Chapter 2

Chapter 2: Offer

He pulled another chair, placed it across me facing its backrest, and sat in front of me. His arms were resting on the backrest, with his hand still armed with a frying pan. His eyes were looking keenly at me as I answered him with my sharpest gaze.

Habang patuloy siya sa pagtitig sa akin, mas lalong lumiliit ang chinito niyang mga mata na parang may magagawa iyon para mabasa ang iniisip ko.

His forefinger tapping on the handle of the frying pan as we continued with our staring contest. Iyon lang ang tanging ingay na naririnig ko sa pagitan namin.

"Not really my type..." he repeated while shaking his head.

Sino ba ang may sabi sa kanya na gustuhin niya ako? Gago siya!

"Look, your golden hair is a mess now, darling..."

Sinubukan niyang abutin ang sabog kong buhok na nakatabing sa mukha ko, pero marahas kong iniwas ang sarili ko sa kanya dahilan kung bakit mas lalong natakpan ang mukha ko ng aking buhok.

"I will not hurt you. Just be submissive and do what I want." 

Mas lalong nag-apoy ang mga mata ko sa hudas na lalaki. Ano pinagsasabi niyang submissive gago siya?! Kanina pa siya sa roleplay na kalokohan niya!

Nagsimula akong muling magwala at sumigaw sa harapan niya sa kabila ng busal sa bibig ko. This is kidnapping!

"Pumili ka. Itatali o hihilahin ko ang buhok mo?"

"Pndukdhntylsb!" gago ka pala, e! Nakabusal nga ako! Tanong ka pa nang tanong! Bakit hindi sa ulo mo ihampas iyang kawaling hawak mo?!

Iba't ibang klase na ng mura ang gustong lumabas sa bibig ko nang marinig ang tanong mula sa lalaki. Ako ba ay niloloko niya?

He chuckled. "Just kidding. Tatanggalin ko ang busal sa bibig mo. Just promise to keep your mouth shut, clear?"

Hindi ako tumango sa sinabi niya dahilan kung bakit tumaas ang kilay niya. "Are we clear?"

Dahil wala siyang makitang pagsang-ayon sa akin, ngumuso lang siya sa akin at pinaglaruan niya lang ang kawali.

"You will stay like that if-" labag man sa loob ko ay tumango na ako sa kanya.

Ngumisi siya bago niya inilapit ang isang kamay niya sa mukha ko. I was hoping that he'd immediately pull the gag on my mouth, but it seemed like the man with the frying pan was trained to kill a woman emotionally with his little tricky gestures.

I knew to myself that I was already immune to male charms. I knew that it was hard to believe given that I just had my previous relationship with Fabian and even I caught myself blushing with the mere thought of him-- or probably the idea that I was in love in the middle of a perfect circumstance. Like, ano pa ba ang iisipin ko sa buhay ko noon? I thought everything was perfect. I had a perfect mother figure, wealth, beauty, and even a loving boyfriend. Of course, all I could think was love, pink clouds, and roses. 

Pero sa isang iglap ay bigla na lang ako nadala. Kaya kahit ano pa ang gawin nitong lalaki sa harapan ko. I always knew that I end up hating him. Lalo na't mali itong ginagawa niya! 

Maybe he's like Fabian. He wants money and he's already aware of me. He tied me for ransom. Pare-pareho silang mga mukhang pera!

Marahang naglandas ang likuran ng daliri niya sa mukha ko para tanggalin ang ilang hibla ng buhok ko. Isinumping niya iyon sa tagiliran ng aking tainga.

Nang tuluyan nang matanggal ang busal sa akin, huminga ako nang malalim at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"If you need a fucking money! Get it! Kunin mo na ang lahat ng alahas! Gago-" mabilis niyang ibinalik ang busal sa bibig ko.

Ilang beses siyang umiling sa akin habang tinatapik ang kawali sa kanyang balikat.

"I said keep your mouth shut. Mas matatagal tayo dalawa rito. Cooperate."

Wala akong tigil sa pagwawala at pagmumura sa kanya kahit hindi iyon ang lumalabas sa bibig ko.

"I said calm down. Baka akalain ng kapitbahay na pinagsasamantalahan kita." Hindi ba? Gago siya! Paano ako kakalma?!

Pinagmasdan niya lang ako sa pagwawala ko at hinintay niya lamang akong mapagod. Saglit siyang umalis sa harapan ko at pagbalik niya ay may dalawa siyang hawak na plato. He placed it on the floor between our spaces. Pansin ko na nagsisimula na siyang mairita at mawalan ng pasensiya sa akin. 

At siya pa talaga ang nawawalan ng pasensiya?!

Tumitig ako roon sa dalawang plato. What are those?

"You will shut your mouth or you'll kneel?" horror registered on my face. Bakit niya ako paluluhurin, gago siya?!

Bumaba ang mata ko roon. Doon sa malaki... sobrang laki na talaga ng kaba sa dibdib ko. Ano ba ang mansyon na pinasukan ko?

Ilang beses akong umiling sa kanya. I was right all along! He's a maniac! Saan ba mayroon sex role play na gamit ay kawali?!

