Episode 52: Yven

There is this one moment in your life where you will question everything. That one detour in your life that will either test your limits or demotivate your spirit.

That moment is happening now, as I sit infront of Senator Leniah. Combatless. I am only with my curiosity and faith that these revelations that they are pertaining will never hurt me.

"I am still confused, Senator," I told her genuinely. God knows can atest how confused and distraught I am right now.

Ang alam ko, masaya lang naman kami ni Yven nitong mga nakaraang araw. Hindi ako handa sa ganitong scenario kung saan ay may posibilidad siyang mawala sa akin. Kung saan, pwedeng mangyari ang pinakakinatatakutan ko, ang iwan niya ako at hindi ko na siya makakasama pa.

"Is it true? Yven is about to be assassinated tonight?" I asked, my voice is so close to breaking.

Sa mga puntong ito ay nagdadasal na lang ako na sana nagloloko lang sila. That it was just a prank for a freaking stupid TV show. At some point, mas matatanggap ko pa nga na isa itong set up to kidnap me. Basta ligtas lang si Yven, okay na sa akin kahit ano pang mangyari sa akin.

Pero para bang gumuho ang mundo ko nang makita ko kung papaano tumango si Senator Leniah. Her eyes are screaming sadness. Agad rin naman iyong napalitan nang nakita niya kung papaano mamutla ang mukha ko sa konpirmasyon niya.

"But we will do everything, Hija. We will save the President no matter what happen," ang sambit niya bago hinawakan ang kamay ko.

"But before anything else, I have to tell you about the context. The origin where it all began. And I really do hope you just listen to what I am about to reveal because it's the whole truth. It's that one naked truth that President Yven tried to hide from you... and from all of us."

Tumango lang ako. Naghintay. Napapalunok at napapakapit sa laylayan ng t-shirt ko. Pilit kong nilaksan ang loob ko para maging handa sa kung anong rebelasyon ang ihahain sa akin ng Senadora.

Nang itaas niya ang kamay ay doon ko lang na-realize na may hawak pala siyang isang remote. Nang pindutin niya iyon ay biglang bumukas ang projector. Dito ay tumambad sa amin ang kasalukuyang nagpa-flash sa screen.

Isa itong naaagnas nang bangkay.

Naduwal ako. Sinubukan ko ang 'wag mandiri. Sinukan kong tatagan ang loob. Ngunit hindi ko na napigilan ang tuluyan kong pagsuka nang isentro ko ang mga mata sa mga uod sa bandang mukha.

Pero teka... parang pamilyar ito!

Yven?!

Napatingin ako bigla kay Senator Leniah. Puno ng pagtatanong ang mukha ko.

"The President is dead."

Naningkit ang mga mata ko, "p-po?" Labis akong naguluhan kasi kanina lang ay kasaup ko pa si Yven. Buhay na buhay siya kanina. Imposibleng ilang oras ang nakalipas ay maaagnas na siya agad ng ganito.

"The Yven Juancho Laxamana that is currently leading the country is only just a clone. The real Yven who won a few years ago is dead."

Napakurap akong lalo.

Tila ba lalo akong naguluhan.

Lalo akong nanghina.

A-ano daw?

"The corpse that you are seeing right now is him. Sa suspetya ng mga imbestigador ay ilang linggo lang ang lumipas bago siya namatay. Puno ito ng mga pasa sa katawan, halatang pinahirapan muna siya bago patayin."

"B-But wait, how sure are you na it's him?"

Muling pinindot ni Senator Leniah ang remote, dito ay scanned copy naman ng isang papeles ang lumabas sa screen.  

"Here's the DNA Test."

Binasa ko ang mga nakasulat sa papel. Doon ay nakita ko ang negative nitong resulta. Ganiyon na rin ang pangalan ng laboratory kung saan ginawa ang DNA Test. May reputasyon ang laboratory na ito sa pagiging authentic, dito ay masisiguro kong totoo nga talaga ang sinasabi ng Senadora.

"Kagagawan itong lahat ng administrasyon ni Former President Ferdy Amoranto," ang panimula ng Senadora.

"Gusto niyang mahawakan pa rin ang pinakamataas na posisyon ng bansa sa kabila ng pagtatapos ng kanyang termino. At sa kabila din nito, gusto niyang maging ligtas mula sa planong pagpapakulong sa kanya ng totoong Yven mula sa natuklasan nitong mga secret funds. These secret funds are hidden perfectly to the public... and the Former President failed to protect this secret when a whistle blower came and tried to be on the right of the history."

Sa gitna ng pagpapaliwanag ng Senadora ay para akong inutil na patuloy lang na nakikinig. Patuloy akong nanghina. Pero pinili kong lakasan ang loob. Pinili kong ipagpatuloy ang pakikinig sa pagbabakasaling maiibsan nito ang nakakapanghinang kirot sa dibdib ko.

"Actually, nasabi na ito sa akin ni Yven noon ilang buwan matapos siyang manalo sa posisyon. He asked for my help. And I tried to help him, I tried to move in silence only to be left by him hanging in the air as I ask for some questions and clarifications."

