Chapter 30: The Queen

"Hey! Where are you going?" Narinig ko si Lucind habang pababa ako sa hagdan.

Hindi ko siya binigyan ng tingin bagkus ay ipinagpatuloy ko ang pagbaba. "Somewhere."

"Samahan na kita," pagpupumilit niya.

Umiling ako at nang malapit na ako sa pinto ng bahay ay tsaka ko siya hinarap. "Hindi na kailangan. I can manage."

May alinlangan niya akong tiningnan. "Are you sure, you're okay? After what happened?"

I rolled my eyes. "Tapos na yon. Dalawang araw na ang lumipas. Okay na ako. Ikaw, okay ka ba?"

Nagtaka siya sa tinanong ko. "What do you mean?"

"Para ka kasing baliw. Tsk. Tsk. Iba yung ugali pag nasa trabaho tapos kapag nandito sa bahay. Hindi pa pinapansin si Vania," inirapan ko siya ulit.

"Who is she?"

Tumaas ang kilay ko. "Tenebris. Tsk. Dyan ka na nga."

Tumakbo na ako palabas at hindi ko na siya hinintay na pigilan pa ako. Ayaw ko naman talaga na sumama siya dahil pupunta ako sa palasyo. Inaway ko lang siya para maihilis ko siya sa topic tungkol sa pag-alis ko. Tsaka kunyari lang naman na galit ako sa kanya...konti lang. Tinarayan ko lang naman siya para hindi na niya ako isipin habulin pa at makaalis na rin. Pero kahit na, hindi pa rin niya kilala si Vania psh.

"Hey! Bawal ka pa lumabas! It's dangerous outside!" Sumigaw pa siya pero lumabas na ako ng gate.

I smiled when I saw a familiar car outside.

"Bilis," sabi sa akin ni Callix. Agad akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sinarado ko nang mabilis ang pinto dahil nakikita ko si Lucind na naghahabol pa.

"Hey, bastard! Anong ginagawa niyo?!" Bulyaw ni Lucind habang tumatakbo.

"Bye, bro!" Callix replied making me chuckle. Pinaharurot niya ang kotse papunta sa palace.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse pero maya-maya ay binasag niya ang katahimikan.

"You okay?" He asked.

Napalingon naman ako sa kanya. Medyo matagal ko siyang tiningnan dahilan para mailang siya at itigil ang kotse.

Pinipigilan ko na lang ang sarili kong maiyak kaya ngumiti na lang ako. Pagkatapos ay mahigpit ko siyang niyakap.

"I miss you!"

Naramdaman ko naman na medyo nanigas siya pero after that, niyakap niya ako pabalik at natawa siya.

"Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas, miss mo na agad ako?—owww—wait—ouch—Zie, masakit, masyadong mahigpit."

Hindi ko mapigilan na matawa. Binitawan ko na siya at bumalik na sa pagkaka-upo. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"What happened?" Tanong ni Callix habang nagpatuloy siya sa pagda-drive. "Alam kong may problema ka."

I just smiled and looked at him for a couple of seconds. Maya-maya rin ay umiling na ako. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin. Ayoko siyang madamay. Siguro mas mabuti kung sasarilihin ko na lang muna ang mga balak ko. Hihingi na lang ako ng tulong kapag kailangan na talaga, pero hindi sa kanya. Siguro sa mga kagroupmates ko na lang dahil sila ang mas may alam. Tsaka ayoko rin namang mapahamak si Callix.

"Anong nangyari sa palasyo pagkatapos kong hindi sumipot sa kasal?" Tanong ko sa kanya. I'm just curious kung anong mga ganap sa loob ng Monterene's palace.

He threw a sideward glance at me before answering. "Well, halos lahat nagkakagulo. Your mom is angry. Galit siya sa'yo dahil tumakas ka."

Ofcourse, I expect that. Lagi naman siyang galit sa akin eh, basta hindi niya gusto ang ginagawa ko.

"Si Zandra, sobrang nag-aalala siya. She cried for a day. Pero wag kang mag-alala maayos na siya ngayon. Buti na lang nandon ako."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Sobrang swerte ko talaga kay Callix.

"Si Raphael?" Hindi ko maiwasang maisip ang lalaking iyon. I'm sure galit rin yun sa akin.

Tumaas ang kilay ko dahil sa nakakalokong tingin na binibigay sa akin ni Callix. Sinamaan ko naman siya ng tingin para matigil na ang kaiisip niya ng kung ano-ano.

"Fine. Hindi ko pa siya nakikita after the incident. Hindi siya pumupunta sa palasyo. Ang pumunta lang dun ay yung tatay niya."

Napalingon ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"His dad? The King of Tyran?"

He nodded. "Galit na galit yung tatay niya. Ang dami niyang reklamo. Buti na lang di siya naghamon ng digmaan. Mukha pa namang warfreak yung tatay niya."

Napailing ako sa sinabi niya. Kaya talaga niyang pagaanin ang sitwasyon gamit lang ang mga salita niya. Mas magaan tuloy pakinggan ang mga sinasabi niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi pa ako pwedeng magpakita sa lahat. I have my plans for tomorrow. At hindi kasama dun ang paglabas sa pinagtataguan ko.