Iling ako nang iling sa kanya. Gusto kong linawin ang iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ako ang babaeng iniisip niya. If someone tried to hurt him and used a woman... then this event happened to us was just a coincidence! Wala naman akong balak na hindi maganda sa kanya.

Nang tanggalin niya ang busal sa bibig ko, mas binilisan ko ang pag-iling sa harapan niya. Pilit akong huminahon at nagpaliwanag sa kanya.

"You are wrong. Hindi kita kilala. I am not here to seduce you. I can't kneel... may tinatakbuhan lang ako, pero wala akong ginagawang masama..."

Humiling ako ng chinito, pero bakit sobrang bilis naman? Hindi mo man lang dinamitan, lord. Hubad agad... at bakit ganito?

This isn't the answer, right? Hindi siya ang magliligtas sa kayamanan ko laban sa Gothellang impaktang iyon.

Tumulo na ang luha ko sa halo-halong emosyon. Sa kasalukuyang sitwasyon ko, sa panloloko sa akin ni Fabian, sa kasinungalingan ni Gothella, at sa huling salitang narinig ko mula sa lalaki.

"Ayokong isubo... please... ayokong isubo..." sunud-sunod na ang pagpatak ng luha ko.

Akala ko ay may maririnig akong pagpupumilit sa lalaki, pero tanging alingawngaw ng malakas na pagkabagsak ng kawali sa sahig ang siyang narinig ko.

Hanggang sa marinig ko ang malakas niyang pagtawa. Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya ay hawak na niya ang kanyang tiyan at bibig na parang may magagawa iyon para pigilan ang pagtawa niya.

"Darling... wala akong isusubo. The plates have salt. I will forcefully kneel you on those plates with salt if you insist not to confess," muli siyang natawa at tumalikod sa akin.

Umawang ang bibig ko at umatras lahat ng luha sa mga mata ko. 

"Wait there," nagmadali na siyang tumalikod mula sa akin at umakyat sa hagdan.

Nanatili akong tulala sa sinabi niya. Kasalanan ko ba kung mag-isip ako ng ganoon gago siya?! Bakit halos hubad pa rin siya sa harapan ko at iyon ang sinabi niya sa lalaking dumating kanina?

Of course! I'll conclude something dirty! Sinabi pa niyang hihilahin niya ang buhok ko!

Mariing akong nakakagat sa aking pang-ibabang labi habang hinihintay ang pagbabalik niya. Umismid ako nang makita na nakasuot na siya ng puting tshirt at itim na jogging pants. As if mabubura ng suot niya ang mga nakita ko?! He just ruined my innocent eyes! My thoughts! Everything!

"Untie me, you maniac!"

"Alright. Just lower your voice, and promise to tell me-"

"Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa 'yo?! Naagrabyado ba kita? May nawala ba sa 'yo? May nanakaw ba ako? Nasira? Nabasag?! Tell me! I can pay you! Marami akong pera!"

"Puri ko."

"W-What? Your fucking what?"

Hantaran niyang itinuro ang pagitan ng mga hita niya. "You saw it."

Umawang ang bibig ko. "Hindi ko na kasalanan iyon! Lalabas-labas ka nang hu-"

"This is my house."

"Just fucking untie me! Aalis na ako. I promise, hinding-hindi mo na ako makikita. This is a big mistake. I am sorry. If you need something for the damages... diyan sa puri mo-"

"Alright! Alright!" lumapit na siya sa akin at sinimulan na niya ako kalagan.

Nang sandaling masiguro ko na wala na ako sa pagkakatali, pumosisyon na akong alam kong matatamaan ko siya sa mukha.

I was about to give him a heavy punch right straight in his face, but his firm palm caught my fist firmly. "Miss Emilia Sophia Sarmiento, Right?"

Suminghap ako sa sinabi niya. "P-Paano mo-" may kinuha siyang nakatuping papel sa kanyang jogging pants.

Mariin akong napapikit. I already had an idea that he might be aware of me, but to have this confirmation so quick? Damn it. I am so lucky!

"I saw it. Kalat sa Enamel."

Mariin akong napapikit sa harapan niya, sinubukan kong tanggalin ang kamay ko mula sa kanya pero mas dumiin ang pagkakahawak nito sa akin.

Bakit sa dami ng mansyon na puwede kong pasukan ay sa lalaking ito pa?

"I can let you stay here if you-"

"And you'll attack me when I'm-"

"Uhuh? Dapat ay kanina ko pa iyong ginawa nang hinimatay ka," binitawan na niya ang kamay ko.

Inihagis niya sa akin ang pangit kong poster. I grimaced when I saw my ruined face.

"It's you."

Mas lalo akong napangiwi, "That's not me."

"It's you. Mukha ka lang lasing sa litratong iyan. But it's you."

"How sure are you?"

"My eyes might be small, but I am good at recognizing female faces."

"Tell me about it," naupo na siyang muli sa kanyang upuan kanina at ganoon muli ang puwesto niya.

"Aalis na ako."

Inangat niya ang kanyang phone. "I'll call the number and report you."

