Episode 30: Ambush
HUMINTO ang isang itim na SUV sa harap namin ni Yven nang makapunta na kami sa parking area. Swear, muntik na akong mag-ala Charlie's Angel kasi akala ko talaga ay isang kidnapper itong huminto sa tapat namin! Muntik ko na talagang ilabas ang natutunan ko mula sa women self-protection month!
"Chill," Yven smiled at me, "it's Jacob. Siya ang maghahatid sa atin sa airport."
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Natatawa lang naman siya nang hawakan na ang kamay ko. Matapos ay iginiya na niya ako papasok sa sasakyan.
I only obliged as he opened the door for me. Pareho kaming naupo sa backseat. Doon ay bigla nang umandar ang sasakyan. And before I can even know it, we are now travelling towards the NAIA.
"Handa na ba ang lahat sa airport, Jacob?" Yven asked. He directed his eyes towards the rear-view mirror.
Brione also met his eyes from it, "Yes, Mr. President. Nandoon na rin po si Denver. Kanina pa po yata kayo hinihintay. Mukhang iritado na po siya nang tawagan ako kanina."
Yven chuckled then shook his head. "His lame ass and strict rules for late comers is overpowering him again. Let him be, wala namang magagawa iyon sa akin."
He continued laughing and Jacob joined him. Hindi ko nga alam kung totoo ba iyong tawa ng bodyguard or pilit na lang. Baka ayaw niya lang langawin ang joke ng amo niya. Ang hirap din siguro ng trabaho niya. Biruin mo, tatawa ka kahit hindi naman nakakatawa ang sasabihin ng amo mo. Napakahirap niyon at maski ako, siguradong hindi iyon magagawa. Baka simangutan ko na lang talaga itong si Yven.
Nang matapos ang pilit nilang tawanan ay sa akin naman itinuon ni Yven ang kanyang pansin. I stared at him with my bitchy what? look. But he just smiled at me. But there is something on god damn sexy smile. Tila ba siyang may masamang balak. Iyong para bang isang kriminal na may masamang sadya sa buhay mo.
When he finally opened his mouth to speak, hindi niya inalis sa mukha ko ang kanyang mga mata. Buong akala ko ay sa akin siya makikipag-usap pero hindi.
"Jacob," ang pagtawag niya sa kanyang bodyguard.
"Yes, Mr. President? May iuutos pa po ba kayo?"
"How long will it take for us to reach the airport?" He asked and I tilted my head at him.
Bakit niya naman natanong? Ngayon ay patuloy pa rin ang ngiti niya sa akin. Tapos ay may lipbite pa siyang nalalaman. Inaakit ba niya ako? Gago ba 'to?
"Probably after fourty-five minutes, Sir." Ang mabilis naman na sagot ng bodyguard. His voice is also baritone and full of authority.
"Hmm," Yven started with a smirk that is directed at me. Matapos ay nagulantang talaga ang buong pagkatao ko nang bigla niyang pasadahan ng dila ang kanyang ibabang labi, "you would not mind if you heard some lewd noises here, right?"
Sa mga sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko. Ilang sandali muna ang lumipas bago ko inisip ang mga nasabi niya. Inisip ko kung tama ba ang narinig ko. Kung narinig ko ba iyon nang maayos kasi ayokong mapahiya at magmukhang assuming kung nabingi lang naman pala ako.
Pero, rinig na rinig ko eh!
Iyon talaga ang kanyang sinambit!
Nang marinig kong naubo bigla ang bodyguard ay talagang nahampas ko ang si Yven sa braso nang malakas! Badtrip ang lalaking ito! Wala talagang pinipiling lugar at kasama! Ang sarap bugbugin! Ilugar naman sana ang kalibugan! Nakakahiya sa ibang tao, oh! Buti ba kung kaming dalawa lang, eh. Kaso tatlo kami dito! Siraulo ba siya?!
