Chapter 21: Dilemmas

Bumuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa training room. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang birthday ko simula ng magsimula kaming magsanay ni Callix tuwing umaga.

Nung isang araw itinuro niya sa akin ang iba't ibang klase ng kutsilyo at ginamit rin namin yun sa isa't isa. Pero syempre iniiwasan naming magkasakitan.

Kahapon naman ay sinubukan niyang ituro sa akin ang mga klase ng baril pero tumanggi ako. Feeling ko kasi, hindi pa ako handa para matuto kung paano bumaril. Kaya sabi niya next time nalang daw niya siguro ako matuturuan pero kailangan nang madaliin.

Nang makarating ako sa pinto ng training room, chineck ko kung naka-lock ang pinto, baka kasi nandun na sa loob si Callix at siguro tama nga ako.

I frowned. Lagi na lang nauuna sa akin yung lalaking yun.

Akala ko pagbukas ko, madadatnan ko si Callix na nakaharap sa mga kutsilyo habang nililinisan ang hawak niyang kutsilyo kagaya ng ginawa niya sa akin kahapon.

Bigla naman akong nairita nang maalala ko kung ano ang ginawa niya kahapon.

Matapos niyang malinis ang kutsilyo, walang pasabing ibinato niya yun sa akin.

Isinumpa ko si Callix sa isip ko dahil hindi agad ako nakapagsalita habang mabilis na umiwas. Mabuti na lang ay mabilis ang reflexes ko kaya hindi agad ako natamaan. Buti na lang talaga mabilis akong nakaiwas. Agad naman akong kinilabutan nang maramdaman ko kung gaano kalakas ang pwersa na ginamit niya para maibato ang kutsilyo. Ramdam ko ang malakas na hangin na dumaan sa gilid ng tenga ko kasabay ng kutsilyo.

Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya bago ako lumapit sa kanya at piningot siya sa tenga dahil sa ginawa niya.

Pero ngayon walang kutsilyo o kahit Callix man lang ang sumalubong sa akin. Napadako ang tingin ko sa isa pang pinto sa loob ng kwarto. Baka nandun siya.

Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. At doon ko na nakita si Callix na naka-upo sa couch. Nakadekwatro siya at nakasandal ang ulo niya sa couch. His eyes were close. Parang pagod na pagod siya.

Hindi agad ako nagsalita at tahimik na isinara ang pinto. Dumiretso ako sa isang corner kung nasaan ang malaking corkboard na nakadikit sa pader.

Ako ang gumawa no'n at sinabi ko kay Callix na wag na lang pansinin iyon.

May mga naka-pin dun na pictures. Pero ang mas pinagtutuunan ko ng pansin ay ang picture ni Raphael na connected sa dalawang picture gamit ang yarn. The one on the first picture is Rez Hontrov. Ang sniper na bumaril kay Raphael noong time na dumiretso dito sa palasyo si Raphael at dito na rin nagpagamot. I wonder what his intentions are? Alam kong may itinatago sa akin si Raphael dahil nalaman ko nga galing kay Callix dati na hindi siya naambush kagaya ng sinabi niya sa akin. Siya talaga ang target pero iba ang sinabi niya sa akin. I know there's something that he wants to hide. Something deeper. This is not the common incident na nangyayari sa mga katulad ko, sa mga royalties.

Ang isang yarn ay connected sa isang bulto ng tao na nasa picture. May question mark sa mukha nito at kulay black lang ang kulay nito. Si boss.

I somewhat consider the fact that he and Raphael are the same. I can see that in many aspects. Halos parehas sila ng ugali, both childish. They have the same heights. Ang timbang nila ay hindi nagkakalayo. Pero ang timbang ay pwedeng madaya. Lalong lalo na ang impormasyon na nakukuha ni Callix galing sa mga resources niya.

My suspicions became stronger when I discovered that boss has a gunshot wound too. At sa tagiliran pa. At kapag tama ang hinala ko, mas magiging maayos ang rason kung bakit parehas nilang ayaw sabihin sa akin ang dahilan kung saan nila nakuha iyon. Raphael, being my boss can have many enemies, lalong lalo na yung mga kalaban niyang masasamang tao.

And one more thing, mas pinagdudahan ko pa si Rapahel noong gabi na nakasayaw ko siya. Naalala ko nung tinanong ko siya kung bakit wala siyang suot na maskara. He said that he forgot to buy two of it. Bakit naman niya kakailanganin ng isa pa, di'ba? Nagkunwari akong hindi ko narinig nang maayos ang sinabi niya kaya pinaulit ko ulit sa kanya pero ang sabi niya, wala. Gusot rin ang suot niyang damit noon. Naalala ko pa nga ang ginawa ko noon.