"Wala ka bang sinabihan na dadalaw ako sa palasyo?"

Umiling naman siya.

"Even Zandra?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Sure ka bang ayaw mong ipaalam sa kanya na bibisita ka? I'm sure she will be happy. Hindi na siya mag-aalala."

I gave him a sad smile. Magiging masaya rin ako kapag naka-usap ko siya pero kasi hindi pwede. Baka hindi na ako umalis sa palasyo pag nakausap ko siya nang matagal. Ang balak ko pa naman ay hindi ako magtatagal doon, may kukunin lang talaga ako.

"Dito ka na lang bumaba," sabi niya habang nakatingin sa unahan ng daan. Maya-maya ay itinigil niya ang kotse sa may gilid ng palasyo, malapit sa secret door.

Tumango ako. "Thank you."

Dumiretso na agad ako sa secret door.

For some reason, tumigil ako sa paggapang. My forehead creased habang nakatingin sa magkahiwalay na daan. Yung isa ay papunta sa kwarto ko at yung isa ay papunta sa kwarto ni Zandra. I looked at the two paths and shook my head, hindi ko matitiis si Zandra kaya hindi siguro masamang bumisita. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto niya.

Hindi ako sure kung iniwan yun ni Zandra nang nakabukas pero hindi masamang mag-try. Fortunately, nakabukas yun.

Maingat akong lumabas sa secret passage. Andito kaya si Zandra?

Pinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. I automatically smiled when I saw this young lady sleeping on her bed. Buti na lang nandito siya at saktong natutulog.

Tiningnan ko lang siya and I gave myself a distance. Para naman hindi ko siya magising. Sana okay lang siya sa mga panahong wala ako. Hindi ko kasi siya mapoprotektahan sa mga araw na susunod. Pero satisfied na ako nang sabihin nila Lucind na may nagbabantay sa pamilya ko.

I turned away after a minute of staring at her. Natigil ako sa paghakbang nang may maisip ako. Maybe a kiss on the forehead will not be bad?

Naglakad ako papunta sa kanya.

Hey, li'l sis! I'm so sorry dahil umiyak ka daw nang dahil sa akin. Pero I have to do this. Kasi alam kong hindi ako sasaya in the future kapag natuloy ang kasal. Ngayon kailangan ko tuloy magtago. Alam mo bang may humabol sa akin after kong tumakas sa kasal? They even shoot the car with many bullets. Buti na lang ligtas ako. Alam kong naiintindihan mo ako. Naiintindihan mo naman ako di'ba? Wag kang mag-alala, safe naman kayo dito dahil may nagbabantay sa inyo behind the shadows. At pagbalik ko, sigurado akong nahanap ko na ang justice para kay papa. Alam mo bang I'm making my plan now? Hindi magtatagal ay gagawin ko na ang first step ko. Nakita ko na nga yung miyembro ng grupong may gawa no'n kay papa. I just have to do an investigation kaya nandito ako. Kukunin ko kasi yung death threat sa akin nung birthday ko eh. So yun, mag-iingat kayo dito ha. Mag-iingat rin naman ako. Mahal na mahal kita.

I gave her a kiss on the forehead nang hindi sinasadyang matuluan siya ng luha sa pisngi niya. Ni hindi ko nga alam na umiiyak pala ako eh.

I smiled at maingat na pinunasan ang luha ko sa pisngi niya pagkatapos ay pumunta na sa kwarto ko.

Kinuha ko lang ang phone ko at ang wallet ko na naglalaman ng mga cards ko at pera. Ofcourse kapag may nag-check dyan, baka mapag-alaman pang may nagnakaw sa kwarto ko kaya sinabi ko kay Callix na gawan na niya ng paraan ito. I don't need my clothes dahil may mga damit naman doon sa mansion ni boss. Kailangan ko lang talaga ay ang dalawang phones ko.

Maingat akong pumunta sa training room dahil nando'n ang sadya ko. Yung death card na nakuha ko at yung dagger.

Sinabihan ko na si Callix na i-clear ang dadaanan ko. Napakalaking tulong talaga ng butler ko. Buti na lang at nandyan siya kaya mas napadali ang pagpasok ko dito.

He even leave the training room's door open for me! Hindi na niya ako pinahirapan.

Tinanggal ko ang pagkapin nung death card sa cork board na ginawa ni Callix para sa akin. Tiningnan ko pa ang buong cork board. And now na alam ko na kung ano ang itsura ni boss... Tinanggal ko rin ang picture ng tao doon na walang mukha at ang web na naka-connect kay Raphael. Ibig sabihin mali ang hinala ko noong una. Magka-iba silang tao.

Pagkatapos ay pumunta ako sa corner ng training room at tinanggal ang isang parte ng pader.

