Episode 41: Ayesha
BACK to work, ito ang naging drama ng buhay ko the moment na narating ko na ang TV Station namin. When I reached the hall way, the lady guard welcomed me with her usual friendly smile.
"Welcome back, Ma'am Zabi. Kamusta na ho kayo?"
Nginitian ko siya nang mas matamis pa, "okay na ho ako, Ma'am. Naka-recover na at ready nang muling magtrabaho."
"Maganda hong marinig iyan mula sa inyo."
Nginitian ko muna siya nang huling beses bago ko piniling pumasok na sa loob. At kung susuwertehin pa nga, umagang-umaga pero demonyita ang nakasalubong ko.
"Oh, the garbage is back na pala," nakataas ang kanyang kilay habang naglalakad papalapit sa akin, "well, saan ka pa nga ba pupunta? As if may tatanggap pang iba sa 'yo after ng scripted mong drama para makakuha ng clout—"
"Ayesha, wait," I smiled at her with all of the fakeness living on my body, "ayoko lang masayang ang laway mo sa wala pero pwedeng tumigil ka na lang? Kasi wala naman akong pakialam sa sasabihin mo? More so, lalong wala akong pakialam sa nararamdaman mo."
That seemed to caught her offguard. Bakas iyon sa kanyang mukha at sa bigla niyang pagkisap ng mga mata. This is the very first time I have ever shown her this side of mine. The sarcastic side. Gusto niya ng pettyness? E 'di sige, papatanyan ko ang pagka-petty mo. Mahirap talagang maging professional kapag ang babaeng ito na ang kaharap ko.
She is so quick to recover, "magsaya ka lang ngayon, Zabiana. Tandaan mo, hindi nagtatagal ang mga katulad mong user. You are not going to places—"
I cut her off again, "oh? Ako? User? How about we talk about the reporter who used the influence of her dad just to be a part of VCB Channel? Because news flash, she didn't pass the final interview?"
Tuluyan na siyang natigilan sa naging patutyada ko sa kanya. Kasi totoo. And that was my cue to grab ahold my price which is to see her walk out. Inirapan niya lang ako nang malala matapos ay dire-diretso siyang nagtungo sa entrance. Sa taas ng kanyang heels ay halos madapa pa siya. Natatawa at naiiling na lang talaga akong nagtungo sa office ni Ma'am Victoria.
"It's nice to see you back, Zabiana," Ma'am Victoria hugged me as if a mother who longed to her long lost daughter.
"Na-miss kita, Ma'am, pati na po ang mga sermon mo," natatawa ko namang sambit sa kanya.
Doon ay nag-usap pa kami ni Ma'am Victoria. Hanggang sa inilatag na nga niya sa akin ang mga nakahaing proyekto ko. They wanted me to finish my documentary as soon as possible and then after daw niyon ay may offer silang gawin akong showbiz anchor for which I initially declined. Wala akong pakialam sa buhay ng mga artista. My focus are always diverted to the current events of the country.
"I know you'll decline," Ma'am Victoria laughed, "that is why your are my top one out of all the five reporters na umabot noong final interview. Wala kang ibang gustong ipahayag sa buong mundo kung hindi ang mga kasalukuyang nangyayari sa atin bansa. You only care to what matters the most."
"Right, Ma'am," I smiled at her.
But then I was not ready for it when all of a sudden, she held my hand. Tight.
"You know what, Zabiana? I am really proud to what have you become now," nakangiti siya sa akin ng malawak, tila ba isang ina na tuwang-tuwa sa narating ng anak, "you are way far from that fresh graduate who I interviewed before."
Then she laughed, her eyes are also smiling, "I can clearly remember before, you had me at hindi paninira ang pagsasabi ng katotohanan."
"I am really grateful po sa opportunity na ibinigay ninyo po sa akin, and I promise to do my very best pa po in order to give back what the station deserved from me."
"Hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo," nakangiti pa rin siya ng malawak habang nakatingin sa aking mukha, "and with that, I am pleased to offer you this opportunity. Gusto kitang kunin bilang isa sa mga anchor ng BalitangHalian. This is a 30 minute noon time news that will be launched next month."
Nanlaki ang mga mata ko.
