Chapter 50

Chapter 50

Plan

"What the actual fuck, Autumn Stassi?" salubong sa akin ni Kuya na halos tumalon na sa mga baitang ng hagdan para agad akong hawakan.

Marahas niyang hinablot ang braso ko at mariin niya akong tinitigan. Kahit ang dalawang pinsan ko ay parang gusto na akong sunugin ng buhay sa paraan ng pagtitig nila sa akin habang inaalalayan nila si Mama.

I expected a huge fight scene nang sandaling mahuli kami ni Wayto sa kama. But everything turned out differently, my mother was shocked, but she remained calm as well as my cousins.

Walang salitang lumabas sa mga ito laban kay Wayto, pagbabanta o pananakot. Sa halip ay hinintay lang ako ng mga itong makapagbihis bago ako hinila palabas at iuwi sa mansion.

No drama, na siyang malaking ipinagtataka ko.

"What? Malaki na ako, alam ko ang ginagawa ko." Mas lalong humigpit ang kamay sa akin ni Kuya.

"Tell me that you listened to him, tell me that you heard-" agad kumunot ang noo ko, at hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong tapusin anng sasabihin niya.

"What are you talking about?"

Napatulala si Kuya sa akin na parang nasagot na ang sarili niyang katanungan.

"Told you so..." sabi ni Kaden.

May hindi ako naiintindihan.

"Ma?" I tried to ask my mother, pero sa sobrang sama ng loob nito sa akin ay hindi niya ako pinansin. Inalalayan siya ni Lonzo na umakyat sa taas na kunot na kunot pa rin ang noo sa akin.

"Pasalamat ka nasa ibang bansa pa si Papa." Binitawan na ni Kuya ang braso ko.

"They will get marry, narinig ko si Mrs. Arellano, they will ask Autumn's hand." Paliwanag niya kay Kuya.

"And my beautiful sister will agree and run to her wedding day. Right?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Kuya nang marinig ko ito. There's no way that I would let them know my plans.

"That's childish, Autumn!" my brother snapped. He brushed his hair frustratingly.

"What? Childish? Nagmamahalan kami ni Wayto at baka buntis ako, kailangan ng ama ng batang dinadala ko."

"Seriously? Nagbubuhol-buhol 'yang pinagsasabi mo, Autumn. Baka buntis? Tapos ama ng batang dinadala mo? How fast." Iritadong sagot sa akin ni Kuya.

"Ha-Ha." Kaden laughed sarcastically.

"Arellano was drugged." Patuloy niya, nanlaki ang mata ko.

"Drug?! Pampatulog lang! Who the fuck told you?" I sneered at him.

Mas lalong dumiin ang tingin sa akin ni Kuya.

"She probably injected him a sleeping drug. Imposibleng tumindig 'yon, Wynter." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Kaden at pinaypayan ko ang sarili ko.

Who undressed him? Of course, I did! Inaamin ko na nagsisi akong pinatulog siya... kasi... k-kasi... nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. It's so--

I don't have virgin eyes na at labag talaga ito sa loob ko, napilitan lang akong tingnan 'yon.

Sa halip na makinig pa sa pinag-uusapan ni Kuya at Kaden, hinawakan ko ang noo ko na parang anumang oras ay tutumba ako sa pagkahilo.

"Oh gosh! I feel so dizzy, nasusuka na rin ako. I think I'm buntis talaga..." sa halip na alalayan ako ng dalawa ay mas naningkit ang kanilang mga mata sa akin.

"You're a medical student." Matigas na sabi ni Kuya.

"Stop the acts, Autumn. Just stop." Seryosong sabi ni Kaden.

Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko, tumayo nang maayos, huminga ng malalim at diretsong tumitig sa kanila.

They're my family and no matter how flawless my mask was, alam kong malalaman pa rin nila kung kailan ako totoo o hindi.

"It's true. Walang nangyari sa amina and I fed him an apple with sleeping drug. He asked me to marry him, I will agree and there will be a big wedding event." Hindi na ako umaasa ng pagkagulat sa kanila, ito na rin naman ang inaasahan nila.

"And are you happy?" tanong ni Kuya.

"Yes."

"Did you hear his side?"

"Did he try to hear my side too last three years ago? Nakinig ba siya sa akin noong mga panahong sobrang sakit na ng nararamdaman ko? What's this? The last time I checked White Arellano was your greatest enemy as well as you." Lumingon ako kay Kaden.

"Hindi man lang kayo nag-abalang magsalita sa akin habang nasa ibang bansa ako? Tapos ngayon gugulatin n'yo akong lahat na parang magkakampi kayo at ako 'yong masama na hindi marunong makinig?"

