Episode 21: Unfaithful

DAYS went in like a blur. Before I knew it, isang linggo na pala ang nakakalipas.

Last week, nang bumisita muli si Yven sa condo unit ko ay ang kaso ni Leticia ang una kong tinanong sa kanya. Even him was shocked. Wala raw siyang ibang kinontact the moment na nasa airplane na siya. And also, he has nothing to do with the poor girl. Kasi after all, albeit he never like the idea of her being an activist against him, he still respect her choices. Because as per him, we are living in a nation for which democracy rules. Wala na siyang magagawa sa kung anong gustong gawin ng mga tao.

Dagdag niya pa, baka raw isa lang itong propaganda para sirain pa siya ngayong marami siyang kinahaharap na issue. And then when I asked him more details about it, he refused to say it. Mas mabuti na raw iyong wala akong alam sa kung gaano kabaho at kadumi ang sistema na nalanalaytay sa politika ng Pilipinas.

That time, I didn't push him even further because the first thing that I want to do is to cuddle with him. I effin miss the guy. Tatlong araw siyang nawala. And swear, nang makabalik talaga siya ay pinagbigyan ko siya sa isa na namang indirect sex.

And yes, we are now in a position where I am really confused about our label. Yes, we do things that lovers only can, pero keysa mapagod sa kakaisip ay hinahayaan ko na lang talaga ang sarili na magpadala sa daloy ng sitwasyon.

Pero ayon, it didn't last long kasi madalas talaga ay busy si Yven. May mga gabi na hindi siya nakakabisita sa gabi. May mga umaga na hindi ko na siya naaabutan. Katulad na lang kanina. Nagising na lang ako na wala na siya.

Aniya, nasa Mindanao raw siya ngayon para sa isang meeting with the other local politicians. Sobrang hands on kasi talaga niya bilang isang Presidente, ito ang gusto ko sa kanya. Siya ang pumupunta sa iba't ibang lugar para makipag-usap. 'Di siya pa-VIP, gusto niyang siya ang sasadya dahil siya naman daw ang may kailangan.

Well, may energy pa naman kasi talaga siya para gawin iyon. He is the youngest President in the history of the Philippines and he is also musculine. He is still healthy and fit for his age.

KATULAD ng napag-usapan namin last week, ngayon ay nandito ako sa isang sikat at malaking mall sa Manila. Makikipagkita ako kina Thelma, Walter at Lijah. Ngayon kasi ang araw kung saan namin in-sched ang bonding namin.

"At last! Nandito na rin ang bruha!" Ang unang nasambit ni Thelma nang makapasok na ako sa korean restaurant kung saan kami nagpa-reserve last week. Maraming tao rito ngayon. Puro mayayaman kaya't mga walang pakialam kahit mga reporter pa kami.

I rolled my eyes at her playfully. "Atleast, dumating."

"Alam mo, hindi ka na talaga nagbago." Ang paninimula ng sermon niya nang makaupo na ako. Ngayon ay sinisimulan na nina Walter at Lijah ang pag-grill sa karne. "Naalala niyo ba iyong moment na napagalitan 'to ni Mrs. Gaston kasi ang pasok ay 7 AM, dumating ng 9 AM? Ang galing!"

Natawa ako. Aaminin ko naman, may problema talaga ako pagdating sa oras. Bukod kasi sa mabagal akong maligo ay mabagal rin akong mag-ayos. Ginagawa ko naman ang lahat maayos lang 'to. Gumising ako nang mas maaga pero wala, na-le-late pa rin talaga ako.

"Yeah, I remember it." Lijah laughed. "After that day, Zabi became Mrs. Gaston's number 1 enemy in our block."

Dumagdag at gumatong pa si Walter na ngayon ay binabaliktad na ang karne. "Ikaw ba naman, sagutin ka ng estudyante mo nang pabalang? Sinong 'di maba-badtrip dito kay Zabi?"

We all laughed.

Natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ang araw na iyon. Iyon din kasi ang araw kung saan mayroon ako. At kapag iritable kasi ako, nakikipagsagutan talaga ako kahit sino pa ang kaharap ko.

Well that time, pinahiya kasi ako ni Mrs. Gaston sa buong klase. She told me and the whole class that I am not responsible enough to be a reporter. That she is looking forward for my failure.

Everything turned red talaga sa akin noong mga oras na iyon. Ako kasi iyong tipo ng tao na ayaw ng namamaliit. Ayaw nang nahuhusgahan sa pagkakamali ko. Iyon ang rason kung bakit ako sumagot ng, "I will be a famous reporter someday, and your miserable life will be my first ever report."

And yes, to my surprise, it really did happened. Nang magsimula na ako bilang isang reporter, ang buhay niya ang una kong ni-report. She was murdered by his live in partner who is a drug addict. This part of my life will always give me chills.

"What a coincidence," Thelma is laughing. "I want to feel bad for Mrs. Gaston's soul but I just can't help it. May sa propeta 'tong dila ni Zabi. Nakakatakot maging kaaway, jusko."

Umismid ako sa kanya. "Kaya matakot ka na. 'Wag mo na akong bwisitin."

Doon ay nagtawanan uli kaming lahat. Matapos ay nagsimula na kaming kumain. And swear, the manirated meat is great. Bagay na bagay siyang ipartner sa lettuce and at the same time, i-deep sa melted cheese.

Habang patuloy sa pagkain ay nag-usap pa kami tungkol sa kalokohan namin noong College. Nandito iyong katorpehan ni Lijah. Ang pagiging marupok ni Thelma. Pero sumentro talaga ang lahat kay Walter na number 1 cassanova ng batch namin. Lima-lima ba naman ang girlfriend kada semester?!

"Alam mo, hindi ko alam paano mo napagkakasya ang oras mo para 'di mahuli ng limang babae na iyon." I am laughing hard.

"Ay naku, Zabi." Si Thelma, "h'wag ka nang magtaka dahil paniguradong matagal na niya iyang ginagawa! Tingnan mo, parang easy lang talaga sa kanya!"

Walter scowled at us while munching his food. "Alam niyo? Judgemental kayo."

"Iba ang judgemental sa nagpapakatotoo kasi tandaan," I stared at Lijah and Thelma, at sabay-sabay kaming sinambit ang paboritong linya ko, "hindi paninira ang pagsasabi ng katotohanan."

"Walang hiya, full force pa nga." Napangiwi na lang talaga ang lalaki. Kami naman nina Lijah at Thelma ay tawa lang nang tawa sa kanyang mukha.

Doon ay nagpatuloy pa uli kami sa pagkain. Hindi na namin namamalayan na nauubos na pala namin ang lahat ng pagkain. Na sa pagdaan ng mga oras, hindi na namin namamalayan ang oras.

We are here just enjoying the time we are spending with each other.

At doon ay naniniwala nga akong what makes a good food is when we eat it with our friends. Kasi kahit na anong mangyari, mas nagiging masarap ang pagkain kapag kasama natin ang mga paborito nating tao—ang barkada.

One more moment has passed, pare-pareho na kaming busog. At dahil nga unli-pork ang korean restaurant na ito ay kailangan naming ubusin ang natitirang pagkain kung ayaw naming magbayad ng additional fee for that.

Ito talaga ang ayoko sa mga restaurant na may eat all you can promo, eh. Imbes kasi na na-e-enjoy mo iyong pagkain ay hindi mo iyon nagagawa dahil nauuna sa 'yo ang pressure na kailangan mo iyong maubos kung ayaw mong magbayad.

"Ubusin mo na 'yan, Walter." I told him, "kayang-kaya mo na 'yan." Siya kasi itong malakas kumain sa amin.

Napapangiwi ako sa kabusugan. Pakiramdam ko ay ma-e-empatcho na talaga ako mamaya.

