Episode 20: Youth

MAKARAAN din ang ilang mga minuto, nagsidatingan na ang mga kabataang nagsasagawa ng isang rally dito sa Malacañang. They are all wearing black. Their faces are painted with red. And their eyes? They are all raging.

Just by looking at them, I know that this is not going to be a peaceful one.

Mahirap kasing galitin ang mga mulat na kabataan. Mahirap silang kalabanin dahil sa ilang taon ko nang pagiging reporter, ito talaga ang isa sa mga nalaman ko. May matigas na paninindigan ang mga kabataan. 'Di gaya ng mga matatanda, mas intensed sila pagdating sa pag-alma. Kung karapatan na nila ang nadudungisan, sila talaga ang mauuna sa pila para tuligsain ang gobyerno para pakinggan sila.

Which is I find okay.

Kasi wala naman talagang masamang mag-rally kung may dulot ito. Walang masamang ipaglaban ang karapatan mo kung naruruyakan na ito. Kasi at the end of the day, walang mali sa paglaban—may mali kaya ka lumalaban.

I sighed as I continued staring at the activists. Ngayon ay nagsisimula na sila sa pagpo-protesta.

"Ano bang nangyari? May namatay na naman ba?" I asked Thelma na ngayon ay nasa tabi ko.

Isa kasi sa issue na kinakaharap ngayon ng administrasyong Laxamana ang buwan-buwang pagkawala ng mga kabataang aktibista. Lahat ay mga estudyante ng mga state universities. Lahat ay may mga nasabing masama sa gobyerno.

Their sudden disappearance is still a mystery—all it are still unsolved. Which is alarming para sa seguridad ng lahat. Lalong-lalo na para sa mga kabataan. Isa talaga sila sa mga nangangamba sa kung anong nangyayari. Kasi 'di naman pwedeng nagkataon lang ang lahat. Na sumakto lang na pare-parehong aktibista ang mga nawawala o ang mga namatay.

May gustong magpatahimik sa kanila, at ginagawa iyon ng mga kriminal sa maling pamamaraan.

Pero bilib talaga ako sa tapang ng mga kabataan na ito sa aking harapan. Kahit na natatakot. Kahit na kinakabahan, nandito pa rin sila para tumindig. Para lumaban. Kasi alam nila, they can make a difference. That their voices should be heard.

They only want nothing but the best for our country. Why won't we try to sit down and hear them out? Why won't we give them the chance for us to realize that maybe, maybe there is a void in our current system?

They really remind me of my younger self. Dati kasi ay active talaga ako sa mga ganito. Pagtaas ng tuition fee? Revising history? Corrupt politician? I am always in to make my voice be heard. Wala eh. Kapag kasi namulat na ang mga mata mo, kasalanan na ang pumikit.

Minsan kasi, alam kong radikal ang manahimik. Pero ang mali ay mali pa rin. We are not doing such things only to cause damage or chaos. We are doing that because we want to achieve the kind of peace that is genuine. The kind of peace with a touch of honesty, without any corruption and wrong doings hiding behind our leaders' pockets.

Tumigil lang talaga ako sa ganito nang maging reporter na ako. Kasi siyempre, TV station ko na ang dinadala kong pangalan. 'Di na ako pwedeng gumawa ng bagay na alam kong kahit tama ay ikasisira pa rin ng mga nasa paligid ko. Pero kahit na ganoon, dinala ko naman ang pagiging aktibista ko sa internet. Doon ko nalalatag lahat ng opinion at insights ko sa mga nangyayari sa bansa. Lalong lalo na sa kalokohan ng mga politiko.

"Oo, may namatay na naman teh."

I grimaced. I tried not to curse. "Sino?"

Tumikhim si Thelma. Naiiling na sumagot, "Leticia Trajano, 23 years old, student council of Cavite State University. Natagpuan siyang patay hindi kalayuan sa Unibersidad."

I gasped and covered my mouth.

"What the hell?" I exclaimed. 'Di ko nga alam kung bakit pa ako nagugulat kung gayong buwan-buwan na itong nangyayari. Para ngang normal na ito sa administrasyong Laxamana.

"Yes, brutal right?"

Isang dismayadong buntonghininga ang pinakawalan ko. Ito lang talaga ang hindi ko maintindihan lately.

Bakit kailangang pumatay? At saka, papano nila naaatim ang pumatay ng inosenteng buhay para lang magpatahimik? More importantly, if the person is a youth and still in the middle of discovering the wonders of life.

Hindi ko na talaga alam kung anong kaluluwa ang nananalaytay sa katawan ng mga kriminal na ito. They are practically killing prople as if it's normal. As if there is nothing wrong with ending one life just for the truth to not be unraveled.

"And you know what's weird?" Thelma continued and I just stared at her as if pushing her to just say it, "noong araw na nawala siya ang araw kung saan biglang naimbitahan silang makipag-usap sa Presidente para ayusin ang iba't ibang issue patungkol sa mga aktibistang misteryosong nawala at namatay."

