Chapter 25: The End

This day may be a special day for everyone, but for me...it's the most miserable day ever. Lalo na kapag nakikita ko ang white gown na nakalatag sa kama ko. Yup, ang bilis talaga ng araw. Parang kahapon lang nung na-blackmail ako ni Raphael pero ngayon, eto na ang araw na yun.

Fudge it! I don't wanna go out. Ayokong bumangon, ayoko mag-ayos at higit sa lahat, ayokong magpakasal! That's why I'm here lying on my own bed. Nakadapa ako at nakatakip pa ng unan para hindi ko marinig ang commotion sa labas. The maids keep on bugging me! Lalo na si Merda. Kesyo bumangon na raw ako at mag-ayos dahil maya-maya lang ay ikakasal na ako but no! I don't want to.

At napipikon na ako dahil kanina pa sunod-sunod ang katok. Padabog kong tinapon ang unan sa sahig at pinagalitan si Merda.

"Di'ba sabi ko sa'yo na wag mo na akong guluhin dahil hindi ako pupunta?! I don't want to go! Kung gusto mo ikaw na lang ang magpakasal!" Sigaw ko sa kanya. I don't care if I'm not acting like a princess. I'm so stress right now!

"You're so hardheaded—"

"No! You're the one who is hardeheaded! Can you please go—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marealize ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Callix!"

I immediately run onto him and gave him a hug. Yung mahigpit, and I don't wanna let go. But he pushed me away pagkatapos ay umarteng parang may mabaho.

"May naaamoy akong mabaho. Teka nga, ikaw ba yun? Pwe. Maligo ka na nga Zie!" Maarteng tugon niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas pa ang isang kilay ko.

"Hindi ako mabaho! At isa pa, if you are here to convince me para lang pumunta dun sa pesteng kasal na yun, ngayon pa lang, sinasabihan na kita na hindi ako pupunta!" Pangunguna ko sa kanya.

He just chuckle making my eyebrow rise even more.

"What?" Inosente kong tanong. Ano naman ang nakakatawa?

"Ngayon lang kita nakitang umasta ng ganito. I mean, sanay na ako na magbreak ka ng rule but eto? Yung pagiging ma-attitude at mataray mo? Nah. At ngayon ko lang din nakita na makalat ang kwarto mo. Look." Tinuro niya ang laptop na nakabukas sa may bedside table ko at ang isa pang laptop na nasa may study table ko pati na rin ang cellphone ko na nakabukas sa katabi nun at yung isa pa sa kama. "What are you doing? Bakit ang dami mong gadgets na nakabukas? I know you're not fond of those."

Bumuga ako ng marahas na hininga. Bigla ko na namang naalala ang ginagawa ko bago pa ako katukin ng katukin ng mga maids at ni Merda.

"Fudge! Fudger! Fudgest!!" I shouted in frustration. "Kahapon ko pa sinusubukang contact-in si boss. About sa misyon ko. And then, things happened. He promised me na siya na raw ang bahala para hindi matuloy ang kasal basta gawin ko lang ang misyon ko. Pero hindi ko na siya macontact. He's always out of reach at minsan pinapatayan niya pa ako ng tawag." I don't know what he's thinking at kung ano man yon, sigurado akong hindi ko iyon nagugustuhan.  Ilang taon na rin akong nagtatrabaho sa AV pero ngayon lang 'to nangyari. Kaya ko nga tinanggap yung misyon na kumuha ng impormasyon tungkol kay Raphael dahil sabi naman niya, siya na raw ang bahala para hindi matuloy ang kasal. But where is him now? He's a freaking scam!

Pagod na pabagsak akong umupo sa kama ko at halos mangiyak-ngiyak pa ako. "I don't know what to do anymore."

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Callix at hinaplos ang likuran ko. Pagkatapos ay niyakap niya pa ako.

"I hate you," bulong ko sa kanya sa nanginginig na boses.

Hindi naman siya kumalas sa pagkayap pero naramdaman kong nagulat siya. "Bakit naman?"

"Kasi hindi mo man lang ako tinulungan sa pagkausap kay boss. Alam mo ba na dalawang araw na ako na naghahanap ng paraan para lang makausap siya. You're a hacker at alam kong makakausap mo siya sa kahit anong paraan pero—"

"Zie, you didn't ask for help. At dahil ikakasal ka, dapat hindi ka nagpupuyat. Is that the only reason why you hate me?" Tanong niya sa hindi makapaniwalang tono.

