Episode 11: Baby

NANG magising ako, the first thing that I did was to wince so hard. I really just can't believe on what I did last night!

Oh my God.

I want to kill myself right now!

Napahilamos na lang talaga ako ng mukha. I really hate myself sometimes. Hindi ko talaga kasi minsan mapigilan ang utak ko the moment na nasa sitwasyon na ako. Nagpapatuloy na lang kasi ako without even thinking about it clearly. Tipong kahit alam ko namang mali, nakakagawa ako ng paraan para i-justify iyon. Para patuloy kong gawin ang bagay na iyon.

But thinking about the President, nakaalis na kaya siya? But more importantly, wala kayang nakahuli sa kanya nung lumabas siya mula sa condo unit ko? But then again, sa kanya na nga pala itong condo building na ito kaya malamang sa malamang, safe na safe na siya. Makakagawa siya ng paraan para hindi lumabas sa publiko ang pamamalagi niya sa condo unit ko. Pero nang bigla akong makarinig ng tunog mula sa aking sala, nasagot rin naman agad ang mga katanungan ko.

Bumangon na ako. Inayos ko ang bed sheet at saka ang kumot. Matapos ay nagsuot na ako ng bathrobe. Wala kasi akong suot na bra. The last thing that I want to happen is to see the President staring at my boobs— and enjoying it.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko binuksan ang pinto. And swear, ang naging kapalit naman niyon ay isang pagsinghap to what I saw at the living room.

Lord, challenge po ba 'to?

It was the President. Basa ang kanyang buhok. Ang tubig mula doon ay tumutulo pababa sa kanyang maskuladong dibdib hanggang sa matitigas na bahagi ng kanyang tiyan.  He is wearing nothing but my white towel hanging loosely on his waist. His v-line is really prominent. And yes, also his huge package beneath that white clothing. Nakakainis na napalunok ako sa kung papaano biglang sumagi sa isip ko ang mga imahinasyon ko noong pinapagpantasyahan ko siya kagabi.

Umubo ako nang peke nang bigla siyang lumingon sa akin. The moment his eyes landed on my face, his contagious smile grew.

"Nakiligo na ako, didiretso kasi ako sa meeting sa Mindanao later," he mumbled. Why does he sound like a boyfriend telling his girlfriend about his plans for today?

Pagtango lang ang isinagot ko sa kanya. Minabuti kong lumakad na lang patungo sa kitchen kasi baka traydorin na naman ako ng mga mata ko. Nakaka-distract naman kasi talaga iyong nasa loob ng twalya niya!

Kumuha na ako ng mug. Nagtimpla ako ng hot chocolate. Pero agad rin namang naagaw ng Presidente ang pansin ko nang bigla siyang sumulpot mula sa living area. Ngayon, nakasuot na siya ng pantalon. Pero ang maskulado niyang katawan ay hubad na hubad pa rin para pagmasdan ng traydor kong mga mata.

"Hindi mo man lang ba ako ipagluluto bago ako umalis?" He mumbled, pouting.

Tinaasan ko siya ng kilay. I tried to look unbothered by his adonis body. "Bakit kita ipagluluto? Sino ka ba?"

"Presidente ng bansa mo."

I poker face at him. "Pero hindi ako alalay ng Presidente—"

"Alalay agad?" He cut me off, staring at me while scowling. "Hindi ba pwedeng asawa na lang?"

I rolled my eyes at him. Heto na naman tayo sa part na 'yan! "Hell no."

"And that, Zabi . . . that feastiness is what I love for my next girlfriend." He wiggled his eye brows. Hindi ko alam kung bumabanat ba siya o nambubwiset. Baka both?

Dahil alam ko at aware akong hindi ako mananalo sa pang-aasar niya. Na ako lang ang mapipikon, munabuti ko na lang na magluto para sa aming dalawa. I really hate the idea na para kaming mag-jowa rito!

Hindi ako marunong magluto kaya magtiis siya diyan sa itlog at hotdog. I started frying it. Dahil hindi ko alam kung papaano magluto ng perpektong sunny side up ay nabasag ko pa ang egg yolk. Tapos nasunog ko pa ang hotdogs. Bahala talaga siya diyan. Nobody's perfect. Kasalanan ko ba kung bakit ganda lang ang nakuha ko?