"Luh? Anong tingin mo sa akin? Dalawa ang tiyan? Kakaubos ko nga lang niyong natira sa plato mo, eh." Ang reklamo naman ni Walter. Sabay untog niya ng balikat sa kanyang katabi. "Busog na ako, itong si Lijah na lang."

"Busog na rin ako." Lijah is grimacing innocently.

"Ay nako! Itabi niyo nga! Ako na!" Ang sambit ni Thelma kaya't napatingin kami sa kanya.

Akala ko ba ay diet ang babaeng ito? Gumagastos pa nga 'to ng libo-libo para lang magpa-sexy. Seryoso ba siya? Siya talaga ang kakain sa natitirang grilled pork?

Pinanood lang namin ang babae. She is now putting all of the meat on a large lettuce. Napapakurap na lang ako kasi sa laki niyon, paano niya kaya iyon maisusubo?

"Simple problem, can not be solved!" Umirap pa muna sa amin ang gaga bago bigla, halos matawa ako nang malala noong isinilid niya ang pagkain sa kanyang bag. "Edi tapos! May dinner pa ako mamaya!"

Lahat kami ay nagtawanan nang malala. Puro talaga kalokohan! Pero I must admit, I was amused. Ang talino niya sa part na iyon!

Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na kami sa restaurant. Nauna nang lumabas sa mall sina Walter at Lijah. Kami kasi ni Thelma ay may bibilhin pa sa Watson.

"Grabe, teh. Nakakalula 'yung pagkain kanina, mukhang magtutubig na lang talaga ako bukas!" Thelma is wincing as we walk at the pathway of this mall.

"Hoy, baka magkasakit ka na niyan." Ang panenermon ko naman. "Hindi masamang mag-gain ng weight, 'wag ka lang magkasakit—"

"Teh . . ." Ang pagputol niya sa akin. Napahinto pa siya sa paglalakad kung kaya't kunot noo akong pinagmasdan siya.

"What?"

"Si President Yven ba 'yon?" Itinuro niya ang isang restaurant na nakaharap sa aming direksyon.

Doon ay agad niyang napukaw ang atensyon ko. Tumingin ako sa kung saan nakabaling ang kanyang mga mata. And from the transparent wall, I can really see him . . . Yven.

It was really him.

And he is eating with a girl.

I squinted my eyes as I balled my fist. Akala ko ba ay nasa Mindanao siya ngayon? Eh, sino itong kasama niyang babae? At teka ha, wala man lang siyang sinabi sa akin na nandito lang pala siya sa Manila?

"Tara, teh! Magandang scoop ito!" Tuwang-tuwang sambit ni Thelma na taliwas naman sa nararamdaman ko ngayon. May kirot sa aking dibdib na hindi ko kayang balewalain.

"Shet! 'Di ko naman alam na magkakaroon ako ng exclusive ngayon! Thank you, Lord! Purihin ka! Purihin ka!" Sambit pa ni Thelma habang dali-dali kaming pumapasok sa restaurant na iyon.

Naupo kami hindi kalayuan sa pwesto nina Yven. Habang abala si Thelma sa pag-video sa kanila ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Grabe, ganito pala kapag walang label.

"Hindi ba si Mariztella Buenaflor iyan? Iyong spokeperson niya?" Thelma asked and I only nod.

Nang dumating ang waitress ay wala akong pakialam, si Thelma ang um-order para sa akin. Basta ang naririnig ko lang, nagtataray iyong waitress dahil ang gusto yata ng gagang ito ay milktea eh wala naman n'on dito. Sa huli ay napagkasunduan na kape na lang ang aming order-in.

Pero talagang napakapit ako sa cell phone ko nang mahigpit nang bigla, pinunasan ni Yven ang gilid ng labi ng babae.

Shet . . .

Tangina . . .

"Huy, ayos ka lang?" Thelma asked me after a few minutes.

Tumango lang ako sa kanya. Pilit na itinatago ang hindi maipintang sakit sa mukha ko. The last thing that I want her to know is that I am hurting . . . that for some dumb reasons, I let myself to be in this situation.

