Chapter 10: Secrets over Secrets
A week passed since the day that Zandra accidentally heard me talking to 'boss'. Aksidente naman talaga iyon dahil bigla na lang tumawag si boss. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko naisip na umalis agad sa harap niya bago sagutin ang tawag ng boss ko. Naisip ko na lang yun nung narinig na niya.
At hanggang ngayon ay tinatanong pa rin niya ako tungkol dun. Syempre hindi ko siya sinasagot dahil mas magandang yun lang muna ang alam niya, 'na may boss ako at kinausap niya ako'.
The less she knows, the better, safer. Kung pwede nga lang na least eh. I don't want her to get involve with my stuffs. Hindi naman masama ang ginagawa namin, pero hindi rin naman ligtas. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama o malagay siya sa kapahamakan. I will do everything to protect her and keep her away from danger.
Pero makulit pa rin siya at lagi niya akong iniistorbo tungkol doon. Ayoko din naman siyang sagutin dahil kahit ilang araw na ang lumipas, hindi na ako maka-isip ng palusot sa kanya. Siguro nakokonsensya na rin ako sa pagsisinungaling sa kanya kaya ayoko nang madagdagan pa.
"Ano na naman?" tanong ko kay Zandra dahil nandito na naman siya sa kwarto ko at nang-iistorbo. Akala ko ay mangungulit na naman siya pero nag-pout lang siya.
"Eto namang si ate. Bawal na bang bumisita?"
"Tsk. Kung mangungulit ka lang, bawal."
Inirapan niya ako. Wow ha, siya pa yung may ganang mang-irap eh siya na nga yung makulit. Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama at tumingin sa kisame.
Naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin. Maya-maya ay katapat na niya yung mukha ko kaya naman imbis na kisame ang tinitingnan ko, yung mukha na niya.
Mabilis akong umupo at tiningnan siya ng masama.
"Ano na naman ba?!" tanong ko sa kanya. Kanina pa ako nakukulitan sa kanya. Hindi na lang niya kasi sabihin kung anong pakay niya. Ang dami pang pasikot-sikot.
Nag-pout na naman siya. Medyo naninibago lang ako dahil lagi na lang siyang nagpa-pout ngayong linggo. Medyo kinakabahan na rin nga ako dahil baka may sapi siya. Pero nevermind dahil ayokong may sumapi sa katawan niya, baka magkatotoo pa ang mga iniisip ko.
"Ang taray mo naman ate. Akala ko ba ayaw mo sa matataray?" malungkot na sabi niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim. Oo nga pala, buti na lang pinaalala niya na ayaw ko sa matataray. Pero napapansin ko na parang baliktad yung ugali namin ni Zandra. Siya yung mabait at ako yung mataray...hindi kaya nagkapalitan kami ng sou--nevermind ayoko talagang isipin yun.
Tiningnan ko muna siya bago nagsalita. "Ano ba kasing kailangan mo? Ang aga-aga kasi, nasa kwarto na agad kita." Wala ka bang sariling kwarto? Gusto ko sanang idugtong yun kaso baka sabihin na naman niya na mataray ako kaya wag na lang.
"Pinapasabi lang naman sayo ni kuya Callix na maghanda ka daw. May pupuntahan daw kayo."
"Huh? Saan naman yun? At bakit hindi na lang siya ang magsabi sa akin?"
"Marami kasi siyang ginagawa kaya ako na lang muna ang messenger niyo sa ngayon. At tsaka hindi ko alam kung saan kayo pupunta, pero magsabi ka sa akin kapag nakapag-ayos ka na para maihatid kita kung nasaan si kuya Callix."
Medyo nakakahalata na ako sa kanilang dalawa ah. Nung una sa ball, ngayon naman ito, parang lagi silang magkakontsaba. Hmm, ano kayang nangyayari?
"Diba butler ko siya?" tanong ko kay Zandra na sinagot naman niya ng tango.
"Bakit ikaw ang kinakausap niya, imbis na ako?"
Natawa naman sa akin si Zandra. Mukha ba akong nagpapatawa?
"Jealous?" nang-aasar na tanong niya. Ako? Magseselos? No way!