Natahimik sila sa sinabi ko. "Are you allies now? Kasi nagpaliwanag siya sa inyo? Hindi ba dapat ako muna? Hindi ba dapat 'yong babae niya munang sinaktan? What now?"

"Did he do a magic trick or something? You wanted to kill him before, our whole family wanted his whole family dead. What happened now? Wala na akong naririnig tungkol sa alitan ng mga pamilya natin, walang nag-abalang magsabi sa akin? Hinayaan n'yo akong parang tangang galit na galit sa ibang bansa?"

Kaden and my brother tried to open their mouth, but I silenced them with my words.

"At ngayon, 'yong tatlong taong galit ko na kinikimkim ko sa ibang bansa ngayon pa lang sumasabog at hindi ko na kasalanan 'yon kung sa kanya ko ibuhos lahat 'yon! Afterall, it was all because of him!"

A tear fell from my cheek. Mabilis ko itong pinunasan. "He humiliated me, our whole family, killed our grandfather... he pierced my heart again and again and again! Sa tingin n'yo ba at magiging madali na lang sa akin na makinig sa kanya at hayaan ang sarili kong unti-unti na namang lumambot kung 'yong mga panahon na halos mabaliw ako sa kahahabol sa kanya ay hindi man lang niya pinag-aksayahan ng panahon?"

"Tell me, kaartehan pa ba itong ginagawa ko? I am an Olbes at alam n'yo 'yong ugali ng pamilya natin na mahigpit kong namana? Bumawi. I want to get even on him. Iyong sakit na ipinaranas niya sa akin, ibabalik ko sa kanya." I said firmly.

"Tang ina ng mga paliwanag niya at ng lahat ng nalalaman n'yo para mabilog kayong ganyan! The whole Enamel will have their feast with the wedding of the year, White Arellano standing on the altar foolishly, waiting for his beautiful runaway bride. Isn't it great?"

Hindi ko na hinintay pa na magsalita sila at magpaliwanag, nagmadali na akong pumasok sa kwarto ko, sumubsob sa kama at hinayaan ang sariling umiyak.

"That fool."

**

Pag-uwi ni Papa akala ko ay pauulanan niya ako ng sermon, but he told me that I was already old enough to make my decisions, he never questioned the wedding at all, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ito o nakapag-usap na sila ni Mama kung paano niya ako dapat lapitan.

I just discovered that my brother and cousins were now close with Ferells, hindi na ako magugulat kung isa sa kanila ang nagsabi tungkol sa pampatulog na ibinigay ko kay Wayto.

Mga pakielamerong hilaw.

I never participated with the wedding planning, I just let Tanya and August hired the most expensive wedding planner. Wala na rin akong naririnig na balita tungkol sa mga Arellano at kumento ng mga ito tungkol sa kasal. Karamihan ay puro chismis ng mga taong bayan, na kung ano-ano ang sinasabi.

That we loved each other daw and it's a sweet destiny, na kahit may masamang nakaraan ang pamilya pagmamahalan pa rin ang magwawagi. Para silang mga tanga.

Mapupusok, I shrugged my shoulders. Mapusok nga kami e, ano pake nila? Kapusok-pusok naman kasi ako, sila ba? Marami pa akong naririnig na ibinabalita sa akin ni Tanya at August, walang tigil sa pag-ikot ang mga mata ko.

I was drinking my watermelon shake when I heard my phone. Tumaas agad ang kilay ko nang makitang hindi registered ang number.

"Yes, hello?"

"Autumn."

"Oh! My groom! How are you?"

"I'm waiting outside."

"Why?"

"Food testing." Mas umarko ang kilay ko sa sagot niya.

"Did you---"

"No poison."

"Give me 30 minutes."

Pinagpatayan ko na siya ng telepono. Sinilip ko muna sa bintana kung nakaparada na ba ang sasakyan niya sa labas, and I saw his familiar car. Saglit kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko bago ko ibinaba ang kurtina.

I made him wait for almost two hours, 'di ko akalain na naghintay talaga siya matapos kong sumilip sa labas na kakatapos ko lang maligo.

When I was approaching his car, the window was open, nakasubsob na si Wayto sa kanyang manibela na parang nakatulog na sa paghihintay. Binuksan ko ang pintuan na siyang gumising sa kanya.

"Let's go." He said while starting the engine.

Hindi ako sumagot sa halip ay tumingin ako sa labas ng bintana.

"Your liptint it's for Tuesday, today is Friday, babe." Halos mapatalon ako sa sinabi ni Wayto. I never thought that he would still remember my liptint schedule, he's always complaining about it before.

