Episode 46: Cheater
MATALIM pa sa kutsilyo ang ginagawa kong pagtitig ngayon kay Yven. He is now sitting infront of me. Ako ay nakatayo sa harap niya. Naka-krus ang mga braso.
"Love . . ." He is wincing as he scratched his nape.
"Ano?"
"Let me explain first, alright?" He stood up and about to pull me but I didn't let him. Bumalik na lang uli siya sa pagkakaupo. He should know by now na hindi niya ako madadaan sa pagiging clingy niya.
"Go. Explain. Everything," my dangerous gaze never change.
"H-Hindi ko alam," kandautal niyang panimula, "hindi ko talaga alam."
"Ang ano?"
For some unknown reasons, lalo siyang napangiwi. Matapos ay napahilamos na lang talaga siya sa kanyang mukha. Tila ba may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
"So, ano nga? Ano? Manghuhula na lang ba ako dito? Habang tinitingnan ka diyan na maghilamos ng mukha?"
He pouted, "sorry na."
"Hindi," inirapan ko siya.
"Promise, Love. Hindi ko alam na boss mo pala si Victoria. Had I known it, bakit hindi ko sasabihin sa iyo? Right?"
Although my point naman siya. Hindi naman niya nga talaga alam kung sino ang boss ko. More importantly, hindi rin naman kasi ito pinapaalam sa TV. 'Di gaya sa ibang station, Ma'am Victoria always desired to work behind the curtain of the cameras.
Pero kahit na!
Magagalit pa rin ako!
Kasalan niya 'to, eh! Bakit kasi sa lahat ng babae sa mundo, bakit si Ma'am Victoria pa ang jinowa niya noon? Pwede namang iba na lang!
"Tell me the details. Ilang taon nagtagal ang relasyon niyo? More specifically, do you also did with her the same dirty things that you did with me?" I gritted my teeth.
"I forgot the details. Saka mahalaga pa ba 'yon ngayon? Past na siya, ikaw ang present at future ko," he reached for my hand, "Love, ikaw lang."
Tumayo na siya. Akmang pipigilan ko siya sa pagyakap sa akin nang sapilitan niya akong idinikit sa kanyang katawan. Mula sa hita ko ay dumikit rin ang pagkalalaki niya na kahit malambot pa ay kay haba-haba pa rin.
"Ikaw lang ang gusto kong makasama palagi," he mumbled right on my ears, nakiliti ako sa baritonong boses niya. Lalo akong nakiliti nang bahagya siyang tumawa, "ikaw lang din ang gusto kong ikama hanggang sa mapaos ka kakaungol sa pangalan ko. Ikaw lang, Love. Wala nang iba."
Pinilit kong 'wag magpadala sa ka-sexy-han ng boses niya. Sinimangutan ko pa siyang lalo, "hindi! Galit pa rin ako!"
"Love naman . . ."
"Sana kahit hindi mo pa rin ako kilala noon, hindi mo na siya jinowa! Kasalanan mo talaga lahat!"
"Kung kilala na kita noon pa, malamang hindi kami nagkatuluyan ng Victoria na 'yon. But the thing is, wala ka pa sa buhay ko noon. We made bad choices in life, right? She's the bad choice but I am grateful that I am currently at my right choice right now," hinalikan niya ako sa noo, "that's you, Love. That's only fucking you."
Umirap lang ako. Pinigilan ang tangina kong ngiti. Hindi dapat ako kinikilig ngayon, eh! Dapat nagagalit ako! Kahit na may sense naman lahat ng mga sagot niya sa akin, dapat magalit lang ako!
"Sige na, bati na tayo," muli siyang bumulong sa tainga ko, "sige ka. Kapag hindi pa tayo nagbati ngayon, I'll fuck you all day until you forget everything that Thelma just told you."
Napasinghap ako nang bahagya niyang paluin at pisilin ang pwetan ko. Nahampas ko tuloy siya sa kanyang dibdib.
"Hindi, galit pa rin ako sa 'yo! Galit ako sa 'yo habang buhay!"
Tinulak ko siya papalayo. Matapos ay tumakbo ako patungo sa banyo. Mabilis kong sinaraduhan ang pinto at ni-lock ito. Ngayon tuloy ay pilit na nanghihimasok si Yven sa loob pero hindi na niya ito mabuksan. Napamura na lang talaga siya ng malakas habang ako naman ay ngiting tagumpay habang naliligo.
