Episode 54: Ending?

There is two products in every choice. There is joy for the chosen path and regrets for the path that we didn't choose. I'm afraid that right now, the latter is where I am current at. 

Hindi ko na alam kung nasaan ako.

Masangsang ang buong paligid. Madilim. Walang liwanag ang natatanaw ko kundi iyong nanggagaling sa maliit na bintana sa bandang itaas ko. Hindi ako makagalaw. Nakagapos ang mga kamay ko sa isang pundasyon.

Nasaan ba ako?

I wanna cry. I f*cking wanna cry. Pero hindi ko lang talaga alam kung ano nga ba ang dapat kong unahin. Ang maiyak sa lungkot? Kasi ang gusto ko lang naman ay ang sagipin ang buhay ng mahal ko pero heto ako ngayon at nasa periglo? O ang matakot sa kung ano mang pwedeng sunod na mangyari sa akin dito sa pesteng lugar na ito?

Hindi ko na talaga alam.

Nandidiri na ako sa kalagayan ko. May basa kasi akong nauupuan mula sa aking pwetan. The feeling is fucking uncomfortable. Lalong lalo na ang sangsang ng amoy ng buong paligid. Hindi ko ito matagalan. Gusto kong maduwal. Gusto ko nang umalis dito.

Pero pinili ko na lang na pumikit. Pinili kong magdasal sa itaas. Nagsusumamo na matutulungan ako nito. Nagmakakaawa na sana ay nasa isang masamang panaginip lang ako.

Ilang sandali ang lumipas, isang malalim na hininga na lang ang nagawa ko. Dito ko na namalayan na may mainit na likido na pala ang tumutulo mula sa mga mata ko paibaba ng mga pisngi ko. Pero biglang napalitan ng pagkataranta ang puso ko nang bigla, magliwanag ang buong paligid.

At nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.

Isang bangkay pala ang nakahiga sa tabi ko!

Nag-histerikal ako. Sumigaw ako nang malakas. Pero bigla akong napahagulgol ng iyak nang masilayan ang mukha ng bangkay.

"Yven!" I continued to go hysterical. Pinilit kong makawala mula sa pagkakagapos ng mga kamay ko. Kahit na dumugo pa ito ay wala na akong pakialam pa. "Yven?!"

Natigilan lang ako sa ginagawa nang makarinig ako ng malalakas na tawa hindi kalayuan sa akin. Tiningnan ko ang direksyon kung saan iyon nanggagaling. At mula doon ay may nakita akong dalawang lalaki na naglalakad palalapit sa akin.

Nang makalapit na sila sa akin ay naguluhan ako. Napakurap ako nang ilang beses.

Yven? He is smirking at me as he walked alongside with a man.

"Ang OA mo naman, love," sambit niya sa akin. Pero napapikit ako nang duraan niya ako sa damit, "darating tayo sa parte na 'yan. Maghintay ka lang."

Nang magmulat ako ay puno ng mga katanungan ang utak ko. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na talaga alam kung ito ba ay realidad o isang panaginip lang.

Pero hinampas siya ng lalaki sa kanyang gilid. Siya iyong lalaki na ngisi nang ngisi sa akin sa events hall, "stop with that. Baka mamatay agad 'yan sa stress. Hindi natin siya magagamit para pasulputin si Lucho."

Lucho?!

May jaw dropped to the floor.

So, clone ang bastos na Yven na nasa harap ko ngayon? Pero sino naman itong bangkay na nasa tabi ko?!

Nang tingnan ko sila ay sabay-sabay silang nagtawanan, "easy! Hindi iyan ang nobyo mo. 'Yan 'yung clone na susunod sana kay Lucho kaso gago, eh. Spy pala nina gagong Leniah. Kaya ayan, pinatay namin."

Lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa pisngi. Nanindig ang lahat ng mga balahibo ko, "at ikaw na ang isusunod namin sakaling maging matigas ang ulo ng nobyo mo."

Napapikit akong muli ng sa mukha niya naman ako duraan. T*ngina. Kung wala lang talagang gapos ang mga kamay ko, kanina ko pa siya kinalmot sa mukha.

"Dura ka nang dura. Gago pre, ano ka? Dati ka bang tuko?" Pagtawa naman ng isang lalaki. Sinuntok siya ni Yven dahilan para ito ay matigilan.

"Stop with the shit, the both of you!" Ang sambit naman ng boses ng isang matanda mula sa kanilang likuran. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na personalidad.

Former President Ferdy Amoranto.

Umigting ang panga ko. Tiningnan ko siya ng masama. This old guy is really something. Kahit na matanda na ay masama pa rin ang ugali. Kahit na ilang taon na lang ang natitira sa kanyang buhay, inilalaan niya pa rin talaga ito para makakuha ng puntos papuntang impyerno.

Natahimik ang dalawa. Humakbang sila patalikod hanggang sa si Ferdy na lang ang nasa harapan ko ngayon. Nakangisi siya sa akin na para bang hinuhubaran ako. Hindi ko matagalang tingnan ang pagmumukha niya.

"Sayang ka, Hija," nakangisi niyang sambit matapos ay may kinuha siya mula sa kanyang bulsa. Cell phone. Hindi naalis ang makamundo niyang ngisi sa akin hanggang sa magtipa na siya sa kanyang cell phone.

Isang nakakabinging ring ang dumagundong sa buong paligid.

