Chapter 22

Chapter 22

Apple

Mabilis humiwalay sa akin si Wayto. Natahimik ito at mariin siyang humawak sa manibela. Inaamin ko na wala akong inaasahang magiging reaksyon niya, hindi ko alam kung sasang-ayon ba siya o hindi susuporta, pero ngayong nakikita ko na ang naging paraan ng pagkilos niya matapos kong ibaba ang salita, hindi na niya kailangan pang sabihin ang kanyang kasagutan.

I never thought that my love would be this kind of complicated.

A very complicated love, just like the fairy tale snow white. Dahil nang sandaling piniling kagatin ni Wayto ang mansanas, unti-unti nang nagsimula ang lahat.

"A-Are you sure?" halos hindi ito makapagsalita nang tuwid sa katanungan niya.

He's not ready. Ako ba? Masasabi ko ba na handa na ako para humiwalay at tuluyang tumiwalag sa pamilya ko?

But no matter how I tried to try and convince myself not to think too much, bumabalik pa rin ito. Dahil alam ko sa sarili ko ang kayang gawin ng mga pamilya namin.

I grew up with the presence of Arellano and Olbes clash, sapat ba talaga ang pagmamahalan namin ni Wayto para magiba ito?

Kung tutuusin ay kaming dalawa ang pinakamahihina sa aming mga partido. Anong magiging laban namin kapag ginawa nila kaming paghiwalayin?

Mangyayari ba ang panaginip ko? No!

Nanghihina akong umiling sa kanya.

"I am not forcing you, Wayto. I was just suggesting. Oo nga naman, why would you sacrifice your good life with me? Why would I ruin our good life with our family."

"Hey, that's not it." Agad niyang hinawakan ang kamay ko, bumuntong hininga siya bago sinapo ang magkabilang pisngi ko.

"Uulitin ko... are you sure? Ito ba talaga ang gusto mo? Dahil kung anong gusto mo susundin ko. Sabihin mo lang sa akin, Autumn." He looked straight into my eyes.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. "I'm sorry... nadala lang ako ng takot."

Narinig ko ang paghinga nang maluwag ni Wayto, alam kong hindi niya gusto ang ideya ko. Damn, I am not thinking.

"Pwede kitang itanan kung 'yon ang gusto mo. But try to think of it, babe... yes, magiging masaya tayo, pero pansamantala lang."

Saglit siyang tumigil bago siya nagpatuloy. "Pareho tayong hindi pa tapos sa pag-aaral. I don't care about the people who will judge me, but how about you? Ano na lang ang sasabihin nila sa'yo? Baka makapatay ako kapag may narinig akong hindi maganda tungkol sa'yo."

Natulala ako sa sinabi ni Wayto. Hindi na ito pumasok sa isip ko, masyado na akong nilamon ng takot na baka tuluyan nang humiwalay sa akin si Wayto dahil sa hindi matapos na away pamilya.

"We're not just an ordinary people. May mga pangalan tayo, Autumn. Olbes ka, Arellano ako, maraming nakamata sa bawat kilos natin. Miyembro tayo ng dalawa sa pinakamalaking pamilya ng probinsiyang ito. Sanay na ako sa kanila, pero ikaw? Ayokong maranasan mo ang pangmamata ng buong probinsiya sa akin."

"But you are not bothered at all!"

"I am always bothered, Autumn! Pero hindi lang ko ipinakikita sa lahat! Because I am no weak! I am White Arellano!"

Mas lalo akong natulala sa sinabi ni Wayto. Kahit kailan ay hindi niya sinabi sa akin na nagkakaroon ng epekto sa kanya ang lahat ng sinasabi ng mga tao. But he admitted for the first time.

Pansin kong natigilan din siya sa sinabi niya, pero pinili niyang huwag nang sundan pa ang kanyang mga sinabi.

There's something missing here... I just couldn't point out. May bagay na hindi sinasabi sa akin si Wayto.

Saglit kong ibinuka ang bibig ko para may sabihin, pero sa huli ay itinikom ko na ito.

Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto, bago muling nagsalita si Wayto.

"Hanggang ngayon ay naguguluhan na rin ako, bakit ngayon ay wala pa rin nakakapansin sa kanila, wala pa rin gumagawa ng aggresibong kilos mula sa mga pamilya natin, Autumn. They are no fools! Alam kong may nalalaman na sila sa relasyon natin."

"Do you think?" tumango sa akin si Wayto.

"No matter how we tried to hide it, alam kong malalaman din nila. And I hate it... hindi ko na alam kung nagsisimula na ba ang laban sa pagitan nila... and us being their pawn is damn frustrating."

Mas tumagal ang titig ko kay Wayto at ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit gusto na nitong malaman ang pinagsimulan ng lahat. But was it really the entire reason?

Or there's something else? Dahil hindi na ako nakukuntento sa kasagutan niya kanina. About his personality in the face of this whole province... para siyang may pinagtatakpan.

