Chapter 19: The Four Majesties

"Ate bilisan mo naman! Ikaw rin Kuya Callix," bulyaw sa amin ni Zandra habang patuloy niya kaming kinakaladkad. At kapag sinabi kong kaladkad, totoong kaladkad talaga. Halos magkandapa-dapa na ako at mawalan ng balanse habang tumatakbo kami.

Nagkatinginan muna kami ni Callix bago sabay na natawa.

"Ano ba yan! Tatawa pa eh. Kung binibilisan niyo na kaya, mas matutuwa pa ako sa inyo."

Tumigil siya sa pagtakbo kaya napatigil rin kami pagkatapos ay humarap sa amin at nag-pout.

Ginulo naman ni Callix ang buhok niya.

"Ikaw talaga. Andun ang kotse ko. Tara na." Tinuro ni Callix ang convertible car niya na ngayon ay walang bubong.

"Kuya, wala ka bang balak itaas ang bubong niyan? Ang init-init kaya," reklamo niya kay Callix.

Natawa naman si Callix at sarkastikong sinagot ang tanong niya. "Meron naman po, mahal na prinsesa. Pero mauna ka na dahil alam ko pong excited ka na."

Inirapan lang ni Zandra si Callix na ikinatawa naming dalawa. Nauna na siyang maglakad sa kotse at naupo sa backseat samantalang ako naman sa passenger seat at syempre si Callix ang nasa driver seat. Nilagyan na rin ni Callix ng bubong ang kotse niya.

Akmang isasara ko na ang pinto sa passenger seat pero may pumigil sa akin kaya hindi ko na nagawa.

Nakakunot ang noo na binuksan ko ng malawak ang pinto at tiningnan kung sino ang nasa labas.

Nagkasalubong ang kilay ko nang makita ko si Raphael.

"Ate sino ba yan? Si mama ba yan? Sasama rin daw ba siya?" Dinig kong tanong ni Zandra sa backseat.

Humarap naman ako sa kanya at umiling.

"Eh sino?" Tanong pa niya.

Bago pa man ako makasagot ay sumilip si Raphael sa passenger seat pagkatapos ay kumaway sa kanya.

"Hi Zandra."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Epal naman."

Paano ba naman kasi. Halos ako na ang umiiwas para hindi magkadikit ang mukha namin. Ako pa tuloy ang nahihirapan.

"Lumabas ka nga!" Utos ko sa kanya.

Sumaludo muna siya sa akin. "Yes, boss."

Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya ay sinarado ko na agad ang pinto.

"Callix, start the engine. Baka may sumama pa diyan. I don't wanna bring extra baggage," sabi ko kay Callix.

He chuckled before he started the engine. "Mabuti pa nga. Alis na tayo?"

Tumango ako. "Yeah."

"Wait!"

Sabay na napatingin kami kay Zandra nang bigla siyang sumigaw.

"Anong problema? May naiwan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Ano?"

"Hindi ano. Sino." Sabi niya pagkatapos ay itinuro niya si Raphael sa labas.

I frowned. "Wag mong sabihing isasama mo yan?" Gulat na tanong ko.

Nahihiya siyang ngumiti at tumango. "Wala namang masama kung isasama natin siya diba? Tsaka para makapag-spend pa kayo ng time para makilala niyo ang isa't isa. Please?"

Tiningnan ko siya nang masama. "Seriously, Zandra?! Hindi ka against sa pagpapakasal ko sa kanya."

Zandra shrugged her shoulders pagkatapos ay nagpa-cute. "Please Ate, Kuya. Sige na. Tingnan mo siya sa labas, nagpapacute."

Nagkatinginan kami ni Callix pagkatapos ay napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung may binabalak si Zandra o wala pero sige na nga. Since bumabawi ako sa kanya, gagawin ko lahat ng gusto niya.

Ibinaba ko na lang ang bintana sa passenger seat pagkatapos ay sumilip doon.

"Sumama ka na raw sa amin," sabi ko kay Raphael.

He grinned. "Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Papasok ka o iiwan na kita?"

Dali-dali naman niyang binuksan ang pinto sa backseat. "Eto na nga po eh. Paapasok na."

I saw Zandra grinned evilly—or is it just me? And I heard Raphael shouted, "Let's go!"

I sighed before asking Callix to drive.

Dumiretso kami sa mall at naglibot. Napatigil naman kaming lahat sa tapat ng isang restaurant pagkatapos ay tiningnan lang ang labas nun. Walang gumalaw sa amin kahit na isa.

"I'm tired...and hungry at the same time," wika ni Raphael at ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa tiyan niya.

