Episode 9: Daddy
NGINITIAN ko nang matamis ang Presidente. Sa nakita ay lumawak ang ngiti niya. Animo nasa bulsa niya ang nawawalang 15B ng PhilHealth kung makangiti.
Matapos niyon ay sinakop kami ng katahimikan. Para kaming mga tanga na nag-ngingitian lang.
"What?" he finally said after a couple of seconds.
"Pasok ka?"
Tumango siya. May ilalawak pa pala ang ngiti niya.
"Ulol," ani ko nang may matamis na ngiti pa rin, "manigas ka diyan." Matapos ay binagsakan ko siya ng pinto.
Aba, anong akala niya? Papasukin ko uli siya rito? Tapos ano? Mag-a-assume na naman siya na pumapayag akong makipag-sex sa kanya dahil lang pinatuloy ko siya rito? Ako pa talaga iyong may kasalanan kapag nalibugan siya diyan?
Gago ba siya?
"Hey, Zabi. What the fuck?" Sambit niya mula sa ring video door bell. Ngayon, nakikita kong nakakunot ang noo niya. Para ba siyang batang nagmamaktol.
Pinindot ko ang voice button. "What the fuck ka rin!"
"Come on!" He almost squealed. "Akala ko ba, okay na tayo?"
"Oo, pero hindi ibig sabihin niyon na pwede ka nang—"
"Si Presidente Yven ba 'yon?"
Natigilan ako. Someone noticed him! I almost panic when my advance mind started to collide with my cautious self! Kapag may nakakita sa Presidente na nagmamaktol sa tapat ng condo unit ko, chances are . . .
Fuck!
Ako ang mapapahamak dito! Paniguradong iisipin nila na naglalabas-pasok sa unit ko ang Presidente. Tapos iyong nakaraang issue pa na nakita siyang nakatapis lang ng tuwalya sa elevetor, baka isipin nilang fuck buddies kami!
Ano ba?
Teka lang!
Kapag nagkataon, baka makilala ako ng iba hindi dahil sa exclusive interview ko sa Presidente kung hindi dahil karelasyon ko siya!
Ayoko n'on! Reporter ako at hindi gossip-worthy para sa mga paparazzi!
Doon ay agad kong binuksan ang pinto. Mabilis pa sa alas-kwatro kong hinila papasok ang Presidente. Matapos niyon ay nginitian ko iyong babaeng nagsalita.
"Huy, ano ba! Kamukha lang ng Presidente iyong jowa ko!"
Ramdam ko ngayong ang awkward ng ngiti ko. Hinampas ko ang hangin, "h'wag mo nang isipin 'yon. Ito naman. Liit-liit na bagay, pinapalaki mo."
Napakurap ang dalawang babae habang tumatango. Sa isip-isip siguro, para akong siraulo sa haba ng sinabi ko. Dahil bigla akong tinubuan ng hiya, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang saraduhan ang pinto. Ayoko na talaga!
"Jowa, ha?" the President is smirking.
"Alam mo, umuwi ka na!" I glared at him. "Umuwi ka na bago pa kita mapatay dito."
"Mapatay sa?" he never stop his smirk. "Hindi ako lalaban kung sa sarap 'yan."
"Alam mo ikaw," dinuro ko siya hanggang sa mawalan ako ng mga salitang pwedeng sabihin sa kanya. Until I only resorted with, "ang manyak mo para maging Presidente."
"Well, atleast loyal—loyal na manyak kasi sa 'yo ko lang 'yan ginagawa."
"So, dapat akong matuwa?" inirapan ko siya bago muling bumalik sa sofa. Agad naman niya akong sinundan. Pinalayo ko siya nang dumikit siya sa akin.
"Lumayas ka na after ng exclusive interview ko, ha?" I didn't threw him a glance, "please lang."
"Yes, Ma'am," he chuckled.
