Episode 5: Chosen

GREAT. Just great! Ako talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng exclusive report ang rival ko! Nakakainis! Badtrip!

"Okay ka lang ba, Zabi?" ang tanong ni Damson.

"Oo!" Mabigat na paghinga ang ginawa ko. Pinaypay ko sa sarili ang script na hawak-hawak ko. Tila ba sa mga segundong iyon, nag-aapoy ang ulo ko sa ini!

Nakakainis talaga!

Kung alam ko lang talaga na exclusive-worthy pala iyon, sana ako na lang ang nag-cover! Sana vinideohan ko na lang habang sinusundan ang Presidente papuntang elevator! Edi sana, naunahan ko ang gagang iyon na magkaroon ng exclusive report!

"Ay, galet na galet? Mananaket?" Pagtawa ni Damson. "Shut your bitter ass now, ikaw na ang sasalang."

Isang mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko. Matapos ay itinapon ko na ang script ko sa kung saan nang marinig na ang mga news anchors mula sa teleprompter.

"Magandang gabi, Luzon, Visayas, at Mindanao. Wala pong nakapigil sa mga nag-po-protesta laban sa Presidente. Doon, hindi sila nagpatinag sa init ng panahon," ani Olivia Montesano, ang batikang news anchor ng network.

Sinundan iyon ni Zoren Baltazar, isa ring batikang news anchor. "At hanggang ngayon ay wala pa rin silang balak huminto. Dala ang kanilang mga banner at tarpaulin, hindi pa rin sila nababawasan. Mula sa tapat ng Malacañang, nakatutok live si Zabiana Pascual."

That was our go signal. Damson gestured me that we are already on air. Doon ay isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago magsalita.

"Olivia at Zoren, pagbaba sa pwesto, iyan lang ang nais ng mga raliyista. Anila, hindi na raw natutugunan ng Presidente ang mas mahalagang mga problema ng bansa. Idagdag pa rito ang wala raw sa hulog na pagpapatupad niya ukol sa . . ." Bigla akong natigilan.

Fuck . . .

Fuck!

Anong kasunod?

Where's my script?

And more importantly, bakit walang nakalagay sa teleprompter ko?!

"Uhm," it was an awkward silence. Swear, I am about to cry.

Doon ay nataranta rin si Damson. Agad niyang pinulot ang script ko sa sahig. Then he mouthed me the next words that I should muster, "issue sa droga."

This is the very first time I became so unprofessional. Isa itong malaking suntok sa pride ko dahil ni minsan ay hindi pa ako nagkakamali sa harap ng camera.

Umiling muna ako bago nagsalita. "Ukol sa droga p-po . . ."

I started to stutter and I really hate it. "P-Para sa kanila, iyon ay sumasalamin laman sa kawalangyaan—I mean, pagkukulang ng Presidenteng maunawaan kung ano nga ba talaga ang problema ng bansa."

Matapos niyon ay hindi na kami ang naka-ere sa telebisyon. Pinalabas na dito ang pre-record ko ukol sa buong konteksto ng cinover ko.

"Ayos ka lang ba talaga, Zabi?" Damson asked me. "You seemed bothered lately."

Napasapo na lang ako sa noo ko. Kasalanan ito ng Presidente, eh! Kasalanan niya talaga 'to!

Sa inis ay gusto ko na lang talagang magwala. Ito kasi talaga ang kauna-unahang pagkakataon na nawala ako sa nirereport ko. Hiyang-hiya ako to the point na para bang wala na akong mukha pang maihaharap the moment na mag-air uli ang pagmumukha ko sa television.

Inabot sa akin ni Damson ang script ko, "kalimutan mo muna ang bumabagabag sa 'yo," tinapik niya ako sa balikat, "mamaya na 'yan. Focus ka muna sa report mo."

Iritado akong tumango. Matapos ay huminga uli ako nang malalim. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. I really need to calm down to save my face to further humiliation!

The moment Damson signalled me to be ready, on-air na uli kami.

"Zoren," I started. This time, with a confidence to bounce back, "nang magtanong-tanong ako kanina sa ibang raliyista ay uuwi raw sila kapag naghating-gabi na. Para sa kanila, walang binatbat ang sakit at ngalay ng katawan kung ilalaan naman iyon para sa problema ng bansa. Pinili nilang ilaan ang araw na ito para gisingin ang Presidente sa tila ba malalim na pagkakahimbing nito."

I continued without any stutter, "para rin sa kanila, walang mali sa kanilang pinaglalaban. Bagkus, may mali kaya may pinaglalaban."

Then I ended it up with a smile, "Zoren."

"Maraming salamat, Zabiana Pascual," Zoren answered back.

Sa puntong iyon ay nakahinga na ako nang maluwag. Swear, gusto kong magpaparty! I didn't messed it up! I bounced back!

"Good job, Zabi," Damson smiled at me. "Ayan na, sige. Pwede ka na uling mamropblema." He chuckled, "ano ba kasi 'yon?"

