Chapter 24: Surrender
Mahirap talaga kung alam mong may tinatago sa'yo ang isang tao. Hindi ko alam kung bakit nila iyon ginagawa o anong tinatago nila. For some instances, I will just keep my mouth shut. But in this one, I will find a way to know what's his secret.
Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako sa tinatago sa akin ni Raphael. Basta ang alam ko lang, papunta na ako sa Tyran.
Yes, pupunta ako ngayon sa Tyran kahit bawal. Gusto kong makita ang loob ng kastilyo nila Raphael, kung ano yung tinatago niya at nagawa niya akong sigawan. But of course, naka-disguise ako bilang pulubi. Hindi ko nga alam kung paano ako papapasukin doon, maybe I'll just sneak in. I think that will do. Tiwala naman ako sa sarili ko na hindi ako mahuhuli. Syempre, may plano ako, hindi naman ako basta basta susugod na lang nang wala man lang plano.
Natigil ako sa paglalakad at nagkadikit ang kilay nang may mapansin akong kumpol ng tao sa Central City. Nasa gitna na ako ng Cepheus.
"What are they doing?" I whispered while looking at them.
Habang papalapit ako tsaka ko lamang narealize kung ano ang ginagawa nila. They are having a rally. At mukhang papunta na naman sila sa Monterene's Palace... papunta sa palasyo namin.
Mas nagmadali pa ako sa paglalakad kahit alam kong makakasalubong ko sila. Although, hindi pa rin sila kumikilos dahil naghihintay pa ata sila ng mga kasama nila. Hindi naman siguro ako makikilala dahil nakadisguise naman ako.
Pero bakit pa nila kailangan maghintay kung sobrang dami na nila? Gano'n na ba karami ang naapektuhan ng problema ng Cepheus. Gano'n ba kahirap na solusyonan ang problema na 'to? Ang dami na sigurong ordinaryong tao na naiipit at ngayon ay kasama sila dyan sa rally.
Siguro nga gano'n na kahirap iyon at kahit si mama ay wala nang ibang magawa kundi ang ipakasal na lang ako sa prinsepe ng Tyran. Hayst.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko nung makita ko na nagsimula na silang maglakad. I think half of the population in Cepheus joined the rally. Ayokong maipit sa mga tao.
Nagi-guilty tuloy ako dahil ayaw ko magpakasal kay Raphael. I know what may happen after we exchanged vows to each other. I know it can save these people. Pero mas pinili kong maghanap ng paraan para itigil ang kasal. Bakit ba ngayon ko naisip na magpaka-selfish...
But why am I thinking that anyway? Andito na ako. One week na lang rin bago maganap ang kasalan. Bakit ko pa ba naiisip yun kung ayaw ko naman talagang magpakasal kay Raphael? Kailangan ko nang magmadali. There's nothing wrong thinking of myself first before the others. At kapag nasolusyonan ko na ang problema ko, ako naman ang maghahanap ng solusyon para dito sa Cepheus.
Buti na lang walang pumipigil sa akin na pumunta sa Tyran. Kung alam lang 'to ni Callix, sure akong pipigilan niya ako. He will say that it's forbidden. Of course it is. Then he will say that it's in the rules, tapos kokonsensyahin niya ako gamit 'yon. Aish. Buti na lang talaga hindi ako nagpaalam. I can handle myself anyway. Inaamin ko na, isa talaga akong certified rule breaker, yun ata ang major ko, and of course sa pag-disguise and pag-acting din.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagkakagulo ang mga tao habang nagrarally. Some of them were pushing each other, meron ding nagsisigawan at maraming mga bata ang naiipit. Omaygash.
Ilang metro na lang rin ang layo nila mula sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na bulto ng isang tao.
Holy fudge! What is she doing here? Matanda na siya kaya hindi na dapat siya sumasali sa mga ganyan. Mapapahamak lang si Lola Emilia at maiipit. Bakit ngayon pa ba kasi nila naisipan magrally kung kailan papunta ako sa Tyran? At makakasalubong ko pa sila!
Ayoko naman ding pumunta sa gilid dahil may harang. San na ako pupunta?
Nanlamig ang katawan ko nang nakipag-eye contact si lola sa akin. She smiled...but her eyes, she's asking for help. Ilang segundo pa akong napako sa kintatayuan ko bago ko napagdesisyonang kumilos.
