Chapter 1: Solution
"Zie?" tawag ng tao sa labas ng kwarto kasabay ng katok.
"Come in," utos ko. I know that it's my bestfriend, Callix. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Zie.
Bumukas ang pinto at pumasok si Callix ng may ngiti sa labi.
"Ready?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bilang tugon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at mas lumawak pa ang ngiti nito.
"You look so beautiful in your dress."
"Thank you pero tigilan mo nga ako," wika ko. Nambobola na naman eh.
Napadako naman ang tingin niya sa buhok ko.
"I love your hair like that."
Tsk. Hindi pa rin niya itinigil ang pagpuri niya sa akin at sinundan pa ito.
"The way it falls on the side of your neck..."
Hindi naman nakalugay ang buhok ko sa gilid ng leeg ko ah. Teka lang parang...
"Down your shoulders and back. We are s—."
"Teka nga lang," pagpapatigil ko sa kanya. "Kanta yan diba?"
Natawa naman siya bigla. Naningkit ang mga mata ko. Sabi na nga ba eh!
"Akala ko hindi mo na naaalala. Ano ba kasi yang iniisip mo ang lalim eh."
"Akala ko pa naman totoo," sabi ko sa kanya.
"Totoo naman talaga iyon!" mabilis niyang sabi.
"Tsk."
"Bakit parang hindi ka masaya? Ngumiti ka naman kahit konti."
Huminga ako ng malalim.
"I have a bad feeling about this ball."
"Huh? Marami naman tayong guards. Tsaka andito naman ang butler mo sa tabi mo. Hindi kita pababayaan," wika ni Callix sabay kindat sa akin.
I gave him an irritated look.
"Tigilan mo yang pangingindat mo sa akin. Baka tusukin ko yang mata mo."
Natawa naman ito.
"Tanggalin mo na sa isip mo yang bad feeling na yan. I-enjoy mo na lang ang ball."
Alam kong pinapagaan lang ni Callix ang loob ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung ano ang pwedeng masamang mangyari mamaya.
After a few minutes, we heard a knock on the door and a maid saying, "Malapit na po mag-start ang ball."
Nagkatinginan kami ni Callix.
"Ano, let's go?" tanong sa akin ni Callix.
I sighed. "Let's go."
Dumiretso kami sa hall ng palasyo. Maraming tao doon. Pinaghandaan talaga ng mga bisita ang ball ngayon. Elegante ang gown na suot ng mga babae. At pati na rin ang suit na suot ng mga lalaki. Nagbibigay ng liwanag sa buong hall ang isang malaking chandelier. Nasa gilid naman ang orchestra na siyang gumagawa ng background music at busy ang waiters and maids sa pag-aasikaso at pagsiserve ng pagkain sa mga bisita. This ball is so elegant. What is this ball for again? I don't know.
Hindi naman sinabi sa akin ni mama at lola kung para saan 'to. Basta ang sinabi nila ay maghanda para sa ball ngayong gabi. Wala naman din akong naaalalang special occasion.
As I keep walking to the seat that is intended for me in front, some visitors bow down or greet me. I smiled as a response but didn't say a word.
Kasunod ko lamang na naglalakad si Callix. Nang makarating ako sa harapan ay pumunta si Callix sa gilid malapit sa akin at pumunta naman ako sa upuan ko. Katabi ko si Zandra na sobrang lawak ng ngiti. Halos lahat ng bisita, sa amin nakatingin. Of course, the ruler of the city is infront, my mother. Apat ang upuan na nandito. Actually tatlo lang pala, throne pala ang isa.
Nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Zandra para marinig niya ako.
"What is this ball for?"
Tiningnan naman ako ni Zandra. She shrugged her shoulders at ibinalik ang tingin sa buong hall.
"Bakit ba tayo nandito anong meron?"
Tiningnan niya ako at saka huminga ng malalim.
"Ate, wag ako ang tanungin mo dahil hindi ko din alam. Sumunod lang ako sa utos ni mommy na mag-ayos. Siya kay—"
Natigil ang pagsasalita niya ng biglang tumahimik ang lahat. The queen cleared her throat before speaking.
"Good evening ladies and gentlemen. Thank you for accepting my invitation to my palace. This night is very special to me, as well as my daughters. Tonight, I will make a big announcement that can help in solving some troubles that our city's facing right now. But before that, feel free and enjoy the ball. You are very welcome to Monterene's Palace."
