Episode 27: Sigh

JUST like a domino effect, everything is a reflection of what we chose to decide from our present. One move and everything will be affected. And one wrong move will lead to another. The outcome of our decision is a constant reminder that our life is connected with one another and that we are responsible for the effect of the path that we have chosen.

Katulad na lang ng nangyayari rito kay Yven. When he chose to run for Presidency last three years ago and motivated the people to vote for him, he should have known better. Dapat, hinanda na niya ang sarili sa mga pwedeng mangyari. Dapat alam niyang isa iyong responsibilidad na nangangailangan ng mas malaki pang solusyon.

Isang bansa ang niligawan niya. Ilang milyon ang lumaban para sa paniniwalang siya ang deserving sa pwesto. Nang makuha na niya ang puso nito at sagutin siya nito, dapat ay handa na siyang pagsilbihan ang mga ito nang tama. Sa kung papaano niya ipinangako ang langit sa kanila, dapat ay gayon din ang pagbalik niya ng tiwala sa kanila.

Langit ang kanyang ipinangako at dapat ay tumbasan niya iyon ng totoong langit-kaginhawaan para sa mga mahihirap, maraming trabaho, matibay na pundasyon para sa agrikultura, at higit sa lahat, katapusan ng kurapsyon.

Pero hindi niya nagawa.

Kasi hindi niya kaya. Kasi lahat ng pinangako niya ay isa lamang pangakong nakasulat sa buhangin. Pangakong hindi niya naman kayang panindigan pero sinabi niya pa rin para lang manalo.

Kaya ngayon heto siya, problemado sa kahirapan na nararanasan ng buong bansa. Sa pagtaas ng poverty rate, hindi ko na rin masisi kung bakit marami ang piniling mag-rally laban sa kanya. Kung bakit marami ang mas gustong kalabanin siya keysa kampihan. Gutom at pagod na ang mga Pilipino, they deserve better and they will always speak out for it.

Mga Pilipino ang naghalal sa kanya at mga Pilipino rin ang maaaring magreklamo sa serbisyong ibinibigay niya. Higit sa lahat, sila ang may karapatan na lumaban kapag alam nilang hindi na tama ang nangyayari. Sila ang higit na mas makapangyarihan sa lahat dahil nakatira kami sa isang demokratikong bansa. And the people should always be heard.

Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan ni Yven. Inilapag na niya sa mesa ang news paper, seems like he surrendered from the problems that only welcomed him there. Like, all he wants right now is to just take a break and breathe. Because everything appeared to be suffocating right now.

Doon ay minabuti ko na lang na ibahin ang topic. Kasi aaminin ko, pati ako ay stress na rin. Pati ako, nadadamay sa stress niya. Ganito kasi talaga ako, kapag alam kong hindi okay ang kasama ko ay nahahawa ako.

"Matanong ko nga," I started, "curious talaga ako. May ginagawa ka ba talaga bilang Presidente?"

All of the words slip from my mouth even before I stopped myself. Teka, bakit parang mas stressing yata iyong natanong ko? I winced and I really want to hit myself right now.

Mabilis niya akong tiningnan. Matapos ay ngumuso siya. Tila bang offensive talaga ang natanong ko.

"Oo naman," he replied quickly, there is a defensive tone on his barritone voice, "maya't maya akong nagpapatawag ng meeting para masolusyunan na ang mga problemang ito, ang kaso lang . . "

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. He just heaved a deep sigh as if he is so close at the edge of his sanity. Na para bang nasa rurok na siya ng kahibangan, at kaunti na lang talaga ay mahuhulog siya doon at mababaliw na lang nang wala sa oras.

"Wala lang, naguguluhan lang ako kasi parang ang dami mong time sa akin," I tilted my head. "Na parang lagi kang bakante? Ang expected ko kasi, maya't maya kang may katawagan. Maya't maya kang may inaasikaso. Iyong busy ka talaga tapos wala akong mahihinging oras sa iyo."

He is intently listening at me. There is a slight smile on his lips the moment he appeared to realize my point.

"Gets mo?" Pagpapatuloy ko," iyong parang everytime na lang, aalis ka nang walang paalam tapos maiiwan na lang ako dito lagi. Iyong maghihintay lang ako hanggang sa mabigyan mo naman ako ng oras. Ganoon ba."

