Chapter 4

Chapter 4: Affair

If my eyes could burn something, Kairo Lei Tan De Mesa would be dead right now. Hindi na mawala ang panlilisik ng mga mata ko sa kanya hanggang sa maibalik niya ako roon sa pang-horror niyang mansyon.

"What the hell is wrong with you?!" singhal ko sa kanya matapos kong lumabas ng sasakyan niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad papasok ng kanyang mansyon habang pinaglalaro sa kanyang daliri iyong susi.

"I just saved you."

"Saved me? Makakalabas na 'ko! Dumating ka lang!"

Tumigil siya sa paglalakad, humarap siya sa akin at pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi iyon ang naabutan ko, Emilia."

"Akala mo ay mananatili pa rin ako rito? You're a stranger! If you're bored, huwag ako ang pagdiskitahan mo! I am leaving!"

Tinalikuran ko na siya at malalaki ang hakbang ko pabalik sa gate nila. "The authorities will put you in jail. At hindi lang iyon ang mangyayari, hindi ba?"

My footsteps haltered and turned at him irritatingly. Nagsunud-sunod na iyong mga problema ko. Bakit naman kasi sa panahong ito pa nagkaroon ng Mpox case? Sa panahong nalaman ko na pera lang ang habol sa akin ng mga tao!

"This is all your fault!" sigaw ko sa kanya.

"I am just helping you. Bakit ako ang may kasalanan? Hindi ko rin naman kasalanan na nagkaroon ng case dito sa Enamel."

"Because you're a Chinese! Ikaw ang dahilan kung bakit maraming hindi makalabas ng bahay! You spread this fucking disease!"

"Huh? Baka Covid, maybe we suffered from it and we still have cases. Aminado ako na galing sa China. Pero sa amin din ba galing ang Mpox? I should probably watch some news. Outdated na ako."

Hindi ako sumagot sa halip ay mas tumalim ang titig ko sa kanya.

Saglit nanlaki iyong maliit niyang mata kasabay ng nakakainis niyang ngisi. "Niaaano ka naming mga intsik? Is this a personal attack? Hindi naman lahat ng Chinese bad. Ako hindi bad," his voice mellowed, na parang ako ang nang-aapi sa kanya.

"It is still your fault!"

He gently scratched his right cheek. "Pumasok ka na nga sa mansyon. Doon ka na magsisigaw, baka akyatin tayo ng mga barangay tanod sa boses mo."

Hindi na niya ako nilingon pa kahit sigaw ako nang sigaw sa kanya. I stomped my foot irritatingly.

I hated it. I hated him so much! I wanted to leave this place, but I didn't have any choice at all. Baka damputin ako ng mga barangay at ibigay kay Gothella. Mahirap man aminin, ang mansyon ng intsik na ito ang masasabi kong ligtas para sa akin sa ngayon.

Nasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang pagkainis. Malalaki na ang hakbang ko patungo roon sa mansyon, sa sobrang bagal pa maglakad ng intsik ay halos maabutan ko pa siya.

Itinulak ko siya. "Move! Ang bagal naman maglakad!"

"Ang laki ng daan, Emilia, papansin lang sa akin, eh?"

I rolled my eyes. "You're annoying..."

Nagmadali akong nagtungo roon sa kuwarto ko kanina. Mabilis ko iyong isinara at ikinandado ko. Pero hindi rin nagtagal ay nakarinig ako ng katok mula sa likuran.

"Do you want to eat?" tanong niya sa likuran ng pintuan.

My stomach growled. "Busog ako."

"Are you sure?"

"Leave me alone."

"I can't. This is my house. Ako ang masusunod. You should eat. Open this door. Eat with me. Bago ako tumawag sa tiyahin mo."

Binato ko ng unan ang pintuan sa pagkairita sa kanya. Padabog akong nagbukas ng pinto at sinalubong ako ng nakapamulsang Kairo.

"Good. Eat and let's talk."

Tumalikod na siya. I rolled my eyes and mimicked his words without my voice. "Good. Eat. Let's talk."

Sa haba ng lamesa, nakahanda iyong plato namin na magkatabi. Naroon siya sa dulo habang nasa kanan lang ako. Gusto ko man na magpanggap na hindi nagugutom pero nang malanghap ko iyong pagkain, hindi ko na napigilan ang sarili kong kumain.

Ilang araw nang limitado ang mga kinakain ko.

"Hanggang kailan ang lockdown dito?"

He shrugged, "I don't know."

"Until when are you going to play your boredom with me?"

Hindi ako naniniwala sa kanya na iyon lang ang dahilan niya. Sinong matinong lalaki ang magyaya ng kasal dahil bored lang? Of course, there was something else with this Chinese man.

I was desperate to escape Gothella's grasp, but I couldn't just stay here inside him—alone. Kahit wala naman kaming ginagawa, lalo na't sasakalin ko siya kung magtangka siya, iba pa rin ang iisipin ng mga tao sa sandaling nalaman nila na magkasama kami rito na kami lang dalawa.