"Me too," pagsang-ayon ni Zandra habang naka-pout.

At napatingin ako kay Callix dahil bumuntong hininga siya. "Me three."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko sila pagkatapos ay napabagsak balikat. "Me...four."

Nagkatinginan kaming lahat bago sabay-sabay na natawa. Para tuloy kaming baliw dito na nagtatawanan habang nakatayo sa labas ng restaurant. Kung hindi lang kami kilala ng mga tao, iisipin nilang isang bunch kami ng mga sira-ulong magkakaibigan.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob pero natawa na lang ako nang hindi kami magkasya lahat. Napaurong tuloy kaming dalawa ni Callix at pinauna na namin yung dalawa na pumasok.

Dumiretso kami sa isang table na apatan at umupo. Katabi ko si Zandra sa kanan at katapat ko naman si Callix. Maya-maya ay may lumapit naman sa aming isang babae. May dala siyang tray at ibinigay niya sa amin ang menu. Siya ata ang waitress.

Nang matapos naming ibigay ang kanya-kanya naming order ay nag-usap-usap kami.

"Ate birthday mo na bukas," panimula ni Zandra. "Pero wala pa rin akong regalo."

Natawa naman ako. "May oras pa naman para bumili eh," sabi ko sa kanya.

Umirap naman siya sa akin. "Akala ko sasabihin mong, 'okay lang kahit walang regalo, basta andun ka masaya na ako."

Napangiwi naman ako. "Ang corny mo. Hindi naman ako ganyan ka-sweet. Kadiri ka."

"Ano nga palang gusto mo?"

Napabaling ang tingin ko kay Callix na nagsalita.

"Kahit ano, basta galing sa puso," natatawa kong sagot.

"Eh kung bigyan kaya kita diyan ng dugo," naniningkit na sagot niya sa akin na ikinagiwi ko.

Eh siya kaya bigyan ko ng dugo? Duhh. Sino ba namang matutuwa kung bibigyan mo ang isang tao ng dugo bilang regalo sa birthday niya? Siguro wala, maliban na lang kung bampira yung may birthday.

"Ano nga kasi?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko sayo, bahala ka na," sagot ko.

Napatingin naman ako kay Raphael nang bigla siyang tumikhim.

"Anong problema mo?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"Hindi ba ako invited diyan?"

Napangisi na lang ako. "May invitation ka ba?" Syempre kung wala siyang invitation, hindi siya makakapasok. At sa pagkaka-alala ko, hindi ko pa siya binibigyan ng invitation.

Nakita ko naman na umiling siya. Sabi na nga ba eh.

"So hindi ka invited," mataray na wika ko sa kanya.

Sumama naman ang mukha niya. "Bakit naman?"

"Eh wala kang invitation eh."

"Pahingi nga," sabi niya pagkatapos ay inilahad niya ang palad niya sa harap ko.

"Ayoko nga." Inirapan ko pa siya. Actually, sa kakasama ko kay Zandra, naging mataray na rin ako. Ewan ko lang kung ikatutuwa ko pa ba 'to o hindi.

"Huh? Why?"

"I don't want to see your face on my birthday!" Sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh. Ayokong makita ang mukha niya bukas. Naiistress lang ako kapag nakikita ko ang mukha niya dahil naaalala kong malapit na ang kasal. Kaya I have to make a plan para mapigilan ko ang kasal. Malay ko ba kung sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa kanya ay may makita akong pwedeng makapagpigil ng kasal namin. But I have to make my plan faster. Natatakot na ako dahil dalawang buwan na lang ay kasal na namin. At kapag wala akong nagawa, pagsisisihan ko iyon buong buhay ko.

"You don't want to see my perfect, handsome and gorgeous face?!" Gulat niyang tanong.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Yep. And who says that you're face is perfect, handsome and gorgeous?"

Nagpapadyak naman siya na parang bata at nagmaktol. "Hindi pwedeng wala ako sa birthday mo. I need an invitation. Kailangan nandun ako. Hindi ako makakapaya—" Napatigil naman siya sa pagtatantrums ng may tumapon sa kanyang isang papel.

Before I realize what is it, he immediately grabbed it. The invitation! No way!

Nanlaki ang mga mata kong tiningnan kung sino ang nagtapon ng invitation sa kanya at napadako ang tingin ko sa katabi ko na nakangisi ngayon.

"Ang ingay niyo kasi eh. Nakakarindi," painosente niyang sabi sa akin.

Sinamaan ko pa siya ng tingin at bago pa ako makapagsalita ulit ay dumating na ang order namin. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumahimik na lang. Nakakainis si Zandra! I hate her!