I was about to lie at barahin siya at sabihin na matagal nang walang schedule ang labi ko nang mapansin ko ang biglang pagbagal ng kanyang sasakyan.

It's just a swift movement from a very skillful robber, I felt his hand on my chin, he slightly tilted it until his mouth claimed mine.

Bigla kong naalala ang unang pagkakataong sumakay ako sa smuggled niyang kotse, he welcomed me through his ravaging kiss. But this wasn't a damn kiss anymore! Wayto Arellano almost ate my full lips, removing my Tuesday's liptint.

Nang masiguro niyang wala na ang liptint ko, bumalik siya sa pagmamaneho ng nakangisi.

"Hmm, lasang biyernes."

Huminga ako nang malalim, sumandal at pinagkrus ang mga braso ko. I am not affected! I am not marupok! He will do this again!

Wayto's not dumb, I knew that he already had the inkling about my plans and he's now plotting his counterattack.

"Hey babe, about that night. W-Who undressed me?" nanlaki ang mga mata ko, nang sandaling lumingon siya sa akin agad kong ibinalik sa kalmado ang hitsura ko.

"Who else? Ako, ikaw? Naghubaran tayo. C-Can't you remember?"

"Hmm..."

"Don't hmm me Wayto!" I snapped.

"What?" natatawang sabi nito.

Hindi ako sumagot, hinawakan ko na ang bag ko at hinanap ko na ang liptint ko.

"I can't really remember what happened. Hmm..."

"I said don't hmm me!"

Wayto chuckled. "Inunahan mo 'ko."

"Inunahan naman saan?"

"To see everything." Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Shit! I don't want to remember how I struggled that night.

"T-The l-light was off..." nangangatal na sabi ko.

I want to explain and tell him that nothing really had happened na wala naman talaga akong nakita, saglit lang pala! Napilitan lang ako! Napilitan lang akong sumilip! Labag sa loob ko...

"Hmm..."

"I said don't hmm me!"

"Did I pass?"

"Overqualified!" oh shit! Oh my gosh!

Humagalpak na tawa si Wayto sa sagot ko. "Wayto naman!" sinimulan kong hampasin ang braso niya habang tawa siya nang tawa sa akin.

"Wait, mababangga tayo Autumn..." hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

"Wala akong nakita! Wala! The light was off nga!"

"Hmm... overqualified. I wonder what's that..."

"Wayto!"

Tumigil siya sa pagsalag sa akin pero ang salita niya naman ang nakapagpapigil sa akin sa paghampas sa kanya.

"I missed you..."

Unti-unting bumaba ang dalawa kong kamay na akmang tatama sa braso niya, sumikip na naman ang dibdib ko, wala na ang ngisi sa kanyang mga labi at ang kunot ng noo ko dahil sa pang-aasar niya.

"I'm sorry..." he said.

"Stop. Please stop."

Tumango si Wayto at muling nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

Sinalubong kami ng isang babae na halos kasing tangkad ni Wayto, nagawa pa nitong mag-beso kay Wayto na nagpataas ng kilay ko. Wow.

Pumulupot ang braso ni Wayto sa aking bewang at iniharap niya ako sa babae.

"My bride..."

Eksaherada akong humilig kay Wayto at harapan kong pinunasan ang pisngi niya gamit ang ilang daliri ko.

"Who is she?"

"Our chef." Sagot ni Wayto.

The bitch sweetly smiled at me and extended her right hand for me. Tiningnan ko lang ito bago ngumiti sa kanya.

"Sorry, I don't shake hands. Right, babe?"

The bitch chef shrugged her shoulders. "You may call me Marigold. Let's go."

Tumalikod na ito sa amin ni Wayto. "What's that?" he whispered.

"Nothing."

"Hmm..."

"I said don't hmm me, Wayto!"

Hinawakan niya ang kamay ko at sumunod na kami sa chef na hindi ko gusto. Marami kaming pinagpiliang pagkain ni Wayto at inaamin ko na lahat masarap, I want to lie and humiliate the bitch chef pero talagang masarap itong magluto.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko sinubuan si Wayto. "How was it?"

"Good." Tumatangong sabi nito.

Nasa desserts na kami ni Wayto, hindi ko na alam kung ano ang una kong titikman.

"Try this, babe..." tatanggi sana ako pero huli na ang lahat. Nasubo na sa akin ni Wayto ang maliit na hiwa ng mansanas.

I was hesitant at first, pero sa huli ay nginuya ko ito habang magkatitigan kami ni Wayto.

He wiped the side of my lips. "No matter what your plan is... I love you... lahat ng lasong isusubo mo sa akin, tatanggapin ko..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top