Chapter 12: Ambushed?
I was scrolling on my phone screen when someone knocked on my room's door.
"Prinsesa, may bisita ho kayo!"
Ahh, isa lang pala sa mga maids. Pero anong sabi niya bisita? Early in the morning? Huh?
Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Nasaan siya?" tanong ko sa kanya.
"Nasa guestroom ho."
Tumango ako at nagpasalamat. Nagbow naman muna siya bago umalis.
Sino naman kayang bisita yun? Ang aga-aga naman.
Pumunta ako sa second floor ng palasyo dahil nandun ang mga guestrooms. Isa-isa kong binuksan ang siyam na guestroom sa unahan pero walang tao. Ibig sabihin nasa huling guestroom siya dito sa dulo since sampu lang naman ang guestroom dito.
Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Ang sosyal naman ng bisita ko ngayon. Bakit ko nasabi? Dahil dito niya napiling mag-stay sa pinakamagandang guestroom.
Tsaka kailangan pa ng pahintulot ni mama kapag ito ang gagamitin na guestroom. Ginawa niya kasi ito para sa mga mahahalagang tao.
May sarili 'tong sala set. Isang mahabang sofa at dalawang single sofa sa magkabilang gilid. May malaking glass table sa gitna at may malaking flat screen tv. Airconditioned din ang kwartong ito at may mini refrigerator. Pinalagyan rin ito ng emperor size bed.
Kung sino man ang tao dito, ay isa sa mga mahahalagang tao na itinuturing ni mama.
Pinalibot ko ang tingin ko sa buong paligid at may isang tao akong nakita na naka-upo sa single size sofa na nakatalikod sa pinto.
"Um, hello?" I greeted. He just grunted as a reply.
Sino naman siya? Wala naman akong inaasahang bisita.
Pag-ikot ko ay nakita ko si Raphael na nakasandal sa sofa at nakapikit. Hindi na ako nagtaka at nagulat nung siya ang naabutan ko, sa dinami-dami ng guestroom eh dito pa niya naisipan na mag-stay. Pero ang nakakagulat ay nakahawak siya sa gilid ng puting polo niya sa may tagiliran habang patuloy na umaagos ang pulang likido galing doon.
"Raphael?!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang niyang balikat para iayos siya ng puwesto. Pero nang makita ko na nasasaktan siya agad ko siyang binitawan.
Holy fudge. Anong gagawin ko?
Naglakad-lakad ako pabalik-balik sa loob ng kwarto dahil nagpapanic na ako. Ng makapag-isip ako nang maayos, tinawagan ko agad si Callix.
"Callix?!"
"Why did you call, is there someth—"
"Callix. Pumunta ka rito sa last guestroom. Magdala ka ng...mga gamit na pangtanggal sa bala. Raphael was shot!"
Hindi ko na agad hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Pagkatapos ay lumuhod ako sa harapan ni Raphael para tingnan ang sugat niya.
"Ano bang nangyari sayo? Bakit may tama ka?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Pinilit niyang sumagot pero pinatigil ko na lang siya dahil mas lalo pa siyang mahihirapan. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto.
Tumakbo ako at mabilis na binuksan ang pinto. Nakita ko si Callix na may dalang kit at nakablack na long-sleeve polo na nakatiklop hanggang siko.
"Callix, marami nang dugo ang nawala kay Raphael. Ikaw na ang bahala sa kanya."
Tumango lang siya at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko dahil napag-isip-isip ko na doon na lang maghintay. Wala rin naman akong magagawa kung papanoodin ko si Callix na mag-opera kay Raphael.
Habang naghihintay ay umupo muna ako sa study table ka na malapit sa mga bookshelves. Iniisip ko kung bakit nabaril si Raphael. Saan ba siya galing?
Kinuha ko ang laptop ko at nag-search sa internet kung my incident ba ng pamamaril sa lungsod pero wala akong mahanap. Aish. Siguro may ginawa na si Raphael about sa nangyari.