"Enjoy your meal, your majesties," the waitress told us before leaving.

Tahimik naman naming inubos ang mga pagkain namin. At pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa amusement park.

Naririnig ko naman ang pag-iingay ni Zandra tungkol sa pangarap niyang makapunta dito. Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapa-iling na lang at matawa sa mga naririnig ko. Masaya akong nakikita ko siyang masaya. Deserve naman niya ito eh. Deserve niya na maging masaya.

Pinalibot ko ang tingin ko sa loob ng amusement park. Mukhang wala naman sa amin ditong magtatangkang gumawa ng masama. Maraming tao, at alam ko rin na may nagbabantay sa amin mula sa malayo kaya kampante ako. Kasama ko rin naman si Callix, so wala akong dapat na ipag-alala.

Marami namang rides at mukhang mag-eenjoy kami dito. Nakakatuwa lang na sa bawat sulok nitong amusement park, hindi mawawala sa paningin ko ang masasayang mukha ng kumpletong pamilya na naroon, pero at the same time, nakakainggit rin kasi alam ko na hinding-hindi na mangyayari iyon sa amin. Kahit na ilang beses ko pang hilingin na maging kumpleto kaming pamilya ay hinding-hindi na mangyayari iyon. At araw-araw ko ring pinapaalala sa sarili ko na wag nang humiling ng ganun dahil kahit anong gawin ko, hindi na namin mababalik si papa.

Nagulat ako ng biglang may humila sa kamay ko. At first, I thought it was Zandra kaya okay lang. But when I saw who was it, I immediately grabbed my hand from him. Yes, him. Because it was Raphael.

"What are you doing?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Hinihila ka. Baka kasi mahiwalay ka sa amin—"

"Hindi na ako bata," sabi ko sa kanya sabay irap.

"Pero natatakot akong mawala ka...Mawala ka sa buhay ko. Kaya lagi kitang babantayan at hindi ako hihiwalay sa'yo kahit na itinutulak mo pa ako palayo."

Kung ibang babae lang yung sinabihan niya ng ganun, tiyak na kikiligin na sila. Pero ako? Hindi ako natutuwa. A-Y-O-K-O S-A K-A-N-Y-A! Ilang beses ko bang ipapamukha sa kanya iyon, pero mukhang hindi talaga siya susuko.

Padabog ako na umalis at pumunta kina Zandra.

"Zandra, wag niyo nga akong iiwan kasama iyon," sabi ko sa kanya.

Nakangiting tumango naman siya. At ngayon ko lang napansin na pasakay na kami sa isang ride, vikings specifically.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano gumagalaw ang vikings na iyon. "Are you sure you wanna try that?" Tanong ko sa kanya.

Excited naman siyang tumango. Pagkatapos ay tumalon pa.

Tiningnan ko ulit ang ride na sasakyan namin. Mukhang nakakalula. Baka masuka kami nito pagkatapos, pero bahala na. Baka kasi magsisi ako pag hindi ko rin na-try.

Narinig ko naman si Callix na bumulong kay Raphael. Hindi ko sila nilingon dahil nasa likod ko sila pero nakikinig ako sa usapan nila.

"I saw that," he whispered. Pero naririnig ko naman.

"What?" Raphael asked.

""Anong what ka diyan. I saw what you did."

"Alin ba?"

"Don't you dare touch her again."

"Why not?" Tanong ni Raphael na nagpakulo sa dugo ko. Haharapin ko na sana siya pero naalala ko na nakikinig lang pala ako kaya pinakinggan ko na lang sila.

"If you did that again—"

"Anong gagawin mo?" Panghahamon ni Raphael kay Callix.

Napataas naman ako ng kilay. Go Callix! Fight for me.

"If you did that—don't you dare cut me off again—yup, very good. As I was saying, if you did that again. I swear, before you can touch her, I'm gonna cut your hands off."

That's my boy!

"You can?" He asked.

"Of course, I can," matapang na sagot ni Callix.

"Even if we're already married?"

Doon na natahimik si Callix. Humarap naman ako sa kanila para mailigtas si Callix sa kahihiyan. Kunwari, wala akong narinig.

"Hindi pa kayo sasakay?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sasakay na kami," mabilis na sagot ni Callix.

Hesitation was written all over Raphael's face but he answered yes after a second. Kaya naman sabay-sabay na kaming sumakay. Napili naming sumakay sa pangalawa sa dulo pero pangtatluhan lang iyon kaya nag-unahan si Callix at Raphael na kuhain ang upuan sa katabi namin.

Nauna pa rin naman si Callix kaya sinamaan siya ng tingin ni Raphael.

