Chapter 11: A Weird Task

Pinagmamasdan ko ngayon ang mga weapons na nasa harapan ko. Nandito ako sa weapon room ng AV Headquarter kasama ang mga kagrupo ko. Si Tenebris, nasa kabilang lamesa kung saan maraming bomba at granada at panay lang ang kuha at lagay ng mga iyon sa inner pocket ng jacket niya. Nagtataka nga ako kung bakit ang dami niyang kinukuha eh magbabantay lang naman kami at hindi sasabak sa gyera. Pero ganyan talaga yan simula pa nung una kaya dapat sanay na ako. Si Umbra naman ay nasa left side ko habang nakatingin sa mga kutsilyo at armas na patalim. May kinuha siyang isang uri nito at hinawakan ang blade. Actually, kahit 3 years na ako dito, hindi ko pa rin alam ang mga tawag sa armas na nandito. Sinabi naman nila sa amin kung anong mga uri ng baril, granada at kutsilyo ang nandito pati na rin ang tamang purpose kaso nga lang hindi ako nakikinig. I'm not interested that time kaya ngayon pinagsisihan ko na siya. Kaya random stuffs na lang ang kinukuha ko. Napatingin ako sa kaliwa ko kasabay ng pag-ngiwi nang makita kong may tumulong dugo galing sa daliri ni Umbra. Tiningnan ko siya at hindi naman nagbago ang reaksyon niya. Parang hindi man lang siya nasaktan. Nilagay niya sa bulsa ng jacket niya ang kutsilyo na nag-padugo sa kamay niya. Pagkatapos ay pinunasan niya ng panyo ang kamay niya. At tiningnan ako. Umiwas naman ako ng tingin.

"Le'ts go," wika ni Tenebris. Pagkatapos ay sumunod siya kay Umbra na mabagal na naglalakad papunta sa pinto.

Ako naman ay tumakbo papunta sa kanila at napatigil nung humarap si Umbra. Binigyan niya ako ng isang boring na tingin at nagsalita. Medyo hindi maayos ang pagkakasabi niya dahil may mask nga na nakaharang sa bibig niya.

"Wala ka pang weapon," sabi niya.

Lumingon naman ako sa kaliwa at kanan ko. Sabay harap sa kanya at turo sa sarili ko.

"Ako ba ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ko.

Bigla namang sumabat si Tenebris. "Sino pa ba, Lux? May iba pa ba tayong kasama dito?"

Aba, nagtataray na naman ito. Sawang-sawa na nga ako sa pagtataray ni Zandra, tapos may Tenebris pa dito. Baka mahawaan talaga ako ng taray virus nila—uh, nevermind ayaw ko pala magka-ganon.

"Ano hindi ka pa ba kikilos?" tanong ulit ni Tenebris na halata ang pag-kairita sa boses.

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Medyo naiinis na rin kasi ako.

"Ang tagal tagal mo kasi kumuha ng gam—wait lang, Umbra!" sigaw niya dahil tinalikuran na kami ni Umbra. Tsk. May gusto talaga si Tenebris kay Umbra. Kung hindi lang siya mataray, tinulungan ko pa sana siyang mas mapalapit kay Umbra. Kahit naman hindi namin kita ang mga mukha ng iba, maayos pa rin ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Nagmadali ako at kumuha ng baril na hindi ko alam ang tawag at isang pocket knife naman sa kabilang lamesa. Tumakbo agad ako palabas ng weapon room at naabutan ko silang naka-upo sofa. Wala pa namang signal na umalis na kami kaya wala talaga kaming magagawa kung hindi ang maghintay.

Habang naghihintay, naisipan kong ayusin na ang disguise ko. Sabi daw ni boss, maid daw ako sa event kaya may nakahanda nang mga gamit sa storage room ng headquarters.

Dumiretso ako doon at kinuha ang mga gamit na kailangan. Pagkatapos ay isinuot ko ang wig, naglagay ng cushion para medyo tumaba ako, isinuot ang prosthetic mask at nagpalit ng damit. Hindi ko naman na kailangan yung logo pero dadalhin ko na lang din. Ito daw ang assigned clothing ng mga maids sa event. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nakita ko naman na si Tenebris ay nakatingin kay Umbra. Haysst.

Pagka-upo ko, biglang nagsalita si Tenebris.

"Guys, ayaw niyo bang makilala ang isa't isa?"

Tumingin ako sa kanya bago sumagot. "Gusto."

"Eh ang makita ang mga mukha natin?"

"Gusto rin."

"Since 3 years na tayong magkakasama..." Lumingon-lingon siya sa paligid at mas lumapit pa kay Umbra, kaya lumapit na lang din ako. "What if, we get to know each other? Give something about you. Oh di kaya tanggalin ang mask natin. Para makita na natin ang mukha ng bawat isa!" wika niya sa excited na tono.

