Episode 35: USA
NGAYON ay abot-langit ang ngiti ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko kay President Vonne Davis. Tila ba ngayon, isa siyang kayamanan sa mga mata ko. Isang kayamanan na dapat kong bantayan at hindi dapat iwasan ng mga mata dahil kapag ginawa ko iyon ay mawawala siya sa akin. Mananakaw siya ng iba.
Yes, I may sound so weird right now but it is what I really want to mean. Isang magandang tanawin para sa akin ang Presidente ng America. Isa siyang pangarap dahil siya lang naman ang paborito kong politiko na namamayagpag sa ngayon. Out of all the politicians that I can name right now when it comes to good governance, it is probably him that will be first on my list.
Swear, sa tingin ko ngayon ay ang creepy kong tingnan. Ngayon kasi ay para talaga akong KPop fan na nakita ang bias niya sa BTS. Iyong tipong paralisado sa tuwa. Iyong hindi makagalaw. This is the first time that I became so starstruck like this in my entire life that I really failed to even mumbled just a single word! And also, to breathe well! Baka talaga mahimatay na lang ako bigla dito dahil sa sobrang pagkamangha! Kasi naman, bakit kasi walang nagsabi sa akin na ang gabing ito na pala ang magiging best night of my life?!
Patuloy kong tiningnan ang Presidente. Right now, he is wearing just a white shirt. He is so musculine with it. Ang kanyang dibdib ay alsado at masikip ang kanyang manggas nang dahil sa kalakihan ng kanyang biceps. Halatang batak na batak siya sa work out. Samantala, ang kanyang short naman ay isang beach short na khaki. Doon ay makikita kung gaano rin kamaskulado ang kanyang thighs and calves. Sadyang lahat yata ng muscle niya ay matitigas at kay sarap hawakan!
Honesyly, this President is not just a walking green flag. He is also a walking sex symbol! Kasi iyon lang ang suot niya pero ang gwapo niya pa rin! Ang maskulado niya pa rin na para bang isang Greek God na bumaba sa lupa para ipakita sa atin ang kanyang kagwapuhan. Sa totoo lang, para ngang mas naging gwapo siya ngayon keysa sa lagi niyang formal look sa television. Mas bagay sa kanya itong kasuotan na nagpapalutang ng kanyang angking kakisigan.
Well, hindi na rin naman kasi ito nakakapagtaka pa. Naalala ko nga dati nung napanood ko ang life story niya. When he is studying law, he is also a part-time expensive male model. Mahirap lang ang kanilang buhay kaya kinailangan niya talagang kumayod para lang makapagtapos sa pag-aaral. He made sure that he will use his good looks as an asset for him to finish his study and he faithfully did it.
Kaya nung kampanyahan niya sa US dati, marami talagang lumabas na mga shirtless photos niya noong kabataan. And hell, all of those are really hot that almost all of the girls in the world are thirsty of him. That we are all fangirling and fantasizing about him which is so lewd for us but it is the truth!
Pero ang nakakapagtaka lang talaga ay kahit na fifty years old na siya ngayon ay tila bang walang nagbago sa kanya. Base sa naglalabasang shirtless photos niya lately dahil sa mga matatapang na paparazzi, ang katawan niya ay fit pa rin. Hanggang ngayon ay papasa pa rin talaga siya bilang isang sought after na male model. Tila bang hindi siya tumanda!
Sa kabilang banda, isa talaga ang pagkapanalo niya kung bakit marami ang unang sumuporta kay Yven. Nasa kultura na kasi yata ng mga Pilipino ang mainggit sa ibang bansa. Iyong kung ano ang mayroon ang ibang bansa ay dapat mayroon din sa Pilipinas. Iyong gwapo at malakas ang appeal ng Presidente ng United States of America kaya dapat ganoon rin ang sa Pilipinas. Walang magpapatalo. Kaya nila unang tinulak si Yven para tumakbo.
Hindi ko talaga alam pero ano bang akala nila sa politika? Entertainment? Competition ng mga gwapo? Male beauty pageant? Sumasakit talaga ang ulo ko dahil sa kanila hanggang ngayon. Pinipili ko na lang talaga na huwag indahin kasi sa huli ay ako lang talaga ang sasalo ng problema ng lahat.
Patuloy akong tumingin kay President Vonne. He is now talking with a woman it is his lovely wife. US Senator Grecilla. She is also gorgeous with her blonde hair. Medyo may laman ang kanyang katawan pero may kurba pa rin siya.
