Episode 16: Reporters

ILANG minuto ang nakalipas, nakarating na rin kami ni Lijah sa condo ko. Ngayon ay binuhat niya ako paupo sa sofa. Doon lang ako naging komportable. 'Di kasi talaga ako okay doon sa wheelchair.

"Matagal-tagal din akong hindi nakatambay sa condo mo, Zabi." He started while resting his back at the backrest. Ngiting-ngiti siyang inililibot ang mga mata sa aking condo.

"Naaalala ko, lagi kaming tambay dito nina Walter at Thelma noong mga panahong wala pa kaming trabaho." He chuckled. "One thing na talagang memorable sa akin ay iyong mismong araw na parang gusto na naming sumuko sa pangarap."

Nauna kasi akong makapagtrabaho sa kanila. Ako iyong unang natanggap sa trabaho sa batch namin. Pumangalawa lang si Ayesha na kinailangan lang naman ang kapit ng tatay niya para matanggap sa position.

"Yes, and I can still remember how anxious were y'all." I started with a smile. It's as if there is a projector infront of me right now, and the memories of that day is playing on it.

"Thelma is crying. Walter's face is sad and you are just quiet. That time, pare-pareho kayong hindi pa alam kung ano ang patutunguhan ng buhay. Pare-parehong nag-iisip kung para sa inyo ba talaga itong pagiging reporter."

Lijah threw a look at me. His eyes are also smiling. "Yes, I can still remember back then, I was so close to becoming a College Instructor had my TV station didn't call me the day I decided to quit my dreams of becoming a reporter and face the reality . . . the wiser path."

"And I am really glad that the stars aligned for your dreams, Lijah." Saad ko. "Kasi tingnan mo na ikaw ngayon, isa ka nang regular na field reporter. Nakakarami ka na rin ng exclusive reports. Naungusan mo na nga ako, eh."

"Sus," he scoffed playfully. "Ikumpara mo sa dami ng exclusives ko ang laki ng impact ng exclusives mo. Mas angat ka kasi mas pinag-usapan ka."

I only laughed.

"Pero alam mo recently, may nag-alok sa akin ng acting job." Ang dagdag pa niya.

"Really?" Ang natatawa kong sagot.

Well, hindi na naman iyon nakakapagtaka kasi gwapo naman talaga ang isang 'to. His hair is always neatly combed, lagi iyong clean look. His skin tone is milky. And his face is much more of an actor with a boy-next-door appeal and brand.

Kung susumahin, sa sobrang linis niyang tingnan ay tila bang mukha siyang amoy-baby. Iyong walang oras na naging mabaho? Iyong always amoy-polbo ng bata.

"Oo, kaso tinanggihan ko." Tumikhim siya.

"Bakit naman? I am sure, magiging maganda rin ang karera mo doon. Marami kayang nagka-crush sa 'yo lately. Nag-trending ka pa nga sa isang TV guesting mo, eh. Gwapo mo rin kasi, eh. Kainis."

Umiling siya at natawa nang bahagya. "Gwapo ako? Hindi ako naniniwala."

"And why?" I squinted my eyes at him.

Mula sa kisame, isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. Matapos ay tumingin siya sa akin. "Kung totoo 'yon, edi sana gusto rin ako ng gusto ko."

"Eh ang tanong kasi muna, alam ba ng gusto mo na gusto mo siya?"

"Hindi."

Nagkamot ako ng ulo na para bang ako ang na-i-stress para sa kanya. "Ang hirap kasi sa 'yo, ang torpe mo."

Which is true naman. Ever since College kami ay ganiyan na talaga siya. Kapag may nakukwento siyang babae na nagugustuhan niya from other department. Kami pa nga actually ang gumagawa ng paraan para sa kanya, eh.

Kaya ayan, heto siya. Single pa rin at the age of twenty six. Mukhang balak yata nitong manatiling single forever.

"Torpe agad? 'Di ba pwedeng naghihintay lang ng tamang timing?"

"Tamang timing?" Tumawa ako. "Kailan pa 'yan? Kapag may jowa na si girlalu?"