Napangiti ako nang makita ang Jagdkommando Tri-dagger. Maingat ko itong kinuha. Hindi ko alam kung bakit ko naisipan na kunin ang dagger na 'to. Hindi ko naman siya papakita sa kahit na sino kahit na kay boss pa dahil sa pagkakatanda ko, ilegal daw 'to sabi ni Callix. Sakin lang 'to, baka kasi magamit ko pa in the future. Pinaalam ko na rin ito kay Callix kaya hindi ako takot na kunin ito.

Ibinalik ko ang parte ng pader sa dati niyang kinalalagyan at tumayo na. Pinagpagan ko rin ang sarili ko bago tumingin sa buong training room. I think...I'm done!

Dapat naman talaga ay hindi ako magtagal dito. Mahirap na, baka may makahuli pa sa akin.

Naglakad ako papunta sa pinto at maingat itong binuksan. Sumilip muna ako sa labas para icheck kung may tao sa dadaanan ko pero wala. Why am I so lucky today, huh?

Sinarado ko ito at patingkayad na naglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako nang makarinig ako ng isang boses...that made my whole body froze.

"Where do you think you're going?"

Nanlalaki ang matang hinarap ko ang nagsalita habang tinatago ang dagger na hawak ko. Mas napaawang pa ang labi ko nang makita ko siya.

Omaygash. The Queen!

"M-mom."

She smiled at me and clapped her hands.

"My very good daughter. Where did you go? Masaya bang pag-alalahanin kaming lahat?"

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko sa gilid ng mga mata ko. She pulled me inside the training room and locked the door. Pagkatapos ay binitawan niya ako.

Agad akong napaluhod. Hindi ko alam kung bakit ako biglang naiyak. Pero ngayon hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha galing sa mata ko.

"M-mom. I'm sorry."

Nakatawa siya pero nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya, na disappointed siya. Nakikita ko rin na malungkot siya. Stress rin siya dahil kitang kita ang eyebags niya. And it made my heart broke.

Then her eyes...it became watery. My mom...she's crying.

"I don't understand," sabi niya habang umiiling.

"I'm sorry. I have to do that. I have to runaway. Dahil hindi ako magiging masaya."

Mas naiiyak pa ako dahil nakikita ko ang tuloy-tuloy na pag-iling niya. Her tears then began to fall.

"It's not that. I don't understand why are you doing this to me...to us. Anak, pinalaki kita na laging sumusunod sa utos ko. Even the smallest thing that I want, pinagbibigyan mo ako. I'm happy because of that. Pero hindi ko maintindihan na kung kailan kailangan, tsaka mo ako hindi susundin," she emotionally stated.

"Mom, I have my reasons—"

"I have my reasons too, my plans, but...but...you ruined it."

Dapat siguro nang marinig ko ang salitang iyon ay nagalit na ako. Pero hindi ko kaya. Naiiyak lang ako. Maybe because alam ko na ako talaga ang may kasalanan? Na nararamdaman ko ang bigat ng problema niya at iyon lang ang tanging solusyon pero hindi ko siya pinagbigyan.

Alam ko kung gaanon kalaki ang problemang masosolusyonan kapag nagpakasal ako pero I chose my own happiness. There's nothing wrong about choosing your own happiness di'ba?

"You made me worried. Hindi ka nagpakita ng ilang araw. Wala akong balita tungkol sa'yo. Tapos ang bigat pa ng responsibilidad na naka-atay sa balikat ko. I don't know what to do anymore. Gusto ko nang sumuko pero hindi pwede."

Hindi ko na kayang marinig pa ang sakit na idudulot sa akin ng mga salitang bibitawan ni mama kaya tumayo na ako. Hindi ko kayang makita siya na ganyan, sumisikip lang ang dibdib ko. Pinahid ko ang mga luha ko. At huminga nang malalim.

"Mom, I'm sorry. But I have to do all of this."

Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad.

"AV Organization."

That's only two words but it made me stop going. Gulat akong napatingin kay mama.

"H-how...how did you know about that?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

She wiped her tears at matigas akong tiningnan.

"You should quit being an agent."

Even that? She knew that? Gosh.

Umiling ako. "I can't."

"No. This time, sundin mo ako. QUIT IT!"

Napapitlag ako sa pagsigaw niya.

"Mom, no! In these past few days and even the days that will come, I've been relying on AV. I can't quit!"

"I don't know what to do with you anymore, Anastasia! Hindi mo na ako sinusunod. I'm doing my own move! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo! Sundin mo naman ako!"

Umiling pa rin ako. "Mom, kahit anong sabihin mo hinding-hindi ko gagawin yan! I can take care of myself!"

Napa-upo na siya sa sahig kaya mabilis ko siyang sinalo. Pagkatapos ay niyakap ko siya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Anastasia. I thought na magiging madali lang ito but I was wrong," nanghihina niyang wika. "I'm doing this for you...for our family but—"

"I love you, mom. Take care of yourselves. Babalik rin ako."

I kissed the top of her head before leaving her sitting on the training room's ground.

At pagbalik ko, wala na akong iisipin pa dahil nakuha ko na ang hustisya para kay papa. Maybe ganito talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao, hindi ka titigil basta makuha mo ang gusto mo para sa kanya. You'll do everything that it takes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top