"Masakit," he stated as he continued laughing. It's as if what he just dropped is bomb of a joke. Like he is the funniest joker alive. Doon ay lalo lang talagang nag-init ang ulo ko. Pinaghahampas ko pa talaga siya lalo.
"Ang sarap mong sapakin, oo!" Hinampas ko pa siya sa braso at akmang iilag siya pero sadyang mabilis lang talaga ang kamay ko. Kinurot-kurot ko pa siya sa pagitan ng paghampas ko. Gigil talaga ako!
"Ako ang Presidente, bawal kang maging boyolente sa akin." Ang sambit niya pa pero hindi ako nagpa-awat, muli ko siyang hinampas.
Walang Presidente sa akin kapag ako nainis! Pantay-pantay ang lahat sa mga mata ko kapag badtrip na ako! Kaya umayos talaga siya diyan kung ayaw niyang lumabas sa press conference habang nagrereklamo na nabugbog siya ng babaeng reporter ng VCB Station!
"Nakahanap ka na ng katapat mo, Sir." Jacob told us with a mild humor.
"Yes, a challenging foe indeed." Pagtawa pa ni Yven.
Ako naman ngayon ang tumingin kay Jacob mula sa rear-view mirror. "Bakit, iyong iba bang babae na sinasakay dito ng boss mo, puro takot sa kanya?"
That seemed to caught him offguard. I saw that he blinked for a couple of times before he answered. Tapos ang sagot niya pa ay sobrang maingat na kailangan niya pang sumulyap sa kanyang amo. Iyong para bang mula sa eye contact ay pinapa-verify niya kung tama ba ang mga sasabihin niya. Iyong para bang humihingi siya ng tulong.
"Walang ibang sinasakay na babae si Sir dito, Ma'am." He safely answered pero dahil reporter ako ay wala siyang kawala sa maiinit na katanungan na kaya ko pang ibato sa kanya.
"So, sa ibang kotse niya pinapasakay ang iba niyang babae? Hindi rito?" Ang pagtataray ko pang lalo.
Doon ay tila bang mas na-intimidate siya. I can sense that he is now secretly wincing. That he is now regretting why he chose to enter the narrative. Now, he has to endure all of my fire questions and safely answer it all for it will cost him his job.
"Hindi naman sa ganoon, Ma'am." He first mumbled, "ako na po ang magsasabi sa inyo, loyal at matino pong lalaki si Sir. Mas marami pong oras ang kanyang inilalaan keysa sa personal niyang buhay. Busy po iyan sa trabaho para maghanap pa ng iba. Lagi nga lang po kaming nasa Malacañang araw-araw. Umaalis lang kami kapag bumibisita na siya sa condo unit mo."
Napasingkit na lang ako ng mga mata. Halatang kinabisado ang sagot. Turo siguro ito ni Yven. Paniguradong ito ang lagi niyang script kapag tinatanong na siya ng mga babae ng kanyang boss. Duda talaga ako sa isang ito, eh. Mukhang pa-showbiz lang 'yung pa-life story niya na never siyang nagpakilala ng babae sa kanyang buong angkan at mga kaibigan.
"Kaya wala kang dapat ipag-alala kay Sir, Ma'am. Dahil alam ko po na kung ano ang loyalty niya sa bansa ay ganiyon rin ang loyalty na ibibigay niya sa iyo." The bodyguard continued his words, "kumbaga sa isang ulam, talagang kanin na lang po ang kulang kay Sir dahil nasa kanya na po ang lahat. Ikaw na lang po ang mamimili kung gusto mo pa ba ng kanin o hindi."
Ano raw? Hindi ko gets. Bakit nasama ang ulam? Pagkain ba itong boss niya? Kinakain? Sinusubo? Luh—pero sabagay . . .
I only poker faced at him. Paniguradong malaki ang tip na maibibigay sa kanya ni Yven. Ang ganda ng performance, eh. Convincing. Halatang hindi scripted. Kung magiging direktor nga ko, paniguradong kukunin ko itong artista kasi may potential na maging best actor of the year.