"Ang sinasabi ko lang naman, butler ko siya. Kaya kung may sasabihin siya, pwede namang siya na mismo ang kumausap sa akin. At hindi ko na siya nakikita ah, hindi niya ako dinadalaw sa kwarto nung grounded ako. Tsaka isa pa, bakit alam mo na busy siya? Nagkakausap ba kayo? Parang mas alam mo pa yung schedule niya."
Mas lalo pang tumawa si Zandra. Huh? Ano talagang nakakatawa? Nababaliw na ba siya? Dati naman, hindi siya madalas tumawa, tapos ngayon bawat segundo siguro nakangiti o tumatawa siya.
"Busy kasi siya."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ang dami kong tanong yun lang ang isasagot mo. Alam mo b—"
"Hep, hindi pa kasi ako tapos. Patapusin mo muna kaya ako," sabi niya habang ang isang kamay niya ay medyo malapit sa bibig ko na nagsasabing tumigil muna ako sa pagsasalita. Tumingin ako sa kanya habang naghihintay ng sagot.
"Unang-una sa lahat busy siya, at malaking epekto yun sa mga tinatanong mo. Pinapunta niya ako dito para ako na ang magsabi sa'yo na aalis kayo dahil busy siya. Pangalawa, alam ko ang schedule niya dahil lagi ko siyang nakakasalubong at lagi rin kaming nagkaka-usap. At sa totoo lang, marami talaga siyang ginagawa dahil nakikita kong pabalik-balik siya sa pinto ng palasyo."
"Eh paano naman yung sagot sa bakit hindi niya ako dinadalaw?"
"Busy pa rin siya."
"Pero butler ko siya! Dapat may time siya sa akin."
"Tsk. Busy nga siya. At tsaka pinapapunta mo ba siya dito?"
Umiling ako.
"Inuutusan mo ba siya?"
"Hindi rin."
"Yun naman pala. Nakakalimutan mo bang grounded ka? At paano naman kayo magkikita kung hindi mo siya pinapapunta dito o inuutusan man lang."
"Eh kasi wala naman akong iuutos sa kanya. May mga maids na nga tayo tapos uutusan ko pa siya. Tsaka ang weird naman kung uutusan mo ang butler mo na magluto o pagsilbihan ka, eh may maids naman na handang sundin lahat ng gusto mo."
Maya-maya ay tiningnan ako ni Zandra sa mukha na para bang may hinahanap.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Minsan nagtataka ako kung bakit kailangan mo pa ng butler. Tama ka nga naman. May maids na handang sundin ang gusto mo at nakalimutan mo atang may guards din na bantay sarado tayo 24/7. Wala rin namang silbi ang pagkakaroon ng butler dahil hindi mo rin siya inuutusan. Ang swerte kaya ni kuya Callix dahil may amo siyang katulad mo. Tsk. Kung isisante mo na lang kaya siya?"
Tiningnan ko siya ng masama. Siya naman ay napaatras sa pagkaka-upo.
"Wait lang. Nagsa-suggest lang naman ako. Pwede mo namang huwag sundin yun."
"Eh kasi ang pagkaka-iba ng butler sa mga sinabi mo ay nasa side ko siya. Yung mga guards at maids ay nasa side naman ni mama. Kapag may ginawa ako na bawal malaman ni mama at kailangan ko rin ng tulong, pwedeng siya na lang ang tawagin ko. Ganun yun."
Tumango siya. "I also agree with that. But still, his lucky dahil minsan mo lang siyang kailangan."
"Atleast nandiyan siya kapag, kailangan ko siya, hindi katulad ng iba na lagi mo ngang kailangan, lagi rin namang wala. Tsaka best friend ko siya."
"Best friend lang ba?"
Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. Maya-maya ay binalik ko na lang ang normal kong tingin dahil nahahalata ko na takot na sa akin si Zandra.
"Labas ka na nga, magbibihis lang ako. Diba may pupuntahan pa kami? Baka kung saan pa mapunta ang usapan na 'to."
Nginitian naman ako ni Zandra bago lumabas. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na agad ako sa kwarto ni Zandra, diba sabi niya siya daw ang magdadala sa akin kung nasaan si Callix.