"Oh, kain na." Pabalang kong inilagay ang platong naglalaman ng mga niluto sa ibabaw ng mesa.

The President appeared dumbfounded while staring at the plate. Nagpabalik-balik sa plato at sa akin ang kanyang tingin.

"Pwede ka nang maging singer sa sobrang galing mong magluto." He mumbled with sarcasm and I surpressed myself from laughing hard.

"Pero 'di bale na. Kahit ano namang iluto mo, kakainin ko." And then he bit his lips. Para ba siyang nagpipigil ng ngiti. Lumalim tuloy ang dimples niya. "Gusto mo nga, pati ikaw kainin ko e. Okay lang sa 'kin."

Hindi ako naging handa doon.

I found myself blushing to what he just said! Really? After how I fantasized him last night, he will tell me this? Is he actually torturing me?

Bullshit.

"Gagalingan kong kumain para sa 'yo, come on—para makaulit pa ako," he continued while lipbiting and swear, that made me push my thighs at each other. It was tight that I can really feel the heat that his words just impacted me.

Ano ba?!

"K-Kumain ka na nga lang!" Ang patuloy ko na lang na pagsusungit. Bwiset, isang pahirap talaga kapag bigla kang naging inactive sa sex. Lumalala ang sex drive mo!

Pero bigla rin naman akong nataranta nang bigla ay mag-ring ang cell phone ko. And swear, mas lalo akong nataranta nang makita ang pangalan ni Ma'am Victoria mula sa screen. Walang ano-ano ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko ito kasi gusto kong marinig ito nang maayos.

"Hello, Ma'am! Good morning po!" I mumbled. The President is munching while staring at me.

"Good morning, Zabi! How was your sleep?"

"Sobrang fine po, Ma'am!"

"Oh, dear. Good to hear that. But anyways, kaya ako napatawag sa iyo ay may double good news kasi ako."

Doon ay para bang naging malaki ang mga tainga ko. Lumapad ang ngiti ko, the President is smiling too right now.

"Ano po 'yon, Ma'am?"

"Your exclusive report with the President last night is a major hit on our ratings! And with that, the upper management wants me to reward you something!"

"Reward po?" Hindi ko na malaman pa kung papaano makakayanan ang kakaibang saya sa puso ko ngayon. All I did was to just smile wide.

"Will discuss it pa with them, Zabi. But one thing I promise is that it will give you growth. That's the clue. GROWTH."

Napatakip ako ng bibig. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang big break na hinihintay ko?!

"That's all for now, Zabi. Good bye and enjoy you rest day. Congrats again!"

"Copy, Ma'am Victoria! Maraming salamat po! Maraming salamat po talaga—" pinatayan na ako ng tawag ni Ma'am Victoria. Kasunod niyon ay napairit ako sa saya!

"Oh my God! Heto na talaga 'yon! Heto na! Thank you, Lord!" Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nakangiti sa kisame. Napatayo pa ako at nagtatalon.

"Congrats, Zabi. Ako ba? Wala akong reward?"

Yakap-yakap ang cell phone ay nakangiti akong tiningnan ang Presidente. This will not really happen if it wasn't for him. He is one of the biggest factor for this achievement. Kahit na nakakainis ang lalaking ito ay hindi ko pa rin maitatanggi na malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Sige, ano bang gusto mong reward?"

His naughty grin appeared, "sex."

"Heh! Ewan ko sa 'yo! Kumain ka na nga lang!" Ang bulyaw ko sa kanya. Pinili ko na lang na mag-celebrate. Nagpatuloy ako sa pagtalon dahil sa saya.