"No," sabi ko sa kanya dahil yun naman talaga ang totoo. "I hate you dahil feeling ko, gusto mong matuloy itong kasal. Kalmado ka lang nga dyan habang ako frustrated na dito. Pinuntahan mo pa ako para lang pagsabihan ako na mag-ayos na—"

"Hey, wala pa akong sinasabi...but on second thought parang ganun na nga. Kinausap kasi ako ng mama at lola mo na ipersuade ka na mag-ayos na. Sabi nila kahit sa ayaw mo raw at sa gusto matutuloy daw ang kasal. And may pinapasabi rin sila about sa something na kailangan at alam mo na daw kung bakit ganito. Tsaka mabait naman si Raphael ah. Sa tingin mo ba makakampante ako ng ganito kung hindi ko kilala si Raphael? Hindi siya mahirap mahalin. Don't get me wrong, I'm not gay," he said at naramdaman kong umiling pa siya ng todo.

I chuckled at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. I open my mouth para magsalita pero walang lumabas kahit isa kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nablackmail lang ako ni Raphael pero bakit hindi ko magawa? Ang alam ko kasi, sinabi niya kina mama na iadvance na yung kasal dahil pumayag naman daw ako. But of course I'm blackmailed by him. Aish.

"Stand up. Maligo ka na at pagkatapos ay may pupunta dito para ayusan ka. Wag kang mag-alala, kahit naman mag-asawa kayo ni Raphael, andito lang ako para sa'yo. And dahil ako ang butler mo, pwede kang magrequest sa kanya na kasama ako sa bahay pero bibigyan ko naman kayo ng privacy. I'm sure papayag siya, mabuti siyang tao eh," he said with finality. Tsk.

Hindi na lang ako nakipag-away sa kanya at sinunod na lang ang sinabi niya. Matamlay ako na pumunta sa banyo at naligo na. Pagkatapos ay walang lakas akong lumabas ng nakabath robe.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa mga maids na nasa kwarto ko.

"Halika na po at aayusan ka namin," ngumiti pa ang isa sa akin at hinila ang upuan sa may vanity table ko.

Kinuha ko ang laptop ko at cellphone tsaka umupo na sa upuan.

Habang inaayusan nila ako, walang tigil pa rin ako sa pagmessage kay boss at pagtawag sa kanya. Pati na rin ang email niya ay hindi ko pinapalagpas. Ewan ko nga kung bakit hindi ko na naisipang humingi ng tulong pa kay Callix. Maybe because gusto kong ako mismo ang makacontact sa kanila?

Napipikon na kasi talaga ako kay boss eh. Like seriously? He made a promise tapos ngayon hindi niya tutuparin. Nakakainis kahit na boss ko pa siya. Naiiyak tuloy ako. Is this really the end? Ayoko namang matali sa taong hindi ko mahal... pero sabi nga ni Callix, hindi naman mahirap mahalin si Raphael. Maybe in the process matututo akong mahalin siya. But still, he blackmailed me! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

Hindi ko namalayan na tapos na pala nila akong ayusan sa mukha at sa buhok, muntik ko na nga ring hindi mapansin ang taong nasa harapan ko ngayon kaya kailangan ko pa itong titigan nang matagal para lang marealize na ako pala yun. Sobrang tutok na tutok kasi talaga ako sa cellphone ko kaya gan'to.

Maganda naman ang pagkamake-up nila sa akin pati na rin yung buhok ko na multiple french braids bun daw ang tawag sa style. Pero ang masama do'n, pagkatapos kong titigan ang sarili ko sa salamin, ibinalik ko na ang tingin ko sa cellphone at paminsan-minsan ay sumisilip sa laptop ko.

Medyo lumalakas na rin ang kabog mg dibdib ko dahil malapit na ang kasal pero hindi ko pa rin nakakausap si boss. Ganito na lang ba talaga yun? Bigla na lang niya ako iiwan porque hindi ko natapos sa oras ang misyon ko? Aish. Sumisikip lang ang dibdib ko eh, ang ayaw ko pa naman sa lahat yung hindi tumutupad sa promise.

Nagpanting ang mga tenga ko ng marinig ko ang sinabi ng isa sa mga nag-ayos sa akin.

"You should wear the gown by this time."

Tiningnan ko siya na nakatingin sa gown na nasa kama ko. A professional, para kasing hindi maid kung magsalita. Well, halos lahat naman sila.

"Ayoko," maikli kong sagot pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa cellphone ko. Nagmamadali na ako sa pagpindot sa screen nito dahil nararamdaman ko na malapit na ang kasal. Nagpapanic na rin ang sistema ko.

"The queen said that you should be at the place in one hour. And thirty-five minutes had passed. Kelan ka pa mag-aasikaso?" Aniya na parang ginagalitan ako.

Tiningnan ko lang siya at pinaningkitan ng mata bago bumalik sa ginagawa ko. Sorry na pero wala talaga ako sa mood ngayon.