I glanced at him.

Is it possible that I got his attention because of my wealth? Pero kung titingnan ang mansyon pag-aari niya, ang sasakyan na gamit niya at ang paraan ng pananamit niya maliban sa pagiging hubad, nasisiguro ko na mayaman siya.

He doesn't need a twenty-year-old girl with her inheritance. Ilang taon na ba ang gagong 'to? Wala ba 'tong trabaho? He could be twenty-three or twenty-four.

It was too impossible that I got his interest. I mean... did he fall in love?

May mga lalaki pa bang ganoon? Uso pa ba ang love at first sight? Not that I don't think highly of myself—I'm well aware of my attractiveness. Hindi naman magpapakabaliw si Gothella sa pagpapaganda kung hindi siya inggit na inggit sa akin. But in this situation, love at first sight just doesn't apply.

May ibang motibo ang lalaking ito sa akin. Wala sa sarili kong naibaba ang hawak kong kutsara at tinidor. Kusang gumalaw ang mga braso ko at iniyakap ko iyon sa sarili ko habang mariin akong nakatitig sa lalaki.

Kunot ang noo niya nang lumingon sa akin. "What?"

"A-Are you going to offer me a contract?"

I suddenly remembered a certain novel with the same scene as this. He would just let me eat, and when I was already full enough, he would offer me the contract.

"Huh? Contract?"

I bit my lower lip. Nanatili akong nakayakap sa sarili ko. "Huwag ka nang magmaang-amangan. You are planning to offer me a contract. Dahil alam mo ang sitwasyon ko. Gigipitin mo ako!"

"Huh? Anong contract? Ano ba pinagsasabi sa 'yo ni Owen?"

Lalong kumulo ang dugo ko nang marinig ang pangalan na iyon. "Isa pa ang gagong iyon! This is all planned!"

"Huh?" paulit-ulit na lang siyang ganoon.

"This is all planned! Stop pretending Mr. De Mesa! I am aware about the modus of the Chinese people here. Gusto n'yo ng mga dayuhan! Gusto n'yo ay mukhang mga imported! I looked like an American, right? Si Sean na iyon ang taga-pick up ng babae sa entrance ng Enamel! Then he'll contact any Chinese man here to trap us. Tapos aanuhin n'yo raw habang hila ang buhok! Iyon ang ginawa mo sa akin!"

He choked. Nagmadali pa siyang kumuha ng tubig at mabilis iyon ininom habang ilang beses niyang tinatapik ang dibdib niya.

Halos hindi na nga siya makahinga nang maayos nang lumingon siya sa akin.

"W-What?" pilit niyang idinidilat sa akin iyong maliit niyang mata. Wala naman nangyari. "Gagong iyon..."

"Stop pretending, Mr. De Mesa! Nang gabing iyon, ramdam ko naman... gusto mo akong anuhin... but I am not that kind of woman... even if you blackmailed me, hinding-hindi ako bibigay."

Nakangiwi na siya sa akin. "Woah... stop right there, darling. Ikaw ang biglang pumasok sa mansion ko. Accuse me if I entered your residence, naked and all! Ano pinagsasabi ng Owen na iyon sa 'yo?!"

Hindi ako kumbinsido sa reaksyon niya. Some Chinese are good at different kinds of scams. Nasaksihan ko na kung gaano siya kagaling sa pag-arte. Hindi niya ako maloloko!

"Then tell me... tell me your real intention. Stop your damn boredom reason. Dahil hindi mo ako pag-aaksayahan ng oras kung wala kang kailangan sa akin." Habang nakaabang na ako sa isasagot niya, dahan-dahan kong hinawakan ang kutsara at tinidor.

If he's going to offer me to be his fuck buddy, sasaksakin ko siya ng kutsara at tinidor. May mga babaeng gustong pumasok roon at may kanya-kanya kaming paraan kung paano itrato o pangalagaan ang katawan namin, at isa ako sa mga kababaihan na pipiliin sa lalaking mahal ko lang gawin iyon.

"Anong anuhin?" he asked. Ako ba talaga niloloko ng intsik na 'to?

"You should ask it to yourself! Nadulas na mismo iyong alagad mo dahil sa pagsisinungaling niya! Ilang dayuhan na ang inaano n'yo rito? Kaya pala hindi ako pamilyar sa probinsiyang ito! Pugad yata 'to ng mga intsik na nang-aano ng babae..."

Ang kaninang kunot niyang noo ay unti-unting napalitan ng pagtawa niya. Nagawa pa niyang sumandal sa upuan niya at ipatong sa back rest ng upuan ang ulo niya habang tumatawa.

"You're so funny, Emilia..."

Mas lalong dumiin ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Naningkit doon ang kanyang mga mata na halos akalain ko na pumikit na siya.