Hanggang sa...

Hanggang sa bigla kong marinig ang boses ni Lucho.

"Napakawalang hiya mong matanda ka! Nasaan si Zabi?! Ilabas mo siya!!!"

"Kumalma ka muna, Lucho," pagtawa ni Ferdy habang nakatingin pa rin sa akin. "All safe ang prinsesa mo rito. Hinihintay niya lang sagipin siya ng kanyang prinsipe."

Itinapat niya ang cell phone sa akin. At mula doon ay nakita ko si Lucho. Puno ng pangamba ang kanyang mukha. Gulo-gulo ang kanyang buhok, mula sa hitsura ng kanyang background ay alam kong iyon ang kwarto kung saan kami nag-stay sa Hawaii noon.

"Zabi!" Ang sambit niya na naging dahilan ng paghagulgol ko.

"Yven... Lucho..." sambit ko sa pagitan ng paghikhi ko.

"Hahanapin kita, Zabi. 'Wag kang mag-alala, sasagipin kita mula sa matandang hukluban na iyan!"

Bumuhos ang luha mula sa aking mga mata. Hanggang sa muling iharap ni Ferdy ang cell phone sa kanya.

"Ang dami mo namang satsat, Lucho. Madali lang naman sana ang lahat kung nakipag-cooperate ka lang sa akin. Pero ngayong nandito na tayo, pasensya ka na. Hindi kita madaan sa santong dasalan, kaya heto, dadaanin kita sa santong patayan!"

"Napakawalanghiya mo talaga!!!"

Tumawa nang malakas ang matanda, sobrang sakit sa tainga kung ito ay pakikinggan, "kaya kung ako sa iyo, magpakita ka na sa akin. Kung gusto mo pang mabuhay ang babaeng ito, sundin mo ang lahat ng gusto ko."

"Ano ba talagang gusto mo! Sabihin mo na!"

"Magkita na lang tayo sa piyer ng Maynila. Pero para may thrill naman, let's give it a catch," nagpatuloy sa pagngisi si Ferdy. Gusto ko siyang patayin sa inis, galit, poot at pagkairita. "Sa bawat oras na lilipas ay ilulubog namin nang paunti-unti sa dagat ang katawan ng babaeng ito. Kaya kung ako sa 'yo, magmadali ka na ngayon palang kung ayaw mong abutan na lang ang nalunod niyang bangkay."

"Napademonyo mo talaga!!!"

Pinatay na ni Ferdy ang videocall. Naiwan ako dito, nakatulala sa kaba. Napapalunok sa takot at kilabot.

Hindi ko na talaga kinakaya pa ang mga nangyayari.

Hanggang sa namalayan ko na lang na bitbit na ako ng clone na Yven mula sa kanyang balikat. Gusto kong manlaban pero nanghihina ako dahil sa takot. Gusto kong tumakbo at tumakas pero alam ko namang hindi iyon posible sa mga sandaling ito.

Nang isakay nila ako sa van ay napapahagugol na lang ako. Hanggang sa bigla akong sikmuraan ni Yven dahil aniya ay naiingayan siya sa akin. Napatakip na lang ako sa aking bibig habang patuloy ako sa pag-iyak. Pinipigilan ang sariling makagawa ng kahit na anong ingay pero hindi ko talaga kaya.

"T*ngina naman! Wala ka talagang balak tumigil?!" Sambit ni Yven dahilan ng panginginig ko sa takot.

Lalo akong nanginig sa kilabot nang hawakan niya ako sa leeg. Hanggang sa takpan niya ang aking ilong gamit ang isang panyo.

At unti-unti, nawalan na naman ako ng malay. Unti-unti, tinangay ako ng antok papaalis sa bagyo ng sakit sa aking dibdib...

"BABAE, hoy. Gising!"

Isang pagtusok mula sa tagiliran ko ang naramdaman ko bago ako nagmulat ng mga mata. Pero napatakip na lang talaga ako sa aking bibig nang malaman kung nasaan ako ngayon.

Right now, I am inside a metal cage. Nakasabit ito sa isang constructon truck. Nakatali ang mga kamay at paa ko. May nakatakip din na duct tape sa aking bibig.

"Tulong! Saklolo!!!" Ang pagsubok kong sigaw pero para lang akong tanga sa aking ginagagawa. Alam ko naman na ngayon, kahit na anong ingay ay hindi ko magagawa.

Pero lalo akong nagpanic nang bigla, gumalaw ang kamay ng construction truck. Hanggang sa... hanggang sa idako nito ang kulungan ko sa dagat. The next thing I know is that I am a few inches away to the sea.

"Magdasal ka na ngayon, Zabi!" Ang sambit ng clone ni Yven habang humahalakhak.

That very moment, wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal nang magdasal. Sa bawat oras na lumilipas ay nananalig ako na darating na si Yven para iligtas ako. Kahit na unti-unti nang naaabot ng tubig ang katawan ko. Mula paa hanggang sa aking leeg, alam ko na darating siya...

...pero darating nga ba talaga siya?

Natatakot akong baka hindi ko na masagot pa ang katanungan na iyon nang gumalaw na naman ang construction truck.

At ang naging kapalit niyon ay ang tuluyang paglubog ng ulo ko sa ilalim ng tubig.

***

Author's Note: Epilogue na ang next. 🥹

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top