Pero bakit naman siya dumiretso dito eh may mga hospital naman sa lungsod? Ang gulo. Siguro siya nga lang talaga ang makakasagot sa mga tanong ko. Sobrang dami eh.
"Ate, looks like you're in deep thought."
Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumulong sa tenga ko.
"Zandra, wag kang nanggugulat!" sigaw ko sa kanya. Kapag ako inatake sa puso mumultohin ko talaga siya.
"Eh kasi naman ang lalim ng iniisip mo. Wala nga akong effort na nilagay para hindi mo ako mapansin," sabi niya at umupo sa inupuan ko kanina.
Napataas naman ako ng kilay at pinagkrus ang dalawang braso. "At bakit ka naman nang-aagaw ng upuan? Upuan ko yan diba?" mataray na tanong ko sa kanya.
Tinarayan niya rin ako. "Diba tumayo ka na? Tapos nung umupo na ako bigla mong aagawin. Ano ka baliw?"
Aba, lumalaban pa ha. Pero syempre wala naman akong gana na pahabain pa 'to kaya umupo na lang ako sa sahig. Pasalamat siya mabait ako.
"Bakit ka ba pumunta dito?" tanong ko sa kanya habang nakatingala.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Raphael."
"And?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Totoo bang nabaril siya?"
"Akala ko ba nabalitaan mo?" Pinag-krus ko ang dalawang braso ko habang hinihintay ang sagot niya. Kasi naman, nabalitaan daw niya tapos magtatanong pa siya, duhh.
"Ate," tawag niya sa akin.
"Ano?"
"Alam mo ba yung word na nabalitaan?" Hala, tinatarayan niya na din ako.
"Oo naman."
"So anong ibig sabihin nun?"
"Ang ibig sabihin nun ay nakarinig o nakasagap ka ng balita galing sa isang tao tungkol sa isang particular na bagay."
"Balita. It means news. But it has no confirmation. Tsaka hindi naman sure yun kung totoo dahil may mga balita rin na... Ano nga bang tawag dun? Ah, tsismis!"
I rolled my eyes. "Fine! Ang dami mong alam. Eh nagtatanong ka lang naman, nag-trivia ka pa."
She also rolled her eyes. "Whatever. So ano nga? Totoo ba?"
Tumango ako. At nanlaki naman ang mata niya.
"It's usual since he's the Prince of Tyran," wika ko.
"But don't they have tight security?"
Napa-isip din ako sa sinabi niya. Tama si Zandra, wala ba silang mahigpit na security? Eh kami nga dito sa bahay sobrang daming guards, tapos may pakalat-kalat pa sa central city kapag pumupunta kami dun. Tsaka ang alam ko, may lagi siyang kasamang guards. At kung idadag pa ang tungkol sa incident, wala naman akong nakita sa internet. So it means that the event happened was carried on.
Maya-maya ay nakita ko si Zandra na nakakunot ang noo habang nakatingin sa laptop ko.
"Bakit hindi ko makita sa internet?" Inilipat niya ang tingin niya sa akin.
"That's what I'm thinking. Hindi ko rin kasi nakita kanina which means na nagawaan na nila ng paraan para hindi kumalat ang nangyari. Pero ang weird lang kasi dito siya dumiretso sa palasyo, imbes na sa hospital o sa palasyo nila."
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Tatanungin ko pa lang sana kung saan siya pupunta pero nauna na siyang magsalita.
"I'm going to my room. I think I need some rest."
That's.weird.
Parang kanina lang nagtataray siya tapos mamaya bigla siyang sumeryoso. I think she needs some rest indeed. Oh wait--but it's morning. Ibig sabihin galing siya sa tulog.
Nagmamadaling tumayo ako at tumakbo papunta sa kwarto niya. Pero naka-lock na yung pinto kaya sa secret door na lang ako dumaan.