"What?" I blinked. "Anong araw ba siya nawala?"

She squinted her eyes. It is obvious that she is trying her best to remember the day. "As far as I can remember, monthsary namin 'yon ng boyfriend ko. So right, it's Monday."

"Monday?"

She only nodded.

Napangiwi ako. It was Monday when Yven flew towards Canada for a political meeting. 'Di raw ito ipapalabas sa media dahil confidential raw iyon. How come magkakaroon ng meeting si Leticia sa kanya? More importantly, sino ang nag-contact sa kanya gayong noong araw na iyon ay nasa eroplano na si Yven? Ni hindi nga siya nag-chat sa akin for a day. Noong nasa Canada na siya, doon lang siya nag-chat.

Something is fishy right here.

"Up until now, 'di pa rin naglalabas ng mensahe ang Office of the President about the issue. President Yven is also still nowhere to be found. Well, ano pa bang i-e-expect natin sa kanya? Tuwing SONA lang naman siya nagpapakita except sa scandal niya last two weeks sa park." Tuloy-tuloy na sambit ni Thelma.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko na naman. Nakaka-stress. Si Yven tuloy ang nababaon dito. Kasi iyong narrative, sobrang connecting. Kayang-kayang hawakan ng malice. Kaya heto, makakagawa at makakagawa talaga ang mga tao ng haka-haka para paniwalaan ng lahat.

This so unfair for him and also for the justice of Leticia. This is borderline wrong.

Pero agad rin akong napatingin sa kaibigan ko nang muli siyang magsalita. Nawala ako sa malalim kong iniisip.

"And you know what that face paint and black shirt of the rallyists are symbolizing?"

I blinked then darted my eyes at the rallysts again. "What?"

"When the authority found Leticia's corpse, nakasuot pa rin ito ng itim na shirt na siyang nagsisilbi bilang statement nila sa pagpapaalala na ang hustisya sa Pilipinas ay patay na."

"What's more? Ang ulo ng bangkya niya ay may pulang pintura. The criminal painted her face red before she was killed, that's what the police are saying."

Thelma stared right into my eyes, "which can be concluded as what the criminal is trying to say. They are practically sending us a message. A warning for those who are red tagged by the government. A creepy statement that the student activitists should keep their mouth shut or they will have to face their death. Just like the others."

Nang mapatingin akong muli sa mga estudyante ay labis na galit at lungkot ang nararamdaman ko para sa kanila. Kasi dama ko ang hugot nila, eh. Lahat tayo, dumaan sa era na sobra tayong intensed kung mag-react. Lahat tayo, may gustong ipaglaban at iyon ang dahilan kung bakit sila tumitindig ngayon.

Ang mali sa kultura ng Pilipinas, masiyado nating minanaliit ang opinyon ng mga kabataan. Na kesyo bata, wala pang alam. Na kesyo nag-aaral pa lang, dapat pag-aaral lang ang atupagin. Oldies will silent the younger ones when in fact, they should be the one to listen.

Kahit ano pang tanda mo, kahit ano pang estado mo, ang katotohanan ay katotohanan pa rin. Tanggapin mo. Unawain mo. Ipaglaban mo. Dahil hindi natin dapat pairalin ang kasinungalingan. Walang mangyayari kung patuloy natin itong itotolerate.

Kung ang mga mata natin ay nakapikit para sa katotohanan, hayaan mong may magmulat nito para sa 'yo. Makinig ka. Makisama ka. Makibaka ka. Dahil kapakanan mo rin ang nakasalalay dito.

Let the youth speak up. That is the message that I am always trying to imposed to the followers of my social media account. 

Let the youth speak up because it's their future that they are fighting for. 'Di dahil hindi pa botante ay wala nang karapatang makipagdiskusyon sa politika. May karapatan sila sa kahit na anong aspeto ng bansa natin dahil kagaya nating mga botante, mamamayan din sila.

"Pilipinas, ang hirap mong ipaglaban!" Said by a guy from the megaphone.

Ngayon ay tinataas na ng mga rallysts ang kanya-kanyang posters. May mga nakita akong masasamang salita na pangtukoy kay Yven. One common denominator is that they are all attacking him for his physical appearance. Na puro lang naman siya pa-gwapo pero kulang na kulang naman sa trabaho bilang Presidente.

"Ang tungkulin ninyo ay ang protektahan kami, pero bakit parang kayo pa yata ang dapat naming katakutan?"

I only listened to him as I jot down his statement. And swear, that was a powerful message he just dropped right there. It moved me. Kinilabutan ako.

"Hindi ba dapat, kaligtasan ang maramdaman namin sa inyong mga kamay? Na kayo ang dapat naming takbuhan kapag nanganganib kami?" His voice is closed to crying as he continued yelling. "Pero bakit baliktad yata ang nangyayari? Kailangan namin kayong takbuhan dahil kayo ang panganib. Kayo ang siyang magdudulot sa amin ng kapahamakan."

