Episode 31: Hawaii
KUNG ako lang talaga ang tatanungin, tutulungan ko ang mga kaibigan ko kung may choice lang talaga ako. But the sad truth is, wala eh! Hindi pwede!
Sa totoo lang, kayang kaya kong buksan ang bintana ng SUV na ito nang sa gayon ay makakuha sila ng litrato ng Presidente. Nang sa gayon ay makakuha sila ng footage na pwede nilang maipalabas sa television. Napakalaking bagay na niyon para sa aming mga reporter dahil people are always curious to see things. Kung makikita nila ang laman ng sasakyan na ito ay talagang pagpipiyestahan nila ito.
But the thing is, hindi talaga pwede! Kasi kapag ginawa ko iyon ay mapapahamak din ako! Damay ako sa gulo na pwedeng magawa niyon. Kawawa din ako dito kapag nagkataon!
Napapangiwi na lang talaga ako nang matindi. Lalo na niyong nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan paalis kung saan naroon ang mga media. Nakita ko talaga kung papaano magpakahirap ang mga kaibigan ko sa paghabol sa amin. Sobrang naaawa na talaga ako!
Pero ilang saglit ay tuluyan na kaming nawala sa kanilang mga mata. At ngayon, nakokonsensya talaga ako para sa mga kaibigan ko! Pakiramdam ko ay para bang ang sama kong kaibigan. Na para bang ang walang kwenta ko pero sigurado naman ako, kung nasa sitwasyon lang talaga nila ako ay paniguradong ganoon din ang gagawin nila! 'Wag nga silang ano diyan!
"Alam mo bang tatlo sa mga media personnel na humabol sa atin ay mga kaibigan ko?" I told Yven while still wincing hard.
"Oh," he blinked as he replied, "I didn't know. Sorry that we have to flee from them."
Patago na lang talaga akong napahilamos ng mukha. Kahit naman alam niya iyon ay paniguradong wala rin siyang magagawa! Kasi ano ba ang gagawin niya? It is not like he is going to do something about it. Saka tinatakasan nga namin sila. Ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay ang ibaon ang lahat ng mga alaalang ito sa limot nang sa gayon ay hindi ko ito aksidenteng masabi sa kanila. Kasi kapag nasabi ko ito, baka kutusan nila ako isa-isa!
Ngayon ay patuloy kami sa pagbaybay sa isang para bang madilim na tunnel. Tila ba itong isang underground road. Ngayon ko lang talaga ito nakita at nalaman. Mayroon pa lang ganito sa NAIA.
"This is the emergency pathway for the higher officials of the government," Yven suddenly disclosed without me asking for it, it's as if he has this power to read my mind, "hinanda ito para kapag nagka-giyera raw sa Pilipinas ay mabilis na maitatakas ang Presidente."
I nod. This additional knowledge is kind of cool, I might say. I never heard it before.
"Pero hanggang ngayon ay confidential pa rin ito para sa publiko. Iniiwasan lang talaga ng NAIA na kapag nangyari nga ang giyera ay lahat, magmamadali para dumaan dito. Kapag nangyari kasi iyon ay paniguradong magkaka-aberya tayong lahat."
"Alright," I only replied to him.
Matapos ang ilang sandali ay nakarating na rin kami sa landing area ng mga eroplano. Nang makababa na kami ay naghahantay na ang isang jetplane sa harap namin. At sa pintuan niyon ay may isang lalaki ang nakapamulsa. He seemed not happy while darting a gaze at Yven.
Siya ba si Denver? Iyong pinaguusapan nila ni Jacob kanina? Iyong istrikto daw sa oras sabi ni Yven?
"Denver, my friend." Ani Yven habang nakangiti sa lalaki.
"Wala ka pa rin talagang disiplina sa oras, Laxamana. Kailan ka magbabago? Kapag nangyari na ang EDSA Revolution 3 para patalsikin ka?" Ang matigas nitong sambit.