"Oy Zandra," bati ko sa kanya.
Nakabihis din siya. Teka, sasama ba siya sa amin? Bago pa man ako makapag-tanong ay hinila na agad ako ni Zandra palabas.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kaming dalawa.
"Hindi ko rin alam eh."
Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Huh? Akala ko ba alam mo."
Tumigil kami sa entrance ng palasyo. "Sandali lang nga ate."
Nakita ko naman na kinuha niya ang phone niya at tiningnan ang screen. Maya-maya ay ngumiti siya.
"Tara na ate," sabi niya sabay hila ulit ng kamay ko.
Dahil gusto kong malaman kung saan kami pupunta, hindi ako nagpadala sa kanya.
"Bakit?" nakakunot ang noo niyang tanong.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Sa gilid ng palasyo."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Sa gilid lang naman pala ng palasyo, bakit hindi na lang siya ang nag-text sa akin. Hindi yung pinagod ka pa niya."
"Okay lang naman ate."
Sinuri ko naman ang mukha niya. "Kayo ha. May napapansin na ako sa inyo. May tinatago ba kayo?"
Umiwas naman siya ng tingin. Sabi na nga ba eh! "W-wala kaya."
Tsk. Ako, maniniwala sa kanya? Hindi noh!
"Oo na. Tara na nga," sabi ko na lang sa kanya dahil mukha namang hindi siya magsasabi ng totoo.
Pagdating naman doon ay nakita ko si Callix na nakasandal sa kotseng ngayon ko lang nakita.
"Is that new?" tanong ko sa kanya bago pa kami makalapit. Nakita ko naman na tumango siya.
"Sarili kong pera ang pinang-bili ko niyan," nagmamalaking sagot niya.
"Edi okay," wika ko nang hindi man lang nakangiti. Maya-maya ay seryoso siyang tumingin sa akin.
"May problema ba?" tanong niya.
Tuminingin ako sa ibang direksyon habang sinasabi ang kanina ko pang gusto sabihin. "Marami ka lang naman utang sa akin. Una, iniiwasan mo ako. Pangalawa... Hindi mo man lang ako dinalaw nung grounded ako."
Pagkatapos nun ay mapanuri ko siyang tiningnan. Napakamot na lang siya sa batok. "Kaya nga babawi ako ngayon."
Naramdaman ko naman na sinundot ako ni Zandra sa tagiliran kaya matalim ko siyang tiningnan.
Siya naman ay tumingin kay Callix. "Una na ako."
"Teka, hindi ka ba sasama?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi na."
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at umalis agad.
Bumalik naman ang atensyon ko kay Callix nung nagsalita siya. "Sakay na."
Sinunod ko naman siya at akmang bubuksan ang pinto sa passenger's seat pero naunahan ako ni Callix.
Tahimik akong umupo at pinanood si Callix na paandarin ang kotse. Maya-maya ay naisipan kong magtanong kung saan kami pupunta.
"Di'ba malapit na ang birthday mo?"
"Hindi."
"Huh? Bakit hindi? Eh three weeks na lang bago yun ah." tanong niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.
"Alam mo naman pala. Bakit nagtatanong ka pa? At tsaka matagal pa rin naman yung three weeks so medyo malayo-layo pa."
Natatawang tinapunan niya ako ng tingin bago siya nagpatuloy sa pagda-drive. "Kahit na malapit na rin yun."
Tumango na lang ako dahil wala naman akong balak makipag-talo sa kanya. Baka kasi kapag kumontra na naman ako, mahaba-haba na naman ang pakikipag-debate niya sa akin kung malapit na ba yun o malayo pa. Hindi rin kasi 'to nagpapatalo eh.
"So ano naman kung malapit na yung birthday ko?" tanong ko sa kanya dahil wala naman akong nakikitang koneksyon sa mga pinagsasasabi niya.
"Bibili tayo ng gown para dun."
"Huh? Akala ko ba babawi ka ngayon? Edi dapat mamasyal tayo."
"Hindi na muna. Baka sa susunod na araw na lang muna. Napag-utusan ako ng nanay mo eh. Dapat talaga ngayon yun."