Pagkatapos noon ay umupo si mama at bumalik ang background music. Naging maingay na ulit ang paligid.
What's very special about this night? I know na maraming trouble na kinakaharap ang buong lungsod ngayon. Over population. Kulang ang supply ng mga gulay at prutas dahil sa tagtuyot at maraming mahihirap. Pero sabi daw ni mama, ang pinakamalala ay ang kakulangan sa pondo ng lungsod. Kulang na daw ang pera para masuportahan ang project na kailangan para mapabuti ang lungsod. Kailangan daw magdagdag ng tax pero pabawas na ng pabawas ang nagbabayad nito. Dumarami na din kasi ang mahihirap sa lungsod. At ano namang naisip ni mama para masolve yun?
"May alam ka ba sa sinabi ni mama? Bakit espesyal ang araw na to sa kanya at sa atin? At paano siya nagkaroon ng solusyon sa mga problema ng lungsod?" sunod-sunod ko na tanong sa kapatid ko.
Bumakas naman ang pag-kairita sa mukha ni Zandra.
"Ate, bakit ba ang kulit mo? Sabi ng wala akong alam kahit isa tapos sa akin mo itatanong yang mga yan."
"Sorry. Nagtataka lang kasi ako."
Nakita ko namang lumingon si Zandra sa gilid kung nasaan si Callix.
"Ate, wag mo na isipin yan. Alis muna tayo dito. Magikot-ikot tayo," wika ni Zandra.
"Pwede ba?" nag-aalangan kong tanong. Baka kasi galitan kami kapag umalis kami sa pwesto.
"Sandali ha," sagot niya sa akin.
Nakita kong may ibinulong siya kay mommy at tumango naman ito. Pinapayagan niya ba kami?
"Oh tara na ate."
Tumayo ako at lumakad papunta sa gilid kung nasaan si Callix. Syempre dapat pangprinsesa ang mga galaw ko. Chest out, chin up habang naglalakad. Hindi pa man kami nakakalapit kay Callix ay tumalikod siya at umalis. Huh? Napatigil naman ako sa paglalakad.
"C'mon ate. Sundan natin si Kuya Callix."
Ahh, so pinapasunod pala kami ni Callix. Akala ko pa naman galit siya o ano. Pero bakit alam ni Zandra ang mga galaw niya? Magkakontsaba ba sila?
Sinundan namin siya palabas ng hall. Teka papunta ito sa labas ah. Anong gagawin namin sa labas. Mabilis ako na naglakad para mahabol si Callix. Gusto kong itanong kung saan kami pupunta.
Dahil sa mabilis na paglalakad ko ay natapilok ako. Dahil lang naman yun sa sobrang taas na sandals na suot ko ngayon. Fudge. Ang sakit ng paa ko. Tinanggal ko ang sandals na suot ko at hinawakan ang paa ko. Nagkasprain ata ako. Maya-maya ay may aninong humarang sa liwanag. Akala ko noong una ay si Callix iyon pero nagkakamali ako. Hindi ko ito kilala, isang bisita.
Lumuhod siya at pinagpantay ang mukha namin. "Are you okay, Princess Anastasia?"
Kilala niya ako... Natawa ako ng bigla kong naalala na isa akong prinsesa. Of course kilala niya ako.
"Fine," sagot ko.
"Kaya mo bang tumayo?"
Tumango ako. Tumayo naman ito at inilahad ang palad niya. Kinuha ko ito at tumayo. Medyo masakit pa rin siya. Sinusuportahan ng isang paa ko ang buong bigat ng katawan ko. Lumapit naman si Callix sa amin kasabay ng pagdating ni Zandra.
"Ate ayos ka lang?"
"Yup," i replied.
"Zie, kailangan matingnan ang paa mo."
Umiling ako, hindi na kailangan.
"Pero kailangang matingnan ng paa mo baka nagka-sprain ka," sabat ng lalaking tumulong sa akin.
"Yeah Zie, sasamahan ka namin ni Zandra sa kwarto mo," sabi naman ni Callix tsaka hinawakan ako sa bewang at kinuha ang kamay.
Ang kulit ah.
"Can you walk?" tanong ni Callix.
"Yeah," sagot ko at humakbang pero muntik na akong matumba, nasalo naman agad ako ni Callix.
"No, you can't," sabi niya.
Kinarga niya ako pero alam kong nahihirapan siya dahil sa gown ko pero kinaya niya pa rin.
Narinig ko si Zandra na nagpaalam sa lalaking tumulong sa akin kanina at saka sumunod.