"SAAN ka punta, Love?" Tanong ni Yven nang lumabas na ako sa kwarto.
"Tanong mo sa Victoria mo," umirap ako sa kanya.
Kinuha niya ang cell phone. Nag-type siya doon, "sige, tanong ko na lang sa kanya—"
Gagong 'to, nabato ko nga ng throw pillow! Ngayon ay matalim ko siyang tinitingnan, "subukan mo lang talaga."
He laughed as if enjoying the moment, "so, saan ka nga kasi pupunta?"
"Magpapasa ng resignation letter sa ex mo!"
"Oh, ba't ka galet?"
"Hindi! Ako! Galet!"
Natawa pa siyang lalo, "right, hindi nga halata."
Tumayo siya. Sapilitan niya akong hinawaka sa kamay at hinila. Niyakap ako. Matapos ay bahagya niya akong hinalikan sa labi na hindi ko tinugunan, "update me, alright?"
Tumango lang ako sa kanya habang napapairap. Naiirita kasi talaga ako! Bakit ba kasi ex niya ang babaeng iyon! Kung pwede nga lang na gumawa ako ng time machine ngayon din para hindi na niya maging ex 'yon, gagawin ko talaga!
"By the way, Love. Aalis din pala ako ngayon, baka next week na ang uwi ko. May trip ako sa Maguindanao today, meeting lang with other LGUs there regarding our military plans against the terrorists, and also in the next coming days, sasama ako sa search namin for a specific land na tamang-tama para sa pabahay programs ng government around the Philippines."
Tumango lang din ulit ako sa kanya.
"I love you," he stated while grinning boyishly.
Umirap muna ako sa kanya, "I love you."
Matapos niyon ay lumabas na ako ng pintuan. Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang pang-aasar. Nang saraduhan ko na ang pinto ay hinampas ko ito nang malakas pero nagsisi lang ako.
Ang sakit pala!
PASADO alas nuebe na nang makarating ako sa station namin. Tirik na tirik na ang araw, lalo lang itong nakadagdag sa init ng ulo ko.
That moment, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang lukutin ang resignation letter ko at ibato ito kay Victoria—Victoria, the bitter ex-girlfriend.
Pero hindi ko gagawin. Masiyado naman yata siyang special para maging rason ng pagiging siraulo ko? I will never ruin my morale just because of her.
Nang nasa corridor na ako ay mukhang pinalad akong walang mga tao ang nandito. The last thing that I want is to give them a bad attitude in my last minute on this building. Kasi swear, once I have submitted this piece of paper that I am holding, hinding-hindi na ako babalik pa rito.
Tila ba mabait nga talaga ang langit sa akin ngayon. I reached the office of Victoria without having to interact with anyone. Mula sa pintuan ay inayos ko ang suot kong red suit. I chinned up, together with my perfectly shaped eye brows.
Isang katok lang ang ginawa ko. Matapos niyon ay pinihit ko na ang door knob.
Pero . . .
Pero nagulat ako sa biglang tumambad sa akin. Pansamantala, para bang tumigil ang mundo ko.
It was Victoria, her back is hitting the wall. But the most shocking thing? It was my former camera man who is pushing her while his lips are grazing her neck.
Tangina, cheaters!
Parehong may mga asawa at anak ang dalawang ito, ha!
Nang magmulat ang mga mata ni Victoria ay nakita ko kung papaano siya nanginginig na itinulak papalayo si Damson. That was the moment the dude gave me his most shocking gaze.
"What the hell, Zabi? Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok sa office nang may office?!" Victoria squealed.
Tinaasan ko siya ng kilay, "wait, what? Mukhang mas maganda yatang ako ang magtanong sa 'yo?"
Damson can not level my gaze. Nakatingin lang siya sa sahig. Si Victoria? Mataas pa rin ang pride, nakakunot ang noo sa akin na tila bang walang masama sa kanilang ginagawa.
"Parang mas maganda yatang itanong na bakit mo hinahayaang halikan ka ng asawa ng iba?" I laughed sarcastically, "ganiyan ka ba talaga kababa, Victoria?"
Bumuga siya ng iritadong hangin. Matapos ay tinapik niya si Damson. She gestured her hands for him to just go outside. Para bang isang alapin ay agad itong sinunod ng lalaki. Binangga niya pa ang balikat ko bago lumabas at padabog na saraduhan ang pinto.