He is a good looking man. Malakas ang hitsura niyang foreigner. Mukha siyang half. His hair is blonde and his eyes are blue. Pero sa facial features niya ay lamang ang hitsura ng isang asian. His look is rarely beautiful. Kung magiging model ang isang ito ay tiyak na pagaagawan siya ng mga clothing brands.
"I am the President, bro." Yven is laughing boyishly. "I have a ton of things to focus on before I follow your lame rules about time. So, please spare me a dummy. Babawi na lang ako next life."
Denver only scoffed at him. Matapos ay nang tingnan naman niya ako ay bigla akong kinabahan. Lalo na nang lumapit siya sa akin. At oo, hindi ako alam kung bakit ako kinakabahan on the very first place!
"I am Denver, Ms. Pascual." Ang sambit niya.
Nang mag-alok siya ng kamay ay agad ko iyong hinawakan. We shook hands. Pero agad na pinaglayo ni Yven ang kamay namin na tila ba isang teenager na seloso.
"Sobra na," he mumbled while frowning at his friend.
"Corny mo pa rin," ang sambit lang naman ni Denver bago ako muling tiningnan habang nakangiti, "we may now take a sit, we are going to go aboard towards Hawaii in a couple of hours. I can guarantee you that I will bring you there alive and kicking."
Tumango ako sa kanya. Then we directed our way towards the jetplane.
Swear, sa loob ay talagang namangha ako. This is the first time that I will ever ride a private jetplane! Sa mga sikat na artista ko lang talaga ito nakikita. Lalo na sa Miss Americana Documentary ni Taylor Swift!
Nang makaupo na ako ay talagang malawak ang naging ngiti ko. Kinikilig talaga ako! Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging fangirl ng jetplane na ito!
"Happy?" Yven mumbled while staring at me with the same wide smile as mine.
Tumango ako sa kanya. Hanggang sa bigla akong napatalon sa gulat nang maramdaman ang pag-andar ng eroplano. Nang mapatingin ako sa binatana ay nakita kong lumilipad na pala kami.
"This is really cool!" I told him, still on my wide smile.
"I am glad that this made you happy," Lonzo said while just watching me watch the clouds from our the window.
Ilang minuto naman ang nakalipas ay may lumapit sa amin na isang babae na nakasuot ng uniporme ng mga flight stewardees! Wow, pati pala dito ay may mga flight stewardees din? Pangmayaman talaga!
"Want some wine, Ma'am and Sir?" She asked us politely. There is this kind of comforting gentle on her voice.
Yven stared at me as if waiting for me to answer. And I obliged. Ngumiti ako sa babae, malawak na malawak. "Yes, please."
Tumango lang naman sa akin ang babae with her friendly smile. Um-oo rin si Yven kaya't umalis muna siya sandali. Nang makabalik naman siya sa amin ay mangha talaga ako sa kanyang balanse. Kahit na medyo gumegewang nang kaunti ang eroplano ay nakakatuwang wala siyang kahit ano mang galaw na makakapagsabing matutumba siya!
"Here is your wine, Ma'am and Sir." The stewardee gladly handed us our wine. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya. Matapos din naman niyon ay nag-exit na siya.
"Enjoying the luxurious life, huh?" Yven playfully bantered at me. I just laughed at him because the accuracy of what he said is just too obvious for me to deny.
"First time ko kaya susulutin ko na 'to." I laughed and he joined me.
Sa mga nagdaang oras ay talagang muntik na akong magtaka kung private jetplane ba itong napuntahan namin o isang five star hotel. Makalipas kasi ang ilang sandali ay may mga waiter namang lumabas. Binigyan nila kami ng pagkain na katulad talaga sa mga restaurant. May appetizer at ang main course naman ay pork steak.
Hanggang sa ilang sandali pa ay dinalaw na rin ako ng antok ko. I told Yven that I want to sleep already. And he obliged to adjust my seat. Doon ko lang nalaman na pwede pala itong maging kama.