Pareho na lang kaming nagtawanan. Matapos din niyon ay naisipan naming tawagan sina Thelma at Walter nang sa gayon ay makapag-bonding naman kami rito. Kaso ang dalawa, busy sa kanya-kanyang interview. Si Thelma, on her way para interviewhin ang isang international singer. Si Walter naman, naka-focus sa interview niya with the Vice President.

Parehong umaarangkada ang dalawa. Actually, silang tatlo nina Lijah. Ako, along the way, naiwanan nila ako. Ako iyong naunang nagkatrabaho pero ako iyong halos buhusan ng kamalasan ng mundo dahil wala talaga akong maibigay kahit isang exclusive sa istasyon ko. Kung hindi lang talaga dahil sa Presidente, siguro ay patuloy akong napag-iiwanan ngayon.

Sa huli ay napagkasunduan na lang namin na mag-set na lang ng bonding sa ibang araw. Iyong lahat kami ay free.

"Grabe na ang nangyayari ngayon sa Pilipinas, ano?" Bigla saad ni Lijah kaya't napatingin ako sa kanya. "Mamamayang Pilipino ang naghihirap nang magluklok tayo ng maling lider."

Napalunok ako. At tumango. No matter how I grew closer to the President, I will never deny it as someone who delivers nothing but authentic news. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, unti-unting bumaba ang stocks dito sa Pilipinas. Nagsialisan ang mga investors. Ganiyon na rin ang mga American, Korean at Australian Companies na nagmamay-ari ng malalaking call center operation sa bansa. Marami nang nawalan ng trabaho.

Idagdag pa rito ang mabilisang pagtaas ng inflation rate, exchange rate at interest rate. Sa pagtagal ng panahon, nawawalan ng halaga ang bansa natin sa buong mundo dahil dito. We are becoming poorer and poorer and I think, the problems that we are facing right now is too severe to have a sudden solution.

We might suffer for the decades to come.

Pero ang nakakalungkot dito, marami pa rin ang loyalista ng Presidente. Mas marami pa rin ang lumalaban para sa kanya. Mas marami ang naniniwalang may pag-asa pa when in fact, the reality is now slapping us without any remorse.

Mahina ang Presidente sa pagmamando ng bansa.

Hindi niya pinoportektahan ang mga mahihirap.

Lahat ng mga pangako niya ay isa lang kahibangan na kanyang kinalimutan matapos manalo sa pwesto.

"The sad truth is people always based their votes from who is trending . . . o kung sino ang nangunguna sa survey. Minsan, doon sila sa laging nagmukukhang kawawa. Sa inaapi. Sa sinisiraan raw. Ang hindi lang nila alam,"

Sabay kaming nagsambit ng kasunod kong sasabihin, "hindi paninira ang pagsasabi ng katotohanan."

He sighed. "Bakit ba kasi ang hirap-hirap sa ating mga Pilipino ang tumanggap ng kamalian? Iyong nasa harap na nga natin ang facts, mas inuuna natin ang pride natin keysa sa pagtanggap? Kasi after all, we have only one aim for our land—a good leader. How can we achieve the good governance that we are always craving for if we will constantly vote for the wrong candidate?"

I nod. "And how can we proceed to improving our economy if we will continue to elect a leader who is just craving for power and not for poverty reduction?"

"Had Senator Leniah won last election, the Philippines would've healed from the crisis of the past administration. Alam niya kung paano sisimulan ang paghilom ng ekonomiya, may mga mabisa siyang plataporma na nagawa na niya dati para mapaganda ang kalagayan natin." Lijan sighed for the second time. "Pero wala, eh. Mas trip yata ng mga Pilipino ang maghirap pa lalo."

Napangiwi ako at tumango. Minsan, hindi ko na talaga maintindihan ang panlasa ng masa. Nakakagago. Nakakabobo. Ang tanga-tanga lang kasi talaga.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagpatuloy kami sa pag-uusap. We are really ashamed and disappointed at the same time. Bilang isang reporter kasi, kami talaga ang unang nakakakita ng lahat. We see it personal and first hand. Nakikita namin kung gaano ka-malnurish ang mga mahihirap na nasa lugar pa ng kabihasnan. Ang agrikultura ng bansa ay patuloy na natatalo ng mga banyaga. At ang mga presyo ng bilihin ay unti-unting tumataas pero ang sahod ng mga Pilipino? Nananatiling mababa.