"Raphael dun ka na sa likod," utos ko sa kanya na sinunod naman niya agad.

Narinig ko pa siyang nagreklamo pero hindi ko marinig nang maayos ang mga sinasabi niya dahil sinadya niya talagang wag iparinig.

Nang magsimula nang gumalaw ang vikings ay bigla akong napakapit sa hawakan. Kinakabahan ako.

"Hindi kaya biglang matanggal sa pagkakabit ang ride na ito? Paano kapag nangyari iyon? Siguradong malaking problema iyon. At ayoko pang mamatay." Sabi ko sa isip ko

Napalingon ako kay Callix at kay Zandra nang tumawa na lang sila bigla.

"Hinding-hindi mangyayari iyon, ate," sabi niya sa akin na nagpakunot sa noo ko.

Sinundan naman siya ni Callix. "Oo nga, Zie. Imposibleng mangyari iyon."

"Huh? Ano bang sinasab—Teka narinig niyo yun?!" Gulat na tanong ko matapos magsink-in sa utak ko ang mga pinagsasasabi nila.

Sabay naman silang tumango. Sasagot pa sana ako kaso bigla na lang akong napapikit nang maramadaman kong bumibilis ang pag-atras abante nitong ride.

Sumisigaw naman na sa katabi ko si Zandra habang si Callix ay tahimik lang na ini-enjoy ang ride. Teka, hindi ba sila natatakot?

Natatakot ako kasi diba tumataas siya ng sobrang taas? Tapos biglang bababa. Para kasing naiiwan ang kaluluwa ko sa taas. Natatakot ako na hindi na bumalik iyon.

"Zie, sumigaw ka kaya para hindi mo maramdaman ang takot!" Sigaw ni Callix para lang marinig ko siya.

At ginawa ko naman. Halos mapaos na nga ako sa kasisigaw eh. Hanggang sa matapos ang ride ay sumigaw ako nang sumigaw.

Nang makababa na kami ay napansin ko si Raphael na tahimik at namumutla na.

"Huy," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. "Okay ka lang?"

Tumango naman siya pero hindi nagsalita. Natawa ako dahil para na siyang masusuka.

"S-sandali lang." Pinilit niya ang sarili niyang magsalita.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko.

"Hm. Hm." Murmur lang ang narinig ko kasabay ng turo niya sa may bandang likod. Bigla naman siyang tumakbo kung saan siya tumuro kanina.

"Saan pupunta yun?" Tanong ko sa dalawa ko pang kasama.

"Cr ata. Dun ang cr eh," sagot sa akin ni Callix.

Natawa ako. Baka susuka na siya. Sabi na nga ba hindi niya kaya ang ride na iyon eh.

Ilang rides pa ang na-try namin baka nakabalik si Rapahael.

"Okay ka na?" Natatawang tanong ko.

Tumango naman siya. Pero ako, hindi ako naniniwala sa kanya. Ang putla-putla niya kaya.

"Anong sunod na pupuntahan natin?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Hindi ka magpapahinga or uuwi muna? Well kung hindi, horror house ang balak naming isunod," nakangiti kong tugon.

"Horror house?" Tanong niya pagkatapos ay napalunok. Nakakatawa ang reaksyon ng mukha niya. Parang yung reaksyon niya nung sinabi ko na ipapamulto ko siya.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya na natatakot siya o hindi. Basta natatawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Kung ayaw mo, maiwan ka na lang. Pwede naman," biglang sabi ni Callix pagkatapos ay ngumisi ng nakakaloko na para bang nanghahamon.

"Hindi, sasama ako."

"Kung ganun, pasok na tayo," excited na wika ni Zandra pagkatapos ay hinila ako papasok sa loob ng horror house.

Puro sigawan lang ang maririnig sa loob ng horror house. Muntik na nga akong matapilok, buti na lang ay naalalayan agad ako ni Callix na laging nakabantay sa likod. Si Raphael naman ay hindi mahagilap ng mata ko. Natawa ako sa iniisip ko, naiisip ko kasi na si Raphael ay nakayakap kay Callix dahil natatakot siyang malapitan ng mga nanakot. Napailing na lang ako.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may bumaba na something sa ulo ko galing sa kisame.

Nung una ay hindi pa ako natatakot pero nung sumigaw si Zandra na may malaking gagamba raw sa ulo ko ay napatakbo ako habang sumisigaw.

"Ahhhh. WHAT THE FUDGE. CALLIX! OH FUDGE! CALLIX TANGGALIN MO NGA 'TONG—EWW—NASA ULO KO. FUDGE!"

