Episode 15: RUN!

"SO, ano nga? G ka nga?" Ang muling tanong ng Presidente.

I tried not to laugh or smile. Ang cute niya lang kasi talaga. I never knew that someone from previous generation like him can also use a Gen Z terms. Or more so, know the terms. It's for the reason I presumed him as someone who is more likely to be formal at all times. Sobrang seryoso kasi talaga niya kapag nasa harap na ng publiko. Tipong kapag nag-joke ka sa kanya ng jejemon, titingnan ka lang niya hanggang sa mahiya ka na lang talaga sa sarili mo. Iyong para bang huhusgahan niya ang pagkatao mo.

"As if may choice pa ako?" Inirapan ko siya nang pabiro. "Kahit naman humindi ako, alam kong bubuhatin mo pa rin ako papalabas ng condo ko."

Halos matawa talaga ako nang malala nang ituro ng Presidente ang likod ng kanyang siko gamit ang kanyang hintuturo. Matapos ay ngiting-ngiti niyang sinabi ang katagang, "sheesh."

Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat maramdaman. Ang matawa ba o mamangha. Matawa dahil nag-a-asta siyang teenager o ang mamangha kasi sa hectic na schedule niya, nagawan niya pa talaga ng oras alamin ang iba't-ibang terms ng Gen Z.

"But before that," he mumbled again, "let me take a shower first. Ayokong mamaho sa first date natin."

"First date? Ulul." Ang pagtawa ko pa.

Sinimangutan niya lang ako bago siya magtungo sa banyo. Pero totoo ba? Hindi pa rin siya naliligo? Hindi halata, ah. Amoy baby kasi siya nung binuhat niya ako. You know, amoy fabric conditioner. Langya pati ba naman ang kanyang amoy, pang-gwapo rin? Grabe na talaga ang pagiging favorite sa kanya ni Lord.

Habang nasa banyo siya ay sakto namang nakita kong nasa sofa ang saklay ko. Doon ko lang naalala na kailangan kong lagyan ng bandage ang sarili ko. Tumayo na ako gamit ang saklay. Then I directed my way towards my room. Doon ay ngingiwi-ngiwi kong nilagyan ang katawan at paa ko.

It's been a few days already at medyo na-perfect ko na rin kasi ito. Noong nasa hospital pa kasi ako ay lagi akong nagpupumilit na hayaan na lang nilang ako ang gumawa niyon. Well, kahit masakit ay ininda ko talaga lahat ng iyon kasi I am really planning to stay in my condo alone after I was discharged in the hospital. Everything is props to me and my independent bitch hiding beneath my petite body.

Nang maging okay na ako ay muli na akong tumayo gamit ang saklay. I quictly gravitated my way towards outside. Pero kusa na lang akong natigilan nang sabay sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ang paglabas ng Presidente mula sa banyo.

And oh, good Lord . . .

He is just wearing nothing but my towel. Again. His adonis body is proudly flashing at me. Ganiyon na rin ang abs niyang nag-fe-flex sa bawat paglakad niya. Pero ang hindi ko pa rin kinaya? Iyong mahabang bagay na para bang nag-wi-wiggle sa loob ng towel sa bawat paghakbang niya! Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong natunghayan pero nagugulantang pa rin ako!

"What? Loving the view?" The President stared at me with a naughty smile.

Doon lang ako natauhan. Humarap ako sa kanya at saka umirap. "Feeling mo."

I tried to hide the effect of his God damn body on my core nang dire-diretso na akong maglakad patungo sa sofa gamit ang saklay. Nakakainis na bigla na lang talaga akong natotorete kapag katawan na niya ang nakikita ko! Bakit kasi ang perfect ng katawan ng lalaking 'to? Swear, papasa siyang anomatically perfect para sa mga artists!

Tatawa-tawa lang naman siya nang kinuha ang kanyang backpack mula sa center table. Agad na rin siyang nagtungo sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang at hindi na niya ako inalaska pa kasi kung mangyayari iyon, jusko. Hindi ko na talaga maitatago kung gaano ako labis na naaapektuhan ng kanyang katawan!

Nang muling magbukas ang kwarto ay nakasuot na siya ng puting shirt at itim na jogger shorts. Kahit ano talagang suutin ng isang 'to, magmukukha pa rin siyang expensive!

"Shall we go now?" He asked.

"Again," I rolled my eyes as I laughed playfully, "as if I have a choice? It's the President's command."