I ran towards her. Mahina si lola sa tulakan kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan. While running, I immediately dialed Callix's number. Para naman malaman niya na nandito ako sa rally. Alam ko naman na makukuha niya kung ano ang gusto kong sabihin. Kung sakaling may mangyari sa aking masama, dito niya ako mahahanap.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na pasukin ang kumpol ng tao na nagkakagulo. Minsan ay natutulak ako at naaapakan rin ang paa ko pero wala akong pake. Kailangan kong makalapit kay lola at ialis siya dito. Halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang siksikan pero alam kong makakaya ko 'to. Hindi ako magpapatalo sa kanila.
Nagawa ko ng makalapit ng kaunti kay lola. Sinubukan niyang magsalita pero hindi niya nagawa kasi natutulak na siya. Bago pa man siya tuluyang maitulak ay iniabot ko sa kanya ang kamay ko. Sa una ay nahihirapan pa siyang kunin ang kamay dahil magalaw masyado at sobrang dami ng tao.
Wala akong ibang maggawa kung di itulak na lang ang mga tao na humaharang sa amin para maabot ni lola ang kamay ko. At nang mahawakan ko ang kamay niya, pinilit kong mailabas siya sa nagkakagulo na mga tao.
Ngumiti ako kahit medyo nakakaramdam na ako ng hilo. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga tao. At may mga tumatama sa likod ko na kung ano pero hindi ko ito pinapansin.
"Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong kay lola.
Binigyan niya ako ng isang masuyong ngiti bago tumango kahi na naghahabol na rin siya ng hininga. "Oo hija. Salamat sa iyo."
I was so relieved when I heard her response. Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay sunod-sunod kong hinabol ang paghinga ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko at nahihilo na ako.
"Ayos ka lang ba hija?" Tanong ni lola sa akin at halatang nag-aalala kahit hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango kahit halos gumegewang na ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga tumatama sa likod ko.
Nawalan ako ng balanse at nabitawan ang kamay ni lola nang manghina ang mga paa ko.
Naibalik na naman ako sa loob ng mga taong nagkakagulo. Halos magsara na rin ang mga mata ko. Wala na akong lakas. Pero nagawa ko pang ngumiti, at least ligtas na si lola.
Bago pa man ako mapunta sa gitna ay naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko. Alam kong magkakapasa ako nito pagkatapos dahil sa mga tumatama sa katawan ko.
Napangiti ako nang hilahin ng may-ari ng kamay ang braso ko palabas. Kahit hindi ko siya maaninag, alam kong ligtas na ako.
I felt somewhat relieved. I know I'm safe in his hands. Naramdaman kong niyakap niya ako na halos magpalawak pa sa ngiti ko.
At pinabayaan ko na lang na bumigay na ang katawan ko. Magiging safe ako kapag nandyan siya.
"Callix."
I remembered myself calling his name before I let myself swallowed by darkness.
☆☆☆
I gained consciousness but I kept my eyes close. Hindi ko alam kung tinatamad lang talaga akong magbukas ng mata o masyadong masakit ang ulo ko para magbukas ng mata.
Sinubukan kong gumalaw pero nakaramdam agad ako ng kirot sa mga braso at binti ko. Aish! Epekto ito ng rally eh. Bakit ba kasi ako nakipagtulakan do'n?
Tsaka ko lang naalala ang mga nangyari. Nanlaki ang mga mata ko kahit nakasarado ang mga ito. Pwede naman siguro na manlaki ang mata sa isip lang noh?
Si lola! Kailangan kong makita si lola. Kailangan kong alamin ang kalagayan niya.
Pagkatapos kong maialis si lola sa gitna ng rally ay ako naman ang natulak papunta doon. Pagkatapos ay may humila sa akin at tsaka na ako nawalan ng malay. Si Callix!
Speaking of Callix... I can hear him right now.
"Zie, hindi ka pa ba gising?" Narinig kong tanong niya.
At anong klaseng tanong ba yan? Eh kung batukan ko kaya siya. Kita naman niyang hindi pa nakabukas ang mata ko tapos tatanungin niya ako ng ganyan.
Hindi ko alam kung bakit di ko pa rin naiisipang magmulat. Siguro dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin ni Callix kapag tulog ako.
Naramdaman ko na umupo si Callix sa upuan sa may gilid ng kama ko.