Hindi na ako nagsalita nang isentro ko na ang mga mata sa television. Ngayon ay isang late night talk show ang nag-e-air. After pa nito ang airing ng exclusive interview ko. As per Ma'am Victoria, it's a thirty minute—well one hour show, kasama na ang commercials. Very good na very good talaga ako sa kanya kasi ang timely daw ng opportunity ko. Ngayon pa talagang uhaw na uhaw ang mga tao parasa sagot ng President sa mga issue na kinakaharap ng bansa.
Sa kabilang banda, hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Para kasing ang bagal ng oras. Naiinip ako pero at the same time, kinakabahan ako.
Paano kung hindi nila magustuhan ang exclusive interview ko? Paano kung makulangan sila sa lahat ng mga tanong na ibinato ko?
Knowing how sensitive this generation is, what I really feared the most is to be cancelled by the bashers of the President. Albeit I made sure to be neutral with all of the questions that I've thrown at him, hindi pa rin maalis sa akin ang kaba.
Sa Pilipinas, marami ang makikitid ang utak—marami ang mga walang utak na basta-basta na lang maniniwala sa isang pinutol na video para pagmukhaing masama ang isang tao. They never learn to validate first, all they want is to hate and attack. Hate and attack, hate and attack, paulit-ulit na cycle.
And most of all, mas marami pa ang naniniwala sa fake news kesa sa facts. Kasi ang mga tanga, mas may tiwala pa sa mga vlogger na puro kasinungalingan lang naman ang pinapakalat.
Ano bang tingin nila sa aming mga reporter? Nagpakahirap lang ba kami sa kursong kinuha namin sa kolehiyo para lang magsabi ng kasinungalingan sa harap ng camera? Ganoon ba kababa ang tingin nila sa propesyon namin?
We are reporters, we report facts. We never base our reports to just a mear hearsay. We have our receipts and those people who are blinded by fake news can never accept it. Kasi para sa kanila, ang mali ay tama at ang tama naman ang mali.
"Ang lalim ng iniisip, ah," ang biglang salita ni President Yven kung kaya't nakabalik ako sa realidad.
"Pake mo?" Inirapan ko siya.
Bigla ay ngumiti siya nang may pang-aakit—ewan ko ba, sa television naman ay disente ang ngiti ng lalaking ito pero kapag kasama ako, parang lagi siyang nang-aakit. Or naiisip ko lang 'yon? Ewan ko na talaga!
"What if may gawin muna tayong physical activity para ma-divert naman sa iba ang utak mo't hindi ka na mag-overthink diyan?" His dimples deepened. Nagkagat-labi pa siya habang nakangiti.
Napahilamos tuloy ako sa mukha. Heto na naman tayo, opo!
"Ano, sex?" Pinanlakihan ko siya ng butas ng ilong, "sex na naman? Sex addict ka ba?"
"Luh!" Humagalpak siya ng tawa, "iba ang tinutukoy ko, bakit ka nag-sa-suggest ng sex diyan? Gusto mo ba? Okay lang naman sa 'kin."
He even ran the tip of his tongue below his upper lips, "okay na okay 'yon sa 'kin."
Napapikit ako sa inis at pinigilan ang bumulusok, "utot mo!"
Lalong lumakas ang kanyang tawa. Matapos niyon ay mas lumapit pa siya sa akin kaya't nag-poker face ako sa kanya.
"Masiyado ka kasing horny, ang mini-mean ko talaga ay masahe. What if masahiin kita para ma-relax ka naman diyan. Masiyado ka na kasing stiffed diyan, you need to calm your ass down."
Sige, ayan! Ako pa tuloy ang nasisi! Sige kasalanan ko na lang!
"Ayoko nga—" ang pagtutol ko sana pero huli na ang lahat nang bigla ay kunin niya ang kamay ko.
Hindi niya ininda ang pagtutol ko nang magsimula siyang pisil-pisilin ang palad ko gamit ang hinlalaki at hintuturo niya. And I must admit, his damn fingers feel so good.
"Sarap?" He asked me but that specific word sounds so dirty on my mind. Nag-iwas lang ako ng tingin saka tumango. Mag-iinarte pa ba ako? Masarap naman talaga.