"Kung pwede ko nga lang talagang sabihin sa 'yo, kanina ko pa ginawa." I pulled my hair backward using my fingers.

Sa ilang buwan ko nang pagiging reporter, Damson knows me well. Ang kaso nga lang anong sasabihin ko sa kanya? Na ramdomly, na-meet ko ang Presidente? Tapos tinakot niya akong baka mapagbintangan akong kidnapper? Tapos pinapunta ko siya sa condo unit ko without knowing na iba pala ang meaning niyon sa kanya? Tapos pinaalis ko siya kasi ano? Muntik nang may nangyari sa amin?

Fuck it.

Gusto ko na lang talagang matapos ang araw na ito. Gusto ko nang umuwi. Uminom para makalimot. Matulog at magsimula ng panibagong araw bukas.

KINABUKASAN, doon lang nag-sink in sa akin ang tungkol sa exclusive report ni Ayesha. The fuck, ibinigay rin kaya sa kanya iyong CCTV footage kung saan pinagtulakan ko ang Presidente sa harap ng condo unit ko?

But then again, nakahinga ako nang maluwag nang mapanood ko na ang lame niyang report. Limitado lang kasi iyon sa elevator. And knowing this condo building, confidential lahat ng pangalan ng nakatira dito. There is no way that Ayesha bitch will ever know about what is the true story behind her dumb exclusive report.

Right now, I am walking at the corridor of my news station. Gusto raw kasi akong makausap ni Ma'am Victoria, ang head of News and Public Affairs ng aming TV Station. At alam ko na kung bakit. Obvious naman na. This news station always want us to deliver news as perfect as we can—for which I failed last night.

Ngayon, handa na akong masermonan. Handang-handa na, kagabi pa.

But speaking of the bitch earlier, Ayesha is now smiling at me. Nakakainis na nakasalubong ko pa siya sa corridor patungo sa office ni Ma'am Victoria.

"You should congratulate me, Zabi," aniya. Naka-crossed arms pa ang gaga.

"For that lame exclusive report?" I laughed mockingly, "why would I?"

"Seems like your bitter ass can't accept your defeat, huh?" She guffawed. I only raised an eye brow at her.

"Well, hindi naman kita masisi. Sa pagitan nating dalawa, ikaw ang madalas na talo ever since College." She is fucking smiling as if she's the wife of Satan.

"Kasalanan mo rin kasi, bakit kasi sinundan mo pa ako dito? Marami pa naman diyang news station kung saan pwede kang umangat. Bakit dito pa talaga? Dito kung saan hindi ka napapabilang—"

"You mean, napapabilang ka rito?" I huffed. "Atleast, I am proud na nakapasok ako rito nang walang kinakapitan. Unlike you, you even had to use your father's influence just to be here."

It's true. One of the directors kasi ng News and Public Affairs ang tatay niya kaya wala siyang hirap na nakapasok dito. Everyone on our batch knows it.

"Whatever you say," she smirked. "Atleast, I don't stutter whenever I am reporting. Unlike you, nag-overthink ka siguro kagabi? Nagsisi ka siguro, right? Nakuha ko kasi iyong first ever exclusive report ko sa mismong condo building mo pa. What a coincidence?"

There, like a basketball player, she gathered a three-point-shoot. Gusto ko siyang sampalin. Napairap na lang ako. Wala akong naisagot. Minabuti kong maglakad na lang muli. Nilagpasan ko na lang siya.

"Good luck, Zabi. Prepare your resignation letter now! Ma'am Victoria will f-fire y-you n-now," patuloy na pagtawa ng demonyita. She even immitated my stutter last night! Argh!

Hindi ko na siya hinarap pa kasi kahit na hindi ko naman tanggapin, alam kong natalo niya ako this time! Oo na, sige na! Siya na ang magaling!

Nang makarating na ako sa harap ng office ni Ma'am Victoria, pinakalma ko muna ang sarili ko. Inalis ko muna ang negative vibes na binigay sa akin ng asawa ni Satanas. Nagpagpag ako ng katawan na para bang inaaalis ang masamang elemento na nakasagupa ko kanila lang. Matapos niyon ay kumatok na ako.

"Come in," came by Ma'am Victoria's sweet voice. Natakot tuloy ako bigla. Sabi kasi nila, matindi raw magalit ang mga mababait. Jusko, baka masigawan ako today!

Binuksan ko na ang pinto nang may ngiti sa labi. When I met Ma'am Victoria's gaze, I swallowed hard. "Good morning, Ma'am."

"You may sit here, hija." She gestured me to sit on the chair infront of her table.

"How are you?"

"Uhm, okay lang po. All fine." Sana lang talaga, hindi awkward ang ngiti ko ngayon!

"Okay, good to know. Now, let me tell this straight to you. Pinatawag kita because of one important thing," she started.

Gosh, tatanggalin na niya ba ako?

Ito na ba 'yon?

Ito na ba ang katapusan ng pangarap ko?!

"The President wants an exclusive interview from our news station," she continued.

I blinked.

"At ikaw ang gusto niyang mag-interview sa kanya, hija."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top