My brows creased. "What do you want from me? Bakit hindi mo na lang ako hayaan umalis?"

He shrugged his shoulders. "Bored. Now tell me about it."

My fists balled tightly. I harshly sat on the same chair in front of him and met his eyes irritatingly. Gabi na at wala na rin akong mapupuntahan. Once that he called that witch Gothella, siguradong hindi pa ako nakakalayo, malaki ang posibilidad na agad akong mahuli.

I am still plotting a plan against her.

"My father's stepsister is a witch. She wanted my inheritance alone. Wala siyang totoong pagpapahalaga sa akin kundi pera lamang."

"Hmm..."

"And then?"

"The control of the money will stay on her hands not until I reached the right age. Tatlong taon pa ang hihintayin ko at bago pumatak ang araw na iyon, siguradong naubos na niya ang pera ni Daddy sa sarili niyang interes."

"So, you ran away? Kapag tumakbo ka ba ay hindi na niya magagamit ang pera?"

Hindi ako makapagsalita. Alam kong maling ibahagi sa isang estranghero ang buong buhay ko, pero ano ang dapat kong gawin? Iniipit ako ng lalaking nasa harapan ko!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dapat ay limitahan ko lang ang sasabihin sa kanya. Bukas ng umaga ay hindi ko na hahayaan pa na magtagal ako sa mansyon na ito o sa mismong probinsiyang 'to!

Akala ko ay magagawa ko nang makatago rito, lalo na't hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng probinsiya pero talagang masyado nang desperada ang Gothellang iyon.

"No. But I am up to look for my other relatives..." pagsisinungaling ko.

Pero nang sabihin ko iyon, bigla rin pumasok sa isip ko ang posibilidad. Paano kung humingi ako ng tulong sa partido ni Mommy? Ngunit simula bata pa lang ako ay wala na akong nalalaman sa mga kamag-anak niya.

"Hmm... so that's all?"

"Ano pa ang gusto mong malaman?" asik ko sa kanya.

Mariin niya akong pinakatitigan na parang nag-iisip siya ng itatanong sa akin. Hanggang sa mapansin ko ang saglit na pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

"So... malaki ba?"

The fucking asshole. "W-What?"

Tumayo na ako at itinuro ko siya ng daliri ko. "Don't accuse me too much! Madilim! Madilim at hindi ko nakita! Stop dirty talking! Y-You ruined my innocence!" halos sabunutan ko ang sarili ko.

Tumaas ang kilay niya at mabagal siyang nangalumbaba gamit ang kaliwang kamay niya. "I mean... ang kayamanan mo, Emilia, kung malaki..."

I huffed exaggeratedly in front of him. Sa tingin niya ba ay mapapahiya ako sa sagot niyang iyon? It was a trick. Alam ko na iyon ang ibig sabihin niyang gago siya.

"Oo! Oo, malaki! Sobrang laki!"

Humalakhak siya nang napakalakas. The sound of his voice was too irritating. My hands were itching to snatch the frying pan on the floor and hit it on his head.

Tumayo na siya mula sa kanyang upuan.

"Welcome to my humble abode, Emilia..." inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin. Tinitigan ko lang iyon.

Baka kung saan niya iyon inihawak. Pinagkrus ko ang mga braso ko at itinaas ko ang kilay ko habang nakatitig sa nakalahad niyang kamay.

"Come on, accept it. I'll help you to find your relatives. Taga Enamel ba sila?"

"No need. Ngayong gabi na ang huli nating pag-uusap."

"Eh? Paano kung ayaw ko?"

"Problema mo na iyon."

Muli siyang nagkibit balikat sa harapan ko. Tinanggal na niya ang kamay niyang nakalahad at namulsa. Tumalikod na siya at nagsimulang umakyat sa itaas.

"Lock the main door. Pumili ka ng kahit saang kuwarto. I'll not bother you anymore."

Napahinga ako nang maluwag. Siguro ay isa lang talaga siyang lalaking walang magawa sa buhay. Naabala ko siguro ang ginagawa niyang milagro mag-isa kaya mahigpit ang galit niya sa akin kanina.

"But I heard the same case before, you can have the money, and all after you get married, right?"

Naagaw nito ang atensyon ko. Nasa gitna na ng hagdan ang lalaki at ngayo'y nakatanaw siya sa akin sa ibaba.

"You're not up to find a relative, but a husband, right?" Hindi ko magawang makapagsalita.

"Marry me. Let's have a pre-nuptial agreement if you're worried about your money. Let's have our wedding done in China."

Mas lalong lumaglag ang panga ko sa narinig mula sa kanya. "By the way, it's good to meet you, Emilia... I am Kairo Lei Tan De Mesa... the master of this house..."

Intsik...

Biglang pumasok sa isip ko ang babala ng naka-shades na lalaki nang dumating ako rito. Oh my goodness... akala ko ay biro lang iyon.

Delikado ba talaga rito ang mga chinito? Biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. I should run!

I should fucking run!

"Marry me... and let's darling each other. Ikaw pasok akin balwarte... wala labasan..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top