Napatigil na lang ako at biglang nahilo at napaatras ng mauntog ako sa pader. Fudge nakakahiya. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka may nakakita sa akin na nagkakaganon, good thing kami lang nina Zandra, Callix at Raphael ang nasa part ng horror house na iyon. Paglingon ko sa taas ko ay agad akong nakakita ng maraming sapot ng gagamba kaya naman kumaripas agad ako ng takbo papunta kay Zandra. Wala kasing mga sapot ng gagamba sa taas ng kinatatayuan niya. And yes, takot ako sa gagamba. Aish.

Tumatawa pa rin si Zandra kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakakainis ha!

"Buti na lang na-videohan ko," tumatawa pa ring sabi ni Zandra. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin sa hawak niyang cellphone. Dali-dali ko iyong inagaw pero nalock na niya agad. Hindi ko pa naman alam ang password. Aish, nakakainis! Bahala na nga. Alam ko naman na hindi naman niya iyon ipagkakalat.

At sa wakas konting lakad na lang ay palabas na rin kami. Grabe nakakastress ang horror house na iyon.

Nang makalabas kaming lahat ay agad kong kinausap si Zandra.

"Zandra, since marami na tayong nasakyang rides at napuntahan sa amusement park na ito. Aalis na ako," sabi ko sa kanya. Hindi naman sa gusto ko nang umuwi pero kasi may pupuntahan pa ako.

"What? Aalis na tayo?"

"May narinig ka bang tayo? Sabi ko, ako lang. May pupuntahan pa kasi ako. Okay lang ba? Iiwan ko naman sayo si Callix tsaka yang extra baggage na yan."

"Hoy hindi ako extra bagg—"

"Tumigil ka, hindi ikaw ang kausap ko," sabi ko kay Raphael dahil umangal siya sa sinabi ko. Natahimik naman agad siya.

"Pero gusto ko kasama kita," naka-pout na sabi ni Zandra. Gusto ko nga rin sana eh. Pero kailangan ko kasing maibigay ang invitation na ito sa dalawang espesyal na tao.

"Sige na nga. Bibili na lang kami ng regalo para sa'yo. Diba Kuya Callix? Kuya Raphael?" Tanong niya sa dalawa na agad namang tumango. Sinamaan ko naman ng tingin si Raphael. Dapat naman talaga hindi siya kasama sa ball!

"Are you sure, you don't need one of them?" Zandra asked, referring to Callix and Raphael.

Tumango naman ako. "Yup. I can handle myself. Una na ako. Enjoy," sabi ko kay Zandra pagkatapos ay niyakap siya.

Habang magkayakap kami ni Zandra ay sinabihan ko si Raphael at Callix. "Hoy kayong dalawa. Wag niyong pababayaan si Zandra. Bantayan niyo siya. Protect her."

Tumango naman ang dalawa at sumaludo pa si Raphael.

"Yes,boss," gagad ni Raphael.

"Yes, Your Higness," sabi naman ni Raphael pagkatapos ay bahagyang yumuko.

"Bye," paalam sa akin ni Zandra pagkatapos ay hinila niya ang dalawa palayo. Pinanood ko muna sila na makalayo bago ako naglakad.

At tungkol pala sa bibigyan ko ng invitation, pupuntahan ko na sila ngayon.

Si Lola Emilia muna ang bibigyan ko ng invitation dahil mas malapit siya. Kailangan makapunta siya, malaking regalo na sa akin ang makapunta siya. Ang laki na kaya ng natulong sa akin ni lola. And I want to thank her because of that. She always makes me feel that I'm a family, unlike mama and my lola. Dahil sa kanya nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal ng isang pamilya, kahit hindi kami magkadugo. At siya rin ang nagbibigay sa akin ng payo. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko dahil nakilala ko siya.

Isusunod ko naman si boss na pamilya rin ang turing sa akin. Tinulungan niya akong mabawi si Zandra kaya dapat makapunta siya. Hindi ko pa rin naman makikita ang mukha niya dahil masquerade ang theme ng ball, so wala siyang excuse.

Napabuntong hininga ako. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko pwedeng imbitahin sa ball ang dalawa kong kagrupo. Naging parte rin naman sila ng buhay ko pero sadyang bawal lang talaga. Malalaman nila ang tunay kong pagkatao. Hayst. Kung pwede ko lang talagang makita ang mga mukha nila, gagawin ko, kaso bawal kong sirain ang rule ng organization. Okay na siguro na kahit si boss na lang ang makapunta.

Nakakatawa lang dahil kung sino pa yung mga taong hindi ko kadugo, sa kanila ko pa nararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya.

Sana makapunta talaga sila. I hope.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top