Matapos ay binigyan niya ako ng warm blanket. Then he kissed my forehead before he told me his sweet good night.
Habang nakangiti ay pumikit na ako. Tuwang-tuwa sa mga bagay na una kong naranasan ngayon, namalayan ko na lang talaga na unti-unti na akong nilalamon ng antok ko.
And before I can even knew it, I am now fast asleep. Peacefully, I continued this luxurious life on my dreams.
"HEY, Zabi . . ." Nagising lang ako sa boses ni Yven. Sinamahan niya iyon ng bahagyang pagtapik sa aking pisngi.
Nang magmulat ako ng mga mata ay ang gwapo niyang mukha ang nakita ko. At syempre, bigla akong na-good mood. Sino ba namang babae ang hindi matutuwa kung ganito kagwapo ang bubungad sa kanya kapag gigising siya?
"We are here," he mumbled and I smiled wide.
Really?
We are really here? In Hawaii? Oh my gosh!
Agad akong napabangon at tumingin sa bintana. Hindi na bahagyang gumegewang ang eroplano. Obvious na hindi na ito umaandar. Sa labas naman ng bintana ay makikita ang isang para bang runway ng mga eroplano.
"Let's go." Yven handed me his hand. Matapos ay inalalayan niya akong tumayo. "Fun and exciting experience are waiting for us outside of this jetplane."
I smiled wide at him and then nod. "And that is what I came for."
He chuckled then directed me towards outside. Nang makalabas na kami sa pintuan ng jetplane ay naamoy ko na ang maalat na hangin ng Hawaii. I am smiling wide at the sky.
Yes, nandito na ako!
Hawaii, be ready for me!
Hindi gaya sa Pilipinas ay matiwasay naman kaming nakalabas ng airport. Ang saya nga kasi mukhang wala talagang nakakakilala sa amin. Mukhang nagkamali ako ng akalang maraming Pilipino ang dudumog sa amin dito. Mukhang sa lugar na ito ay magagawa namin ni Yven ang mabuhay na para bang normal lang na tao. Iyong walang iba na sisingit sa amin para nagpapicture. Iyong maglalakad lang kami sa kalsada nang walang asungot na iiwasan.
Ang saya lang ng ganitong buhay. Matiwasay at mapayapa.
Right now, Yven is holding my hand and I don't know why I am letting him to do so. Hinayaan ko na lang siya.
Moreover, Brione is assisting us outside the airport. Ngayon ko lang nalaman na kasama pala namin siya. Pumwesto ito sa tabi ni Denver. Kwento kasi ni Yven, may undergraduate degree rin daw ang bodyguard niya sa pagiging piloto. Hindi ko naman ito inabala pang batiin kasi suplado ang isang 'to. Subok ko na 'yan nang minsan akong bumisita sa Malacañang para sa exclusive interview ko sa kanyang amo.
But thinking about Denver, hindi ko na siya nakita pa nang makalabas na kami sa kanyang jetplane. Gusto ko tuloy itanong kung nasaan na siya pero pinili ko na lang talaga ang manahimik.
Nang makalabas na kami ng airport ay may naghihintay na naman sa amin na isang itim na SUV. Pinagbuksan kami ni Brione ng pintuan sa backseat. Pinauna naman ako ni Yven na makapasok bago siya.
Ngayon ay umaandar na ang sasakyan. At hindi ko maiwasan ang talagang mamangha sa view na bumubungad sa akin mula sa bintana.
Palm trees are everywhere. And the beautiful view of the sea is luring me to just pull off my clothes off and just swim there. Nakakatuwang pagmasdan ang ibabaw nito na para bang may mga glitters nang dahil sa tirik na araw. Ganiyon na rin ang malalakas ngunit kontrolado nitong alon. Parang mula sa malayo ay ang sarap ng surfing bigla! Oo, kahit hindi naman ako marunong niyon!