Tiningnan ko naman siya ng masama kahit sa daan siya nakatingin. "Ang daya mo naman! Sabi mo babawi ka ngayon!"
"Eh sa napag-utusan nga ako."
"Tsk. Ang dami mo ng utang. Kung isisante na lang kaya kita?"
Tumingin sa siya sa akin at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti. Tinotopak na naman siya. Nangbwi-bwisit na naman eh.
"Kaya mo ba?" paghahamon niya sa akin. Syempre alam niyang di ko kaya yun kaya tumingin na lang ako sa labas.
"Paano kaya kung gawin ko yun?" seryoso kong tanong sa sarili ko. "Gusto ko rin kasing ma-try yun dati pa."
Maya-maya ay nagulat ako nang biglang tumigil ang sasakyan.
Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan. "Bakit ka huminto?"
Nakikita ko naman sa itsura niya ngayon na parang may takot siyang nararamdaman at pagaalala. "Seryoso?"
"Anong seryoso?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi niya.
"Gusto mo talagang i-try na tanggalin ako?"
Ilang segundo ko siyang tiningnan na sinundan ko naman ng tawa. "Oo eh. Naisip ko na rin yun dahil gusto ko na ring maging independent."
Hindi ko naman kasi alam na maririnig niya yun. Kausap ko lang naman kasi ang sarili ko.
"Pero..."
"Wag kang mag-alala hindi ko muna gagawin yun. Pinag-iisipan ko pa," pananakot ko pa sa kanya.
Takot rin naman pala siyang matanggal eh.
Sinimulan niya na ang pag-drive pero parang mas focus siya ngayon at mas malalim ang iniisip. Bahala siya diyan. Hindi ko muna siya inistorbo hanggang sa makarating kami sa isang designer boutique. Ito ang pinaka-famous na tindahan ng mga gowns sa buong lungsod. At dito rin kami bumibili ng mga gowns kapag may okasyon. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw ni mama na kumuha ng sarili naming designer. Maliban sa mga guards at maids, hindi na siya kumukuha ng kung sino-sino para maglingkod sa palasyo. Kaya yung mga maids na lang ang nagiging make-up artist at hair stylist namin. Tsaka na rin pala sa interior designs ng bahay sila na rin. Ang weird nga kasi ang nag-aapply at kinukuha ni mama na mga maids ay mga professional. Siguro pati na rin yung mga guards ay professional na pulis o sundalo rin. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa nilang mag-apply bilang guards at maids ng palasyo kung may professions naman sila na mas nakakataas dun. Natutuwa lang kasi ako na all-in-one ang naglilingkod sa palasyo.
Pumasok kami sa boutique at binati naman kami ng nakangiting staff doon. Pina-upo niya kami sa mahabang couch at binigyan ng magazine.
Tiningnan ko naman si Callix na may hawak rin ng magazine.
"Callix?"
"Hmm?" sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan.
"Dito ka rin ba bibili?"
"Oo eh. Para parehas—uh nevermind. Para sabay na tayo."
"Bakit ba kasi ang aga nating pumili? Eh three weeks pa naman bago ang birthday ko."
"Inutusan nga ako ng mama mo. Tsaka magiging busy rin kasi ako sa mga susunod na araw. At alam ko rin na busy ka."
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya. Alam ba niya ang misyon ko? Pero paano?
"Syempre diba mag-aayos rin kayo para sa kasal niyo?"
Isinara ko naman ang magazine na hawak ko at tiningnan siya. "Sino-ang-nagsabi-na-magpapakasal-ako?"
Nakunot naman ang noo niya. "Eh diba, inanounce na yun ng mama mo? Imposible namang hindi yun matutuloy kasi wala namang makakapagpabago sa isip ng reyna. Tsaka laging pumupunta dun si Raphael ah—"
"Si Raphael?! Laging pumupunta dun?!"
Napa-atras naman siya. "Hindi mo naman na kailangang sumigaw pero oo, laging pumupunta doon si Raphael. Hindi mo ba alam?"
Umiling ako. Bakit hindi man lang niya ako pinupuntahan sa kwarto? At ano namang pakay niya. Tsk. Dapat nga alam ko kapag pumupunta siya sa palasyo.
