Prologue

The Prince Who Bit the Poisonous Apple

"Long ago and far away, in a kingdom stood high on the mountain top. The queen was screaming with pain as her tears burst with excitement and joy and when the townfolks heard small cries, the trumpets of success hurled all over the castle. "

Namilog ang mga mata ko habang naku-kwento si kuya sa mga pinsan naming mga batang babae.

My brother is very fond of cute little children.

"And that day, snow white was born. Who possessed a great beauty that envied by thousands of women." Nagpalakpakan ang mga pinsan ko habang nakangiti sa kanila si kuya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko habang pinagmamasdan kung gaano maglambing ito sa mga bata. I always like it about my brother.

"Wynter Andres Olbes, soon to be a successful mechanical engineer." May dala akong tray ng sandwich at juice para sa kanila.

"You're always this sweet Autumn Stassi Olbes, my first princess." Pinisil nito ang pisngi ko nang maglagay ako ng pagkain sa lamesa nila.

"Ate Autumn, you like snow white too?" tanong ng isa kong pinsan.

"No, because snow white is too dumb to eat the apple coming from a complete stranger." Parang tanga lang ang malalason sa mansanas.

"Hey, you're so bitter. Why can't you join us?" umirap lang ako kay kuya.

Bumalik ako sa kusina at tinulungan ko si nanay sa paghahanda ng pagkain para sa tanghalian.

"Nakapag-pasya na ba si Itay?" narinig kong tanong ni nanay sa aking ama.

Ilang beses ko na itong naririnig, ang balita ko ay muling tatakbo si lolo sa susunod ng eleksyon bilang gobernor ng bayang ito. Kung sabagay bata pa si lolo at nararapat lamang ito sa pwesto.

Probinsiya ng Enamel, mahigpit ang usapan sa probinsiyang ito pagdating sa politika. Isa pa hindi lang iisang angkan ng pamilya ang naninirahan dito na talagang nasa dugo na ang politika.

Olbes, ang pamilya namin. Mga Suarez at Arellano, na nagsanib pwersa dahil may mga miyembro sa kanilang pamilya na ikinasal.

"Nakapag-pasya na si ama, tatakbo ulit ito sa darating na eleksyon. Kailangan natin siyang tulungan dahil sa umpisa pa lamang ay ang pamilya natin ang namumuno sa bayang ito." Tumango ako sa sinabi ni tatay.

"I'll help too," saglit lang akong sinulyapan ng magulang ko.

"I'll help too, right little sis." Umakbay sa akin si kuya na nasa likuran ko.

Sumapit ang gabi at tulad ng inaasahan namin, nagbigay ng anunsyo si lolo na tatakbo ulit itong gobernador.

Nanghihina akong humiga sa kama ni kuya habang iniisip ang buong mangyayari sa susunod na kampanya.

Sumulyap ako kay kuya na nasa harap ng salamin.

My brother is all perfect, but there is something with him that I don't want to share with everybody. Nakakahiya.

He has a narcissistic syndrome. Sa kanyang paniniwala ay siya ang pinaka-magandang lalaki sa Enamel, totoo naman, para sa akin.

But we can't brush the fact that there are others too, one from the other street. Si Villegas, ang chinito na galing sa ibang bansa na dito na sa Enamel tumira, another one is Belo, 'yong kapitbahay namin na sikat na sikat sa school, then the famous business minded duo si Al-muzaini at Montgomery, mga may lahi. Minsan nang nagdeliver ng tubig dito si Triton at nagdala ng pandesal si Ahmed, natigilan ako bigla. Ang gagandang lalaki.

Sila ang mga binatang kilalang-kilala dito sa bayan namin. Not that I like them, pero sila kasi laging usapan dito ng mga kababaihan.

But there is another one. Ang gagong si Arellano, ang halos isumpa namin ni kuya.

Si Alcerous Dwight Suarez Arellano, ang kilalang apo ng gobernador ng bayang ito. Mas kilala siya bilang "White" pero kahit kailan ay hindi ko siya tinatawag na White.

Magandang lalaki rin daw ito sabi ng marami, moreno daw, chinito at may dimples sa kanyang kanang pisngi.

Hindi ko masyadong pinagmamasdan dahil kaaway siya ng pamilya namin. Isa pa, gago siya.

Ipinilig ko ang sarili ko nang maalala ko na naman ang lalaking 'yon.

"Mirror mirror on the wall, who's the hottest prince of all?"

"You, ikaw Wynter Andres Olbes! Pangit silang lahat." Ako ang sumagot sa kuya ko.

He grinned. Kaya dumaba na ito sa kama at pinaulanan ako ng kiliti sa aking katawan.

"Oh my god! Stop it kuya! Mamamatay ako! Stop!" sigaw ako nang sigaw hanggang itigil niya.

Bumango ako ngunit pansin ko na naging seryoso si kuya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at diretso ang titig niya sa aking mga mata.

"Autumn are you willing to help our grandfather?"

"Yes kuya," tumango ako sa kuya ko.