Pasimpleng hinanap ng mga mata ko si boss pero hindi ko siya makita sa buong hall. Siguradong-sigurado ako na wala na siya sa loob. And I thought of the possibility na kasayaw ko pa rin siya ngayon. What if kaya ganun ang itsura ni Raphael dahil nagmamadali siyang magpalit ng damit? Hindi na niya pwedeng gamitin ang ginamit niyang mask kanina nung nakasayaw niya ako at nagpapanggap siyang boss dahil baka mahalata ko siya. At sinabi niya na nakalimutan raw niya, pero posible na isa lang talaga ang nabili niyang maskara.

My mind traveled to the night when that special day was happening. I blushed when I remembered what happened under the fireworks display. Aish. Bakit ko ba iniisip iyon?

Anyway. Hindi ko rin naman maialis ang possibility na magka-iba silang dalawa. At mas lalong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin.

Why does boss ordered me to investigate Raphael if they are the same?

Bakit iba ang pakiramdam ko kapag kausap ko si boss at kapag kausap ko si Raphael?

At bakit pakiramdam ko ay nagsasabi si boss ng totoo nung sinabi niya sa akin na 37 years old siya? Raphael is not 37 years old! He's younger than that.

Ahhh. I don't know what to think! Kulang pa ako sa impormasyon tungkol sa kanilang dalawa. Ang alam ko lang tungkol sa kanila ay ang mga katangian nilang kita sa labas at ang mga sinasabi nila. Hindi ko alam ang ugali at mga ginagawa nila kapag hindi nila ako kasama. Kaya hindi pa rin ako nakakapag-analayze nang maayos. Ang hirap talaga kapag hindi mo masyadong kilala ang isang tao. You don't know if they can be trusted or not. But for me, one thing is for sure. Parehas ko silang mapagkakatiwalaan. I just need to dig deeper para makilala ko silang dalawa. Curiosity is killing me badly.

"You're hurting your head."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Callix. Agad akong napaharap sa kanya at napa-pout.

"I thought you were asleep."

"I'm just waiting for your arrival," he answered.

I rolled my eyes and sit beside him. Hindi pa rin kasi siya gumagalaw sa kinauupuan niya.

"Akala ko sasalubungin mo na naman ako ng lumilipad na kutsilyo," nakangusong wika ko sa kanya.

He laughed. "Dapat nga lumilipad na bala yun eh."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Subukan mo, baka matuto akong humawak ng baril ng wala sa oras at ikaw ang unang tatamaan ng bala ko."

Tinawanan lang niya ako. "Ayos lang, dati naman na akong natamaan eh."

Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Natamaan ka na ba ng bala dati?" Nagtatakang tanong ko.

Tumango siya. "Natamaan mo."

Ako naman ay naguguluhan sa mga naririnig ko. "Sa pagkakaalala ko, hindi pa ako humahawak ng baril kahit kailan kaya bakit kita tatamaan?"

Bahagya naman siyang natawa at napailing. "Nevermind."

Mas lalong sinamaan ko siya ng tingin. Nitong mga nakaraang araw, para siyang laging may ibinubulong sa sarili niya habang kausap niya ako pero kapag tinatanong ko siya kung ano iyon, lagi niyang sinasabi ang nevermind. Favorite line niya ata yun eh.

Napansin ko yun simula nung birthday ko. Bigla kong naalala yung time na kasayaw ko siya. Oo nga pala, may sinasabi siya sa akin no'n bago magchange partners pero hindi na niya naituloy.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Callix para tanungin siya sa bagay na iyon.

"Callix, remember my birthday? When we were dancing?" I asked.

He nodded hesitantly. Napapikit siya na para bang alam na niya ang susunod kong sasabihin at parang ayaw niyang marinig iyon. Pero kahit na ganun, nagpatuloy pa rin ako.

"May sasabihin ka dapat nun bago magchange partners pero hindi natuloy. So...what is it?"

Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ko ang sagot niya habang siya naman ay nakatingin sa akin na para bang wala siyang balak sagutin ako.

"Huy! What is it?" I snapped at him. Nakatitig lang kaya siya sa akin.

Ipinilig niya ang ulo niya kasabay ng pagsabing 'don't mind that.'