"I'm sorry," malungkot na wika niya.
Nagtataka naman ako kung bakit nagsosorry siya sa akin. Hindi ba dapat ako ang magpasalamat sa kanya kasi niligtas niya ako. Ano na naman ba ang nakain nitong si Callix?
"Sorry kung hindi ako umabot. Nung tumawag ka kasi, wala ako nun sa Cepheus kaya hindi kita magawang puntahan. Sobra akong nag-aalala sa'yo. Ano ba kasing ginagawa mo dun?"
I felt him hold my right hand and then he kissed its back.
Callix is somewhat...weird right now. Hindi ko siya maintindihan ngayon. Edi sino pala ang nagligtas sa akin kung hindi siya?
Maya-maya ay naramdaman ko na parang may tubig na pumatak sa kamay ko. At nang marealize ko kung ano yun parang gusto ko na tuloy bumangon at pahirin ang luha sa mga mata ni Callix. I know he's silently crying. Sinisisi niya ba ang sarili niya?
Pinigilan ko ang sarili ko na bumangon para patahanin si Callix. I want to know the reason why he's crying. Siguro kapag bumangon ako rito at tinanong ko sa kanya kung bakit siya umiiyak ay magsisinungaling lang siya sa akin. Mabuti na sigurong ganito.
"Pasensya na kung hindi ko nagagampanan ng maayos ang pagiging butler ko sa'yo ha. I felt guilty for not staying by your side. Paano kung mas malala pa ang nangyari sa'yo? Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
"I'm here to protect you as your butler. But I'm not just protecting you because it's my work. Alam mo ba kung bakit pinoprotektahan kita? Dahil gusto ko. Gusto ko ako ang laging nasa tabi mo. Kung trabaho ko ang pagpoprotekta sa'yo, sa tingin mo ba hindi kita isusumbong sa reyna tuwing may binabali ka na rule? Siguro nung una oo, ginagawa ko yun dahil sa trabaho. Pero ngayon? Sa tingin ko may nag-iba. At hindi ko na yun kailangan sabihin sa'yo dahil alam kong pinaparamdam ko iyon. Hindi ko nga lang alam kung nararamdaman mo."
Narinig ko pa siyang natawa, pero ako? Halos hindi na ako makapag-isip ng maayos. Tama ba ang naririnig ko? Pakiramdam ko nga hindi na rin ako humihinga eh.
"Alam mo ba na sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa'yo. Napakawalang kwenta kong butler di'ba? Natatakot ako na baka isang araw sabihin mo na lang na tanggal na ako. Ayaw kong mangyari yun. That's why I'm doing my best. Pero kahit anong pilit ko, lagi ka pa ring napapahamak. Am I not a good butler?"
Parang gusto ko na lang na sabihin sa kanya na siya ang the best butler sa buong mundo para hindi niya sisihin ang sarili niya.
"Zie I'm sorry. Sana mapatawad mo pa ako. Wag mo rin sanang bawasan ang sahod ko." Narinig ko pa siyang natawa sa sinabi niya. Actually natawa rin ako pero ayoko pa kasing magmulat ng mata.
He took a deep breath. "Don't mind me. I'm just making myself feel better cause I'm too guilty right now. At ngayon mas madagdagan pa yun. Aalis na naman ako eh. Pero pangako, pagbalik ko, lagi na akong nasa tabi mo. I'm sure gising ka na rin sa oras na yun."
Maya-maya ay narinig ko na ang kaluskos ng upuan at naramdaman ko na tumayo na rin siya.
Teka, pwede ko na bang imulat ang mga mata ko? Wala na ba si Callix.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nang madatnan ko si Callix na malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ko. I immediately closed my eyes and pretend that I'm asleep.
Para akong naistatwa sa kinahihigaan ko at mabilis rin ang tibok ng puso ko.
After a second, I felt Callix's soft lips touched my forehead. He gave me a peck on my forehead before saying these lines.
"Pagaling ka. After I deal with this, I will be always by yourside. I will protect you no matter what. Hindi ko magawang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko ng diretso pero sa tingin ko ngayon kaya ko. Cause you're asleep."