"Then, listen to me. Kuhanin mo ang puso ni Arellano."

"You mean si Alcerous Arellano?" tumango ulit si kuya.

Ngumiwi ako.

"Why am I having a feeling that we're in snow white scene? Ikaw ang evil queen, ako ang huntsman. Dadalhin ko ba siya sa kagubatan?" Ngumisi sa akin si kuya.

"Listen Autum, Alcerous is the Arellano's weakness. Kapag nagulo ang buhay ng batang Arellano, mawawala ang konsentrasyon nila sa kampanya. Just play with his heart and we'll win the election. Magagawa mo ba ito para sa pamilya natin?" mabilis akong tumango.

"Yes kuya, mananalo tayo sa eleksyon."

"Alright, alam kong maasahan ka. Wala pang nakakawala sa kamandag ng isang babaeng Olbes." Humalik si kuya sa aking noo.

"Wayto is an easy prey for me, kuya. Don't worry." Nasisiguradong sabi ko.

"Wayto?" tanong ni kuya.

"I don't like calling him White, Wayto na lang." Mabilis na sagot ko.

"Wayto, parang fliptoper lang sa kanto Autumn." Sabay kaming natawa ni kuya.

I'll play the Disney game, I'll be the huntsman and he's my snow white.

Sumapit ang linggo, kung kailan nasa palengke kami ni nanay. Kahit nakaaangat na ang buhay namin, hindi namin magawang iwan ang isang pwesto namin sa palengke.

Magtitinda lamang ng prutas ang angkan ni nanay noon.

"Nanay, nakuha ko na." Hawak ko ang mansanas na pinaturukan namin ng pampatulog.

"Sige, dalhin mo na 'yan sa bahay at ibigay mo sa tatay mo. Para hindi na siya makapagsabong mamayang gabi. Ilang gabi na siyang natatalo sa sabong."

"Yes nanay!"

Nasa kalagitnaan na ako ng paglabas sa aming pwesto nang sumigaw ang umalohokan ng palengke.

Ito ang sumisigaw sa tuwing dito dadaan ang gagong apo ng gobernador na kasalukuyang hinahabol ng kanyang pitong bodyguard.

Si Wayto, na ilang beses na muntik nang mapatay dahil sa sobrang pagkasama ng ugali. Kaya binigyan ito ng kanyang lolo ng pitong tagabantay. Kaya galit na galit sa kanya ang mga taga-palengke dahil ginugulo niya ang mga paninda para lamang makatakas sa kanyang pitong bodyguard.

Nagmamadali ang mga taong itulak ang kanilang mga pwesto para lamang hindi masira ng pasaway na apo ng gobernador.

"Gago talaga," bulong ko.

Nagsimula na akong maglakad, nasa kabilang linya daw ito.

Iniisip ko pa lamang kung papaano ko siya lalapitan sa mga susunod na araw nang bigla na lamang may bumangga nang marahas sa akin. Buong akala ko ay matutumba ako.

"Ang mansanas!" inangat ko sa ere ang aking kamay para maabot ito pero ibang kamay ang sumambot nito.

Hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa habang may mga brasong yumakap sa akin.

My body was slightly inclined with his arms around me.

"Pahara-parahra. You wanted my attention huh?"

Si Wayto!

Ito ang unang beses na nakita ko siya sa malapitan. Halos hindi ko makita ang kanyang mata dahil sa paniningkit nito sa akin at kusang lumabas ang dimples niya sa kanang pisngi niya nang hantaran niyang kagatin ang mansanas.

Oh damn!

Ngumuya ito sa harapan ko habang nagniningkit ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.

"Not my type,"

Nang makarinig ito ng mga yabag ay tumayo ito nang maayos at basta niya na lamang ako binitawan, agad akong humawak sa damit niya sa takot na mawalan ako ng balanse.

"Hey," tinanggal niya ang kamay ko sa damit niya.

Aba't gago! Hindi ako matutumba kung hindi dahil sa kanya.

Mayabang niyang itinalang sa ere ang mansanas at sinambot itong muli, basta niya na lamang ako iniwan at tumakbo nang mabilis.

"Gagong Wayto," nasabi ko na lamang.

Hindi na ako umalis ng palengke at sinabi kay nanay ang nangyari, kaya hindi na kami nagulat makalipas ang ilang oras nang dumaan ang pitong bodyguard na buhat-buhat ang pasaway na prinsipe.

He's now sleeping.

Kasabay nang pagdaan niya ang pagkalalaglag ng mansanas na may kagat. Dahan-dahan akong humakbang patungo rito hanggang tumigil ang mga paa ko sa tapat nito.

Inabot ko ito at tulala akong napatitig sa kamay ng prinsipeng natutulog na siyang pinanggalingan ng mansanas.

At simula nang araw na 'yon matapos kagatin ni Wayto ang mansanas isa-isa nang lumalabas ang mga bagay na niyayakap ng lason.

And I just realized that the poison was not just in the apple, most of the time it is in love.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top