Iyong asawa niya ay isang empowered woman talaga. Kasi despite being a woman, she is also a senator. Take note, the only woman senator in the US as of the moment. Katulad ng asawa ni President Vonne ay dati rin siyang model. Pero siya, hobby lang talaga. Kumbaga distraction lang daw iyon sa kanya kasi stressing raw ang buhay ng isang law student.
Sobrang goals lang kasi talaga ng dalawang ito para sa amin dahil they are the real epitome of a power couple. Despite having a lot bashers who always said that they are only good with their face and looks and not with the way how they do their job, they still manage to prove them wrong.
His wife, Senator Cecilla, have already passed a total of thirty laws that are all centered to the wellness of the women of America. Ang focus talaga niya ay ang mapaganda at mapaayos ang kabuhayan ng mga kababaihan sa kanilang bansa.
On the other hand, there is President Vonne who managed to keep the economy to its increasing percentage. The Gross Domestic Product of the United States of America continued to be competetive. We just woke up one day, America claimed its power again. Making them the richest and most powerful country once more.
Nagawa nitong maibalik ang glory na siyang sinira ng Presidente na kanyang pinalitan. For which in the side of the Philippines, everything happened otherwise. Napapangiwi na lang talaga ako at ayaw ko nang isipin pa ang maling pagboto ng mga Pilipino. Ayaw kong magpaulit-ulit kasi stressing lang talaga.
"Don't tell me, you also have a crush on President Vonne," biglang tanong ni Yven.
Tumingin ako sa kanya at natawa. "Bakit, magseselos ka kapag sinabi kong oo?"
He pouted again. "Oo, at sisiguraduhin ko na puputulin ko na ang connection ng Pilipinas sa America."
Nahampas ko nga siya habang natatawa. Gago talaga, hirap na hirap na nga ang Pilipinas bago siya pa itong may gana na magputol ng connection sa America na siyang nagbibigay lang naman sa atin ng agarang subsidy kapag may sakuna. Sila ang unang tumutulong at nagbibigay ng donation, may it be food or money, kapag may kriris tayong nararanasan. Ang pagputol sa kanilang connection ay para na ring pagputol sa natitira nating pag-asa na umunlad ang bansa.
"Hoy, ilayo mo nga ang personal mong buhay sa trabaho mo." Inirapan ko siya. "Sasapakin kita. Alam mo namang isang bansa ang nakalatag diyan sa balikat mo. Isang maling desisyon lang ay talagang gutom ang lahat ng mga Pilipino."
He pouted more. "Joke lang naman."
"Joke mo mukha mo!" Inirapan ko pa siya nang ilang beses.
"Don't be so grumpy already, baby. Gusto mo ba, ipakilala kita kay President Vonne?" Ang bigla niyang sabi.
Doon ay bigla naman akong napatingin sa kanya. Swear, sobrang bilis na lingon ang ginawa ko. "Magkakilala kayo? Close kayo? As in, kaibigan mo siya?"
Tumawa siya nang bahagya. "Malamang. Presidente ako ng Pilipinas, nakalimutan mo na ba? Syempre, may mga oras na nakakausap ko siya either personal or over the phone kapag kailangan natin ng tulong mula sa America."
I mentally winced. Sa sobrang inefficient kasing Presidente nitong si Yven ay hindi ko inakala na mabibigyan pa rin ng pansin ni President Vonne ang Pilipinas. Kasi ano nga ba ang makukuha ng connection nila sa amin? Wala. Puro kahirapan lang ang mayroon ang bansa namin at mahihila lang talaga namin sila pababa.
But I know, President Vonne is a philantropist. Dati na talaga siyang tumutulong sa mga mahihirap. Dati niya pang pangarap ang isang mundo kung saan walang mga tao ang nahihirapan magkaroon lang ng laman ang kanilang tiyan. Ang kanyang pagiging makatao talaga ang isa sa nakapagpapanalo sa kanya kahit na marami naman nang mayaman sa kanilang bansa.
"So, what? Let's go meet the President of the United States of America?" Yven pushed again and I was warshocked.
Bakit naman kasi biglaan? But more, importantly bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na pwede kong makilala dito si President Vonne! Sana ay nagpaganda naman ako! Pero on the other hand, maayos naman ang hitsura ko kanina kung hindi lang naman niya sinira noong itulak niya ako sa dagat kanina!
Nakakainis talaga!
"Ano? Natameme ka na diyan. Tanggal ang angas mo kay President Vonne, ah." Natatawa niya pang biro sa akin.
Inirapan ko siya nang malala. "Malamang! Pinakamagaling na Presidente na kaya iyan! At saka bibihira lang talagang dumating sa buhay ng isang ordinaryong tao na kagaya ko ang makatagpo ng kagaya niyang sobrang taas!"