"Hindi naka-lock."
Akala ko pagka-pasok ko, wala dun si Zandra dahil nagsisinungaling siya. Sino ba naman ang taong kailangang magpahinga kung galing siya sa tulog? Syempre umaga, duh.
Pero sa nakikita ko, mukhang nagsasabi siya ng totoo. Ano kayang ginawa niya kagabi at hindi siya nakatulog? Baka nagcellphone na naman siya, hays.
Mahimbing siya na natutulog sa kama niya habang yakap ang isang unan.
I stared at her for a minute then leave her room. I decided to take a glance at the guestroom that is occupied by Raphael. I hope he's okay. Hindi naman siguro critical ang kalagayan niya.
Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay ang paglabas ni Callix sa kwarto. Some blood can be seen on his polo.
"Is he okay?" tanong ko sa kanya.
Tinanguan lang niya ako at tiningnan ako ng seryoso.
"What?" tanong ko sa kanya dahil halos ilang segundo na rin siyang seryosong nakatingin sa akin nang wala man lang sinasabi.
Nagulat na lang ako nang biglang umiba ang emosyon sa mukha niya. Para siyang nalulungkot na nasasaktan. Pagkatapos ay tiningnan niya ako sa mata. What?! Ano na namang problema niya.
"Ako ba, hindi mo tatanungin kung okay lang ako?" sabi niya sabay turo sa sarili niya.
I rolled my eyes. "Seriously?!"
Pagkatapos ay nakakaloko siyang ngumiti. "Nah."
I rolled my eyes...again. Ah, nahahawa na talaga ako sa taray virus ni Zandra. No! That can't be. Ayaw ko!
Napabalik ang atensyon ko kay Callix na ngayon ay seryoso na namang nakatingin sa akin. Ang bilis talaga niya magpalit ng mood. Aish.
"Ano na naman?" tanong ko sa kanya.
"May gagawin ka ba mamaya? O sa mga susunod na araw?"
Nagtatakang umiling ako. Ano na naman 'to. Magtatanong pa lang sana ako kung bakit pero nauna na niyang sagutin iyon. Napangiti naman ako.
"I will pay my DEBT." In-emphasize niya pa talaga yung debt ha.
Buti naman. I smiled widely and ask him, "Why so sudden?"
"Because I hate owing someone for a long time."
Tumango-tango na lang ako. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya sa bulsa. I saw him knitting his eyebrows while reading the text. Ano kaya iyon?
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.
"I need to go."
"Where are you going?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
"Somewhere."
"May I remind you that you are my butler—"
"Yes, I know that," putol niya sa sasabihin ko. "That's why I'm paying my DEBT tomorrow. Tsaka hindi rin naman ako magtatagal sa labas. You can call me anytime you want. Pupunta naman ako. At tsaka sa tingin ko hindi mo naman ako kailangan ngayon kasi may bisita ka. May kailangan lang talaga akong asikasuhin sa pamilya ko. So... May I go now?"
Haysst. Tumango na lang ako kasabay ng pagsabi ng yes. Naiintindihan ko naman siya kung may kailangan siyang ayusin sa family niya, wala rin naman akong magagawa.
"Pasabi na lang kina tito at tita, hi."
"Yes, I will say that they receive a greeting from the princess."
Tinanguan ko lang siya at akmang papasok na sa kwarto nang may maalala ako.
"And Callix?"
Nakakunot naman ang noong humarap siya sa akin. "What is it?"
"Investigate what happened to Raphael. I need to know every little details."
"Noted."
Pinanood ko siyang umalis dala ang mga apparatus na ginamit niya sa pag-opera kay Raphael bago ako pumasok sa loob.
Kailangan kong malaman ang tungkol sa nangyari. I need to know who shot him...so that I can report it to the organization. This is all about the mission and nothing else. Although, may nararamdaman pa rin naman akong pag-aalala sa kanya. Syempre parehas lang naman kaming tao.