Nagpatuloy pa ang Presidente sa pagmasahe sa akin. Mula sa kamay ay tumaas iyon nang tumaas hanggang sa braso ko. He is stroking his fingers against the point where my muscles hurt the most. Mukhang expert na expert ang lalaking ito rito. Bigla ko tuloy naalala ang ex-boyfriend ko. Dati rin kasi niya akong minamasahe nang ganito.
"Talikod ka sa 'kin, masahiin kita sa likod," utos niya na agad ko namang sinunod.
Napapikit ako sa sarap ng bawat pagdiin niya ng daliri sa spot ng likod ko na masakit. Swear, kung hindi ko lang alam na Presidente itong nasa likod ko, makukumbinsi akong akalaing isa siyang professional na masahista.
"Marami kang tight muscles, kailan ka huling nagpamasahe?"
"A few years ago, prolly two. After me and my ex broke up."
Hindi na siya sumagot pa sa akin at nagpatuloy na lang sa pagmasahe. Ako naman ay patuloy na napapapikit dahil sa kakaibang relaxation na idinudulot niya sa akin. Hanggang sa . . .
"Dito na po nagtatapos ang Episode for tonight. Maraming salamat, viewers! See you again next week!" Ang sambit ng host mula sa television.
Doon ay nanlaki tuloy ang mga mata ko. Umayos ako ng upo at nanlalaking itinuon ang sarili doon.
Oh my God . . .
Heto na.
Heto na talaga!
"Come on, Zabi. Relax," natatawang sambit ni President Yven, "here, kumain ka na nga muna."
Binuksan na niya ang tatlong pizza box. Kumuha siya ng isang slice at inabot iyon sa akin. Ako naman ay hindi inalis ang tingin sa television.
Shit, heto na talaga.
This is a dream for me . . .
I really can't believe that it's happening.
It's really happening right infront of my eyes!
Habang ngumunguya ay napakapit talaga ako sa couch nang magsimula nang i-air ang interview ko with the President. Swear, all through out my introduction, hindi ako makahinga sa kaba.
"Ganda ng katabi ko diyan, ah," rinig ko sambit ng President mula sa aking tabi, "sarap ibahay."
"Shhh! 'Wag ka ngang magulo!"
Tumayo pa ako at umupo sa sahig. Sa mismong harap ng television. Sinundan ako ng Presidente. Ngayon ay ngiting-ngiti ako at napapaiyak dahil sa saya. My heart is racing with an overwhleming joy right now. I can't think clearly!
The President chuckled as he handed me one more slice of pizza. Napahagalpak siya ng tawa dahil inakala kong panyo iyon, ipupunas ko sana sa mata ko. Doon ay hinampas ko nga siya! Makaraan ang ilang sandali ay inabot niya naman sa akin ang kanyang panyo na inakala kong pizza naman ngayon. Nang kagatin ko iyon ay malakas ang tawa na pinakawalan ng Presidente.
Ang gulo-gulo!
"Ano, manonood ka ba o mag-ce-cell phone na lang?" Biglang sambit ng Presidente. Nang magbaling ako ng tingin sa kanya ay doon ko lang napagtantong kanina niya pa pala ako tinitingnan.
Ngayon kasi ay abala akong tinitingnan ang lahat ng tweets sa Twitter about my exclusive interview. It was currently number seven nationwide. They loved it! Most of it are positive ones, madalang lang ang mga nangbabash sa akin. Siguro, ilan dito ay kampon ni Ayesha.
"Eh, bakit ka nangingialam? Tatay kita?" Sininghalan ko lang siya bago muling ibinalik ang tingin ko sa cell phone.
"Hmm, I can be a Daddy too," President Yven responded. Doon ay mabilis akong napalingon sa kanya.
"Huh?"
"Daddy of our babies, you know?"
Doon ay napaghahampas ko talaga siya nang malala! Anong pinagsasasabi nito? Gago ba 'to?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top