Tanginang toxic Filipino culture ito. Sila na nga ang mali, sila pa ang galit?
"Diretsahin mo ako, ano bang kailangan mo? 'Yung news anchor position na naman ba?" Victoria's sarcastic smiled appeared. Lumakad siya at naupo sa kanyang swivel chair, "o baka naman gusto mong pang-blackmail itong nakita mo ngayon para makuha 'yon—"
Lumapit ako sa kanya at malakas na isinalya sa kanyang table ang papel na kanina ko pang hawak-hawak, "I am resigning."
That seemed to caught her offguard.
"And wanna know my reasons?"
She never answered me.
"I am done working with the bitter ex-girlfriend of my boyfriend."
Tumaas ang kanyang kilay, "I don't fucking care, hija. Whatever you say, it's done. Napag-akit ko na sa 'yo ang big break na matagal mo nang inaabot. And if ever I let my personal feelings to get in the way of that opportunity of yours, I will never be sorry."
"No, Victoria. Hindi ko kailangan ng sorry mo," natawa ako nang bahagya, "siguro mas kailangan mong mag-sorry sa sarili mo? Kasi guess what? May asawa at anak ka na, bitter ka pa rin sa dati mong boyfriend. And what more? Kinakalantare mo pa ang dati kong camera man. How cheap can you be?"
Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin nang masama.
"You are all over the internet showing us how happy family that you are having. Pero sa likod pala ng mga posts na 'yon, may ibang lalaki ang nakakatikim sa katawan mo," I stared at her with all of the shame that I have on her, "mahiya ka naman sa asawa at mga anak mo. More importantly, mahiya ka sa sarili mo dahil masiyado ka nang nagiging puta."
"You fucker!" Dinuro niya ako.
"No, Victoria. Metaphorically and literally, you are a motherfucker."
"Go on! Say whatever you wanted to say! But I am looking forward to seeing you cry over Yven," tinaasan niya ako ng kilay, "you never know that guy. Swerte na kung tatagalan ka niya ng isang taon. Because guess what? Kapag nagsawa na siya sa 'yo, iiwan ka rin niya na para bang basura."
"Basura? Really?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata, "isa lang ang masisigurado ko, iniwan ka ni Yven kasi basura ka. And I already saw earlier my proof for it. Kaya 'wag na 'wag mo akong itutulad sa 'yo dahil sa pagitan nating dalawa, walang ibang basura kung hindi ikaw lang."
Those are my last words before I stormed out of her office. Sa labas ay nag-aabang si Damson. Binangga ko ang balikat niya hanggang sa mag-martsa na ako papalabas ng building na ito.
That moment, I have no time to appreaciate everything about that building. Tinamad akong alalahanin ang bawat masasaya kong sandali dito. Iyong first interview. First exclusive. First hit documentary. Lahat ng iyon ay gusto kong kalimutan. Ang gusto ko na lang talaga ngayon ay ang makalayo at 'wag nang bumalik pa rito.
PERO kagaya nga ng sabi ng iba. Kapag may nagsaradong pinto, paniguradong may bintana ang magbubukas para sa iyo.
Para bang isang blessing in disguise ang pangyayari na iyon sa buhay ko. Matapos kasi ang ilang araw na pagkabakante, ilang araw na para bang nakakaligaw iyong stress kasi hindi mo alam kung saan at papaano muling magsisimula, Thelma's TV station offered me the opportunity that Victoria has taken away from me.
The contract that I had with BAS Channel was a total green flag. Every weekend ay ako ang magiging supporting news anchor ng lunchtime news show nila. Yes, alongside with Thelma. Sabay kasi kaming na-offer-an ng ganitong opportunity. Sa weekdays naman ay documentarist ako at field reporter.
I freaking love this!
Kasi kahit papaano, napagsasabay ko lahat-lahat ng gusto ko as a journalist!
"Well, atleast now, you are on a better place na. Correct?" Thelma told us while munching the food that we prepared for Walter.
Right now, binisita namin ang kaibigan namin. His case is still on trial. Hindi pa rin siya tinitigilan ng mga bashers niya. They are so loud in pushing death penalty for his case—which is kinda scary. Kasi publiko na ang kalaban ni Walter. Proven and tested na mula noong dekada nobenta pa lang na kapag sumali na ang mga komento ng publiko sa isang kaso, para ka na ring natalo agad.