Politikal lang ba talaga ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya? Babae? Kamatayan?

Habang lumalapit kami sa Leviathan, mas lalong nanlalamig ang buo kong katawan. Sa tagal kong naging Olbes at sa pagtingin ng masama sa mga Arellano, ngayon ako nagsisimulang magkaroon ng totoong katanungan sa pagitan ng mga pamilya namin.

That between these two powerful family was a dark past...

May parte sa akin na gusto nang bumalik at hayaan na lang ang kawalan ko ng ideya, mayroon din namang bumubulong sa akin na magpatuloy at huwag mabuhay sa mahabang panahon ng katanungan.

"Sorry for not thinking too clearly, Wayto..." umiling siya sa akin bago siya lumapit at halikan ako ibabaw ng aking ulo.

"Don't worry, Inisip ko rin itanan ka. Maraming beses na, Autumn."

"Really? Or you're just saying that para hindi ako mapahiya?" ngumuso ako sa kanya.

"Nah, I'm serious. Ilang beses nang pumasok sa isip ko ang pakikipagtanan sa'yo. Pero agad din naisip na hindi rin naman magiging matagumpay. They're still powerful than me, magawa man kitang maitago, hindi sa mahabang panahon. Mahuhuli rin nila tayo. Mabibitin lang ako." Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

Pinatakbo na niyang muli ang kanyang sasakyan. "Anong mabibitin?"

Saglit siyang sumulyap sa akin, bago niya ipinakita ang kanyang ngisi na halos hindi na makita ang kanyang singkit na mata.

My babe smuggler and his signature grin.

"Ako, ikaw tanan. Di lang titig... kagat na kagat, Autumn. Kagat na sobra dami..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Damn him and his vulgar words!

"Wayto! Napaka-gago mo talaga!" hinampas ko ang braso nito habang tumatawa siya.

"Tapos aagawin ka sa akin matapos akong makatikim? Baka mabaliw na ako."

"Seriously?!"

"Yes. Come here, ayaw kong umiiyak ang pinakajowable at ang pinakamaarteng babae sa Enamel." Saglit akong lumapit sa kanya. I gave him a smack on his lips.

Isinumping niya ang takas na hibla ng buhok sa likuran ng aking tenga.

"Ang gandang babae po..." I bit my lower lip when Wayto showed me his silly biting on air. Na parang kahit may distansya kami sa isa't-isa nagawa niya pa akong kagatin sa labi ko.

Ang gwapo, leche!

Wayto knew me too well, he could easily change my down mood to lively one. Hindi man lang ito nahirapan, kanina ay umiiyak ako at natatakot sa harapan niya, ngayon ay tumatawa na at umiikot ang mga mata.

Wala na akong pakialam kahit ilang kotse pa ang i-smuggle niya. He's my hot babe... kahit ako araw-araw niya kagat-kagat.

I giggled with my thoughts.

Sumulyap ako sa labas ng bintana, hindi ko pa yata nararating ang parteng ito ng Leviathan.

"Sa mansion ba tayo ng mga Ferell magpupunta?"

"No. Hindi yata pwede sa mansion ngayon, may babae silang itinatago do'n." Agad akong napalingon sa kanya. Ano na naman ang kalokohang pinaggagagawa ng mga Ferell na 'yon ngayon?

"W-What? They kidnapped her?" Wayto chuckled.

"No, I think they're helping her. I don't really know, hindi naman masyadong nagkukwento sa akin si Nero."

"Are you sure?" mas tinitigan ko siya.

Ngumisi siya sa akin. "We have nothing to do with them, Autumn."

See? He knew something.

"Saan daw natin sila tatagpuin? Si Nero lang ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ang alam ko kasama yata 'yong apat. Alam mo naman ang mga 'yon, laging magkakasunod."

Bigla kong naalala ang huling party namin ni Wayto, isang napakalaking epal ng mga Ferell ng gabing 'yon. Hindi ko akalain na may pakinabang pa rin pala talaga sila.

"Si Troy lang ang hindi ko masyadong kasundo do'n."

"Why so? Because Troy is Triton's bestfriend? Hanggang ngayon ba ay bitter ka pa rin kay Triton, Wayto?"

Kumunot ang noo nito sa akin. "Stop mentioning his name!"

Mukhang nakakalimutan nito na si Triton at Ahmed ang isa sa tumulong sa kanya sa school campus nitong isang araw, nang muntik na siyang makabasag ng mukha ng estudyante.

Ngumuso ako. Ngayon ko pinagsisihan na ang madalas kong paggamit sa pangalan ni Triton noon, gigil tuloy sa kanya si Wayto, nadamay pa si Troy.

But really, kung magkakaroon siguro ng kaibigan itong si Wayto sa Enamel, I could recommend Ahmed and Triton, they're actually good.