He only chuckled boyishly. Nagsuot muna siya ng face mask at cap bago ako buhatin patungo sa wheelchair ko. At yes, I requested him to also give me a face mask. Mabuti nang sigurado. Ayoko na kasi talagang maging laman ng blind item. Reporter ako at hindi celebrity.

Nang masiguro nang okay na ang lahat ay itinulak na niya ang wheelchair patungo sa labas. Everything is really going smoothly. Nakapasok kami sa elevator nang walang tumitingin sa amin. Nakalabas din kami ng condo nang ang mga tao ay nilalagpasan lang kami. Hanggang sa narating na nga namin ang Park.

The challenge actually begins here.

Maraming mga bata ang nagtatakbuhan sa damuhan. Ang mga table naman ay punong-puno. Ang mga pamilya ay masayang nagpicnic sa ilalim ng naglalakihang puno at sa harap ng malinaw na lake.

Kung may makakakilala man talaga sa Presidente, tiyak na kukuyugin kami. Tiyak na malaking gulo iyon dahil isa lang naman ang entrance at exit sa lugar na ito. Baka magkaroon talaga ng malaking aberya.

"Let's go there." He mumbled as he directed our way towards the empty tree.

Binuhat niya ako at saka pinasandal sa katawan ng puno. I don't know but I kinda like his strength. Tipong 'di na siya bumubwelo para buhatin ako. Rekta na talaga ang pagbuhat niya sa akin. It is making him look more musculine on my eyes.

Nang pareho na kaming nakaupo ay ang mokong, hinila ako at pinaunan sa dibdib niya. Nahampas ko nga sa braso!

"Anong tingin mo sa atin? Mag-jowa?"

He lifted the side of his lips to form a sexy smirk. "Papunta pa lang tayo sa exciting part."

"Heh!" Ang pagmamaldita ko pa.

Pero wala na talaga akong nagawa nang bigla na naman niya akong higitin. Sa lakas niya ay wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kanya. Tuluyan na akong umunan sa kanyang dibdib habang pareho kaming nakasandal sa katawan ng puno.

We are now staring at the lake. The sunlight is creating glitters on top of it. Mula sa gilid nito ay may mga bata ang masayang nagtatampisaw.

"Ang saya bumalik sa pagkabata, 'no?" His voice is vibrating with his heart beat. I can really feel it directly from my ears.

Tumango ako. "Agree. Tipong ang problema mo lang ay kung anong oras dadaan iyong sorbetero sa bahay niyo. Iyong mag-aabang ka talaga sa terrace para lang makabili ng sorbetes."

"Sorbetero?"

Nag-angat ako ng mukha sa kanya. I stared at his face as I nod. "Hindi mo alam 'yon?"

"Sorry, okay?" He laughed. "Para namang malaking kasalanan kapag hindi alam ang word na 'yon."

I stiffled a laugh. "Tindero ng ice cream kase."

"Eh, bakit hindi na lang 'yan ang sinabi mo para 'di na ako nag-isip pa?"

"Eh, ang haba eh!" Ang banat ko naman.

"Eh, paano 'yan? Mahaba din 'tong sa 'kin," he is now smiling seductively, "baka ayawan mo 'to lagi, ah."

Hinampas ko siya sa dibdib habang sinisimangutan. "Alam mo? Nagagawa mo talagang isingit lagi iyang kamanyakan mo, ano? Sungalngalin kita diyan, eh—"

Isang tunog ng bell ang narinig ko mula sa malapit dahilan para matigilan ako. Tandang-tanda ko kung ano ang tunog na iyon. I can really remember it dahil araw-araw ko itong hinihintay dati.

"Sorbetes kayo diyan!" Ang paulit-ulit na sigaw ni Manong.

"Hey! Speaking of Sorbetero." I  directed my hands towards the man. "Here he is."

The President smiled and stared at the man while lifting the edge of his lips. Matapos din ay tumingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. "Gusto mo?"

I nodded with a wide smile.

Doon ay tumayo na siya. He winked at me before he faced his back at me. Inirapan ko lang naman siya. Hawak-hawak ang kanyang cell phone, nagtungo na siya sa Mamang Sorbetero.

Pero . . . Pero ganiyon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla, may tumakbo patungo sa Presidente. And before I knew it, wala na ang cell phone niya sa kanyang kamay. Inagaw iyon ng lalaki!

Snatcher!

Walang ano-ano ay agad iyong hinabol ng Presidente. Swear, it is evident that he is a gym addict by the way how his run looks so manly. Hanggang sa para ba akong nanonood ng isang action movie, kitang-kita ko kung papaano niya hinila ang damit ng lalaki. He is really strong when he pulled the man and then suddenly, he grabbed his hand.