Hanggang sa ilang sandali pa ay biglang lumiko ang SUV. Nang mapatingin ako sa harapan niyon ay may nakita akong isang gusali na gaya sa mga resort or villa. Pero ang nakakatuwa doon ay may mga nagsasayaw na babae na nakasuot ng palda na dahon at bra na mga bulaklak. Ang mga beywang nila ay tila ba ang lalambot kung sila ay kumembot. On the other hand, marami rin ang mga lalaking nagpapatugtog ng tambol.
"Let's go," sambit ni Yven nang huminto ang sasakyan.
Namamangha akong tumango sa kanya. Matapos ay lumabas na kami. Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang malakas na tutugtugin ng tambol. Hanggang sa bigla ay may lumapit sa amin na mga babae. Nilagyan nila kami ng kwintas na gawa sa bulaklak.
"Welcome to Hawaii, Ma'am and Sir!" Ang magiliw nilang bati.
Hinila nila kami sa mga nagsasayawang babae. They told us to dance with them. Tawang-tawa talaga ako habang pinapanood si Yven na kumembot! Mukha siyang uod na nilagyan ng asin! He is really embarassed by it and I am being entertained by that view of him!
Nang makita niyang grabe ang pagtawa ko ay mabilis niya akong sinimangutan. Pero nang ako naman ang pinapasayaw ng mga kababaihan ay siya naman itong tumatawa. Gusto ko nang magpakain sa lupa habang kumekembot!
Jesus, hindi ako ito!
At natawa naman ako nang niyaya ni Yven si Brione. At dahil loyal na loyal ito sa amo ay halatang napilitan iyong sumayaw. Namumula ang mukha niya habang gumigiling.
Matapos niyon ay nagsayaw pa muna kami. At hindi ko alam kung normal lang ba sa kanila na isali ang mga visitors nila sa kanilang performance. Hindi ba, dapat kami ang nanonood lang sa kanila? Bakit parang nabaligtad na yata?
Nang para bang naramdaman namin na inuuto na kami ng mga taong ito ay nagpasya na kaming magtungo sa loob. Ang mga waiter naman ay magiliw kaming tinanggap. Agad nila kaming pinadiretso sa mesa.
Ang una nilang binigay sa amin ay buko juice. Ang cute nga dahil nakalagay pa ito sa nutshell at may maliit pang payong na nakatusok doon.
Samantala, nang tikman ko naman na iyon ay hindi nakakapagsisi ang ginawa naming pagsayaw kanina. It was refreshing, indeed! Mukhang strategy yata nila ang pagurin muna kami nang sa gayon ay ma-appreciate namin ito?
Ay ewan.
Ang lagay pala, kailangan pa naming magpakapagod para sa kanila? Pambihira!
Matapos din niyon ay isa-isa na nilang inihain ang mga Hawaian dishes sa aming mesa. Mula sa binigay na parang menu ay nakita ko kung ano-ano itong inihain nila sa amin.
Poi, kalua pig, lomi salmon, laulau, poke, and haupia. Lahat ng mga ito ay parang bang masasarap. At wala na akong hinintay pang sandali nang magsimula na akong kumain.
At hindi nga ako nagkamali! It was all really good!
×××
Author's Note:
🚨 GINGER'S CALL FOR DONATION 🐱
Ginger Venedict is diagnosed with Feline Panleukopenia (Parvovirus in Cats). As per AVMA, it is a highly contagious viral disease of cats caused by the feline parvovirus. Kittens are most severely affected by the virus. It is really fatal.
Kasalukuyang naka-confine si Ginger sa veterinary clinic, P1,800 a day ang kanyang bill. As a fur parents, we are knocking on your hearts. Any amount will highly be acknowledged. Malaking tulong na po ito sa amin.
Ginger has occupied a big part of our hearts and we can't afford to face the day where we will go home without the presence of him.
Maraming salamat po.
GCash Number: 09672496331 (Vince Chester G.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top