"Oh? Akala ko ba ayaw mo magpakasal? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit galit ka, ha?"
Binigyan ko naman siya ng isang napakatalim na tingin.
"Oo na. Kahit wag mo nang sagutin yun. Baka mamaya magcollapse na lang ako dito dahil diyan sa mga tingin mo." Binuksan niya ulit ang magazine at itinuon dun ang atensyon. "May napili ka na ba?"
"Actually kanina pa ako nakapili."
Lumapit siya sa akin. "Patingin nga."
Kaya ipinakita ko sa kanya ang picture ng isang off-shoulder ballgown na gold and black at puno ng glitters.
"So ibig sabihin ang gusto mong color ng theme ay black and gold?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng tango.
"Bakit ayaw mo ng purple? Di'ba favorite color mo yun?"
"Para maiba naman. Tsaka parang ang ganda rin kasi ng gold and black."
Tumango siya at ibinalik ang tingin sa magazine kaya naman tinanong ko siya. "May napili ka na ba?"
"Oo sana eh kaso iba pala ang gusto mong color ng theme kaya maghahanap na lang ako ng iba."
Nacucurious naman ako sa napili niya kaya kinulit ko siya. "Pwedeng patingin?"
"Nah."
"Sige na."
"No."
"Please?"
"Hindi."
Pero gusto ko talagang makita kaya hinablot ko sa kanya ang magazine. Ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang purple na tuxedo. Sobrang elegante nito at nakakamangha ang disenyo. Akala siguro ni Callix purple ang theme kaso nagsawa na ako sa purple eh. Gusto ko maiba naman. Maghanap na lang siya ng iba diyan. Siguradong may mas maganda pa dun na appropriate sa color ng theme ko...kung meron nga. Nakalagay kasi sa tabi ng picture 'best design'. Aishh.
Binawi naman niya ang magazine at maya-maya ay nagsalita. "Masquerade themed ang ball."
Nagkadikit naman ang mga kilay ko. "Masquerade themed? Hindi pa ako nagdedecide ah. Sino ang nagsabi sayo niyan? Final na ba yan?"
"Hindi pa naman final yun pero ayaw mo ba sa suggestion ng kapatid mo?"
"Si Zandra ang nag-suggest?"
"Oo. Sinabi niya sa akin na sabihin ko daw sayo."
"Bakit hindi na lang niya sa akin sinabi?" tanong ko kay Callix. Pwede naman niyang sabihin sa akin kasi lagi naman siyang nasa kwarto ko.
"Baka...nahihiya?"
Natawa naman ako sa sinabi ni Callix.
"Siya? Mahihiya? Kelan pa?"
"Edi yung time na sinabi niya sa akin na gusto niya ng masquerade themed ball para sa'yo."
"Tsk. Sige na nga, masquerade ang theme ng ball. Tapos ka na ba pumili?" tanong ko sa kanya dahil nakita kong isinara na niya ang magazine.
"Yeah. Tara na."
Tumayo ako at sinundan siya sa paglalakad. Bago pa man kami makarating sa room ng manager ay tumigil ako sa paglalakad nang may maalala ako. "Paano yung maskara?" tanong ko.
Umikot naman siya at humarap sa akin. "Pwede bang kami na lang ni Zandra ang pumili nun? Gusto kasi namin na kami na ang bahala sa maskara mo."
Natawa naman ako at pagkatapos ay tumango."Sige na. Hindi na ako papasok sa loob. Hihintayin na lang kita sa kotse MO." Pinagdiinan ko pa yung mo kasi proud ako sa kanya na nakabili siyang sarili niyang kotse gamit ang sarili niyang pera.
Nakita ko naman siyang tumawa bago pumasok sa loob ng kwarto. Dun kasi nila pag-uusapan ang tungkol sa design at kung ano ano pang gustong idagdag dun. Doon din dapat magpapasukat pero hindi na kailangan dahil lagi na kaming kumukuha sa kanila ng mga damit, at may record na sila ng latest na measurement namin. Bakit? Kasi dun din kami kumuha ng gown na ginamit namin sa ball.