Huminga nang malalim ang Senadora, "nagulat na lang ako, dumating iyong araw na hindi na niya ako pinapansin. Clearly, para bang iniwan niya ako sa ere... Nakakapagtakang bigla na lang ay hindi niya na ako kilala. Iyong para bang hindi siya sa akin humingi ng tulong ilang buwan matapos niyang manalo sa eleksyon."

Tumayo siya, may kinuhang cell phone mula sa kanyang bodyguard. Nang magpatuloy siya sa pagsasalita ay nanatili siyang nakatayo.

"And that is where my speculations began. Na ang Yven ngayon ay hindi ang totoong Yven. Kasi nakakapagtaka talaga ang biglaang pagbabago ng ihip ng hangin niya."

Natigilan siya ilang saglit bago nagpatuloy, "naalala mo ba ang biglang pagbabago niya ng paninindigan sa bansa? Nawala ang ipinangako niyang plataporma at napalitan ito ng platapormang pinaglalaban ng nagdaang administrasyon."

Yes... f*cking yes. Kaya marami rin talaga ang tumuligsa kay Yven. Kasi bigla na lang nagbago ang isip nito. Nawala ang ipinangako niyang plataporma para sa agirkultura ng Pilipinas. Napalitan ito ng Oplan Illegal Drug Washout na siyang plataporma ng Former President Ferdy.

"And that is why I hired the best investigators in the Philippines. I gathered the best ones and grouped them for the hopes of knowing the whole truth regarding the President's sudden change of heart..."

Dito ay may bigla siyang pinindot sa kanyang cell phone. Matapos ay hinarap niya rin iyon sa akin.

"Do you know this guy?"

Napakurap ako. Nagpabalik-balik ang mga mata ko mula sa larawan ng isang pamilyar na lalaki sa cell phone at sa mukha ni Senator Leniah.

"U-Uhm, he is Lucho po."

Umigting ang panga ng Senadora. Mataman lang siyang nakatingin sa akin at tila ba naghihintay lang sa sunod kong sasabihin.

"He's my ex boyfriend po," I added. Confused why the freak this guy suddenly entered the picture.

Isang nakakabinging katahimikan ang biglang namayani sa aming lahat dito sa maliit na kwartong ito. Walang nagsasalita. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin.

It was really awkward, mabuti na lang ay nagsalita na rin sa wakas ang Senadora.

"Here's what you need to know, Hija," Senator Leniah started and I just listened.

"May connection ang ex-boyfriend mo sa mga tauhan ni Former President Ferdy."

"Ano po iyon?"

"He's the clone of the President."

I gasped. I f*cking gasped for my life.

"Pinalitan ang kanyang mukha sa ibang bansa... at nang magtagumpay silang patayin ang Presidente, agad nila itong ginamit para maging puppet ng nagdaang gobyerno sa kasalukuyang administrasyon."

Nanghina ako sa mga narinig. Naistatwa ako at nanlamig. Sa mga puntong ito ay gusto ko na lang talagang magka-amnesia at kalimutan ang mga narinig nang sa gayon ay hindi ko nararanasan ang halo-halong emosyon sa dibdib ko.

Ito ba ang rason kung bakit biglang nawala ang lahat ng social media account ni Lucho? At kahit anong bakas ay wala na akong narinig sa kanya magmula nang maghiwalay kami. Even our common friends, wala na ring balita sa kanya.

Para siyang namatay... or should I just say, nabuhay siya sa katauhan ng ibang tao?

Sa puntong ito ay unti-unti kong naiintindihan ang lahat. Ang pangungulit sa akin ng Presidente. Iyong mga bagay na gusto kong ginagawa sa akin ng lalaki ay alam niya rin. Pati ang mga paborito ko. He checked all of the boxes as if he already know me for a long time.

And now, I know why...

Because he really does know me. Big time.

"Mapanganib na kalaban sina Former President Ferdy, hija. Mga baliw sila sa posisyon. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto."

Senator Leniah sighed for the nth time, "marami na silang kasamaang ginawa para lang mapagtakpan ang kanilang baho. Sila ang nasa likod ng pagkamatay ni Rebecca Bustamante. Sila din ang nag-utos na i-massacre sa rally ang isang mga rallysta kung saan personal mong natunghayan."

Unti-unting nagbutil ng luha ang gilid ng kanyang mga mata, "sila rin ang rason kung bakit namatay ang Bise Presidente."

"Pero ngayon, si Yven ang nakaplano nilang patayin. Hindi na rin kasi ito pumapayag na magpa-uto sa kanila. Sa pagkamatay ng Bise Presidente ay tila ba natauhan ito. And with that, Former President Ferdy is about to wash out the clone because it is now resisting. I think, they are preparing for another clone who can be manipulated by them forever."

Muling naupo ang Senadora. Hinawakan ang kamay ko samantalang ako naman ay nanatiling tameme sa lahat ng nalaman ko, "I need your help, hija. We need to save the fake Yven now. We need him alive so we can strongly show the Filipino people how the past administration betrayed the country."

Doon ay napatango ako. Sinubukan kong patatagin ang loob ko. Kailaingan kong lakasan ang loob ko kung ayokong makita si Yven... hindi, si Lucho sa kanyang kabaong kinabukasan.

"Here's the plan," ang muling pagsambit ni Senator Leniah.

× × ×

Author's Note:

We are so close with reaching the Epilogue. 🥹🫶🏻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top