But I want to complete my mission for a short period of time. Bakit? Para hindi na ako umabot sa parte na kailangan na naming magpakasal dahil akala nila okay na ang lahat, na payag na ako. No, hinding-hindi iyon mangyayari. I will never let that happen. I have my priorities and marriage is not one of those. Gusto ko nang matapos ang lahat. After all, hindi na rin naman ako makakatanggap ng misyon kapag nag-resign na ako sa AV. Yup, yun ang balak ko. Pagkatapos kong makuha ang justice na hinahanap ko para kay papa, matatapos na rin ang lahat. Three years na rin naman akong nagtatrabaho sa AV. At kapag tapos na ako sa pinaka-misyon ko, aalis na ako sa organisasyon para mabuhay bilang isang normal na prinsesa. O di kaya isang normal na tao na lang kapag naisipan ko na umalis sa palasyo.
My thoughts were cut when I heard someone grunted. Tiningnan ko si Raphael na ngayon ay pinipilit ng umupo.
"Hey. Wag mo nang ipilit, masasaktan ka lang," sabi ko sa kanya dahil halata naman sa mukha niya na nasasaktan na siya. Kaka-opera pa lang kaya niya.
He stared at me for a second and smiled soflty. Woah, ano yun?
"It's okay. Kahit ilang beses pa akong masaktan, titiisin ko pa rin dahil hindi ako susuko."
Napatigil akong sandali sa paglalakad dahil pino-process pa ng utak ko ang mga sinabi niya. Pagkatapos ay umupo ako sa upuan na malapit sa gilid ng kama niya.
I rolled my eyes before saying, "It's still a no."
"What?" Magkadikit ang kilay na tanong niya sa akin.
"We both know that those words have double meaning."
A small smile formed on his lips. Sabi na nga ba!
"Why though?"
"Kagaya ng dati kong sinabi, hindi kita kilala. Sa tingin mo ba magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala? Tsaka marriage is not my priority. Marami pa akong gustong gawin at ang pagpapakasal ay hindi kasama dun. And lastly, I don't have feelings for you."
For a second, I saw pain across his eyes. Pero baka namamalikmata lang ako kasi bigla na lang yun nawala at napalitan ng ngiti.
"Huwag kang mag-alala, hihintayin ko naman ang panahon na magkaroon ka ng feelings para sa akin. Yung tipong hindi ka na mapipilitan magpakasal sa akin kasi kusa ka nang a-agree dun. Alam kong darating ang panahong iyon. I just have to be patient."
"As if naman na mangyayari yun."
"Malay mo. Tsaka hindi mo man lang ba iniisip ang kalagayan ng lungsod niyo. I heard that your city is facing some problems. Why don't you use the marriage as a solution?"
I froze for a moment. Paano niya nalaman? Yan ang planong sinabi sa akin ni mama noong nag-usap kami tungkol sa pagpapakasal. Maybe that strategy is very common? Pero bakit pumayag pa rin siya na magpakasal sa akin kung nalaman niya na yun lang ang habol sa kanya.
At paano niya nalaman na may problemang kinakaharap ang lungsod? I thought that's private. Ang royal family na namumuno lang dapat ang pwedeng makaalam niyan.
Baka sinabi ni mama? I doubt that. Bakit naman niya sasabihin yun sa ibang tao eh alam naman niya na bawal yun.
Naputol ang pag-iisip ko nang tumikhim si Raphael.
"No. I will never do that. That's a very shallow solution. Hindi ako magpapakasal sa kadahilanang pwede itong maging solusyon sa isang problema. Paano na lang ang nararamdaman ko? Kung ang taong papakasalan ko ay hindi ko mahal...baka habang buhay kong pagsisihan yun. You see, the effect of marriage is lifetime, kailangan mong pag-isipan ang bagay na ganyan bago mo gawin." Tiningnan ko siya ng diretso sa mata pagkatapos kong sabihin ang mga iyon.