Bahagya siyang napatawa. "Isa lang ang sagot ko diyan," and then the side of his lips lifted to form a sexy smirk, "Its for the reason that I always find my peaceful rest in you."

He held my hand then he continued to explain, "you are my battery. Everytime na lowbat ako sa lahat ng problemang hinaharap ko, umuuwi ako rito para magpahinga. Kasi ang condo mo ang pahinga ko, at ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas. You are my fuel everytime the issues and problems of our country is draining the shit out of me."

"Ang corny mo," ang panira kong sabi. May pag-irap pa ako habang natatawa.

Doon ay natawa na lang siyang umiiling habang nakatingin sa akin. Aniya, napakahirap ko talagang pakiligin. Ani ko naman, paano ako kikiligin eh napaka-corny naman kasi talaga!

That day ended with him suddenly bidding his good bye to me. May biglang tumawag sa kanya at biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Parang may problema na naman kaming mairereport next week. Aniya, may emergency meeting lang daw sa Malacañang. I just nod my head at him and told him to take care. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya kasi mukhang nagmamadali talaga siya. At ayoko nang makadagdag pa sa stress niya. Kahit papaano naman ay naawa rin ako sa kanya.

Matapos din niyon ay umalis na siya. Mabuti na lang talaga at walang nakakahuli sa kanya kapag bumababa na siya sa lobby. Magaling din kasi talagang magtago ang isang iyon. Kapag naka-face mask na ay nag-iiba na ang hitsura.

Idagdag pa rito na sanay ang mga taong nakikita siyang nakasuot nang formal. Iyong disente siyang tingnan. He took advantage of it. Nakasando lang siya or something na musculine kapag pumupunta dito sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit parang walang nakakahalata sa mga kapitbahay ko na kapitbahay lang din naman nila ang Presidente ng Pilipinas. Mas mukha kasi talaga siyang undiscovered model or actor kapag nakaganoon siya. Wala talagang bakas ng pagka-Presidente ang makikita mo kapag iyon na ang kanyang kasuotan.

KINAHAPUNAN, minabuti kong mag-grocery na lang muna. Next week kasi ay makakabalik na ako sa trabaho kaya panigurado, wala na naman akong time para mag-grocery. Now that I am closed to fully heal, the last thing that I want to eat again is unhealthy food from fastfood chains. Nakakatakot na, baka magkasakit na naman ako tapos hindi na naman makapagtrabaho.

Ngayong nasa akin pa rin ang spotlight ay dapat ko itong gamitin nang tama. I have to utilize it and us it to my own advantage. Maraming isda sa dagat, baka one day, hindi na ako ang isdang gusto ng mga tao. Kaya habang nandito pa ako, habang nasa akin pa ang kanilang atensyon, ilalaban ko ito at hindi ko hahayaang may magpahinto na naman para umalagwa patungo sa pangarap ko.

Ngayon ay hila-hila ko na ang cart. Puno na ito ng mga gulay at karne ng manok at baboy. And I am mentally taking notes to make sure na manonood ako mamaya ng different cooking vlogs. Kasi news flash lang naman, 'di ako marunong magluto. Magiging useless lang din lahat ng binili ko kung hindi ako magluluto. Ayoko namang iasa lahat kay Yven kasi kilala ko ang lalaking iyon, lahat ay may kapalit para sa kanya.

Nang masiguro ko nang nabili ko na ang lahat ay nagtungo na ako sa cashier. Binayaran ko na ang lahat tapos nagpa-assist din ako sa mga bagger boys para tulungan akong ilagay ang mga ito sa kotse ko. Binigyan ko na lang sila ng tip na one hundred pesos.

Matapos din niyon ay dumiretso na ako pauwi. Wala na akong ibang dinaanan. I tried hard not to take a glance sa mga mapanuksong bilihin na kumakaway sa akin. Basta idiniretso ko na lang talaga ang mga mata ko at hindi na tumingin sa iba pa.

Naalala ko noon, noong nagsisimula pa lang akong kumita ng sariling pera, waldas dito at waldas doon talaga ako. Every after kong mag-grocery, lagi akong dumadaan muna sa nga coffee shops or bumibili ng expensive bags and dresses. Minsan, kahit nga hindi ko naman kailangan bumili ng mamahaling gadgets ay bumibili ako. Ewan but I really find it satisfying.