Mabuti naman ay sinunod niya ako habang natatawa. Ilang minuto pa ay bumalik na rin ako sa kinauupuan ko habang abot-langit ang ngiti. Nagpatuloy na kaming kumain habang siya ay patuloy sa pagkausap sa akin. Oo at hindi lang naman ang sagot ko sa kanya dahil busy ako ngayon sa paghahanap ng balita na pwede kong ma-scoop ngayon. Wala akong ibang makita kung hindi ang nagbabadyang malakas na bagyo sa bandang Mindanao. Kung tatamad-tamad nga lang ako, baka ibinalita ko na lang na ang Presidente ay natutulog sa condo unit ko para tapos na agad ang trabaho ko para sa araw na ito. Kahit rest day ay nagtatrabaho pa rin kasi talaga ako, ganito ko kamahal ang propesyon ko.

It was a few minutes when we finished eating. Nagbihis na rin ang Presidente noong mga oras na iyon. Nakakainis nga na sa harap ko pa talaga siya nagsuot ng damit! Nakita ko tuloy kung papaano mag-flex ang abs niya sa bawat pag-galaw niya! Pero nung boxer briefs at pants na niya ang kanyang isusuot ay talagang pinagtulakan ko siya sa CR! Mabuti na lang talaga at napigilan ko siyang tanggalin ang twalya niya sa mismong harap ko!

Letche na 'to! Kaya kung ano-ano ang iniimagine ko, eh! Kasalanan niya talaga 'to!

"I gotta go now," he told me after he finsihed with his clothes. Ngayon ay formal look ang get up niya. White long sleeves that is flexing his bulky biceps and a pair of navy blue trousers. "Naghihintay na raw ang copter sa roof top."

I threw him a bored nod. Bakit ba parang nagpapaalam pa sa akin ang isang 'to eh wala namang akong pakialam sa kanya?

He walked towards the door smirking for some unknown reason. Tumingin pa muna siya sa akin habang nakangiti at umiiling bago buksan ang pinto. "Bye for now, baby. Will be back after a few days."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I am gonna miss you." He mumbled before he finally went outside.

Inirapan ko lang siya. Pero ang mokong, mukhang nag-enjoy pa sa kasupladahan ko! Ang lawak ng ngiti bago saraduhan iyong pinto!

TRUE to his words, a few days have past at hindi niya nga talaga ako ginulo. Mukhang busy na nga talaga siya. Wala nang time sa kalokohan, eh. Pero kahit na ganoon ay may paminsan-minsan siyang text sa akin na hindi ko nirereplyan kasi bakit ko naman iyon gagawin? Close ba kami? And more importantly, kanino niya nakuha ang cell phone number ko?

Right now, I am packing all of my things. Ma'am Victoria assigned me in Cagayan De Oro. Which is for me, a good thing. Kasi as per the weather forecaster, iyon ang tatamaan ngayong gabi. Magandang scoop ang makukuha ko nito.

Nagsimula na kasi ang Bagyong Angelica. It's a super typhoon at ngayon, ginugulo nito ang Mindanao. Marami nang munisipalidad ang nasira sa paghagupit nito. Ang ulan ay hindi pa rin tumitigil dahilan para magkaroon ng kaliwa't kanan na baha at landslide sa mga nasalanta at sinasalantang lugar. Samahan pa ito ng malalakas na hangin na talagang nagiging sanhi ng pagkasira ng mga naglalakihang puno pati na rin ang mga bubong ng ibang residente.

"Okay na ba lahat?" I asked myself.

Katulad ng nakagawian ay nag-double check pa ako sa bag kahit na kaka-check ko pa lang naman nito. Nandito na ang mga damit at underwear ko, ganiyon na rin ang biscuits na essential dahil kadalasan kapag bagyo ang kinocover namin ay natatagalan bago kami makakuha ng makakain. It is really a must that you have a food of your own para kahit anong mangyari, hindi ka magugutom.

Nag-check pa ako at sinigurong kumpleto na nga talaga ang lahat ng kailangan ko. Matapos niyon ay isinakbit ko na ang mountain bag ko. Nagtungo na ako papalabas ng condo unit ko. Hanggang sa pumara na ako ng taxi patungo sa VCB Station.

"Atlast, you are here." Damson told me while holding the bag of his camera. Ang loko, iyon ba naman ang bungad sa akin the moment na nakababa ako sa taxi. Talagang dito pa siya sa harap ng station naghintay.