Walang label.

Kaya walang karapatang masaktan.

Pero tangina lang, ang sakit pa rin eh.

"Grabe, pwede pala 'yon sa gobyerno? Iyong jowa mo ang tauhan mo?" Sambit ni Thelma habang patuloy lang sa pag-vi-video sa dalawa.

Nang dumating na ang order namin ay hindi pa rin natatapos sina Yven sa pagkain. Ang in-order ni Thelma ay kape lang naman. Tamang-tama para pangpatunaw sa dami ng kinain namin kanina.

Pero kung gaano kainit ang kape ay ganoon rin ang init ng kirot na namamayani sa dibdib ko ngayon. Habang patuloy kami sa panonood sa dalawang ito ay patuloy lang din akong nasasaktan.

Ngayon ay patawa-tawa pa silang dalawa na parang walang nagagalit dito sa hindi kalayuan! Ito namang si Yven, kung makangiti sa babaeng ito ay wagas.

Punyeta, ang sakit niyo.

Makaraan naman ang ilang sandali ay tumayo na rin ang dalawa. Inalalayan pa ni Yven ang babae para makatayo. Ang lumpo naman ng babaeng iyon. Nagsuot na uli ng face mask na itim si Yven. Gayon na rin ang babae. At nang tuluyan na silang lumabas ay doon pumalakpak nang malala si Thelma.

"Shet! May exclusive na talaga ako!" Ang pagdidiwang naman ni Thelma na agad kong pinutol.

"That is more of a showbiz report rather than a news scoop. I bet my life, kukunin iyan ng supervisor mo para lang maging content ng showbiz news anchor niyo. Hindi mo iyan mapapakinabangan."

"Ha?! Totoo ba?"

I nod at her. Still hurting secretly. "Hindi ba kapag news, dapat verified ang ihahayag mo? Ang natunghayan mo kanina ay mere speculations pa lang naman. Wala pang napatunayan. Kasi kahit na gaano pa ka-sweet ang dalawang iyon, pwedeng-pwede nilang itanggi na magkaibigan lang talaga sila and if that happens, you'll be known as one of the reporters who is a fake news peddler. Worst case scenario, people might hate you."

Sa hindi malamang dahilan ay bakit para bang ang indennial ng tono ko ngayon? Na para bang hindi ko kayang paniwalaan ang lahat ng ito.

"Eh, bakit iyong kay Ayesha! Naka-exclusive siya noong i-scoop niya ang paglabas ng Presidente sa isang condo na walang suot kung hindi twalya lang?!"

Alam kong i-re-rebut niya iyon. "News worthy iyon kasi may evidence. Interesting kasi maraming nakakita. And more over, walang lusot kasi kitang-kita rin doon na ang mga bodyguard ng Presidente ang sumundo sa kanya sa lobby ng condo building plus, may supporting details pa na interview from the manager na mismong nakausap ng Presidente."

Tumingin ako sa kanya na parang kinukwestyon ang pagiging reporter niya. "Eh dito? Sino ang pwede mong kausapin para maging supporting details mo? Tayo lang ang customer dito. Walang iba. So sino ang iinterview-hin mo? Iyong waitress na mataray?"

"Kahihiyan!" Napa-facepalm na lang talaga siya. "Pero 'di bali na, kapag naman isinend ko ito sa team ng showbiz news, makakaganansya pa rin naman ako ng malaking pera kaya kahit papaano, panalo pa rin ako!"

I pokerfaced at her. "Ikaw, ang hilig mo talagang gumamit ng ibang tao para lang magkapera. Tutuktukan kita diyan ng isa, eh."

Tumawa lang naman siya nang tumawa. Habang ako, may sakit sa puso habang sinusundan kung papano maglakad papalayo sina Yven at si Mariztella. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan bago ko ibaling ang mga mata sa ibang direksyon.

I hate this.

I hate that I am hurting.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top