My eyes narrowed because of his answer. Halos parehas lang naman ang nevermind at don't mind that. Ang sarap talagang batukan ni Callix. Nakakainis!

Nang humarap siya sa akin ay inilahad niya ang palad niya. Napataas naman ang isang kilay ko.

"Ano 'yan? Mamalimos ka? Wala akong dalang pera," sarkastikong wika ko sa kanya. Bahagya pa akong natawa sa sinabi ko.

Siya naman ay sinamaan ako ng tingin at hindi pinansin ang sinabi ko. He smirked. "Where is the card?"

"What card?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa nakalahad niyang palad. Inisa-isa ko rin sa isip ko ang mga card na pagmamay-ari ko.

"The death card," maikli niyang wika.

Nanigas ako sa pagkaka-upo ko at nanlamig ang katawan ko. Hearing the word 'death' sends shiver down to my spine. I forgot about that card for two days. And now, I remembered the time that I received it. I remembered how much fear slowly engulfs me that time.

Nangiginig na kinuha ko ang sinasabi niyang card sa bulsa ng suot ko pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya.

It is a black rectangle card, like the one I received from AV when boss invited me at the headquarters. It looks like a debit card. May isang salita ang nakaukit dito. And it says 'dead'.

Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko dahil sa takot. I don't know what to think. Natatakot ako sa isiping may nagtatangka sa buhay ko. Although I know that I can protect myself from them but I'm not satisfied with the thought that they might harm the people around me. Hindi pa rin ako gaano kagaling sa mga weapons lalo na sa mga baril. Iniisip ko pa lang na gagamit sila ng baril ay talong-talo na ako.

Hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa akin niyan. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang pinupuntirya nila. Sa pagkakaalala ko wala naman akong naging kaaway o kalaban. I'm doing my best to fulfill my role as a princess at walang inaapakan na tao. Hindi ko alam kung bakit may nagtatangka pa rin sa buhay ko. Hindi ko alam ang dahilan nila...maliban na lang kung alam nila na member ako ng AV Organization at mga masasamang tao sila na nakalaban ko. But that's impossible. Mahigpit si boss pagdating sa mga identities namin. Basta ang naalala ko, dumating lang ang banta na yan kasama ng mga regalo. Ipinadala talaga iyon para makarating sa akin, nakalagay pa ang black card na yan sa isang mamahaling box at nakabalot pa, as if that card was intended for me, and me only.

Agad namang pumunta si Callix sa harapan ng isa pang corkboard. He pinned the black card on the center of it. Wala pang yarn na nakakonekta dito at tanging yun pa lang ang nakadikit sa corkboard na iyon. I know that he will gather informations about that thing kahit hindi ko iutos sa kanya.

"You don't have to worry for your safety." Agad akong napatingin kay Callix nang magsalita siya. "I'm always here to protect you...And please, don't cry. I'm feeling guilty. Pakiramdam ko kasi ako ang nagpa-iyak sa'yo dahil ipinaalala ko ang card," wika niya habang naglalakad pabalik sa couch.

Siya na mismo ang nagpunas ng luha ko nang makarating siya kaya natawa na lang ako. He is always caring.

Nang matapos ang ilang segundo ay natapos na rin ang pag-iyak ko. Hindi pa man ako nakakasalita ay inunahan na niya ako.

"Ang pangit mo kapag umiiyak," natatawang wika niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ikaw nga kahit hindi pa umiiyak, pangit na," sagot ko sa kanya at ngumisi.

He chuckled. "For your information, your majesty. Sampung babae na ang nagsabi na gusto nila ako. Four girls proposed to me, two tried to court me but only one girl can win my heart," he said proudly.

Napataas naman ako ng kilay. So may napupusuan na siya ngayon. Hmmm. Mukhang nagbibinata na ang butler ko.

"At sino naman yang babaeng yan?" I asked.

"Someone that cannot be mine and will not be mine," he answered with a sad smile.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot para sa kanya.

'Cannot be mine and will not be mine.'

Ang sakit sigurong isipin ang sitwasyong ganon. Yung kahit nandyan siya, hindi naman siya pwedeng mapasayo, or maybe hindi niya alam ang existence mo.

"Why?" I asked.

"Because it's forbidden."

Nakunot naman ang noo ko. "Bakit naman bawal?"

Imbis na sagutin niya ako ay nginitian lang niya ako. "Nothing, tara na."