Kung dati ay halos isumpa ko si Belo noon dahil sa pakikipagkaibigan kay Wayto, gusto ko na siyang pasalamatan ngayon. My smuggler babe deserves a friend.

"But I don't really like him, Wayto. Ginamit ko lang ang pangalan ni Triton para mas mapikon ka."

"Sa tingin mo napikon ako?"

"Oo, pikon na pikon. Hanggang ngayon, selosong smuggler, eh?"

"Stop calling me that!"

"Ang gwapo mo po. Love you, Wayto..." natigilan siya sa bigla kong sinabi.

I giggled. Umiiling na lang ito at ngumisi sa harap ng manibela.

Ilang oras lang ay nakarating na kami ni Wayto sa Leviathan, katawagan niya na ulit si Nero. Sinabi nito sa isang coffee shop na lang daw kami magkita-kita, medyo matatagalan daw si Don Ferell dahil marami itong inaasikaso ngayong araw.

Nawala ulit ang tawanan sa pagitan namin ni Wayto, siguro ay naramdaman nito ang muling pagkakaba ko. Madalas ko man marinig ang pangalan ni Don Ferell sa bawat pagtitipon na dinadaluhan ng pamilya ko, iba pa rin kapag sadyang kausap ito.

Buong akala ko ay ito lamang ang aking magiging problema sa sandaling makarating kami sa Leviathan, pero mukhang nagkamali ako.

Dahil nang sandaling makapasok kami sa isang coffee shop, may hindi sinasadyang mabangga si Wayto. A woman with her demure yellow dress.

"Oh shit! I'm sorry!"

Ang higit na nakapagpatigil sa akin ay ang dami ng mansanas na lumaglag sa sahig dahil sa supot na nasira sa pagkakabanggaan nila ni Wayto.

Kapwa sila ngayon nakayuko ni Wayto habang pinupulot ang mga mansanas sa sahig. Nanatili akong nakatayo at hindi tumutulong.

Sa mansanas din kami unang nagkakilala ni Wayto. Sumikip ang dibdib ko at parang anumang oras ay may lalaglag na luha sa aking mga mata.

This is insane! Of course, this is an accident.

"I'm really sorry, Miss..."

Hindi rin nagtagal ay may tumulong na rin kay Wayto at sa babae, mukhang mga kaibigan niya ito.

"I told you, Summer. Mamaya mo na dalhin sa mga mansanas sa kotse. May nakabanggaan ka tuloy. I'm sorry about our friend, she's too clumsy." One of her friends awkwardly smiled at Wayto.

Tumungo ang babaeng may pangalang Summer at nagsisimula nang mamula ang kanyang pisngi.

She's damn blushing! And it's legit. Hindi siya nag-iinarte.

"No, ako ang hindi tumitingin. I'm really sorry, Summer... right? I think I need to pay." Nagsimulang dumukot ng pera si Wayto.

"No! It's okay po... kasalanan ko rin naman." Mahigpit na pagtutol ng babae.

Kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka mag-inarte pa ako at humingi ng malaking halaga kay Wayto dahil nagusot ang damit ko o kaya ay naputol ang kuko ko o pwede rin na nawala sa pagiging curl ang buhok ko.

"No, I insist." Madiing sabi ni Wayto.

Tumaas ang kilay ko nang hawakan ni Wayto ang kamay ng babae at maglagay siya ng pera rito.

"No, okay lang po."

"Just accept it. Kasalanan ng boyfriend ko." Pagsingit ko sa usapan.

Ngumisi si Wayto at pumulupot ang braso niya sa bewang ko. "Mahal ang mansanas, nagbebenta rin ang girlfriend ko. So please... don't mind it."

Nauna silang magpaalam sa amin ni Wayto, wala na akong imik hanggang sa ituro sa amin ng crew kung saan ang reserved room ni Wayto para sa amin. May sariling private room daw ang coffee shop na ito para sa mga estudyante na piniling dito gumawa ng thesis o kaya ay mga maliliit na business meeting.

"Tahimik ka, nervous?"

Agad kong pinunasan ang takas na luha mula sa aking mga mata.

"W-What the hell?! Ano na naman, Autumn?" agad nataranta si Wayto.

Lumuhod ito sa harapan ko habang nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko.

"W-What's wrong, babe... iyak ka na nang iyak..."

"I-I think I'm jealous... yung pagkacurl ng hair niya is natural, mine is fake, her name is Summer, I am Autumn. T-Tapos she got more apples... just one lang 'yong akin! I can't... feeling ko nagpi-fade na 'yong glitters sa back ko..."

Tulala si Wayto sa harapan ko.

"Mababaliw na yata ako sa'yo, Olbes... sobrang gandang babae... sobra-sobrang arte rin..." sumubsob siya sa hita ko.

"Mansanas mo lang naman ang titikman ko... I won't look for another...It's always your apple."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top