Pero laking gulat ko na lang talaga nang bilang sinuntok ng snatcher ang Presidente sa pisngi nito. Bumaling sa kabilang direksyon ang kanyang mukha. And to my horror . . . biglang naputol ang isang strand ng kanyang face mask.

Yes, revealing his face to the public na ngayon ay nagkukumpulan sa kanila . . .

"President Yven?"

"Oh my God, si President Yven nga!"

"Hala! Nandito pala siya! Tara, magpa-picture tayo!"

Tuluyan nang nagka-ingay ang mga tao. Talagang nanlaki ang mga mata ko sa kilabot. Ganiyon na rin ang Presidente na sumulyap pa sa akin. His eyes are widened. Mukhang hindi niya alam ang gagawin sa pagkataranta.

"RUN!" I mouthed at him while gesturing him as I woo him out of the scene.

Swear, everything went slow motion on my small head.

Napapakurap siyang tumango sa akin. Matapos ay mabilis niyang inagaw ang kanyang cell phone sa snatcher bago siya tumakbo papalayo. At tila ba mga die hard fan ng BTS, ang lahat ng mga tao ay sumunod sa kanya. Lahat sila ay tumakbo rin patungo sa direksyon ng Presidente!

Swear, this memory will forever hunt me to dead!

Mas nakakakaba pa 'to keysa sa horror movie!

Jusko, iba kasi talaga! Ang mga tao ngayon ay para bang mga zombies na nagsisitakbuhan patungo sa gate. As in, para silang mga gutom na gutom sa ayuda ng gobyerno! Na tipong sila na talaga ang lumalapit at dumudulog malagyan lang ng laman ang kanilang mga sikmura!

Mga ilang minuto pa ay mula sa maraming tao, iilan-ilan na lang ang natira dito sa Park. I winced hard. Na-i-imagine ko na tuloy kung ano ang magiging laman ng newsfeed ko mamaya, pati na rin ng mga balita sa TV. But thinking about that, sana pala kinuhanan ko ng video ang pangyayaring iyon para kahit papaano, may exclusive agad ako— I will hit you, Zabi!

Nasa kapahamakan na nga ang Presidente, trabaho pa rin ang naiisip mo!

I winced harder.

Matapos ay napabuntonghininga ako. So, paano na 'to ngayon? Paano ako makakauwi nito? Gagapang ako papunta sa condo? Ang galeng.

Pero nagpalinga-linga ako sa paligid. Bigla kong naisip na baka may nakakita sa aming magkasama. Na baka mamaya niyan, ako naman ang kanilang kuyugin. Pero mukhang wala namang pakialam ang mga tao rito, para ngang 'di nila napapansin ang existence ko rito, eh.

Isa pang buntonghininga ay minabuti ko na lang na kunin ang cell phone ko. Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko. Mahirap na, baka ma-snatch rin 'to sa 'ken! Matapos ay naghanap na ako ng kung sino sa mga kaibigan ko ang online.

Offline si Damson.

Ganiyon na rin sina Thelma at Walter.

Pero agad akong nabuhayan nang loob nang makita ang green dot sa profile picture ni Lijah. Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya. And I also wonder, nandito rin kaya siya? Panigurado, kalat na sa mga field reporters ang mga nangyari kani-kanina lang.

Zabi
Hi, Lijah!

Lijah
Hello! Long time, no talk. Haha.

Thanks, goodness! Agad kong pinindot ang call button. Nag-ring ang cell phone at agad niya rin iyong sinagot, as usual. That's Lijah. Ang lalaking laging maaasahan. Pinalaki yata siyang boyscout ng mga magulang kaya nadala niya hanggang sa pagtanda.

"Hello?" His barritone voice came. Sa lahat ng mga lalaking reporter na kilala ko, siya ang may pinakamakapal ang boses.

"Hi!" I smiled wide na para bang nasa harap ko lang siya. "Nasaan ka ngayon? Nabalitaan mo rin ba iyong about sa Presidente?"

"Ah, yes. Ang chaotic nga ng scene. Buti na lang, may tumulong na taxi driver sa President kaya agad siyang nakaalis. Nandito ako ngayon, kakadating ko lang. Medyo late na ako sa mga naabutan ko."

Sa mga narinig ay tila ba nabunutan ako ng napakalalim na tinik sa dibdib. May the God bless that taxi driver all of the good things in life!

"By the way, bakit mo pala natanong? 'Di ba, naka-sick leave ka ngayon?" Lijah asked from the other line.

