Episode 2: Jollibee
OH my God!
Am I really with the President right now?! Nanlalaki ang mga mata, napatakip na lang ako sa bibig ko. Hanggang sa ang initial na pinagawa ko na lang talaga sa kanya ay ang ibalik ang face mask sa kanyang mukha.
"Don't panic, Zabi. Ako lang 'to." He is now laughing. God, even his laugh! Katulad na katulad ito sa napapanood ko sa TV. He is really the President!
"So, what? Are you down with my bargain?" He asked but I am just too shocked to answer. "Oh, come on. Bakit ba laging gulat na gulat kayo everytime magpapakita ako sa inyo in public?"
Napakurap ako. "So, you mean this is not the first time you ever went outside without any bodyguards?!"
Doon ay ibinaba niya ang kanyang face mask. Nginitian niya ako nang proud. Ako naman ay nagpapanic na ibinalik ang pagkakasuot niyon sa kanya.
Jusko, anong klaseng Presidente ito? Walang takot!
"Eh, sorry to be nosy. Pero, bakit po? Trip mo lang ba 'to?" Kung oo, lintik siya. Delikadong trip itong pinapasok niya.
Para ba siyang nabigla sa tanong ako. He blinked. At one moment, I can clearly feel his mouth to close and open at the same time from his face mask. "Ah—right, yes. Trip lang 'to."
I facepalmed. Ano siya, bata? Paalala ko lang, 43 years old na siya, ah!
"You know what, Mr. President? I will take you to Malacañang Palace now. Masiyadong delikado kung mananatili ka dito nang wala manlang kasamang bodyguard."
"No," para bang batang nagmamaktol ang kanyang tono, "don't be a granny, come on."
"Then don't be a kid, Mr. President." Minsan talaga, hindi ko mapigilan ang matabil kong nguso.
"Okay, sige." He heaved a deep sigh, "I will let you take me in Malacañang in one condition."
"Ano po iyon?" Nagpapalinga-linga ako. Hindi mawala sa isip ko na maaaring may killer sa paligid. Kapag nangyari iyon, lintik! Damay ako rito!
"Makipag-date ka sa akin, kahit isang oras lang."
Nanlaki talaga ang mga mata ko sa narinig. "Mr. President, this is not the right time for that joke—"
"Seryoso ako."
"Mr. President . . ." I am now staring at him as if he is an obnoxious puzzle.
"Zabi," his tone is mocking.
"Mr. President naman!" I yelled in controlled volume.
"What?" Nagawa niya pa talagang tumawa, ah! "Isang oras lang, eh. Damot mo naman." Pagpapatuloy niya.
Napasapo na lang uli ako sa ulo ko. Jusko, ano ba 'tong napasok ko? Darna, help!
"Okay, one hour. Pero promise me, hahayaan mo akong ibalik ka sa Malacañang after." Nagpalinga-linga uli ako.
"Yes, Ma'am." He is now wiggling his eye brows. Ibang-iba talaga siya sa seryosong Presidente na napapanood ko sa SONA. Lintik.
"Saan mo ba gustong makipag . . ." naubo ako. Ang weird talaga ng araw na ito! ". . . makipag-date."
"Sa Jollibee."
Jollibee? Shuta? Ano 'to, high school? Sa jollibee ang date?!
"S-Seryoso ka po?"
"Why? Yep, serious here."
"Mr. President . . ."
Napapikit na lang ako nang tumango siya. Tila bang nagtitimpi, naikuyom ko ang mga kamao ko. Kung hindi lang talaga Presidente ang isang 'to, babatukan ko 'to! Punyemas!
NANG makarating na kami sa loob ng Jollibee ay katakot-takot na pag-linga sa paligid ang ginawa ko. Baka kasi mamaya, may hitman na pala dito na nag-aabang para patayin ang Presidente. Letche, naging instant bodyguard pa niya yata ako!
"Anong gusto mong kainin, Mr. . ." Nagpalinga-linga muna ako, sinigurado kong walang makakarinig sa akin, ". . . Mr. President?"
Doon ay tila bang ngumiti pati ang perpektong hugis ng kanyang singkit na mga mata. He is directing his gaze right at my face when he mumbled, "ikaw."
Muntik na akong mahimatay.
"Uhm, I mean food. What specific food do you want to eat?"
"Ikaw nga," he still directing his gaze right at me.
Letche, anong klaseng buhay 'to? Playtime talaga siya, ano?! Samantalang ako dito, mamamatay na sa kaba! Ako talaga ang mananagot sakali mang may pumatay sa kanya dito! Ayoko na!