"Isusuot mo o ako ang magsusuot sayo?" May awtoridad niyang tanong.

Masama ang tinging ibinigay ko sa kanya pagkatapos ay tumayo na.

"Fine. Get out!" Utos ko sa kanya. Sa tingin niya ba natutuwa ako sa kanya? Hindi! Sino siya para utusan ako. Mukhang hindi talaga papayag si mama na hindi ko puntahan ang kasal. Sinigurado niyang mapapasunod ako ng mag-aayos sa akin.

Kinuha ko naman ang wedding gown na nakalagay sa kama ko kahit naiirita ako. Pasalamat siya may care ako sa katawan ko, kung hindi hahayaan ko lang talaga na siya na ang magbihis sa akin. Tsk.

Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang sarili ko sa salamin. Siguro sa iba pang pagkakataon, matutuwa ako sa itsura ko, pero ngayon? Eww. Ayoko tingnan. Nakakairita!

Agad akong sumalampak sa inuupuan ko kanina at inabala ang sarili ko sa pagcecellphone.

"Are you done?" Rinig kong tanong ng tao sa labas. Hindi ko siya sinagot dahil alam kong siya yung nag-utos sa akin kanina na magbihis na ako.

Walang pahintulot na pumasok siya sa kwarto ko at lumapit sa akin.

"Stand up."

Kung makapag-utos siya, parang hindi prinsesa yung inuutusan niya ah. Aish, really?!

"Ayaw mo na sigurong ulitin pa yung sinabi ko, di'ba?" Maawtoridad niyang tugon kaya napatayo agad ako.

Nakita ko naman na agad siyang napangiti ng makita niya ako. Pumalakpak pa siya.

"For a princess like you, it's not that bad. Well, for your information, that white wedding gown features diamanté and crystal beaded straps and trim with embroidered lace appliqués on a floral printed tulle ball gown silhouette." Nakuha pa niyang magtrivia ha.

And well, for your information, I'm not interested.

"To finish your style. Let me put this on your head, made with finest gold-a baroque wedding crown of flowers."

Inilagay niya yung hawak niya sa ulo ko pero hindi ko man lang siya pinansin. Pero naririnig ko na humahagikhik siya kaya napapairap na lang ako sa hangin.

"Fifteen minutes left," anunsyo niya kaya nagpanic na naman ako. Holy fudge! Fifteen minutes before the wedding starts yet I still cannot contact boss. My gosh.

"Kunin mo to."

Iniabot niya sa akin ang isang clutch purse na nagkikislapan dahil sa mga diamonds na nakadikit dito. Hindi ko naman ito nakuha agad kaya hinablot niya ang cellphone ko.

"Ano ba?! Kailangan ko yan!" I still need that to contact boss.

"No you don't. Now get this," utos niya kaya padabog ko itong kinuha. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya.

"Give me my phone back," I commanded pero parang hindi niya ako narinig.

"I think tapos ka na. Let's go."

Hinatak niya naman ako ng mahigpit kaya hindi na ako nakapagreact. Hindi ko rin mabawi ang kamay ko dahil hindi niya talaga ako pinapakawalan.

May humarang sa aking isang maid at may iniabot kaya hinablot ko agad ito pero hindi ko naman masyadong makita. Nang makarating kami sa labas ng palasyo, may naghihintay sa aking kotse na may flower sa unahan, yung sinasakyan ng mga bride pag kinakasal.

This day must be a special day for me pero I think this day is hell day. This is not my dream wedding.

Tinulak ako ng humila sa akin kanina kaya wala akong magawa kung hindi pumasok. Mangiyak-ngiyak kong sinarado ang pinto sa kotse. Hindi ako naiiyak dahil masaya ako, naiiyak ako dahil hindi ko ito gusto.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang dinaramdam ang pag-andar ng kotse. Too bad, hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin na magagawa lang ng mga single. I feel like I hate everyone near me, even the one driving the car. I hate this things I'm wearing. And I hate boss and the AV Organization for not fulfilling his promise. Hindi ko nga alam kung babalik pa ako dun after what happened. Maybe magreresign na lang ako ng walang paalam.

"Why does a beautiful lady like you crying?"

Iminulat ko ang mata ko nang marinig ko ang mga salitang yun. Galing ito sa driver ng sinasakyan ko.

Mapait akong ngumiti at pinunasan ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Tiningnan ko lang siya at hindi nakasagot.

Dahil ata yun sa lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko nga alam na mararamdaman ko ang ganito kasobrang lungkot. Yung hindi ko na magagawang magsalita pa. Yung ang tamlay ng paligid ko. Feeling ko nga, mas masigla pa sa akin yung driver nitong kotse.

Ito na siguro ang katapusan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top