Episode 53: Plan
NANG makapasok na ako sa pinto, pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako ng malalim. Pero nagkamali ako. Sa puntong ito ay tila mas madali pa talaga ang mag-panic keysa kumalma.
Wala na akong choice.
It's now or never.
Hindi ko na inalintana pa ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga tao. All I did is to just enter the building. Not minding the idea that right now, right inside this room, I am the only one who is not connected with the Philippine politics.
Sa loob ay isang classical na musika ang maririnig. Pero mas lamang ang naririnig kong pagtatawanan ng mga kalalakihan sa paligid. Lahat sila ay matatanda na, may mga hawak silang alak at malalaki ang kanilang tiyan. Halatang mas inuna nila ang lumamon keysa mag-isip ng solusyon para makakain nang maayos ang mga mahihirap sa Pilipinas.
Pinili ko na lamang ang maglakad nang maglakad. With my heart beating, I travelled the hall way. Pumasok ako sa isang kwarto. At natigilan ako sa bumungad sa akin. May mga babae ang nakakandong sa mga lalaking nakaupo sa silid na iyon. Lahat sila ay halos mahubaran na sa iksi ng kanilang mga bestida. Mabilis kong nilibot ang mga mata sa loob. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko si Yven dito habang may nakakandong sa kanyang babae. Subukan niya lang talaga.
Good thing, he is nowhere to be found inside that disgusting room.
Minabuti kong agad na lumayo sa kwartong iyon. The last thing that I want to happen is for that disgusting politician to be mistaken in seeing me as one of the whores on that room.
Nang tinahak ko na ang sumunod na kwarto ay naubo ako sa usok na bumungad sa akin. Sakto kasing may naninigarilyo pala sa pintuan ng kwarto na iyon. Lahat tuloy ng nakakasulasok na usok galing sa sigarilyo ay nalanghap ko.
"Sinong hinahanap mo, Miss?" Sambit ng lalaki. Sa tantiya ko ay kasing edad ko lang siya. Madilim ang kwarto kung saan naroon siya, iyon marahil ang dahilan bakit naisipan niyang pumwesto sa pintuan. Pundi ba ang ilaw sa loob?
"None of your business," ang mataray kong sagot sa kanya.
Isang pagngisi lang naman ang kanyang itinapon sa akin. Matapos ay natawa na lamang siya nang bahagya habang umiiling.
Inirapan ko lang naman siya nang magsimula akong lumakad patungo sa kabilang kwarto. Nalilito na talaga ako kung anong kwarto na ang tatahakin ko. Mula sa magkabilang gilid ko kasi ay may mga kwartong nakapaligid. May ibang kwarto na nakabukas ang pinto, may ilan din namang nakasarado at naka-lock. May ilan din na nakasarado pero hindi naka-lock.
Nang huminto ako sa harap ng isang kwarto ay kusa rin naman akong natigilan. Malakas na pag-ungol ng isang babae ang una kong narinig. Dito na mabilis na tumibok ang puso ko.
What if si Yven ang kasama ang nasa loob ng silid na ito?
Bago ko pa ma-proseso ang lahat ay tila ba may sariling isip na ang kamay ko. I found myself just barging inside that room. In-on ko ang switch ng ilaw at talagang nagulat ako sa nakita!
Nakabukaka ang babae habang dinadaganan siya ng lalaki. They are on a f*cking missionary position!
Nang pareho silang tumingin sa akin ay na-confirm kong hindi ito si Yven. Pangit ang lalaki kaya labis akong napangiwi. Abot-abot na paghingi ng pasensya ang ginawa ko. Nakakahiya!
"Just fucking close the door, bitch!" Ang sigaw naman ng babae sa pagitan ng kanyang pag-ungol. Hindi kasi siya tinantanan ng lalaki kahit na nagulat pa ito sa bigla kong pagsulpot.
Napaigtad ako. Matapos ay wala akong ibang ginawa kung hindi anh saraduhan na lang talaga ang pinto! Hanggang sa paatras akong naglakad. Sapo-sapo ang dibdib, gusto kong hugasan ang mga mata ko dahil sa nakakadiring natunghayan.
Pero...
Pero napasigaw naman ako sa gulat nang bigla, lumapat ang likuran ko sa isang tila ba tao. Mabilis kong ibinaling ang mga mata sa kanya. At laking pasasalamat ko na lang talaga sa lahat ng Panginoon sa itaas nang makita ko ang mukha ni Yven.
Finally!
"What are you doing here?" He asked. He centered his gaze on my face.
Pero imbes na sagutin siya. Hinawakan ko siya sa braso. Hinila ko siya papunta sa dulo ng hall way.
"Hey, Zabi. Tell me, what happened?" Ang pagpigil niya sa akin. Rason kung bakit kami natigilan.
"Alam ko na lahat. Alam ko nang ikaw si Juancho," ang rebelasyon ko habang patuloy lang akong nakatingin sa kanyang mga mata.
Doon ay kita ko kung papaano umalon ang kanyang Adam's apple. Matapos ay napaiwas siya ng tingin sa akin. Umigting ang kanyang panga at ang tensyon sa kanya ay mababakas sa kung papaano biglang naging marahas ang pagtaas-baba ng kanyang alsadong dibdib.
"At saka ko na iisipin kung bakit mo ako niloko. Kung bakit mas pinili mong magsinungaling sa akin," hinila ko muli ang kanyang kamay, "ang gusto ko na lang ngayon ay ang mailigtas ka. Brione told me that someone is about to assassinate you tonight."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Pero ilang saglit ay agad din naman siyang naka-recover. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago siya nagsalita, "come with me, then."
Tinuro niya ang kaliwang direksyon ng hall way. Sa dulo niyon ay madilim. It looks more of a dungeon rather than a luxurious hall way of a hotel. Seriously, what's with this place and it seems like everyone is obsessed with darkness?
And then it was now Yven's turn to hold my hands.
Pero teka... bakit parang biglang gumaspang naman ang kanyang kamay?
Namalayan ko na lang na nagpapatianod na ako sa kanyang pagkakahila. Hanggang sa unti-unti, tinahak namin ang kadiliman ng hall way na iyon. And then little by little, we have reached that seemed to be secret exit of this hotel. Doon ay makikita ang isang kotse na itim.
"Hop in," Yven said in a dry tone. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"But Yven, may ibang tutulong sa atin. At nag-aabang sila sa labas—"
He cut me off, "just hop in, Zabi. We've got no time!"
Napakurap ako. Matapos ay wala sa sarili ko siyang sinunod. Pumasok ako at agad niyang sinaraduhan ang pinto.
Pero ang hindi ko alam...
"Hello," ang sambit ng isang lalaki na may familiar na mukha, nakaupo siya sa driver's seat. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong lalaking nakangisi sa akin sa loob ng hotel.
Ito pala ang pinakamaling desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko...
"You are now trapped," dagdag ng lalaki habang tumatawa nang malakas.
At namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Yven. Hinawakan niya ako sa leeg at hindi ako naging handa nang takpan niya ang ilong ko gamit ang isang panyo. Parang bang may kakaiba sa panyo na iyon... unti-unti akong napapapikit. Nagpumiglas ako pero bigla akong nanghina.
Hanggang sa... tuluyan na akong mapapikit at mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top