"Alam mo bang nasasaktan ako kapag nakikita ko kayo ni Raphael na magkasama? Hindi lang ikaw ang humihiling na wag matuloy ang kasal, ako rin. I hate it whenever I saw you two smiling at each other. I want to punch him for going out with you. But now...Sa tingin ko siya ang para sa'yo. He saved you and I know he's protecting you. You deserve a man like him, not like me. And I'm surrendering you to him. Sumusuko na ako. Alam ko naman na butler at bestfriend lang ang tingin mo sa akin. Nothing more, nothing less."
Naramdaman ko pa siyang bumuntong hininga.
"For the first and the last time that I will say this. I love you."
Naramdaman ko ang isang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. But he immediately wiped it using his hands. Bakit siya umiiyak after na magsabi ng I love you? Anong nakakaiyak dun?
"I really love you but you know what's funny? It's forbidden. That's why I'm giving you to Raphael."
Pagkatapos nun ay iniwan niya ako nang tahimik. Nang makaalis na siya, hindi ko pa rin nagawang magbukas ng mata. Para akong biglang napagod at walang lakas na buksan man lang kahit isa sa mga ito. Kung kanina lang ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon naman sobrang sikip nito. Halos hindi na ako makahinga.
Ang naaalala ko na lang bago ako tuluyang makatulog ay nakangiti ako dahil masaya ako sa narinig ko. But I don't know why a tear escaped from my eyes.
☆☆☆
"Magandang umaga ate!"
Agad akong napatingin sa pinto ng kwarto at nakita ko si Zandra na palapit sa akin. Nakangiti siya ng malawak kaya napataas ako ng kilay.
"What have you eaten?" I curiously asked her.
"What?" She innocently said.
"Akala ko ba ang pangit pakinggan ng 'magandang umaga' kaya hindi mo ginagamit at ginagalitan mo ako kapag sinasabi ko yun. Anong nangyari?"
She chuckled. "Now I appreciate those words. Dati kasi hindi eh. And I'm learning Filipino," she joyfully told me.
Nagtaka naman ako. "Marunong ka naman mag-Filipino ah. And you can understand it."
"Yup, pero hindi kasing galing mo. And also, I can understand but not speak FLUENTLY."
I almost rolled my eyes. Tsk. Ano kayang nakain ng kapatid ko. Binalik ko naman agad ang atensyon ko sa kanya.
"Anong nagdala sa'yo dito?" Tanong ko.
Her right eyebrow lifted. Taray!
"Is it bad if I wanna check your conditon? Bawal na ba akong pumunta dito?" Nagtataray na sabi niya.
"Nagtatanong lang! Bakit ba ang taray mo?!" Sumimangot pa ako sa kanya.
"Kasi naman eh. Who did that to you? Dalawang araw ka ng nakahiga dyan ah. I will make sure that he will pay," she said.
Tinawanan ko lang siya. "This is not a fault of anyone. It's my fault. Ako ang pumunta dun at hindi sila ang pumunta sa akin. Tsaka di'ba nag-aaral ka ng Filipino. Don't you know the saying 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay'?"
Umakto naman siyang nag-iisip. And after a few seconds her face suddenly lit up, like she thought of a bright idea.
"Yep, I read that on a Filipino article. Buti na lang naalala ko pa. Let's see if I can recall it. It says...'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tina—"
"Tinapay na may palaman ng mas malaking bato."
Agad kaming napatingin sa pinto ng marinig namin ang pagdating ng isang tao. At tinapos pa niya yung sinasabi ni Zandra.
"Is that the right words?"
I look at Zandra and I can see confusion drawn in her whole face.
I immediately gave Raphael a deathly glare.
"Anong sabi mo?" Pagpapaulit ko sa sinabi niya, baka mali kasi ako ng pagkarinig.
"I said 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay na may palaman na mas malaking bato'."
At aba't inulit pa rin. Eh mali naman!
"Wag mo ngang turuan si Zandra ng kabulastugan mo. Mali naman yun eh. Wag kang maniwala sa kanya Zandra," I said to her.
She just shrugged her shoulders. Pagkatapos ay tumayo siya galing sa pagkaka-upo at lalabas na sana pero nagsalita ako.
"Where are you going?"
Tiningnan niya pa ako na parang ako yung pinakaweird na tao sa mundo. "Can't you see? I'm giving you alone time with each other." She obviously answered my question, at may halo pang pagtataray. Pagkatapos ay iniwan niya na kami.
Masama agad ang tingin ko kay Raphael. Fake news siya! Mali mali ang tinuturo niya sa kapatid ko.