Sa mga narinig ay kusang nag-init ang dibdib ko sa kirot. My heart really goes to these youth activists because I felt this before. Back then, we were up against a Dictator who somehow tried to kill us all just to continue hiding how incapable of a leader he is.

Good thing, the truth always prevailed in the end.

Isang whistleblower ang lumabas. Siya ay ang dating empleyado sa COMELEC. Ipinost nito ang lahat ng ebidensya na magdidiin sa Diktador na Presidente upang makulong. Those evidences are a couple of videos of him and his sibling who is still a senator back then. Doon ay maririnig na kaya siya nanalo against the outgoing Vice President back then ay dahil nandaya ito. Binayaran nito ang COMELEC para lang manalo.

It was prolly three years after the truth was revealed. Ang dating bise-presidente ang pumalit sa kanya. And just like what he promised on the campaign, the new elected-President did achieve it all with only three more years left. Nakakalungkot nga lang na dahil sa dayaan, nabawasan tuloy ang mga taon na dapat ay nanilbihan siya para sa mga Pilipino.

"President Yven! Puro pagwapo—ibaba sa pwesto!" They all yelled in unison. Doon ay nakawala ako sa malalim na iniisip.

Pero nagdaan pa ang mga sandali ay biglang naging madugo ang rally. Ngayon ay dumating na ang kapulisan. They are now pushing the rallyists away. At katulad ng laging nangyayari, kapag hindi na nila ma-handle ang sitwasyon, binabato nila ng tear gas ang mga ito. Matapos ay sasabuyan nila ng tubig galing sa isang fire truck.

Things really became inhumane when Yven sitted as the President. Nawala na ang pagpapakatao ng mga Pilipino. Kahit na anong rally pa ang gawin mo ay hindi ka pakikinggan. Ito ang tipo ng Gobyerno na para bang hindi demokrasya ang pinaiiral. Mga otoridad ang laging nasusunod kahit maling-mali pa ito. This is so close to dictatorship and I really hate it.

At dahil nga sa dahas ay napilitang umalis at magpatinag ang mga aktibista. Doon na natapos ang rally. And as usual, walang nangyari. Walang na-resolba. Walang nakinig.

"Another pointless rally," Thelma sighed, "fuck this government."

I grimaced and gave her all the notes that she could say to her rally report coverage later tonight, "indeed. What a fucking government."

Tatlong taon na ang nakakalipas pero wala pa ring progreso ang bansang ito. Mukhang anim na taon na naman ang masasayang dahil sa maling pagboto ng mga Pilipino.

Nabudol na naman ang Pilipinas.

"Nakunan mo na ba lahat?" I heard Lijah asked his camera man. When he darted his gaze at us, he smiled.

Tumango muna siya sa camera man sa huling pagkakataon bago siya lumapit sa amin. Sinundan naman siya ni Walter na katatapos lang din makipag-usap sa isa sa mga field reporters dito.

"Oh, paano ba 'yan? Maghihiwa-hiwalay na naman tayong lahat. Swerte pa ngang lahat kayo ay dito na-assign." Sambit ko. "Kung hindi, baka ilang buwan din tayong hindi magkakapana-panagpo."

"Oo nga, kaya mag-bonding naman tayo soon!" Thelma pouted.

"Right, sige," added by Walter as he roamed his gaze around us, "kailan ba kayo free?"

"Next week." I raised my hand.

Si Lijah ay itinaas din ang kamay. "Same with Zabi."

Nag-isip pa muna nang ilang segundo si Walter. He looked up at the sky as if his schedule can be clearly seen there. "Oks din ako next week."

Right now, we are now staring at Thelma who seemed to not like the idea of our free time. Tingnan mo ang isang 'to, lakas magmungkahe pero biglang matatameme. By the way how she continued pouting, mukhang may sariling lakad ang loka next week.

"Hindi ka free? May trabaho ka?" I asked.

She looked away. "Wala naman . . . Pero kasi, may date kami ng jowaers ko n'on!"

Lahat kami ay sumimangot sa kanya. "Grabe, lagi mo namang nakakasama 'yon. Live in partner na kayo. Kami, isang araw lang."

Ginatungan ako ni Walter. "Kaya nga, grabe ka na Thelma. Kaibigan ka ba talaga? Tropa mo ba talaga kami?"

Lijah only laughed at us.

Ilang sandali ay napakamot na lang talaga si Thelma sa kanyang batok. Mukhang stress na stress siya dahil medyo toxic din kasi ang boyfriend ng babaeng ito. Paniguradong pag-aawayan nila ito. Pero bahala sila diyang mag-away. Basta kapag tropa time, tropa time. Minsan lang kami magkita-kita, eh.

Ilang sandali pa ng muling pag-iisip ay muling napakamot ang babae sa kanyang batok. Panigurado, mamaya iiyak 'to.

"Sige na nga! Oo na!" Thelma yelled while wincing. "Next week, free na ako!"

"Yown!" Anton, Lijah and I yelled in unison.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top