"Ito iyong ayoko sa mga Pilipino, eh," Lijah started, "sobrang ingay nila sa pagpilit na mangyari ang death penalty, yet hindi naman nila napapansin kung gaano kabulok ang justice system ngayon dito sa Pinas."
I heaved a sigh and nod, "agree. They always focused to what they want at the moment. Not thinking about the other side of the story. Not clearly realizing that one innocent life might be wasted just because of how fucked up our justice system is."
Dinagdagan pa ito ni Thelma, "na siyang magiging motivation natin para sa documentary natin, besh. We will prevail the truth through it. And we will make sure that the public will know every iota of truth about the case of Walter through us."
Mabuti na lang talaga at game ang station namin sa lahat ng gusto namin na topic. Kagaya kasi namin, naniniwala din sila na inosente si Walter laban sa kanyang kaso. Na higit sa lahat, hindi siya dapat ang managot sa misteryosong pagkamatay ni Rebecca Bustamante.
Wel, Thelma and I are not doing this just for our own benefits—just for our friend, Walter. We are basically just being true to what we promised before when we entered the crazy world of journalism. It's to deliver nothing but authentic news.
Naniniwala kami na walang kasalanan ang kaibigan namin. Mas lalong naging matatag ang paninindigan namin buhat sa nangyari kagabi. Tahasang pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay ng mga magulang ni Rebecca. Walang awa silang pinag-babaril ng mga ito. They were declared dead on arrival when they reached the nearest Hospital.
At dito na nagsimula ang mga balita na sila ay big time drug lords ng Gobyerno. Maraming pruweba ang lumabas. Marami rin na mga whistle blower ang nakapanayam ng mga reporters ng iba't-ibang station. Sobrang umingay ang balitang ito ngayon. It was even number one trending in the Philippines right now.
Unti-unti, nagiging mas nakakalito ang kaso ni Rebecca. Unti-unti, maraming netizens ang nagsasabi na baka nga inosente talaga si Walter. Na baka hindi niya kagagawan ang pagkamatay ng young singer. Na baka kagagawan ito ng mga kaaway ng mga magulang niya sa black market. Or worst, baka gusto lang patahimikin ng Gobyerno ang kanyang mga magulang. Nagpag-alaman kasi na isa pala sila sa mga incoming witness ni Senator Leniah patungkol sa mga kasabwat na mga big time Politicians sa black market.
"Maraming salamat talaga, guys," Walter cut my thoughts off. He is starting to be emotional again. Nahawa tuloy ako, "sobrang maraming salamat."
"Ano ka ba, don't be. Para saan pa at naging reporter ang mga kaibigan mo kung maski kami, hindi namin kayang ipagtanggol ka sa paraan namin?" Thelma told him.
We pulled each other for a group hug. Para tuloy akong tanga ngayon na nakangiti habang umiiyak. Kasi naman itong si Walter, eh!
Pero . . .
Pero kusa rin naman kaming napabitaw sa isa't isa nang biglang tumunog ang cell phone ni Lijah. Sinundan iyon nang kay Thelma—na kasabay lang ng pagtunog ng sa akin.
What the hell is hapenning?
Agad kong kinuha ang cell phone mula sa aking bulsa. Doon ay nakita ko ang pangalan ng aking camera man.
Klaizer? Bakit naman kaya siya tatawag sa akin kung sinabihan ko na siyang on-leave na muna ako today? Imbes na tanungin ang sarili ay minabuti ko na lang na sagutin ang tawag.
"Hello, Klaizer? Haven't I told you that—"
He cut me off. His voice is shaking, "Ma'am, kumakalat na ngayon ang nangyayari sa lahat ng mga field reporters. Kailangan na po nating magpunta sa NAIA Airport ngayon bago pa tayo nila maunahan!"
"Bakit? Ano bang nangyayari?"
When Lijah and Thelma diverted my gaze at me, that kind of gaze with fear on it, hindi ko alam ang unang dapat na maramdaman. Ang magtaka ba o matakot din?
"Ma'am, someone tried to kill the President at the NAIA Airport!" Klaizer continued, "some sources said, it was still on-going right now!"
I froze.
I widened my eyes.
Then my knees automatically went weak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top