Pero habang tumatanda talaga tayo ay nag-iiba ang tingin natin sa mundo. Lumalaki ito para sa atin. Kaya nagsisimula tayong mangamba patungkol sa ating resources. Na sa laki ng mundo, baka bukas o makalawa ay maubusan tayo ng panggastos. Na baka magutom na lang tayo kung hindi natin paghahandaan ang lahat. Kung hindi natin iingatan ang kung anong mayroon tayo. Kung hindi tayo magtitipid at bibili na lang nang bibili ng kung ano-anong bagay na hindi naman kailangan.

Doon na talaga ako nagsimulang mag-ipon at magtipid. Iniisip ko na rin kasi na bumili ng sariling bahay kasi alam kong kapag nagkapamilya na ako, maliit ang condo unit ko para sa amin. Mabuti na iyong may nakahanda na keysa naman na-enjoy mo nga ang buhay single pero noong may asawa at anak ka na ay bigla ka namang mawawalan.

Kahit babae ka, dapat kaya mo rin na makapag-provide ng pangangailangan ng pamilya.

Ito rin ang isa sa mga realization ko sa buhay. Ang babae ay hindi pangbahay lang. Babae kami at hindi babae lang. Nandito na tayo sa modern world kung saan hindi na kami umaasa lang sa lalaki. Na kahit papaano, kumikita na rin kami ng pera. Na nakakapag-provide na rin kami sa pamilya.

Kung dati, ang mga babae ay laging demotivated para makapag-aral at makapagtrabaho, ngayon ay hindi na. Ang dating ideya na ang lalaki ang dapat laging malakas at makakapag-provide sa pamilya, ngayon ay nabago na talaga.

Nandito na tayo sa era kung saan equal ang lahat. Na nagagawa na ng parehong kasarian ang role ng isa't isa. Na hindi lang nahahanay sa isang kasarian ang mga gawain dahil lahat tayo, may role na dapat punan para sa bawat isa.

This is a lot better than the old times.

Nang makauwi na ako ay agad akong nanood ng cooking vlogs. Oo, magluluto ako para naman matuwa sa akin si Yven. Naaawa na kasi ako sa lalaking iyon. Stress na nga sa pagpapatakbo ng bansa, lalo pa siyang stress sa akin kasi pag-uwi-este pagbisita niya rito ay wala pang pagkain. Na dapat niya pa akong pagsilbihan. Na dapat pa siyang magluto keysa magpahinga na lang.

Ang napili kong lutuin for tonight ay ang lumpiang shanghai. Actually, hindi naman talaga ito iyong actual na cooked food na paghihirapan ko talagang lutuin. Kasi basically, paghahalo-haluin mo lang naman ang mga sangkap tapos ibabalot sa wrapper then ayon na, pwede na siyang iluto.

Pero not bad para sa katulad kong starter pa lang. At saka magrereklamo pa ba si Yven dito eh ako na nga ang nagluto para sa kanya? Hindi ako ito pero ginagawa ko para lang sa kanya kaya 'wag na siyang maarte diyan.

Ilang oras din ang nakalipas ay naluto ko na rin ang lahat. Medyo hindi naman ako nahirapan. Okay lang naman ito. Siguro, mas mahihirapan ako kung caldereta o menudo ang pinili kong lutuin.

Inilapag ko ang mga niluto ko sa lamesa at pinili na lang na magpunta sa sala para manood ng balita. Kailangan ko na kasing maging updated ngayon para next week, alam ko na ang mga balitang priority kong bigyan ng pansin.

Ito ang isa sa mga essential para sa aming mga reporter. Dapat alam namin ang trend. Dapat lang talaga na member kami ng bandwagon kasi kung ano ang uso ay ang siya naming hahabulin makakuha lang ng exclusive. People will always want to know about the things that are trending.

Nang magsimula na ang balita ay ang report ni Ayesha ang unang bumungad sa akin. I winced and then rolled my eyes. Mabilis kong inilapat ang channel at sakto namang si Thelma ang nagbabalita ngayon.

Ang content ng kanyang report ngayon ay ang kanyang sit-in interview with the Vice President na ipapalabas sa linggo. It was an exclusive interview na talagang inaabangan ng mga tao. Nararamdaman ko nga na pagbalik ko, baka makuha rin sa akin ni Thelma ang spotlight which is okay lang naman sa akin. Basta 'wag lang talaga si Ayesha!