Bigla ay nag-slow motion sa akin ang lahat.
Wait . . . what?
"I want you to be part of it, Zabiana. I will beg for you to be part of it," humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay, "are you down for it?"
"Ofcourse, Ma'am Victoria!" Bead of tears are now forming on my eyes, "I am not crazy enough to say no to that one of a lifetime opportunity!"
Oh my God!
Oh my freaking God!
Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip lang? Am I going to be a news anchor soon? This is my dream! This is my freaking dream and I really want someone to slap me now and tell me that yes, freaking yes! My impossible daydream are now a reality!
"Alright, thank you and I will have to congratulate you in advance, I guess?" Natawa pa nang bahagya si Ma'am Victoria.
Doon ay napayakap na lang talaga ako sa kanya nang mahigpit. Tatawa-tawa naman siyang hinagod ako sa likod para patahanin. In between of my cry, she is telling me that I deserved it. That this is just a fruit of my hardwork and genuine passion for journalism.
"You will be busy from now on, Zabiana. If you want, you can just take another month of rest? 'Wag ka na munang mag-field reporter?"
Agad akong umiling, "no, Ma'am. Don't worry po, I can handle it and also, I want to cherish and make the last month of field reporting as remarkable as I can. Kasi kapag naging anchor na po ako, for sure, mamimiss ko po ito."
Which is true. Sa maiksing panahon ko bilang isang field reporter, hindi ko maitatanggi na mahirap ito—mahirap pero mahal ko kaya ko pinagbutihan. Kaya ko ginawa ang lahat para makamit ang kung anong nakakamit ko ngayon.
Being a field reporter will forever be special to me. This has been my life already, my own way of breathing. I will surely miss this. And one thing is for sure, gagawin kong memorable ang huling buwan ko rito.
Tumango si Ma'am Victoria at tinapik ako sa balikat, "you do you, Zabiana. Basta ako, nakasuporta lang ako sa iyo lagi."
MAKARAAN ang ilang minuto ay nagtungo na kami ni Damson sa harap ng Malacañang Palace. Dito ay marami na ang mga nag-po-protesta. Nagsilitawan na ang naglalakihang banner, lahat ito ay may salitang tumutuligsa laban sa Presidente.
"Yven, hindi Mr. Pogi ang pinasukan mo!" Hiyaw ng leader ng mga nagpo-protesta. Dito ay bahagya akong natawa. Pinagsisihan ko pa ngang hindi ito na-videohan, i-se-send ko lang sana kay Yven.
Malaking issue kasi talaga ngayon sa buong bansa ang pagbabakasyon ni Yven sa Hawaii. Lalo itong lumaki dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng karne at gulay.
"Hey, Zabi. Mag-iikot-ikot na muna ako, ha?" Sambit ni Damson dala-dala ang kanyang camera, "kukuha na ako ng mga clips for your news report later."
Tumango lang ako sa kanya. Busy kasi ako sa pag-iisip sa kung papaano ko sisimulan ang report ko. Isang buwan na rin kasi ang nakalipas magmula nang magpahinga ako, 'di ko maitatangging medyo naging mapurol na ako rito.
I am now starting to type the introduction ng dialogue ko later on my cell phone. I am making sure I don't just write it but I also feel it. Isa kasi ito sa natutuhan ko mula kay Ma'am Victoria—to not just focus on my report but also to the heart of the context of what I am reporting.
Pero natigilan ako sa ginagawa nang bigla, may marinig akong kaguluhan mula sa mga nagpo-protesta. Agad kong isinilid ang cell phone ko sa aking bulsa at nagtungo sa nagkakagulo.
"Eto ba? Eto ba ang pinagsisilbihan ninyo?!" Sambit ng isang matandang babae sa isang pulis na hinaharang sila. Tinuturo niya ang man made ugly figure of Yven. Her tone is loud and raging, "nag-aral kayo ng ilang taon sa kolehiyo. Nag-training. Nagpakahirap. Para lang sa ano? Para lang pagsilbihan ang taong walang ibang ginawa kundi ilugmok pa sa kahirapan ang mga mahihirap?! Nakuha pang magbakasyon ng taong iyan sa ibang bansa keysa solusyunan ang kahirapan sa Pilipinas!"