Nagpatuloy ako habang ang puso ko ay patuloy na dumadagundong laban sa dibdib ko. "This is a very rare opportunity that I never thought that I would be able to have tonight!"
"Halika," hinawakan ni Yven ang kamay ko. "Lumapit na nga tayo sa Presidente para matunaw ang kaba mo diyan."
Bigla niya akong hinila. Doon ay labis talaga akong nataranta! Ang sabi niya ay lumapit kami para matunaw ang kaba ko?! Punyeta! Bakit parang mas lalo yata akong kinabahan sa nais niya gawin?! Nataranta talaga ako nang malala!
Pero mukhang wala talaga siyang balak na huminto. Bagkus ay hinila niya pa akong lalo sa table kung saan nakaupo ang Presidente at ang kanyang magandang asawa. Ako naman ay tinakpan ang bibig at saka doon huminga nang malalim. Inamoy ko kung mabango ba ang hininga ko dahil paniguradong ikababaliw ko kapag nalamang mabaho ito! Gusto kong maging maganda ang first impression sa akin ng Presidente!
"Hello, Mr. President," ang biglang sambit ni Yven nang makalapit na kami.
Iba talaga ang boses niya kapag hindi na ako ang kausap. Kung sa akin ay sobrang lambing ng kanyang tono, sa iba naman ay matigas at pormal. Tila bang sinasadya niyang palakihin ang kanyang boses sa ibang tao at pagdating naman sa akin ay casual lang iyon.
"Oh, Mr. Yven. I never thought that I will see you here, Sir." Ang panimula ni President Vonne. Bakas na bakas sa kanyang boses ang accent ng mga Californian.
"Right, Sir." Yven replied with a gentle chuckle. "I am just here to take a break to all of the stress that my country is experiencing. You know? A little vacation for me to divert my attention in other areas of life and just relax."
Tumango si President Vonne sa kanya at ngumiti nang malawak. It was a friendly smile. A contagious one na kapag nakita mo talaga ay mapapangiti ka na rin. Ang gaan lang talaga ng kanyang aura. Ganiyon na rin ang kanyang personality. Kaya hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit maraming mga leader ang close sa kanya. At siguro, hindi na iba doon si Yven. Paniguradong magkaibigan din sila.
Pero hindi ko talaga iyon inakala nang bigla ay tapunan ako ng tingin ng Presidente. His perfect blue eyes are averting to my face and all I could do is to just swallow hard and be intimidated.
"Oh, you are with someone now." The edge of his lips lifted as he directed his glance slowly towards me and then towards Yven who is laughing now. "I am not really updated with your love life nowadays, you never told me that the President of the Republic of the Philippines will going to have a first lady soon."
"Crazy," ang sabi ni Yven at halos mahampas ko siya sa likod! Grabe, ganito ba talaga ang closeness nila at sinasabihan niya ito ng ganoon lang?
"Just answer me, you moron." Ang sambit naman ni President Vonne at talagang napasinghap ako.
Mas malala ang sinabi niya! What the hell? By judging with the way how they choose their words, they must have been really really close!
Yven is now laughing while slowly shaking his head. Nakapameywang pa siya na para bang proud na proud siya sa kanyang natatamo ngayon. Matapos ay lumingon siya sa akin. Then he offered me his hand for which I am confused to take. Pero sa huli ay kinuha ko pa rin. Huli na ang lahat nang mapagtanto ko na pinapalapit niya pala ako.
"Sir and Ma'am, this is Zabianna Pascual. She is one of the best newbie reporters in the Philippines," ang litanya ni Yven.
Senator Grecilla is now smiling at me as she handed me her hand. Nakakahiya nga na pinakilala niya pa ang sarili sa akin bago ang shake hands namin! Ang sabi ko naman sa kanya ay sino ba ang hindi makakilala sa kanya? She just laughed at my hilatious banter.
Matapos din niyon ay si President Vonne naman ang nag-abot ng kamay sa akin. We shook hands and he throw me his usual friendly smile. It was really so contagious that I just found myself smiling back at him widlely.
"By the way, I have a question." Senator Cecillia suddenly spoke. At talagang bigla akong kinabahan. New Yorker kasi ang accent niya kaya nakakakaba talaga! Iyong tipong casual lang naman ang tono niya pero para na akong nakaharap sa isang attorney na sinusubukang pabagsakin ako sa korte.
Pero huli na ng malaman ko na hindi pala iyon para sa akin. Ngayon kasi ay nakasentro ang kanyang mga mata kay Yven na ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko.
"Are you not afraid that being romantically involved with a reporter will only cause you one thing— your secrets being unravelled to the world if ever she discovered something wrong with your administration?" Ang malaman niyang tanong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top