"Bakit mali ang sinabi mo sa kapatid ko?! And you dare to complete that saying pero mali mali naman!"
He just looked at me kahit na napipikon ako. "Anastasia, I'm just saying the truth. When someone throws you a stone, throw them a bread with a bigger stone. In short, a bigger revenge disguised as a blessing. So that, they will suffer more than you suffer."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. How can he say that?! He's like a devil!
"Saan mo nakuha yan? Nakakainis ha. I don't want that kind of mindset. When someone throws you a stone, throw him a bread. Not a bread with a bigger stone! That saying, I mean your saying is as stupid as fudge! At sa tingin ko hindi tayo magkakasundo diyan."
"Anastasia—"
"Look, ayoko yang ganyang mindset."
"Anas—"
"Wag ka ng magsalita." Pagdidismiss ko sa mga sasabihin niya.
"An—"
"Stop!" I'm pissed right now.
"Can you please stop, dismissing me when I'm going to talk?!"
Nabigla ako sa bahagyang pagsigaw niya. Hindi agad ako nakapagsalita at gulat na nakatingin sa kanya.
"I mean...I'm sorry. Nakakainis lang kasi hindi mo ako pinapasalita. Hindi naman yun big deal sa akin eh. May mas mahalaga pa naman tayong pag-uusapan kaysa do'n. Can you just thank me for saving you at the rally?"
Mas lalo pa akong nagulat sa sinabi niya. Halos napanganga pa nga ako eh. Siya ang sinasabi ni Callix na nagligtas sa akin. Si Raphael ang nagligtas sa akin!
"H-how?" Nanginginig na tanong ko. My hands are getting cold. Paano niya nalaman na ako yun?
"I know," he calmly whispered.
Alam niya pero paano? Kami lang ni Callix ang nakakaalam. Wala naman akong naaalala na may sinabi ako a kanya about sa pagdidisguise ko sa kanya.
"I saw you one time. I mean young beggar. Papunta siya sa direction ng palace niyo kaya nagtaka ako. At simula nun lagi ko na siyang binabantayan at hinanap ko rin kung saan siya nakatira. Nacurious kasi ako kung bakit siya papunta dito sa palasyo. At doon ko napansin na hindi ko siya laging nakikita kahit na saang sulok ng Cepheus. Siguro after nung sa bridge, mga isa o dalawang beses ko lang siyang nakita. And the last was the day before yesterday, she was in the rally, helping an elder. At nung time na yun alam ko na. I'm the one inside that car at the bridge. Remember when a car slowed down near you at the bridge. I'm the one inside that," pagpapaliwanag niya.
Kaya pala. Nakaramdam agad ako ng kaba. Siya lang ba ang nakakaalam? Paano kung sinabi niya na sa iba? Hindi yun pwedeng mangyari! Nagpanic agad ang sistema ko.
"Don't worry I didn't tell anyone about it," imporma niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko. Napahinga agad ako ng maluwag.
"I kept that for a long time. But now I'm going to propose a deal," he said.
Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Huh? What deal?"
He smirked. And I know that he has an evil plan.
"I'm going to use that card against you."
Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa narinig ko.
"WHAT?! You fudging blackmailer! How could you?! You can't!" I shouted at him pero mukhang wala siyang naririnig. Ngayon, lumalabas na ang magaspang niyang ugali. And I swear I don't like it.
"Uh-uh." He mockingly said habang kinukumpas ang isang daliri niya na para bang sinasabi niya na hindi.
"Here's the deal. I will keep my mouth shut and bury your secret but..." Pinutol niya ang sasabihin niya na parang pinapakaba ako. At eto naman ako, sobrang kinakabahan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag hindi ko nagustuhan ang deal at hindi ko sinunod. At hindi ko hahayaang mangyari yun.
At kahit na kinakabahan at natatakot natatakot ako, nagawa ko pa ring magsalita.
"A-and w-what?"
He smiled like he won the game.
"Marry me one day from now."
Sabi niya na naging dahilan para tumigil ang paghinga ko. He literally took my breath away.
A/N:
Hi guys, sorry for the very slow update. Something came up eh. Anyway natawa ako dun sa part ni Raphael. Hindi ko alam kung anong naisip ko at nilagay ko yan😂
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay na may palaman ng mas malaking bato.
-Raphael 2k19
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top