Pero yes, si Vice President Ellias Segundo ang number 1 enemy ni Yven ngayon. Siya ang nangunguna sa pagsasalita everytime may pagkakamali ang Presidente. And I can't really blame him for that. He occupied the second highest position in the country and if ever may isa mang magsasalita laban sa pagkakamali ng Presidente ay siya iyon.

Hindi lang naman ang pumalit sa Presidente ang trabaho niya ngayon. Trabaho niya rin talaga ang pumuna kasi after all, kung para naman iyon sa ikagaganda ng bansa, sige lang. At saka knowing the Vice President, he is kinda good and has morale for his job. He deserved to speak up lalo na't ngayong mas maganda ang pinapakita niyang performance keysa kay Yven.

VP Ellias knows how to allocate resources na ipinagkakait sa kanya ni Yven dahil oppositon member ito. Pero kahit na walang pondo na matanggap mula sa gobyerno ay nakakahanap pa rin talaga siya ng mga sponsors para mapunan ang mga kailangan ng tao lalo na kapag may krisis at sakuna.

Surely, if he will run for Presidency next election, I will initially vote for him. Kailangan na natin ngayon ng leader na may pagmamahal sa lahat ng klase ng Pilipino. Ang leader na kayang mag-utilize ng kung ano bang resources ang nakalatag sa pondo. At isang leader na may matatag na paninindigan at talagang titindig kung alam niyang may mali.

Nanood pa ako nang nanood ng mga balita pero sa huli ay ako na lang talaga ang sumuko. It was really stressing that I just want to just blind myself to the reality, make myself deaf from the loud noises of the problems of the country, and be delusional that everything will turn out good soon.

Makaraan din ang ilang saglit ay dumating na si Yven. He is wearing a white tank top now and a gray jogger shorts. This look of him is my favorite. Bukod kasi sa ang linis niyang tingnan ay ang sarap pa. His prominent muscles are really to die for. Sinamahan pa ng maamo niyang mukha.

"Nagluto ka?" He asked as he glanced from the kitchen then to mine.

I only shrugged and crossed my arms as if it not something to big deal with. "Yes, bakit? May problema ba-hey!"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Sumubsob tuloy ang labi ko sa malapad niyang dibdib. Naamoy ko ang panlalaki niyang amoy. It was really manly. Gosh this man, pati ang amoy ay gwapo rin.

We stayed that way for awhile. And I just let him. Then one moment after, I can now feel him exerting a couple of sighs.

"It was a tiring day and this gesture really energized me, Zabi." Ang sambit niya pa.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay bago umirap. "Hindi ko naman iyan niluto para sa iyo. Trip ko lang kaya ko ginawa. Will you please stop assuming things?"

Natawa na lang siya. Ngayon ay iiling-iling siya. It's as if he is saying I am too much to handle. Pero pagsisihan niya ito. Ginusto niyang guluhin ang buhay ng babaeng indennial, eh.

"Totoo naman, ah-"

He gave me a quick kiss. Doon ay bigla akong sininok. Pero magsasalita na sana akong muli nang bigla niya na naman akong halikan. And this time, it was not a quick kiss. It was a gentle kiss that soon became a giddy one.

He is really professional with this. His kiss is fucking good that I am just always finding myself responding to him. Like a victim who is under his spell, I can't get out from it. It's inevitable to escape at.

"I think, I am in love with you." He mumbled as he caressed my face.

I found my cheeks heating up from what he just revealed. Then I felt a zoo on my stomach. Para bang nanghina ako sa mga narinig, kumalas ako mula sa pagkakahawak niya at pilit na umubo.

Bakit parang ang dali-dali lang sa kanya na sabihin ang bagay na iyon?!

"Puro ka kalokohan," I started, still not giving him a gaze, "kumain na nga lang tayo."

"Alright," his barritone voice came.

Hinawakan niya ako sa kamay bago hinila patungo sa kusina. Nagpatianod lang naman ako sa kanya. Pigil ang ngiti ko habang nakatingin sa kamay naming dalawa.

With this reaction of him . . . Baka magustuhan ko na talagang magluto para sa kanya araw-araw.

×××

Author's Note:

The best people in life are free. ⚘️✨️

Happy 788,400,000 seconds of breathing, self. Live well and continue to move forward. We can do this. 😁

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top