"Ano nga po?" Nginitian ko siya nang matamis. Pero sa isip-isip, babatukan ko na talaga siya kapag hindi pa siya sumeryoso.
"Ikaw nga po," he is still smiling and I really want to smack his head right now!
Nanatili pa rin ang ngiti ko nang umupo na ako sa kanyang harap. Inabot ko sa kanya ang braso ko. Oh, sige. Gusto niya 'to, eh!
"Oh, anong gagawin ko diyan?"
My smile went creepy. "Kainin mo na ko."
Doon ay parang siraulo siyang tumawa nang malakas. At one moment, natakot akong baka may makakilala sa amin. Sa lakas ba naman ng paghalakhak niya ay napukaw namin ang atensyon ng ibang mga kumakain!
"Ang joyful mo naman pala, ano?" I mockingly joined his loud laugh. If stare could kill, natatakot akong baka nasa kulungan na ako sa mabigat na kasong pagpatay sa Presidente.
"Hindi kasi 'yan iyong gusto kong kainin sa 'yo," patuloy sa pagtawa ang Presidente. "Cute mo, sarap mong iuwi para pakasalan."
That was the moment I stared at him as if he grew another head. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Nakitawa na lang ako nang awkward para 'di ako ma-out of place.
"Pero seryoso na kase," napakamot na lang ako sa ulo, "ano bang gusto mo para matapos na 'to at makauwi ka na sa Malacañang."
Dinerekta na naman niya ang kanyang mga mata sa akin. I can feel that he is grinning wide at the moment. "Ikaw uli."
My jaw almost hit the floor.
"Ikaw lang naman ang gusto ko." He continued.
Napapikit na naman ako. Ramdam kong kaunti na lang ang pagtitimping nananalaytay sa dugo ko. Kapag hindi ko na natiis, iiwan ko talaga siya dito!
"Alam mo, Mr. President, kung ipe-playtime mo lang naman ako. Uuwi na ako." I poker face.
Akmang tatayo na sana ako nang pigilan niya ang mga kamay ko. "Hey, easy. 'Di na mabiro." He chuckled.
Mukha bang may time akong makipagbiruan?!
"Spaghetti and yum burger with cheese, please," he continued.
"Wala na?" I heave a relieved sigh. Sinabi ko sa sariling kaunti na lang, matatapos na 'to. Miuuwi ko na siya sa Malacañang at hindi ko na kailangan pang maparanoid.
But I really lost it when he answered, "saka ikaw, orderin na rin kita. Mukha kasing ang sarap mo."
Sa sinabi niya, gusto kong pumasok sa utak niya at alamin kung ano bang hitsura ko sa mga mata niya. Mukha ba akong naglalakad na fried chicken?!
"Alam mo, Mr. President, mas prefer ko iyong ikaw na napapanood ko tuwing SONA." I smiled at him mockingly. Narinig ko lang naman siyang tumawa nung naglakad na ako sa counter para um-order.
Sakto namang walang pila kaya agad akong naka-order. Nainis pa nga ako dahil ramdam kong ang weird-weird ng hitsura ko habang umo-order. Maya't-maya ko kasing tinitingnan ang Presidente. Baka kasi mamaya, may bigla na lang kumidnap sa kanya. Ako ang mapagbibintangan dito, walang hiya! Reporter ako, hindi kasabwat ng sindikato!
Nang makabalik na akong muli sa pwesto namin ay akala ko, okay na. Akala ko, 'yon na 'yon. Pero para bang lalo lang nadagdagan ang problema ko . . .
"Let's eat?" Came by Mr. President.
"Enjoy yourself," nakapangalumbaba at tila bang pagod na pagod akong tumingin sa kanya, "busog ako, Mr. President—"
My eyes went wide the moment Mr. President took off his face mask! Sa mismong segundong kakagat na sana siya sa yum burger ay dali-dali kong ibinalik iyon sa kanya. Ang tanga ko talaga! Bakit hindi ko agad naisip 'to?!
"I-take out na lang natin 'to, shet!" I panicked, "Doon na lang po tayo sa sasakyan ko!"
Takot na takot na baka may nakakita sa kanya, walang hiya-hiya kong binitbit ang tray ng mga pagkain namin. Great! Hindi lang ako magmumukhang kasabwat ng kidnapper ngayon, mukha na rin akong magnanakaw ng plato at kutsara ng Jollibee!
Ayoko na talaga!
×××
Author's Note: Happy new year! Tell me how is your 2023 so far?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top