Iniupo ako ni Callix sa kama at kinuha ang isang plangganang may yelo at bimpo. Baka nilagay ito ng isa sa mga maids sa palasyo na inutusan ni Callix, o ni Zandra.
"Hindi ka kasi nag-iingat," sabi ni Callix habang nilalagay ang yelo na pinalibutan ng bimpo sa paa ko.
"Hinahabol kasi kita, ang bilis mo kaya maglakad. Saan ba kasi tayo pupunta?"
"May papakita lang sana ako sa inyo sa labas. Kaso nga lang naaksidente ka."
"Ano ba yung papakita mo?" tanong ni Zandra na katabi ko ngayon.
"Ahh, wala na yun. Wag niyo ng isipin."
"Sure?" tanong ko.
"Yep. Pabayaan niyo na yun."
Pagkatapos nun ay hindi na ako umimik at pinanood na lang siya. Marunong siya ng ganito dahil kailangan niyang matuto bilang isang butler. Minsan tinuturuan niya ako ng self defense at nagwa-one on one combat kami. Kaya ko naman siyang pantayan.
Ibinalik niya ang yelo sa planggana at umupo sa tabi ko.
"Are you fine now?"
"Yeah, I guess."
Kaunti na lang ang nararamdaman kong sakit at nagagalaw ko na rin ang paa ko.
"Ano kaya ang announcement ni mommy?" tanong ni Zandra sa amin.
Napatingin naman kaming dalawa sa kanya. Pareho kami ng iniisip.
"Sa tingin ko makakabuti 'yon para sa buong lungsod ng Cepheus," sabi ni Callix.
Sana nga makabuti ito sa buong lungsod. But I have a feeling that this announcement is something.
"C'mon let's find out," aya ko sa kanila at lumabas papunta sa hall. Medyo paika-ika pa rin ang lakad ko pero kaya ko naman na. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa hall at inayos ang lakad. Bawat hakbang ay masakit pero tinitiis ko iyon. Kapag paika-ika akong naglakad sa harap ng maraming tao, baka magalitan ako ni mama. Tahimik naman na sumunod sa akin ang dalawa. Alam kong pinapanood nila ang bawat galaw ko at to the rescue kapag may nangyari.
I was thankful when I reach my seat. Fudge! Sobrang sakit magtiis.
Maya-maya pa ay tumayong muli si mama. At natigil ang lahat sa pagsasalita.
"So as I was saying earlier I have an announcement—"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni mama dahil nakatuon ang atensyon ko sa isang lalaking nakasuit na black at nakasuot ng shades. His lips is moving like he is talking to someone but he doesn't have a phone. Pinapanood ko lang ito at minamasdan ang bawat galaw. I know that he's using an earpiece. Sino kaya ang kausap niya? At bakit siya nag-iisa sa sulok doon at pabalik-balik ng paglalakad? Ano—
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang siniko ako ni Zandra na nagpabalik sa atensyon ko at naging aware sa paligid. Nakatingin lahat ang tao sa akin. Tiningnan ko si Zandra at nagtanong.
"Anong meron?"
"Pinapatayo ka ni mommy at pinapalapit sa kanya."
Bigla naman akong kinabahan. Fudge, minsan lang ako pinapatayo ni mama at pinapaharap sa maraming tao. Wait, come to think of it. She is making her announcement right? Kasama ba ako sa announcement niya? Fudge. Mas lalo pa akong kinabahan. Lumapit ako kay mama.
Humarap siya sa maraming tao at nagsalita.
"I'm sure kilala niyo na kung sino ang nasa tabi ko ngayon. My daughter, Princess Anastasia."
Tumingin naman ako kay mama at nakunot ang noo. Bakit ako kailangan dito? Hindi naman niya ako sinabihan tungkol dito. Humarap sa akin si mama.
"Anastasia. Sa tingin mo anong mangyayari sa dalawang lungsod kapag nagsama ito?" she asked not minding the people watching us. Anong tumatakbo sa isip ni mama?
"Um, they will become powerful because the power of the two unite?" sagot ko na nakakunot pa rin ang noo. Bakit niya ako tinatanong ng ganito? Mas lalo akong kinakabahan sa tanong ni mama.
She clapped her hands.
"As expected, you got it right!"
Parang hindi ko gusto ang patutunguhan nito ah.