"I am telling you the truth, Zabi," it was Yven. He is now smiling wide at me as if proud na proud siya sa script na ginawa para sa kanyang bodyguard. "There is only one girl in my heart and mind and that is you."
Kinuha niya ang kamay ko. Akmang babawiin ko sana iyon nang higpitan niya ang pagkakahawak doon. Matapos ay bigla niya iyong hinalikan.
"Ikaw lang at wala nang iba." Ang dagdag niya pa.
Sinagot ko iyon nang malalang irap. He only laughed as if amazed on how I was able to roll my eyes that intensed. Isang pagtataray lang naman uli ang aking iginanti sa kanya.
Matapos niyon ay nag-asaran pa kaming dalawa. Si Jacob naman ay para bang audience lang doon na taga-tawa kapag bumabanat ng pick up line ang kanyang amo. Bilib na bilib talaga ako sa loyalty ng isang iyon.
Hanggang sa hindi na nga namin namalayan pa ang oras. Before we know it, we already reached NAIA. At doon ako biglang kinabahan.
"PAANO nila nalaman na papunta kami dito sa NAIA ngayon?!" Lonzo is evidently disappointed by how he shouted at the person on the other line. Tila bang ito yata ang tao na in-charge para hindi malaman ng mga reporters ang tungkol sa paglabas namin sa labas ng Pilipinas.
Ngayon ay napapangiwi na lang talaga ako. Mula sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang mga kaibigan kong reporter. At oo, andon na rin sina Thelma, Lijah at Walter!
Jesus Christ, hindi ko makakayanan ang reaksyon nila kung sakaling malaman nilang lulan din ako ng sasakyan na hinihintay nilang magbukas! Na hinihintay nilang for an ambush interview!
Big deal kasi talaga ngayon sa bansa ang bawat galaw ni Yven. As in, lahat ay nakabantay ngayon sa bawat desisyon niya. Lahat, ay handang husgahan ang bawat gagawin niya.
Lalo na ngayon. Paniguradong marami ang galit nang malaman nilang aalis ng bansa si Yven. Na parang bang lalayasan nito ang mga problemang kinakaharap ng bansa. Which is understable for me. Para lang kasi itong ideya ng magulang na iiwan ang anak sa sitwasyon ng kahirapan.
Basically, the Philippines are experiencing the most critical stage of its economic growth after the martial law. We are at its lowest. We are on the edge of hitting our rock bottom again. The least that Yven can do is to just contantsly find solution for it to be improved and not to just waste time in vacation. Kasi totoo naman, ang pangit niyong lalayasan niya ang problema ng bansa niya para lang sa isang luxurious na vacation.
Bigla tuloy akong nakonsensya.
I winced more when I darted him a gaze, "huwag na kaya tayong tumuloy? Baka lalo pang lumala ang issue na kinakaharap mo, eh. Ayokong makadagdag pa sa problema mo."
Pinatay na niya ang tawag. Matapos ay ibinulsa niya ang cell phone at huminga nang malalim. "We can not cancel the plan, Zabi. I know that this may appear like so irresponsible of me but I also deserved a break, you know."
Ngayon ay para siyang teenager na dismayado dahil hindi siya napayagan ng mga magulang na gumala. I can really feel his irritation. Maski naman ako, ganoon din ang nararamdaman. Planado ko na rin kasi talaga ang lahat. May mga nakalatag na nga rin akong pangyayari sa utak ko. Ang hinihintay ko na lang talaga ay ang magkatotoo ang mga iyon.
"At saka kapag bumalik naman ako, magiging sobrang hands-on na uli ako." Yven kept on protesting as if he is one of the rallyists against the government. As if the Filipino people could hear his current cries, "bakit hindi nila iyon maintindihan? Ilang araw lang naman ang hinihingi ko. Bakit hindi nila ako mapagbigyan?"