Ako naman ay natulala muna. May part sa akin na agree sa sinabi niya pero may part rin na nagsasabing hindi. Baka kasi mapagalitan kami. Tapos mapatalsik kami sa organization. Paano na lang yung justice na hinahanap ko? Wala pa nga kaming nasisimulan. Napaharap naman ako kay Umbra nang bigla siyang nagsalita.

"No."

Akala ko wala siyang pake sa pinag-uusapan namin dahil tahimik lang siya na naka-upo. Nasanay na kasi kami na lagi siyang seryoso at tahimik. Kaya akala namin wala siyang pake sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid niya.

"Why not?" tanong ni Tenebris at nag-pout pa siya.

"Tenebris!" tawag ko sa kanya. Siya naman ay napaharap sa akin.

"What?!" inis na tanong niya. Eh wala pa naman akong ginagawa.

"Don't pout like that! You're like a duck." Natawa ako sa sinabi ko. Siya naman ay napatayo at halata ang pagka-insulto sa mukha niya.

"You look like an ugly fatty made!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay huminga ng malalim. "HOW DARE YOU—"

"Ok stop that."

Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Si boss. Na nakaface-mask din at nakabusiness suit, saan kaya siya galing?

"The van is outside. Goodluck."

Pagkasabi niya nun ay una nang tumayo si Umbra at naglakad palabas ng headquarter. Sinundan naman namin siya ni Tenebris.

Agad kaming humanap ng pwesto sa loob ng van. Syempre kahit na masungit si Tenebris, pinagbigyan ko siyang umupo sa shotgun ride katabi ni Umbra. Pagkatapos ay tumingin ako sa monitor na nakalagay sa loob ng van. It shows the blueprint of the venue. All sides and corners and there is only one red moving dot. He is the host of the event. Isa siya sa mga sikat sa lungod ng Cepheus kaya naman humingi siya ng tulong sa amin para bantayan ang safety niya. Sabay-sabay naming isinuot ang earpiece namin at dumiretso sa venue ng event. Bago kami lumabas ng tuluyan ay pinindot ni Umbra ang isang button sa van at may lumabas na keyboard sa mismong harapan niya. Since siya yung leader at hacker ng grupo, kailangan niya iyon para mahack ang mga cctv's at mabantayan ang galaw ng bawat tao. May pinindot rin siyang kung ano-ano at may lumabas na tatlong blue dot sa monitor at nakalagay dun ang bawat codename namin. Nga pala, yung logo namin may tracking device, buti na lang pala dinala ko 'to.

Since sanay na kami sa ganito, alam na namin ang mga gagawin namin. Alam na namin ang bawat role ng isa't isa kaya mas napapadali ang misyon namin. Ako ang gagawa ng act, si Tenebris ang magbabantay sa akin at magmamasid-masid sa paligid at si Umbra bilang hacker na nagmomonitor sa mga galaw namin at nagbibigay ng warning kung may banta dahil siya lang naman ang nakabantay sa bawat sulok ng venue.

Dumiretso ako sa backdoor kung nasaan ang kusina pagkatapos ay kumuha ng tray at nilagyan ng deserts. Bakit kaya hindi na lang sila nagpa-buffet?

"Miss Nancy?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Tiningnan ko muna kung sino ang nagsalita at nakita kong isa rin pala siya sa mga maids. Pero teka. Ako ba tinutukoy niya?

"Miss Nancy?" ulit niya pa sa tanong niya.

Ha?! Sino si Miss Nancy? Hindi ko yun kilala. Ako ba yun. Anong gagawin ko? Parang hindi 'to nasabi sa akin ah.

Ikaw ang tinutukoy niya, Lux.

Ahhh. So ako pala si Miss Nancy. Bakit kasi hindi agad sinabi ni Umbra kanina.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya at halatang nagulat siya. Kaya naging seryoso ulit ang mukha ko. Bakit kasi may kamukha yung nasuot kong prosthetic mask?! Ni hindi man lang sinabi sa akin. Tapos hindi ko pa kilala kung sino yang si Miss Nancy na 'yan. Aish.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.

"K-kasi p-po kailangan na ng desert sa labas. K-kukunin ko lang po sana iyang hawak niyo."

"Sige na. Ako na ang magdadala nito sa labas, humanap ka na lang ng ibang gawain."

Nagbow siya sa akin pagkatapos ay umalis na. Ibig sabihin, yung Miss Nancy siguro ang pinakamataas sa mga maids, nagbow pa kasi siya sa akin. Pero... Nasaan yung totoong Miss Nancy?

Aish. Manghihingi nga ako ng paliwanag kay boss mamaya. May binago pala siya sa paraan ng pagkilos, hindi man lang nagsabi. Tsk.