"At hindi lang iyon, matutulungan pa nila ang isa't isa para mapaunlad ang bawat bayan. Ito ang naisip kong paraan para masolusyonan ang problema ng ating lungsod. I negotiated at our neighborhood, the city of Tyran. So I am announcing the marriage of my daughter, the princess of Cepheus, Princess Anastasia Kenzie Monterene and the prince of Tyran, Prince Raphael Voltair."
Nagulat ako sa mga narinig ko. I'm getting married. No, no, no! Hindi pwede. Bakit hindi ko ito alam? Hindi ako makakapayag! Maybe I can talk to her later and convince her that marriage is not the solution. Hindi ko hahayaang siya ang pumili ng taong papakasalan ko. No! Buong buhay ko lagi ko siyang sinunod. Kahit gustong gusto kong gawin ang isang bagay at kapag sinabi niyang hindi, hindi ko gagawin ito. And this time, hindi ko hahayaan na diktahan niya ako sa bagay na ito. This is too much. And she said she negotiated? Ano ako negosyo na kailangang i-trade. I'm her daughter! Hindi niya pwedeng gawin 'to sa akin. Hindi niya ako pwedeng itrade. No! Hindi ko nga kilala ang lalaking papakasalan ko. And I'm too young!
Habang patagal ng patagal ay umaakyat ang dugo. I'm getting angry. Galit ako kay mama dahil nagdesisyon siya ng hindi ko nalalaman. Hindi naman siya ang magpapakasal para siya ang magdesisyon.
"May I call on Prince Raphael?" wika niya at tiningnan ang kumpol ng tao na parang may hinahanap.
Maya-maya ay may lumapit sa aming lalaki. Malawak ang ngiti nito. Wait, his face is familiar. Where did I see him? Nag-isip ako at nanlaki ang mata ng maalala ko kung saan ko siya nakita. Siya ang lalaking tumulong sa akin kanina nung natapilok ako.
"Oh, there you are Prince Raphael. Meet my daughter, Princess Anastasia. Anastasia, this is Prince Raphael," sabi ni mama.
Inilahad niya ang kanyang palad para sana makipag-kamay pero tiningnan ko lang iyon, hanggang sa ibinaba niya ito. Tiningnan naman ako ng masama ni mama pero hindi ko na siya pinansin. Dapat ako ang nagagalit ngayon.
I don't care if the people around us are murmuring about how disrespectful I am. They don't know me. This is the first that I act like this in front of many people. I've been a good daughter and princess for the pass eighteen years, but I can't take it anymore.
I hate it when mama decided for me, being married to a person that I didn't even know, this is a joke! I hate it when she controls me and my life, but as a good daughter, I always obey her even if I don't want to. But not this time. Lagi niyang sinasabi sa akin na sundin ko ang magulang ko. As a role model to everyone in the city.
Dati, kapag alam ni mama na hindi ako papayag sa iuutos niya o gusto niyang gawin ko, sinasabi niya ang mga ito sa harap ng maraming tao. Audience. Audience ang kailangan para mapapayag ako dahil ayokong mag-isip ang mga tao na hindi ko sinusunod ang mga magulang ko.
'Be a role model to everyone', sabi sa akin ni papa. I'm sorry papa, I know na sa gagawin kong ito ay madudungisan ang pangalan ko pero wala akong pake, this is too much. Sorry din mama but... I can't take it anymore.
Tinalikuran ko si mama at tumakbo palayo. Habang tumatakbo ako ay naririnig ko na palakas ng palakas ang boses ng mga taong nag-uusap na para bang gulat na gulat sa inasal ko. Alam kong issue na naman 'to pero sa ngayon ay kailangan ko na munang tumakbo palayo. Tinungo ko ang daan patungo sa kwarto ko at dumiretso sa kama. Hindi ko mapigilang maiyak dahil hindi ko inaasahan na pati ang buhay ko ay didiktahan ni mama. And the word negotiated keeps ringing on my ears.
Negotiated.
Negotiated.
Negotiated.
At ang mas masakit pa rito ay si mama ang nagdesisyon para sa akin ng hindi man lang ako kinukonsulta. Fudge! Why is she acting like I'm not her own daughter.
Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.
"Zandra," mahina kong sabi.
"Ate, are you okay?"
"No," matapat kong sagot.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"It's okay, naiintindihan ko," sabi niya habang hihimas ang likod ko para pakalmahin.
"Naiintindihan mo?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya.
"Bakit ikakasal ka na din ba na hindi ka pumapayag?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Natawa naman siya bigla at syempre natawa rin ako habang may luha. Of course pinipilosopo ko siya.