Nanatiling hindi sumasagot ang pulis kahit na mababakas sa kanyang mukha ang inis.
"Napakababa ng pagkatao ninyo. Napakawalang kwenta naman ng paninindigan ninyo—"
"Anong sabi mo?" Sambit ng isang pulis na katabi ng kinakausap ng Ginang. Ang salag na hawak nito ay itinapon niya sa aspaltong sahig.
That moment, I started to get anxious. This is the very first time that I have seen one policeman to talk back against the protesters.
"Ang sabi ko, wala kayong mga utak! Pare-pareho kayong bayaran ng gobyerno! Mga uto-uto! Mga inutil—"
"Putangina!" Nanlaki ang mga mata ko nang binunot ng pulis ang kanyang baril mula sa kanyang bulsa. Sinubukan siyang awatin ng mga kapwa niya pulis pero hindi ito nagpatinag sa kanila. Hanggang sa huli na ang lahat ng itutok niya ito sa Ginang.
"Kami, bayaran? Uto-uto? Inutil? Putangina, alam mo ba kung gaano kahirap ang trabahong ito? Iyong may iba kang pinonprotektahan pero iyong sarili mong pamilya, hindi mo naproktehan?" Namumugto ang mga mata ng pulis, nababasag na rin ang kanyang boses, "namatay ang buong pamilya ko kamakailan lang at hindi ko sila nagawang protektahan. Pero nandito pa rin ako. Kasi mahal ko ang trabaho ko—"
"Wala akong pakialam sa nararamdam mo!" Bulyaw pa rin naman ng Ginang. Tila ba hindi ito natakot sa nakatutok na baril sa kanya, "ang sa akin lang, 'wag kayong magpaka-uto uto sa gobyernong ito!"
"Tumigil ka na!"
"Hindi ako titigil kung meron pa rin na mga kagaya niyong pulis na walang utak!"
Marami nang tao ang umaawat sa Ginang. Maski nga ako, papunta na ako sa kanya para patigilin na siya dahil wala namang patutunguhan ang pinagaawayan nila kung hindi gulo lamang.
"Hindi ka talaga titigil?"
"Bakit ako titigil—"
Pero . . .
Isang malakas na putok ng baril ang namayani sa buong paligid. Sinundan ito ng sigaw at takbuhan ng mga tao. Para akong isang punching bag na binabangga nila para lang makalayo sa pulis na nagpaputok.
Hangang sa nawala na ang mga tao. Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Nakatayo pa rin ako rito. Humahagulgol ang pulis na nagpaputok. Hawak-hawak na siya sa mga braso ng kanyang kasamahan.
Pero ang mga mata ko ay nakasentro sa matandang babae na nakabulagta sa aspaltong sahig. Nakabukas ang mga mata niya at may dugo ang tumutulo mula sa butas ng kanyang noo.
Isang senaryo na hindi ko akalaing matutunghayan ko mismo sa aking harapan.
"Inay ko! Inay ko!" Ang biglang paglitaw ng isang lalaki mula sa mga taong nanonood hindi kalayuan sa amin. At sinundan iyon ng paglapit ng mga journalist at reporters. Ang mga camera man ay naging busy sa pagkuha ng litrato sa bangkay ng matandang babae habang humahagulgol na niyayakap siya ng kanyang anak.
"Dapat hindi na Zabiana Pascual ang pangalan mo, eh. Dapat, Zabiana "lapitin ng exclusive report" Pascual na lang," ang sambit sa akin ni Damson matapos naming matapos sa pag-cover sa masalimuot na trahedya kanina.
I winced, "gago. But you know what? I might need to see a psychiatrist tomorrow. Mukhang na-trauma yata ako sa nakita ko kanina."
"Yes, I feel you. But for now, you have to be ready to make sure you will not stutter on your come back report later," binigay niya sa akin ang lapel, "tandaan mo, hinihintay ng publiko ang report mo ngayon."
Yes, Damson is telling the truth. Marami kasing pictures ang nagkalat sa social media. Doon ay makikita akong nakatayo sa harap ng pulis at niyong bangkay. Ako lang talaga ang nandoon at wala nang iba pa. Dahil dito ay nag-trending tuloy ako sa Twitter. Ilang oras na ang nakalipas pero number 1 pa rin sa trending ang pangalan ko.