Pagkalabas ko ng kusina, awtomatikong hinanap ng mata ko si Mr. Velasco, tama siya yung kliyente namin, siya rin ang host ng event na ito at isa rin siya sa pinakakilalang tao sa Cepheus. Ilang beses ko na siyang nakita sa palasyo.

Nagsimula akong magbigay ng deserts sa mga tao na malapit sa kanya.

Narinig ko naman si Umbra sa earpiece ko. Lux, approach Mr. Velasco. Sabihin mo na nakarating na tayo.

Tenebris check the second floor, I think I saw someone suspicious. A man in his tuxedos. Has a glasses and gray hair. And he has a skull tattoo on his left neck.

Ako naman ay sinunod ang utos niya. Lumapit ako kay Mr. Velasco at walang pasabing nagsalita. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya.

"Sir, AV is here."

Pagkatapos ay medyo pumunta ako sa gilid. Inobserbahan ko ang bawat galaw ng mga bisita. At wala naman akong nakikitang kakaiba. Pinanood ko naman ang galaw ni Mr. Velasco at halata naman na parang nabunutan siya ng tinik nung nasabi ko sa kanya na nandito na kami. Sobra siguro ang tiwala niya sa AV Organization para maging ganon ang reaksyon niya.

Dalawang oras na ang nakalipas pero wala pa rin namang nangyayari. Siguro wala naman talagang banta sa buhay ni Mr. Velasco. Pero maya-maya lang ay narinig ko si Umbra sa kabilang linya habang lumalakas ang tunog ng pagtipa niya sa keyboard. Fudge, something is wrong.

Holy sheep. Tenebris. Sniper. Second floor. Near the staircase. At the corner of the wall. Move!

Halos mapatakip na ako ng tenga nung sumigaw si Umbra sa earpiece. Ano bang problema niya? Ang weird niya kaya ngayon. Ngayon lang siya umakto ng ganyan. Ngayon ko nga lang siya narinig na sumigaw sa tatlong taon naming pagtatrabaho. Nakakagulat lang dahil lagi siyang kalmado, tapos ngayon, bigla na lang siyang sisigaw. Anong nangyayari sa kanya?! That's very unusual of him.

Lux, umalis ka sa pwesto mo! Wag kang tumayo lang diyan! Move to a safe area!

At doon na ako natigilan. "Why will I move to somewhere safe? Safe naman ako dito ah."

The sniper was pointed at you!

Sabay na sigaw nilang dalawa kaya automatic akong napatakbo. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Mr. Velasco. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Nagpanic ako bigla.

This.is.a.very.weird.task. A sniper was pointed at me? Why? Hindi naman dapat ako ang target nila. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong misyon. Imbis na sa target nila nakatutok yung sniper, sa akin pa. Paano? Bakit? Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko.

Finished!

Narinig ko si Tenebris na nagsalita. Mukha ngang masaya pa siya. Pero ako, hindi. Sinong tao ang magiging masaya kung nalaman nila na may nagtutok pala ng sniper sa kanila sa hindi malamang dahilan.

The area is now clear.

Pag-aanunsyo naman ni Umbra.

Your mission is now complete.

This time isang boses ng robot naman ang nag-announce. Yep, automatic din ang earpiece namin. Pero syempre connected siya sa computer sa kwarto ni boss. Siya ang nagsasabi kung tapos na ang misyon o hindi. Tsaka minomonitor din niya kami habang pineperform ang misyon namin.

Pero hindi talaga yun ang ikinababahala ko.

A sniper was pointed at me earlier! Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. Pero ang mas nagpapagulo pa sa utak ko ay ang kaiisip kung sino ang may pakana nun. Who was that? Walang nakakaalam na kasali ako sa AV Organization kaya kung gusto man niya akong patayin bilang prinsesa, dapat hindi sa kasagsagan ng misyon ko kasi nakadisguise rin ako. May possibility rin na nagkamali siya. Pero kung hindi, what is his motive?

Mas lalo pa akong naguluhan nung kinausap ako ni Umbra. Halata na nag-aalala siya kahit mata lang niya ang nakikita ko.

"Are you okay?" tanong niya.

Tiningnan ko muna siya. "Y-yes."

Nakahinga naman siya ng maluwag. Pagkatapos ay dumating na rin si Tenebris. Narinig ko rin na tinanong siya nito.

"How about you? Are you okay?"

Natigilan naman si Tenebris. Pero kahit na nakaface-mask siya. Halata pa rin na malawak siya kung makangiti. Sa wakas napansin na siya ni Umbra! For three years? Congrats to her!

"Fine. Thank you!"

Tapos humarap ulit siya sa akin.

"Doon ka umupo sa shotgun seat, mag-uusap tayo."

Now. This day had been a weird day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top