Nagsimula na siyang tumayo at naglakad palayo. Natigil siya nang maramdaman na hindi ako sumusunod sa kanya. Nanatili akong naka-upo sa inuupuan ko.

"Do you want me to carry you, Your Majesty?" He asked sarcastically while chuckling.

Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at hindi pinansin ang sinabi niya. "You're not answering my question. Bakit nga bawal? Hindi ka ba niya kilala? Ayaw niya ba sa'yo? Sabihin mo sa akin para matulungan kita sa kanya. Wait, wag mong sabihing kriminal 'yang gusto mo?" Nagdududang tanong ko sa kanya. Kung kriminal man ang gusto niya, naiintindihan ko na kung bakit bawal. At tsaka bakit ba kriminal ang nagugustuhan niya? Marami namang iba diyan na mas maayos?

Napatingin naman ako sa kanya nang tumawa siya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"You're overthinking. Wag mo na sabing isipin iyon eh. Ang point ko lang naman, marami nang nagkagusto sa akin kaya alam ko sa sarili ko na gwapo ako."

I made a face. "Wag ka ngang magbuhat ng sarili mong bangko."

"Atleast 'di ka naman kumontra. Sinabi mo lang na wag akong magbuhat ng sarili kong bangko. Wag mo na kasing itanggi na pogi ako," he said.

I rolled my eyes and started to walk. Humabol naman siya sa akin.

I stopped when I realized that we're going outside the training room.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Aren't we going to practice," wika ko.

Nagkibit-balikat siya. "We should breath some fresh air before we start. Lalong-lalo ka na, you should ready yourself because today I will teach you how to fire a gun."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Akala ko nag-usap na tayo na hindi mo muna ako tuturuang gumamit ng baril."

"I told that yesterday. Pero ngayon, hindi na pwede 'yan. You have to learn how to fire a gun," seryosong saad niya.

I frowned. "You just postponed it after one day."

"Gano'n talaga. But before I forget..." Bumalik siya sa kwarto na pinasukan namin kanina pagkatapos ay lumabas na may hawak na folder.

"This is the list that you were asking."

Agad kong kinuha sa kanya ang folder pagkatapos ay nagtatakang binuksan. Agad ko itong isinara nang makita ko ito at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang mata ng taong nasa picture. Kulay berde.

The records of all male green-eyed persons living in Cepheus.

"Para saan ba 'yan?" Tanong niya sa akin.

"Nothing. Tara na," sagot ko sa kanya at nagsimulang naglakad.

Before I closed the door, huling nakita ko ang corkboard na may mga pictures.

Too many things to do and know.

Sana lang talaga malaman ko na ang mga gusto kong malaman tungkol sa kanila. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kanila but I need to feed my curiosity. I think there is something that I need to know about them. Hindi ko lang alam kung ano.

Huli kong binigyan ng tingin ang deathcard na nakapin na rin sa corkboard. I sighed. Kung sino man ang taong nagpadala niyan, mahahanap din namin siya at malalaman ko rin ang pakay niya. Not now, but soon, with the help of Callix.

Natigilan kami sa paglalakad nang makarating kami sa main entrance ng palasyo. Nakasarado ang malaking pinto nito kahit tanghali na.

"What's going on?" Kunot-noong tanong ko sa isang guard na nasa loob.

"There is a group of people rallying outside," sagot niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Mga taong nagra-rally? Bakit? May nagawa ba kaming masama? Sa pagkaa-alalaa ko naman ay wala, kaya bakit nila iyon gagawin?

Napatingin ako kay Callix nang pumunta siya sa katabi ng pinto para silipin sa labas kung ano ang nangyayari. Agad ko naman siyang sinundan at napatakip na lang ako ng bibig nang makita ko ang mga mamamayan ng Cepheus na nagkakagulo sa labas.

Marami sila at may mga hawak na malalaking board, may tarpaulin din at lahat sila ay sumisigaw. Base sa mga itsura nila, sila yung mga klase ng tao na nasa mababang antas. Mga magsasaka, mangingisda at construction worker. May iba rin akong nakikita na sa tingin ko ay maayos naman ang kalagayan nila sa buhay pero nakikisama pa rin. May mga bata rin na kasama.

Galit na galit ang mga mukha nila at hindi sila tumitigil hanggang hindi sila nakakapasok sa loob. Hinaharang na sila ng mga guwardiya at pinipilit na wag makasakit pero matitigas ang ulo nila.