"Don't you dare... aanuhin talaga kita kapag nasaktan ako riyan sa hawak mo."

Hindi ko pa rin binitawan ang hawak ko. Nagsalin siya ulit ng tubig sa baso niya at diretso niya iyong ininom. He used the table napkin to wipe his lips.

"You're funny and a wise girl... I mean just a bit?" he tilted his head playfully.

Ibinaba na niya ang table napkin sa lamesa, pinagkrus niya ang kanyang hita at sinalubong niya ang mga mata ko.

"It's true that this is not all about my boredom." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mawala iyong mapaglaro ngisi sa kanyang mukha.

I gulped. "And this isn't all about a contract..." sinadya niyang bitinin ang kanyang mga salita. Dahil hinayaan niyang ang kanyang chinitong mga mata ang tumapos noon. Kitang-kita ko kung paano iyon naglakbay simula ulo hanggang sa katawan ko na halos nagawa pa yata nitong makatagos sa ilalim ng lamesa.

"Not really my type..."

I huffed. "Then tell me what you want!"

"When you lost your consciousness that night, your face is already familiar to me. Of course, with your posters around the province. Nagtaka pa nga ako kung bakit walang nakakakita sa' yo. But when I read the details about your missing poster and the person looking for you..."

Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buo kong katawan. Iyong matinding galit ko kay Gothella ay saglit ko nang nakalimutan dahil sa mga nangyayari sa akin sa loob ng probinsiyang ito, pero ngayong siya na naman ang nasa usapan at nasa isip ko, gusto kong gumawa ng bagay para makabawi sa kanya.

Fabian and that witch fooled me for about a year!

"Ano ang kailangan mo kay Gothella?"

His face turned grim. Hindi ko iyon pinansin nang una kong banggitin ang pangalan ni Gothella sa kanya nang ikuwento ko ang aking sitwasyon, pero ngayong mas malapit siya at sinasabi na niya talaga ang siyang nais niya sa akin, siguro'y hindi na rin siya nag-abalang itago iyon.

"Gothella Sarmiento was my father's mistress."

Umawang ang bibig ko at napatayo na ako mula sa aking upuan. "W-What?"

"She's beautiful, young, and probably good in bed," he said in disgust.

Tumayo na rin siya, namulsa at nagsimulang maglakad patungo sa akin. "It could be fate... na dinala ka rito sa mansyon ko, Emilia..."

Marahan niyang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok ko sa mukha ko. "My initial plan was to get even with her through you... naligaw ang anak-anakan... pagkakataon ko na..."

Ilang beses na akong natakot sa kanya. Pero ibang pangangatal at kaba iyong nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Dahil dama ko iyong matinding galit at poot, lalo na sa kanyang mga mata. When I first saw his eyes, all I could see was silliness, but now it was filled with rage and full of hatred— a different kind of fire that flicks a dangerous spark.

Nagagawa kong tumakbo sa kanya at makapanlaban noon, pero sa pagkakataong ito para akong nilamon ng takot at matinding kaba dahil sa kakaibang inilalabas ng kanyang mata.

Matindi na ang galit ko kay Gothella, pero hindi ko inakalang may higit na maglalabas ng galit sa kanya.

"Paanong ganti ba ang gagawin ko? Lalo na't magandang Americana pala..."

Nanatili siyang hawak iyong hibla ng buhok ko. Habang pinaglalaruan iyon ng dalawang daliri niya. His forefinger and thumb were rubbing each other with my strands of hair beneath it.

Isang beses humakbang paatras ang kanang paa ko.

"But when I heard your story... hmm...."

Huminga ako nang malalim at sinalag ko na iyong kamay niya sa buhok ko. "Hindi ka makakaganti sa kanya gamit ako. I am just her way of fortune..."

Tumuwid na siyang muli ng pagkakatayo at namulsa, pero hindi nawala iyong mga mata niya sa akin. "So, change of plans."

Muling kumuyom ang mga kamao ko. Kung sakaling totoo ang pagmamahal sa akin ni Gothella, may balak ang hayop gumawa ng masama sa akin. Dapat ko pa bang ipagpasalamat iyon?

He's going to use me for revenge. The fucker.

"Ngayong alam mo naman pala na wala kang mapapala sa akin, why can't you leave me alone?"

He smiled at me sarcastically. "Let's help each other, darling, and make Gothella suffer."

"Ano ang ginawa niya sa 'yo?"

His jaw tightened. "My mother committed suicide because of her affair with Dad."

Gusto kong magmura, simula pa lang talaga ay mukha na siyang pera!

"Let's help each other, darling. You play with her game..." napasinghap ako nang bigla niyang hinapit ang bewang ko.

"Let them dream... let them feel that they're about to claim the success..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niya ang tungkol kay Fabian.

Hinaplos ng likod ng kamay niya ang pisngi ko. He looked utterly dangerous. "This time... let's have an affair, darling."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top