Nagkamot ako ng ulo. Napapangiwing tumawa, "ayon na nga."

"Don't tell me . . ."

"Yes, hehe. Nandito ako sa Park ngayon. At na-witness ko lahat."

Rinig kong natawa siya nang bahagya. Right now, I am imagining his contagious smile. "You are really ridiculous. May time ka ba talaga para sa pahinga?"

"Pero ayon," nagkamot uli ako ng ulo. Tila bang nahihiya sa susunod na sasabihin, "pwede bang pakihatid naman ako sa condo ko? Tapos na naman siguro ang coverage niyo, 'di ba?"

"Sure, sure. No problem." Ang agad niya namang sagot. "Nasa loob ka lang ba?"

"Yes, specifically dito sa mga puno na nakaharap sa lake."

"Wait me there, I'll look for you na lang."

"Sure, ingat!"

"Yep, I will." Was all that he said before he hang up the phone.

Of all my friends, si Lijah talaga ang pinakamaaasahan ko. Classmate ko siya noong College pero nagkahiwalay kami ng TV Station. Pero kahit na ganoon, 'di nagbago ang pagkakaibigan namin. Kaya kapag may emergency talaga, siya at siya ang madalas kong nahihingan ng tulong.

Ilang minuto pa ng paghihintay ay natanaw ko na rin siya mula sa malayo. I waved my hand at his direction for him to be able to see me. Nang matanaw na niya ako ay nakangiti siyang nag-jog patungo sa akin.

"Wait, don't tell me na nagpunta ka rito gamit lang ang wheelchair mo?" His eyes are curious.

Napakamot na lang talaga ako ng ulo ko. Paano ko ba i-e-explain sa kanya? Na kasama ko talaga ang Presidente dito kanina? Na siya talaga ang nagdala sa akin dito? Na all this time kasi, ginugulo ako ng Presidente?

"Basta, mahabang istorya." Was all that I said while chuckling awkwardly.

I am really glad that he didn't pushed for more further questions. Instead, binuhat na niya ako. 'Di gaya ng sa Presidente, kinailangan niya pa talagang bumwelo para mabuhat ako. Hindi naman kasi siya ganoong kamaskulado. Sakto lang ang built niya pero may shape siya kahit papaano. Everything about him is natural and that is making him stood out from all of the guys that I know.

Ngayon ay itinutulak na niya ang wheelchair ko patungo sa kanyang sasakyan. And before I knew it, we are now inside his wheels.

"By the way, ano na palang nangyari sa President? Edi pinagpiyestahan na siya ng mga tao at reporters kanina?" I asked him.

He is glancing at me as he answered. "It was a total chaos, Zabi. Dinumog si Mr. President. May mga time pa nga na akala ko, ma-ta-trap na siya sa mga tao. Mabuti na lang talaga at mabuti ang loob nung taxi driver na nakasalubong niya. Mabilis na ring rumesponde ang mga pulis nung mga oras na 'yon kaya't agad na rin naman naresolbahan." 

I nodded slowly. "The President should be careful next time."

"Indeed, lalo pa naman ngayong marami ang galit sa kanya. Hindi natin masasasabi ang mga susunod na mangyayari."

At the back of my head, I am slapping myself. Kasalanan ko talaga 'yon, eh! Kung nagmatigas lang talaga ako sa Presidente, sana hindi na nangyari ito. Kung hindi sana ako sumunod nang sumunod sa kanya, edi sana wala siyang iskandalo ngayon!

"By the way, umamin ka nga." Lijah glanced at me again. This time, with a teasing grin. "Anong agimat ang mayroon ka at parang lapitin ka ng exclusive reports lately? Grabe lang, tayong mga reporter ang naghahabol sa exclusives pero ikaw? Parang ang exclusives ang naghahabol sa 'yo."

I laughed. "Sira ka talaga."

"Tell me nga kasi, what is your lucky charm?"

Thinking about that, it is prolly no other than the President. Wala lang, feeling ko kasi magmula nang dumating siya sa buhay ko para manggulo, biglang nagkaroon ng clear path ang pagiging reporter ko.

Nauna sa exclusive interview ko sa kanya sa Malacañang. Sinundan iyon ng sakuna sa Cagayan De Oro na kung wala siya para agarang hanapin kami ni Damson, malaman ay inanod na kami ng baha. And heto ang isa pa, iyong scandal niya today. Kung hindi nga ako naka-sick leave ngayon, ay jusko! Sagana talaga ako sa achievements from Ma'am Victoria!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top