Naramdaman ko na lang ang isang patak ng luha na tumulo galing sa mga mata. Gano'n na ba talaga kalala ang problema sa Cepheus?

Natulala ako nang makita ang isang pamilyar na tao sa gilid. Si Lola Emilia. Hindi siya nakikisama sa magulong rally. Ngumiti siya sa akin pero kitang-kita sa ngiting iyon ang kalungkutan.

Pakiramdam ko parang may tumusok na matulis na bagay sa puso ko. Hindi nga siya nakikisama pero bakit naman siya nandito kung hindi rin siya kasama sa mga nagrarally?

Inilipat ko ang tingin ko sa isang tao na galit na galit ang mukha na nasa unahan. Pinipilit niyang makalagpas sa guard ng palasyo. Nakipag-eye contact siya sa akin at naramdaman ko kung gaano kalaki ang galit niya sa amin.

Natulala na lang ako. Ano bang nangyayari?

Tumingin ako kay Callix nang bigla siyang sumigaw. Agad niya akong niyakap na para bang pinoprotektahan at umalis kami palayo sa glass. Nagtataka man pero nagpadala na lang ako sa kanya.

Maya-maya ay narinig ko ang pagkabasag ng salamin. Agad akong napatingin sa parte na nabasag.

Shattered pieces of glass were on the floor. May isang malaking bato rin na makikita sa hindi kalayuan.

Kung hindi ako nahila ni Callix siguro natamaan na ako.

"Anastasia!"

Natigil ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I can sense the ranging anger in her voice.

"Mom," I said and turned to her.

Nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang mukha niya. Halatang galit na galit siya.

"What are you doing there?!" She asked.

Napayuko na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Napaatras ako nang maramdaman ko na papalit si mama. Natawa ako sa isip ko. Halatang takot na takot ako sa kanya.

Napapitlag ako nang maramdaman na hinawakan niya ang pulsuhan ko. Sobrang higpit.

"Z—"

Agad kong tinapos ang sasabihin niya nang inilagay ko ang palad ko sa harapan niya habang nakayuko pa rin.

Muntik na akong matapilok nang bigla akong hilahin ni mama nang walang pasabi. Sinubukan kong makawala sa mahigpit niyang hawak pero hindi ko magawa.

Patuloy lang siya sa paglakad habang ako ay halos takbo na ang ginagawa, hindi lang ako madapa.

"M-mom, w-where are we going?" Tanong ko sa kanya.

"We will going to meet the council." Sagot niya habang patuloy pa rin siya sa paghila sa akin.

Bigla namang tumibok nang mabilis ang puso ko. Bakit namin imi-meet ang council? Tsaka ngayon, ko lang sila mami-meet. Hindi naman ako sinasama ni mama kapag may pag-uusapan sila, ngayon lang. Anong nangyayari? Bakit kailangan ako sa usapan nila?

Hinihila ako ni mama papunta sa conference hall, ang pinagme-meetingan ng council kapag may problema, private ang room na yan at bawal pumasok ang mga taong hindi naman imbitado ng reyna maliban sa council.

Kinakabahan ako. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko nang madaanan ko ang kwarto ko.

Patuloy pa rin si mama sa paghila sa akin pero ako, gusto ko nang umatras. Nararamdaman ko na hindi maganda ang magiging usapan para sa akin.

Nanlamig ang katawan ko nang matanaw ko na ang pinto ng conference hall.

Anong pag-uusapan nila?

Agad na binuksan ni mama ang pinto at nagmamadaling pumasok. Kaya ako, halos tumakbo na ako para hindi ako madapa sa harapan nila.

Parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang sinabi niya. My eyes widened in shock. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at nahigit ko ang hininga ko.

"We have to make the wedding faster. I will schedule the wedding, two weeks from now." Hindi matanggap na rinig ko sa mga sinabi niya.

My eyes landed to Raphael. Kasama siya sa mga naka-upo sa bilog na lamesa, kasama siya sa council.

Halata ang saya sa mukha niya. I smiled bitterly at him. Hindi ito maari. I have to find a way to make the wedding stop.

Sorry Raphael. Pasensya na kung ipapagkait ko ang kasiyahan mo ngayon. Hindi ako makakapayag na kalungkutan ang kapalit ng kasiyahan mo. Sorry if I have to be selfish, only this once.

Ipinagdarasal ko na sana may mahanap ako na paraan para maitigil ang kasal. I want to make the wedding stop. I need to make the wedding stop. I need and I must.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top