"Ikaw talaga ate," sabi niya habang tumatawa pa rin.
Pero maya-maya ay natigil iyon at nagtaka naman ako. Sinundan ko ang tingin niya na papunta sa pintuan. Nakita ko ang isang babae na hindi maipinta ang mukha dahil sa galit. Mama.
"Ate maiwan ko muna kayo."
Patayo na siya pero hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya.
"Don't," wika ko.
Binigyan niya lang ako ng ngiti at alam ko ang gusto niyang iparating. Gusto niyang makipag-usap ako kay mama para sabihin ang gusto kong sabihin. Naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Binitawan ko ang kamay niya at umalis siya agad.
Lumapit sa akin si mama na galit na galit pa rin. Alam kong pagagalitan niya ako kaya ihahanda ko na ang tenga ko.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" sigaw sa akin ni mama.
Gusto ko siyang pilosopohin at sabihin na umalis lang naman ako, kung hindi niya alam ang tawag sa ginawa ko kaso mas lalo pa niya akong pagagalitan. So I keep my mouth shut at yumuko na lang.
"How dare you humiliate me and our family?!"
Tsk. How dare you decide for my marriage.
"You are a princess, and you should act like one! You should always obey your parents!"
"Even if it's too much?" hindi ko mapigilang tanong. "Kahit sumusobra na kayo at kayo na ang nagdecide sa taong papakasalan ko nang hindi ko alam? Gusto niyo sundin ko kayo na magpakasal sa taong hindi ko kilala? Buong buhay ko ay sinunod ko kayo, pero sorry po dahil hindi ko kayo kayang pagbigyan ngayon." Umakto akong natawa at tsaka nagsalita,"Hindi ko nga kilala ang taong papakasalan ko. Is this even a joke?"
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.
"You are grounded for one day! Hindi ka pwedeng lumabas. Dito ka lang sa kwarto mo! Yan ba ang natututunan mo? Ang sumagot sa magulang. Hindi kita pinalaki ng ganyan!"
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Sabi na nga ba eh dapat hindi ko na lang sinabi yun. Bad mouth!
"Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka!"
"Mama—"
"Mommy," putol niya sa sasabihin ko.
I sighed. "Mommy, I'm too young! I'm only eighteen."
"Turning nineteen."
Aba matigas siya ah. Hindi talaga magpapatalo.
"Look, kapag nagpakasal ka masusolusyonan natin ang problema ng lungsod."
"Mommy, marriage is not the solution."
"Yes it is."
"Mommy, alam mo naman ang issue ng Tyran diba?" tanong ko sa kanya.
"I don't care about that. Nag-offer sila ng tulong. Matutulungan nilang maka-angat ang lungsod."
"Mom alam nating hindi sila tumutupad sa usapan diba? At tsa—"
"They promised. Tsaka magpapakasal ka sa prinsepe nila kaya may karapatan ka sa yaman nila. I know what I'm doing. Matalino ako anak kaya hindi nila ako mauutakan. Nag-offer sila ng tulong at nag-offer ako ng wedding para masigurado na makakaangat talaga ang lungsod natin."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"You offered the wedding?"
"Yes."
"I don't even agree."
"I don't care about your opinion."
"Mom, ako yung magpapakasal hindi ikaw! Ako ang magdedesisyon kung sino ang papakasalan ko o kung kailan ako magpapakasal. At sa ngayon ay hindi pa ako magpapakasal kahit kanino."
"Anak, you know what? Whatever. Isipin mo na lang na makakatulong ka sa lungsod natin kapag nagpakasal ka sa prinsipe."
Napabagsak balikat na lang ako. Talagang hindi na mababago ang nakatatak sa utak ni mama.
"Mom, do you love me?"
Tiningnan niya ako.
"Yes."
"Then why are you doing this to me?"
"Because I love you," sabi niya at saka umalis.
Iniwan naman niya akong naguguluhan sa loob ng kwarto. What did she say? She said I'm doing this to you because I love you. What? I don't even feel love from her because of what she did. Mahal niya ba ako kung pinipilit niya akong magpakasal kahit ayaw ko naman? Hindi ko siya maintindihan. Teka pinilosopo niya ba ako?
Aish. Sinabutan ko ang sarili kong buhok dahil naguguluhan na ako. Bumagsak ako sa kama at blankong tiningnan ang puting kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako dun nakatingin, pero maya-maya ay pumikit na rin ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top