"Ay, ang OA ha?" I stared at him with a poker face. "Parang ilang siglo ako bago dumating? Ten minutes lang talaga ako na-late!"

Iritado siyang nagkamot ng ulo. "Hay nako! Tara na nga, baka maiwan na tayo ng Philippine Air Force!"

All of the flights are cancelled. Kaya nakikipag-ugnayan kami sa air force para makasabay patungo sa lugar kung saan kami mag-ta-typhoon coverage. Kaya inis na inis itong si Damson kasi kapag naiwan kami ay wala, wala na kaming ma-co-cover na balita mula sa Cagayan De Oro. At ang kapalit niyon? Sermon at suspension mula kay Ma'am Victoria. But thinking about her, kailan kaya niya ibabalita sa ang good news na sinabi niya nung nakaraan?

"Oo na!" Ang pagtataray ko pa kay Damson kahit alam ko naman nang ako ang may mali.

Doon ay nagmadali na kaming magtungo sa Philippine Air Force. At mabuti na lang talaga ay may mabuting loob ang mga makakasabay namin ngayon na PAF Officers. Talagang hinintay nila kami bago sila umalis.

Sana all naghihintay!

Dati kasi ay naranasan namin ni Damson ang maiwan kaya ayon, nasabon talaga kami ni Ma'am Victoria at na-suspend nang ilang linggo! Iyan ang dahilan kung bakit gigil na gigil ang lalaking iyon sa akin every time na na-le-late ako.

NANG makatuntong na kami sa Cagayan De Oro ay hindi na talaga maganda ang lagay ng panahon. Makulimlim ang langit. Puno iyon ng madilim na mga ulap. Ang ulan ay unti-unti na ring lumalakas sa saliw ng humuhugong na hangin.

"This one is creeping me out." Sambit sa akin ni Damson matapos naming makapagpasalamat sa mga PAF Officers na naghatid sa amin dito.

I nod at him as I take a deep breath. Muli akong tumingala sa langit. Tahimik na nagdasal na ang bagyong ito ay mabilis na lumipas nang walang trahedyang nagaganap.

Dahil sa lumalalang lagay ng bagyo ay nagmadali na kami ni Damson. Nagtungo kami sa evacuation area. Isa itong gymnasium. Ito ay kung saan mahigit tatlumpung pamilya o isang daan at dalawampung katao ang pwedeng magkasya.

Ang una kong naisipang hingan ng panayam ay ang rescue officer na siyang in charge sa lugar na ito. Aniya sa akin, all of the residents mostly on the risk area should evacuate now. Dahil kapag lumala pa raw nang lumala ang bagyo ay mahihirapan na raw silang makahingi ng tulong mula sa mga rescuers. Which is also a common problem now. Marami kasi sa mga residente ang matitigas ang ulo.

On the other hand, humingi rin ako ng panayam mula sa ibang mga tao rito. Ang isa ay humagulgol pa sa akin. Siya si Aling Nora. She is a mother of five children at nasasaktan siya sa ideya na posibleng wala na silang balikang tirahan matapos ang bagyong ito. Aniya rin, mahirap magsimulang muli kung kapos ka sa pera. Iyong mahirap ka na nga, lalo ka pang maghihirap.

Ang isa ko namang na-interview ay medyo may kaya sa buhay. She is Thelma. The only thing that matters to her is when this super typhoon will end. Para raw makabalik na uli sila sa normal na buhay. Hindi kamukha ng nauna kong na-interview, ang pangalawa ay para bang chill lang. Walang iniintindi kung hindi ang magpalipas ng oras.

And this is the realization that I always learn ever since I chose to become a reporter. Na may dalawang klase ng tao sa Pilipinas. Ang mahirap at ang mayaman.

Sa panahon ng sakuna, laging kawawa ang mga naghihirap at chill naman ang mga nakaka-angat sa laylayan ng lipunan. It was a narrative that kept on repeating and I am surprise because it is seemed to be endless.