Hindi naman nagtagal ay sumunod na sa akin si Callix sa labas at nagsimula na siyang i-drive ang kotse niya. Nung nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay bigla kong naalala ang gusto kong itanong sa kanya bago pa ako magrounded.
"Callix? Naalala mo ba yung day nag-disguise kami ni Zandra?"
"Oo. Bakit may nangyari ba?" Nung narinig ko iyon ay biglang nagflashback sa utak ko kung paano kumalat ang mga lalaking naka-earpiece sa mall. Kaso hindi tungkol dun yung tanong ko.
"Wala naman. Pero bakit ka naka-black leather jacket nun at black jeans na may black cap pang kasama? Saan ka galing?" Nacucurious lang talaga ako kung saan siya galing. Ang weird lang dahil naka all black siya eh ang lagi naman niyang gusto na damit ay puro white. Tsaka hindi kaya ganun ang porma ni Callix. Hindi naman siya nagsusuot ng cap dahil mainit daw at mas lalo na ang leather jacket dahil naaalala ko pa na sobrang init nung araw na yun.
Tinitingnan ko lang siya habang hinihintay ang sagot. Pero bakit ang tagal niyang sumagot.
"May problema ba?" tanong ko kasi napapansin kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel.
"W-wala naman. T-tungkol naman sa tinatanong mo. Um. A-ano. Pumunta lang ako sa...sa Central City! Tama. Sa Central City."
Tumango-tango na lang ako. At this moment, I know that he's hiding something. Pero hindi ko naman sya pipilitin na sabihin sa akin ang totoo. Siguro sa mga susunod na araw ay sasabihin din niya yung something na yun kapag handa na siya.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng palasyo. And as usual, pinagbuksan ako ng pinto ni Callix.
"Una na ako. Diba ipa-park mo pa yung kotse mo," sabi ko sa kanya.
Tumango siya. "About sa utang ko. Babawi talaga ako sayo. Promise. Ayoko pang masisante."
Tiningnan ko muna siya bago tumawa. "Aasahan ko yan ha."
Nag-bow siya at paatras na bumalik sa loob ng kotse. Ako naman ay naiiling na lumakad papunta sa kwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay dumiretso agad ako sa study table ko at kumuha ng libro sa isa sa mga bookshelf. Dahil nga mahilig ako sa libro, syempre may collection ako ng iba't ibang genre nun. Kinuha ko ang history book at akmang bubuksan ng may mahagilap ako sa ibabaw ng kama ko. An envelope? Sino naman ang naglagay niyan dito?
Tumayo ako at lumapit para sana kunin iyon pero natigil ako dahil pamilyar ang envelope na yun.
Galing sa AV? Nakita ko kasi ang logo ng organization na nakalagay sa isang maliit na black na envelope.
Kinuha ko ang envelope at mabilisang binuksan 'yon. Nasa loob nun ang invitation sa isang event ng sikat na pamilya sa lungsod ng Cepheus, syempre kilala ko sila at ang isang card na may nakasulat na:
Tomorrow.
4 P.M.
Headquarters
Fudge. Sinong naglagay nito dito. Paano kung may nakakita nito? Ano na lang ang gagawin ko? Hindi pa naman nila alam na kasali ako sa AV organization. May nakakita ba? Fudge. I'm doomed. Kinakabahan na ako.
Pero mas kinakabahan ako kung paano ito nakapasok dito. Sino naman kaya ang naglagay nito? At sa kwarto ko pa talaga. Ibig sabihin ba may nakapasok na miyembro ng organisasyon dito? Pero imposible naman kasi ang nakakaalam lang ng identity ko ay si boss. Confidential ang identity ng bawat miyembro sa organisasyon. At tanging si boss lang ang nakakaalam, pero kami wala kaming alam tungkol sa kanya basta boss namin siya, tapos.
Hindi kaya si boss ang naglagay nito? Pero hindi siya basta basta makakapasok sa loob ng palasyo. Mahigpit ang security namin dito. Itanong ko kaya sa maids kung may nakapasok dito? Kaso baka magtaka sila at sabihin nila kay mama, maalarma pa lahat ng tao. Aishhh. Anong nangyayari? Ang gulo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top