Sana, pinatay niyo na lang kami.

Kasi marami nang nasayang. Marami nang nasira. At mahirap lang talagang lunukin ang ideyang dahil sa maling lider, Pilipino ang nagdudusa.

"I gotta get going now, Zabi. Baka hinahanap na ako ng camera man ko. Malapit nang mag-7 PM." Lijah mumbled as he stood up.

I smiled at him as I reached for my crutches. I lead him towards the door. Siya ang nagbukas niyon. Nanatili akong nasa loob habang siya ay isinandal ang braso sa pintuan.

"Ingat ka, ha?" I told him.

He smiled at me. That same contagious smile he never fail to show at everyone. "I will."

Then he nodded at me. Matapos niyon ay sinarado na niya ang pinto para sa akin. I was smiling as I walked towards the living area again pero agad akong natigilan nang mag-ring ang doorbell.

"Luh? May naiwan ba siya?" Ang sabi ko sarili ko nang muling maglakad papunta sa pintuan.

Agad kong binuksan ang pinto. Nag-e-expect na si Lijah ang makikita ko pero hindi, it was the President. Katulad kanina ay nakasuot siya ng puting damit at itim na jogger shorts. Naka-face mask at sumbrero na rin siya.

Pero teka,

Bakit parang nakakunot yata ang noo niya sa akin?

"Oh, problema mo?" I asked him.

Pero ang loko, parang tanga. Basta-bastang pumasok sa loob at isinara ang pinto. Matapos ay binuhat niya ako. Nalaglag na naman sa sahig ang mga saklay ko. Balak niya ba 'yong sirain?!

Nang mapatingin ako sa kanya ay nakabusangot pa rin siya. Ano ba talagang problema ng isang 'to? Napagalitan ba siya? More importantly, sino ang manenermon sa kanya when in fact, he is the President?

"Huy, anong problema mo?" I asked him again.

'Di pa rin siya umiimik nang paupuin na ako sa sofa. Tinapik ko nga pero ang loko, sinimangutan ako lalo!

"Ano bang problema mo?"

"Nagseselos ako." Ang diretsa niyang sabi na ikinabigla ko.

I was blinking and staring at him as if he grew another head. Nagseselos saan? Buang na ba 'to?

He looked away. Tila bang hindi niya kayang tagalan ang pagtingin sa mga mata ko. "Sino 'yung lumabas sa condo mo? Manliligaw mo?"

I blinked more. Si Lijah, manliligaw ko? Saan niya nakuha ang fake news na iyon? Well, ano pa nga ba ang i-e-expect ko sa kandidatong puro fake news peddler ang supporters—charot.

"Kaibigan ko lang 'yon si Lijah." I answered. Doon ay tumingin siya sa akin na para bang nagniningning ang mga mata, "at teka nga, ano namang pakialam mo kung sakali ngang manliligaw ko siya? Tatay ba kita para pagbawalan mo ako?"

Sa narinig ay para bang nalaglag ang kanyang panga sa sahig. Matapos ay sinimangutan niya uli ako. "Ang slow mo para maging isang reporter."

I scowled at him. "At ang unproductive mo para maging Presidente."

"You know what?" I don't know but as the minutes passed by, his knitted eye brows are becoming hot on my eyes. "I want to boil down your attitude while you are moaning my name . . . while I am slowly fucking you in a most sensual and insatiable way."

Sa narinig ay nagulantang ako. Napalunok ako. Nahampas ko nga siya! Siraulong 'to talaga!

"Oh, bakit na naman?"

"Ewan ko sa 'yo!"

"Pero ano nga? Kaibigan mo lang 'yung lalaking 'yon?" He asked again.

Tumango ako nang pilit. Nakasimangot sa kanya. "Oo nga, paulit-ulit tayo?"

"Mabuti naman," ang sambit niya pa. Nawala na ang pagkunot niya ng noo. Ngayon ay ngiting tagumpay na siya na para bang nagawa niyang maibalik ang 203B sa Gobyerno.

"Teka nga, curious lang ako. Anong nangyari sa 'yo kanina after kang isakay nung taxi driver?"

Tumikhim siya, "ayon, mabilis na kumilos ang mga bodyguard para i-escort iyong taxi patungo sa Malacañang."