Nakakagulat kasi sa dami nang nagdaang eleksyon, bakit wala pa ring nababago sa buhay ng mga mahihirap na Pilipino? Marami nang naipangako, pero bakit lahat ay napako? Nasaan ang mga proyektong kanilang pinaglalaban noong kampanyahan? Naging bula na lang noong sila ay makaupo na?

This is the sad truth about the Philippines. The reference of voters are always based from who is the famous ones. From who among the candidate has the most supporters. Sakit na ng mga Pilipino ang maging bandwagon.

Kaya ngayon, Pilipinas ang napaparusahan.

Ang mga naupo lang ang umaangat, ang nag-upo naman sa kanila ang mga nalugmok.

It is a series of repeating mistake for us and I am sad to see that it seemed to be unending. When are we going to vote for the qualified ones? Ones with credentials and enough experience to lead the country? Kapag lugmok na lugmok na talaga tayo at wala nang chance na makaahon pa?

"Ang lalim ng iniisip, ha?" Sambit ni Damson. Ngayon ay nakaupo kami rito sa mga bench. Malakas ang hangin mula sa labas. Ganiyon na rin ang buhos ng ulan. Nasa lugar na ito na raw kasi ang bagyo.

"Nalulungkot lang talaga ako sa kalagayan ng mga kababayan natin." Tumikhim ako at nagbuntonghininga. "They deserved better but they always tend to elect officials who never deserve their votes."

"Sad truth but I agree." Damson nodded.

Isa pang buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko naisipang kumain na lang ng biscuit. Inalok ko si Damson and he gladly accept it. I think, this is our dinner for tonight. Ayaw rin naman kasi naming makiagaw sa pagkain ng mga evacuees.

"By the way, anong oras na ba—"

Natigilan ako nang bigla, isang malakas na tunog ang unti-unting humugong mula sa malapit. Nanlaki ang mga mata ko kay Damson. 

"What the hell is that?"

Napalunok siya bago sumagot. "Hindi maganda ang nasa isip ko, Zabi . . ."

Nahihintakutan ay tumingin ako sa bubong ng gymnasium. Para ba itong lilipad na sa tindi ng lakas ng hangin. Hanggang sa . . . Hanggang sa isang hiyaw mula sa lalaking nakasilip sa bintana ang narinig namin.

"Buhawi! Putangina! May malaking buhawing sasalampak dito sa atin!"

Napatayo ako sa pinaghalong takot at kaba. Pero sadyang mabilis ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang ang biglang pagkatuklap ng mga yero mula sa itaas. And then I swallowed hard to what I saw.

Isang malaking buhawi.

"Zabi! Takbo!" Seph yelled at me.

Natataranta ay sumunod ako sa kanya. Pareho kaming nagtungo sa corner ng gymnasium. This is a safe space for us dahil kahit papaano, walang hangin ang umaabot sa amin.

Pero nanlumo ako para sa mga hindi nagtagumpay na makalapit sa amin.

Nakakakilabot ang mga naririnig ko. Halo-halo ang iyak ng mga matatanda at bata. Hanggang sa nanlaki na lang ang mata ko sa nakita. Unti-unting tinatangay ng buhawi ang mga tao mula sa gitna ng gymnasium.

Napaupo ako sa sobrang takot. Hawak-hawak ang bibig, I can't find words to express how nervous I am right now! People are practically dying infront of us and I can't do anything!

"Fuck this buhawi! I am going to take advantage of you!" Ang galit na anas ni Damson.

Laking gulat ko na lang talaga nang bigla niyang inilabas ang camera. Kinunan niya buhawi na para bang walang trahedya ang nangyayari sa aming harapan ngayon!

I can't believe it! Saan siya nakakahanap ng lakas ng loob para dito?!

Oh, God!

Minabuti ko na lang na 'wag siyang pagtuunan ng pansin. Naupo ako. Pumikit. Mangiyak-ngiyak na nagdasal na sana, matapos na ang kalbaryong ito. Na sana, pagkamulat ko ng mga mata ay tapos na ang lahat ng ito.

Pero . . . 

Pero iba ang nangyari nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. May malaking piraso ng plywood ang biglang humampas sa amin ni Damson . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top