"Anyway, bakit ka nga pala nabaril?" Pagbabago ko sa topic nang usapan namin dahil hindi ako komportable na pinag-uusapan ang ganoong bagay.
Tiningnan na muna niya ang parte kung saan may tama siya bago tumingin ulit sa akin. "I was ambushed."
Bumuntong hininga ako. Hindi naman talaga maiiwasan ang ganyan dahil prinsepe siya ng Tyran. Aishh. "Bakit hindi ka kasi nag-iingat?"
"I was! May kasama pa nga akong mga bodyguards."
"Oh, nasaan sila?" Wala naman akong nakita ni anino ng mga bodyguards na sinasabi niya.
"I sent them to Tyran."
"Why?"
"Because father should know about this."
Tumango na lang ako. "Bakit dito ka dumiretso?"
"Kasi ayoko sa hospital?"
"At bakit naman?"
Huminga siya ng malalim. Siguro nakukulitan na rin siya sa akin. "Bakit ba ang dami mong tanong? But to answer your question, mas malapit kasi dito dahil nung na-ambush ako, papunta ako nun dito. I'm sure meron naman kayong doctor dito sa palasyo. Tsaka iwas issue na rin, kaya walang balita na na-ambush ang prinsepe ng Tyran."
Tumango ako at pagkatapos ay ibinato ko sa kanya ang orange na binalatan ko.
"Kainin mo yan."
"Aww, so sweet."
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sa tingin ko hindi naman siya nagsisinungaling sa akin tungkol sa nangyari.
"Sino pala ang nagtanggal ng bala sa katawan ko? I mean specifically. I wanna say thank you for saving my life and I owe him or her."
Napataas naman ako ng kilay. The last time I check hindi ganyan ang ugali niya. Ano na namang nakain niya? Yun bang orange? Lagi ko na siyang papakainin nun. Hindi kasi ako sanay na yung mabait na Raphael ang nasa harap ko. Kilala ko siya bilang maarte at mapagmataas na Raphael. Pero mas okay na rin ito.
"It's actually a him."
Tumango naman siya. "So who's that doctor?"
"And he's not a doctor, but kind of."
"Sino nga?"
"Callix."
Natigil naman siya sa pagkain. "You mean Callix, your—"
"Yes, my butler." Pagmamalaki ko kay Callix.
Maya-maya ay naramdaman kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
I received a text from Callix saying that I need to see him right now.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Raphael para sana sabihin na aalis na ako pero nagulat ako sa itsura niya ngayon. Parang kanina lang masaya siya kahit may tama siya tapos ngayon ang dilim na ng mukha niya.
"What's with that look?" tanong ko sa kanya.
Pero hindi man lang siya sumagot kaya naisip ko na mag-paalam na.
"Raphael, you wanna say thank you to Callix, right?"
"No!" Mabilis niyang sagot. Huh? Ano bang nangyayari sa kanya. Para naman siyang baliw. Kakasabi lang niya kanina na gusto niyang magpasalamat tapos ngayon hindi na. Aish.
"Okay, I'm going now. I need to see Callix."
Doon ko nakuha ang atensyon niya.
"Dito ka lang."
"Hindi pwede."
"Please," pagmamakaawa niya pero hindi niya ako madadala sa ganyan.
"No. I need to see Callix. Wag kang gagalaw diyan. You need to rest. I'm going, bye!"
Tumakbo ako papunta sa pinto at bago ko pa maisaradong tuluyan ang pinto ay narinig ko si Raphael na dumadaing sa sakit. Baliw kasi, sabi kong wag masyadong gumalaw tapos pinilit pa ring gumalaw.
Isinara ko na agad ang pinto dahil ayoko na marinig pa ang pinagsisigaw ni Raphael. Ang ingay-ingay kasi. Parang hindi prinsepe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top