I nodded. Ako ang naaawa sa mga bodyguard niya. Sakit siguro talaga sa kanila ang kanilang boss. Kung ako sa kanila, mag-re-resign na lang ako.

"By the way, kumain ka na ba? Gusto mo, ipagluto kita?"

"Marunong kang magluto?" My eye brows arched.

He is proud when he nodded. "Oo naman, husband-material kaya ako. Ikaw na lang ang hinihintay kong maka-realize n'on."

Natawa ako. "Ulul, lakas tama ka talaga."

He is just playful when he decided to gravitate her way towards the kitchen. Nang akmang tatayo ako para kunin ang saklay ko sa pintuan, he shouted at me.

"Diyan ka lang! Don't you dare set your foot out of the living room if you don't want me to fuck you there!"

"Siraulo mo!" Ang patutyada ko sa kanya habang siya ay tawa lang naman nang tawa.

Ewan ko ba pero para akong natakot sa babala niya kaya sinunod ko na lang siya. Instead, I busied myself in watching the news at the television. Ngayon ay ang iskandalo niya ang binabalita.

It was Ayesha who is now reporting and I am glaring at her.

Aniya, nagkaroon daw ng malaking aberya ang biglaang pagpapakita ng Presidente sa publiko. Ang traffic ay naging malala. May nagkabanggaan pa malapit sa Park. Pero agad rin naman iyong naresolbahan and thankfully, walang lubhang nasugatan o nagbuwis ng buhay.

Patuloy pa akong nanood. Ilang news ang lumipas ay ang Presidente na naman ang naging balita. This time, ang isang katrabaho kong reporter naman ito. Ngayon ay in-i-interview niya ang mga kababaihang kilig na kilig nang makita ang Presidente nang personal. Anila, para raw action star kung kumilos ang Presidente laban sa snatcher na iyon kanina. Tapos ang gwapo-gwapo pa raw. At sobrang hot pa. Haliparot.

"Ang weird talaga ng mga tao," biglang nagsalita ang Presidente, tumabi siya sa akin. Nilapag ang pagkain sa center table, "sobra silang invested sa buhay ko na para bang isa akong artista na fan na fan sila."

"Panatiko ng politiko at hindi ng Pilipinas," I told him.

He sighed and he nodded. "Sad truth but yeah."

Alam naman pala niya, pero bakit parang wala kaming naririnig sa kanya? Iyong maski pakiusapan niya man lang sana ang mga supporters niya na for once, kung magkamali siya ay i-call out siya. Iyong bang i-motivate niyang manatili silang maka-Pilipino keysa maka-Yven Juancho Laxamana.

Napangiwi na lang talaga ako nang patago.

"By the way, tara kain na tayo." Ngiting-ngiti siya nang i-slide sa harap ko ang plato.

When I stared at it, kanin ang nakita ko. Tapos ang ulam ay parang hotdogs na may sabaw na itim. Mukha namang appetizing siya, kahit papaano.

"Ano 'to?"

"Pagkain."

I poker faced at him. Natatawa siyang pinanlakihan ako ng mga mata, "oh, bakit? Totoo naman, ah!"

"I mean, anong luto ito?"

"Adobong hotdog."

Oh, I remember someone. My last boyfriend—but scratch it, I am so over him now.

Natawa na lang ako at tinikman na lang ang niluto ng Presidente. And in all fairness, masarap nga ito. Parang adobo lang talaga ang lasa. Maalat na maasim. Pero prominente talaga ang lasang hotdog nito. Kagayang-kagaya ito ng luto ng hayop na lalaking iyon.

"Sarap ng hotdog ko, 'no?"

Muntik na akong mabulunan sa narinig. Swear, muntik ko na talagang ibuga sa kanya ang mga sinubo ko! I scowled at him!

"Luh, bakit? Anong hotdog ba 'yung naiisip mo?" Tawa siya nang tawa. Matapos ay itinuro niya ang harapan ng kanyang jogger shorts. "Ito ba? Mas masarap 'to diyan."

"Ang dugyot mo talaga! Kung kailang kumakain tayo, oo!"

Tawa lang siya nang tawa. Ang galing niya talagang mang-asar! Kung sports lang talaga 'to, malamang ay MVP na siya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top