miss kita, hindi pa rin kita papansinin. Hindi naman ako marupok kagaya ng iba. And yes, allergic ako sa almond.

"Anastasia! Bawal ka pala niyan eh! Wag ka nang kumain niyan," saway sa akin ni Luk. Aba, mukhang kumakampi ito kay Callix ah.

Nag-pout ako, "But it's salted caramel popcorn!"

"May almond nga yan," rinig kong sabi ni Callix na hindi ko naman pinansin.

Nagtatakang nagpabalik-balik ng tingin si Luk sa aming dalawa ni Callix. "May almond raw yan. Allergic ka pala sa almond?"

"Yup. But I can't see any almond here," I answered. Kumuha ako ng isang popcorn at isusubo ko sana nang mabilis na pinigilan ni Callix ang braso ko. Ang bilis naman makatayo ni Callix. Hmp!

Natawa ako at napailing dahil kinuha niya ang hawak kong popcorn. "Fine!"

Pumunta ako sa kusina to make some fresh apple juice. Kumuha rin ako ng sarili kong snack which is...chocolate! Wala nang iba eh. Dala lang ata ni Callix yung popcorn na kinakain nila ngayon.

Dala-dala ang pagkain ko, pumunta ako sa kanila nang nakangiti. "Guys! It's a prank!"

I heard the two of them chuckled.

Callix mumbled something like I know na ikinatawa ko.

Inilapag ko sa lamesa ang hawak ko at binuksan ang chocolate.

"Welcome, Callix!" Bati ko sa kanya. "Iniimbestigahan mo pa rin ba si Raphael?"

Tumango siya at nagtatakang tumingin sa akin. "Yup. Why?"

"Wala naman," sabi ko sabay kagay sa tsokolate. "Just send me some updates on my e-mail. By the way, I miss you so much!"

Natawa siya. "Eh kakakita lang natin no'ng isang araw ah."

Uh, he's referring to the day when I went to the palace and get the card.

"Pero iba pa rin kapag araw-araw kang kasama," wika ko.

"Sus, kailan pa natutong mambola ang prinsesa?"

"Ngayon lang," I smiled proudly. "What are you doing here pala?"

Tinuro niya si Raphael. "Ask him."

Binaling ko ang tingin ko kay Luk at binigyan ng anong-sinasabi-nito look.

"Some business that involves you, Your Highness," he shrugged. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang brown na envelope na nakalapag pa kanina sa lamesa.

"And this one?" Tanong ko habang papalapit ang kamay ko sa envelope.

"Is none of your business, Your Highness." Kinuha niya ang envelope kaya napapout ako.

"Stop pouting," usal ni Callix. Kaya imbis na sundin ko siya ay dinagdagan ko pa ng puppy eyes. I knkw na sinabi na niya sa akin na huwag nang gawin ito pero bakit ba?

"Please?" Pagmamakaawa ko.

"Hindi talaga bagay sayo," sabi pa niya.

"Oh sige na nga bibigay ko na."

Lumawak ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi ni Luk. Curious talaga ako kung anong laman ng envelope eh.

"Talaga?"

Tumango siya. "Yep. Pero abutin mo muna."

Bigla niyang tinaas ang kamay niya na may hawak sa envelope kaya tumalon ako para hablutin yon pero iniwas niya. Teka, iniinsulto niya ba ako?

Umakyat ako sa couch at hinawakan ang braso niya. Kukunin ko na sana iyon kaso inilipat niya ang envelope sa isang kamay niya at ibinigay kay Callix.

Bumaba naman ako sa couch at kay Callix ko na ngayon inaagaw ang envelope.

"Akin na kasi!" Sigaw ko.

"No," natatawang sagot ni Callix kaya mas lalo pa akong nainis.

"Isa..." Nagsimula na akong magbilang.

"Dalawa..." Dugtong pa niya.

"Callix ha!" Pagbabanta ko.

"Wag kang makikinig kay Your Highness," patong ng isang asungot.

Tumalon na ako at lahat pero hindi ko pa rin makuha ang envelope kaya sumuko na lang ako. Ano ba kasi yon? Aish.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at inirapan silang dalawa. "Bahala nga kayo dyan."

Umakyat ulit ako pataas.

"Uy Zie! Wait!"

Hindi ko pinansin si Callix. Bakit ba kasi ayaw nilang ipakita?

"Zie naman eh!"

"Callix, san ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Luk. "HOY! HINTAYIN MO AKO!"

Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang kwarto ko.

Sinarado ko ang pinto kasabay ng pagsigaw ng, "Bakla!"

Maya-maya ay may kumakatok na. "Zie, sorry na."

"Zie naman eh! Buksan mo yung pinto! Sorry na nga!"

"Sorry na, please? Bati na tayo."

Narinig ko ang boses ni Luk. "Hoy Callix. Pabayaan mo na si Your Highness, bababa rin yan mamaya. Nagpapasuyo lang yan. Try mong wag suyuin."

Asungot talaga ang Lucind na yon! Nakakainis talaga!

Maya-maya ay wala na akong naririnig na maingay sa labas. Hayst, pinagpapalit na ba ako ni Callix? Naku naman eh!

Mga bakla talaga. May nahanap na namang kakampi si Lucind. At ngayon, magkasama na ang dalawang asungot.

I wish, they will live happily ever after....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top