I heaved a deep sigh. Staring at him with my most genuine concern, I tell him, "well that was the perks for aiming for the highest position of the country."
I continued with now caressing his hand to calm him down, "that was the price that you have to pay after you run for Presidency last three years. Kaakibat ng kagustuhan mong maglingkod sa mga tao ang ideya na ano man ang mangyari, responsibilidad mo ang sagutin ang mga reklamo nila. Na sa kahit anong sitwasyon pa, Pilipinas ang una mong pipiliin kasi iyan ang inilaban mo nang piliin mong lumaban para sa posisyon na kung saan ka naroroon ngayon."
Isang malalim na hininga lang naman ang isinagot niya sa akin. Mukhang gumana naman ang pagpapakalma ko sa kanya dahil mukhang nawala din agad ang tensyon sa kanyang mukha. Ganiyon na rin ang mahigpit niyang pagkuyom ng mga kamao.
"Pero itutuloy natin ang plano, Zabi." He pushed more. "I want to continue this plan."
Mula sa kanyang mga mata ay mababakas talaga ang pagsusumamo para sa pagsang-ayon ko. At aaminin ko, plastic ako kung sasabihin kong hindi ako payag. Na mas dapat niyang unahin ang iyak ng Pilipinas keysa sa luxurious life namin sa Hawaii. Kasi oo na, toxic na kung toxic pero gusto ko talaga itong ituloy pa.
"Okay, kung iyan ang gusto mo." Sambit ko bago muling huminga nang malalim. "Ituloy natin ito."
"Great," Ngumiti siya sa akin. Matapos ay tumawag uli siya mula sa kanyang cell phone. At matapos niyon ay isang malawak pang ngiti ang siyang pumukaw sa kanya mga labi.
"Ready your face mask and cap, Zabi." He suddenly mumbled. Ngayon ay isinusuot niya na rin ang mga kasuotan na inutos niya sa akin na isuot. Agad ko naman siyang sinunod.
Bakit parang hindi maganda ang kutob ko dito? Don't tell me . . . Don't ever tell me . . .
"Susuungin natin ang mga reporter na iyan. Binigyan ako ng supervisor ng special entrance para sa mga matatas na official ng Pilipinas."
Then he darted his gaze at his bodyguard, "Jacob, doon mo idadaan itong sasakyan. Make sure you drive safely and faster."
What the fuck?
Seriously?!
Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kakaibang kaba na biglang namayani sa aking dibdib. Napalunok na lang talaga ako.
"All we have to do now is to just cover our faces inside this vehicle." He continued speaking. Now directing his gaze at me, "kasi alam mo naman ang mga camera ng journalists ngayon. Kahit na tinted na ang sasakyan ay natatanaw pa rin talaga nila kung sino ang taong nasa loob. Ayoko lang talaga na mapahamak ka at mangyari ang pinakainaayawan mo—ang maging laman mg showbiz chismis."
"Right," I winced, "buti naman at alam mo."
Umirap pa muna ako sa kanya bago niya muling inutusan si Jacob na muling paandarin ang sasakyan. Itinuro niya rito ang direksyon na sinabi ng supervisor.
Nang mapatingin naman ako sa mga kapwa ko journalist ay para silang mga zombies na tumakbo patungo sa sasakyan. Nag-uunahan silang makakuha ng pictures ng sasakyan. And seeing them made me wonder how would I look like noong ganiyan ang ginagawa?
Nakakabawas poise pala talaga!
Ngayon kasi ay kitang-kita ko sina Thelma, Lijah at Walter na nakikipagpaligsahan sa mga reporters. At oo, isa na doon si Ayesha na ngayon ay hinihila si Thelma.
As in, para talaga silang mga zombies na gutom na gutom.
Ano ba, guys?!
Kami lang 'to, oh!
Paniguradong masasaktan ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila ang tungkol dito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top