Right now, everyone is praising me for my passion on my job. Bigla tuloy akong na-pressure.
Huminga ako nang malalim, "bahala na, basta kaya ko 'to!" Isa pang malalim na hininga ay pinakalma ko na ang sarili. Ngayon ay pinanonood ko na ang introduction ng News 24/7.
Sinimulan iyon ni Ms. Olivia Montesano, "magandang gabi, Luzon, Visayas, at Mindanao. Kanina lamang po ay naganap ang isang kaguluhan mula sa pagitan ng isang raliyista at pulis. Ito ay ang naging ugat ng isang masalimuot na trahedya."
Sinundan iyon ni Mr. Zoren Baltazar, "isang Ginang ho ang binaril ng isang pulis kanina lamang. At ito ho ay personal na natunghayan ng aming reporter. Mula sa tapat ng Malacañang, nakatutok live si Zabiana Pascual."
Nang sinenyasan ako ni Damson na naka-live na kami ay lumunok muna ako bago magsalita. Nanatiling neutral lamang ang aking facial expression, "Olivia at Zoren, hindi ko inaakala ang natunghayan kanina. Buong akala ko ay isa lang itong normal na hindi pagkakasunduan sa pagitan ng mga raliyista at pulis. Pero laking gulat ko na lang talaga nang sa mismong harapan ko, may isang buhay ang basta-basta na lang nawala sa kamay ng isang pulis."
Nagpatuloy ako sa aking report. I tried hard not to let my emotion overrule my system. And I dit it. I succeeded in delivering my report as perfect as I envisioned it to be.
"Hinahangaan namin ang katapangan mo bilang isang reporter, Zabiana," Olivia told me after my report.
"Maraming salamat po. Bilang isang reporter, ginawa ko lamang po ang trabaho ko."
And then that was the end of my part. Pinatay na ni Damson ang kanyang camera at nag-high five pa ito sa akin.
"Grabe, may bonus na naman tayo nito!"
"Siraulo ka talaga," natatawa kong sambit sa kanya, "hindi ko magawang magsaya kasi naaawa ako sa mga anak na naiwan niyong matandang babae. But at the same time, naaawa rin ako doon sa Pulis. Kasi 'di ba? Ginagawa niya lang naman ang kanyang trabaho. Kahit na may pinagdadaanan, bumabangon siya pero sadyang may mga pangyayari lang talaga na hindi natin maiiwasan. Pero ang nakakalungkot dito, ang pangyayaring iyon ay hindi na mababago pa."
"Alam mo? Bottomline here? The government is shit," sagot naman ni Damson habang inaayos ang kanyang mga gamit, "walang ibang dapat sisihin dito kundi sila lang. Kasi kung ginagawa nila nang maayos ang kanilang trabaho, wala sanang magrereklamo. Wala sanang gulong mangyayari kagaya kanina."
Isang malalim na hininga na lang talaga ang pinakawalan ko.
Makalipas ang ilang saglit ay nagpaalam na rin kami ni Damson sa isa't isa. Dahil sa pagod, mentally and physically, pinili ko na lang talaga na umuwi at magpahinga sa condo unit ko.
Ang una kong ginawa nang makauwi na ako ay ang humiga sa malambot kong sofa. Matapos ay binuksan ko ang television. Pero napasimagot na lang talaga ako nang ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Ayesha. Bwiset.
Ngayon ay ang segment niyang ChikaMuna ang pinapalabas. Yes, siya ang pumalit sa ino-offer sa akin ni Ma'am Victoria kanila lang. Ani Ma'am, binigay na niya ito sa babaeng iyon noong nakaraang linggo pa dahil alam naman niyang tatanggihan ko iyon.
Basurera talaga ang gaga. Naghihintay ng basurang itatapon ko—
Wait.
What the fuck . . .
Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pagbilis ng puso ko dahil sa kaba.
Napalunok na lang talaga ako.
What the hell is happening?!
Mula sa screen ay nakita ko ang sarili ko. Nakasuot ng pink na bikini.
Kasama ang Presidente.
And we are kissing infront of the sea in Hawaii . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top