SPECIAL CHAPTER
dedicated for baekhyun_rai
Clarisse POV
Kasalukuyan akong nasa airport at hinihintay na dumating ang ama ng batang kasama ko ngayon. Tiningnan ko ang aking relo. Aba, ang tagal na niya bakit di pa rin siya dumarating? Baka nambabae na yon.
Hinila ng paslit ang suot kong palda habang palinga-linga ako at hinahanap siya.
"Mommy, why dad's not yet coming?"
Yumuko ako para magkasingtaas na lamang kami at ginulo ko ang buhok niya.
"He probably did something important. He's coming too, baby. Let's just wait," at muli akong tumayo para hagilapin ng mga mata ko ang baliw na yon.
Napatigil na lang ako sa paghahanap sa kanya nang makita ko syang naglalakad. Nakasukbit ang suit nito sa kanyang kanang kamay, nakasuot ng sunglasses, maayos ang kanyang ayos ng buhok at sigurado ako nilagyan na naman niya ng gel iyan.
Ang kaliwang kamay naman ang ginagamit niya para hilahin ang bitbit na maleta. Napakaangas ng kanyang dating na sinabayan pa ng paglitaw ng kanyang mga bodyguards sa kanyang likuran.
Nakabuntot lang sila sa kanya. Mayamaya pa ay inialis niya ang suot na sunglasses at iniabot sa isa sa kanyang guards.
Nakalimutan kong sabihin. Nakabili ng bagong kompanya si Zach sa Europe na naging dahilan ng paglilipat-lipat niya mula sa Pilipinas papunta roon. Isa na rin syang CEO sa ipinapatakbong negosyo ng kanyang dad dito sa Pilipinas.
At mas lalong lumalago ang isa pa niyang pinagkakaabalahan at ito ay ang tungkol sa museum na pagmamay-ari pa rin ng pamilya ni Zach. Napakalayo na ng narating niya kung kaya't sikat na sya hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa iba pang bansa. I am so blessed to have an industrious and family-oriented husband like him.
11 years had passed, and now, we are standing strong together in the name of love.
"Mom, that's dad coming," eksayted na sasalubungin sana ni Seann ang kanyang daddy pero agad ko syang pinigilan nang makitang dudumugin si Zach ng mga reporters na kanina pa rin naghihintay sa kanya.
"But mom," pagmamaktol niya pero di ko sya pinansin at nanatiling nakahawak sa kanyang kamay.
Ngiti ang nakita kong iginawad ni Zach sa mga nag-uunahang reporters sa kanya ngunit hindi sya nagpaunlak ng interbyu nang makita kami.
"I'm sorry. Not this time please."
Pinoprotektahan naman sya ng kanyang mga guards mula sa mga ito at kahit mahirap ay nagawa niyang makalusot sa kanila. Syempre, mahigpit pa rin ang ginawa kong pagkapit sa kamay ng batang itong kasingkulit ng tatay niya.
Mahirap na at baka bigla na lang maghanap ng ibang mommy.
Seryoso ang mukha ko habang hinihintay na lumapit sya sa amin. Di Zach naman ay masayang nakangiti at ibinuka pa ang dalawang kamay nang makitang nagtatakbo palapit sa kanya ang anak namin. Hindi ko na napigilan e. Dumulas na lang ang kamay niya at yan na nga, nagyayakapan na sila.
Napangiti na rin ako nang makita kung gaano kasaya ang dalawang mag-ama ko. Pinipisil-pisil niya ang pisngi ni Seann at sabay silang nagtatawanan. Hindi ko muna sila inisturbo dahil gusto ko sila magkaroon ng oras sa isa't isa, yong sila muna. Nakita kong tumingin si Zach sa'kin. Alam ko ang ibig sabihin nito at dinamay pa nga si Seann.
May kung anong ibinulong siya sa kanya at saglit pa ay nagtatakbo na ito palapit sa'kin.
"Come with daddy, mommy," at wala na akong nagawa nang hilahin niya ang kamay ko palapit sa daddy niya.
"Yung baby Seann ko na-miss ako. E yung mommy Clarisse kaya? Miss din ba ako?" natatawa niya akong tiningnan.
"Puwede ba namang hindi? Kanina ka pa nga namin hinihintay," sagot ko.
May ibinulong sya sa isa sa mga bodyguards niya at binuksan nito ang maleta niya.
Nagtataka ko iyong tiningnan at-
isang bungkos ng bulaklak
Iniaabot niya sakin ngayon ang isang bungkos ng bulaklak ngayon. Nakangiti ko iyong kinuha at inaasar naman ako ngayon no Seann.
"Yiee si mommy kinikilig. Mom, you're blushing."
Mag-ama nga talaga sila.
"Welcome back Zach. We've missed you," tiningnan ko si Seann at siya.
"And I've missed you more, my dear wife."
Binuhat niya ito na para bang baby lang. 5 years old na si Seann pero kung makikita, parang ang gaan-gaan ng pagkakabuhat niya sa kanya.
"Let's go?" tanong niya at nagsimula nang maglakad habang kinikiliti si Seann.
Di ko maiwasang mapangiti sa tuwing titingnan ang bulaklak na ibinigay niya. Sa bulaklak nagmula ang pagmamahalan namin, sa bulaklak namukadkad at lumago. Kaya nga heto kami ngayon.
"How are you, my wife?" tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.
Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Seann na ngayon ay mahimbing na natutulog sa aking hita.
"I'm always fine, Zach. Ikaw nga ang dapat kong tanungin kung kumusta ang buhay mo d'on," simula ko.
Umayos sya ng upo at tumikhim bago muli akong tiningnan at saka--nginisian?
Why the hell he's smirking like that. Mukha syang ewan.
"Ayun. There are lots of beautiful women there," pahayag niya.
Inis na tiningnan ko sya at inirapan.
Kung alam ninyo lang, simula noon hanggang ngayon, trip niya pa rin akong asarin at pagtrip-an. Kahit pa may Seann na kami, hindi pa rin sya nagbabago. May ilang nagbago at yon ay mas lalo kaming napalapit sa isa't isa pero yong pambubuwisit niyang hindi nakakatuwa, hindi nagbago.
Of course di ako papayag na sya lang ang nagpapainggit sa 'king maraming magagandang babae roon.
"I got a new husband," seryoso kong sabi sa kanya.
Tumawa lang sya bago sumagot, "Who the hell is that?"
"Well, he's more handsome, wealthier, kinder, and most of all, he's not a bully."
He just laughed like an idiot. Malamang nababaliw na yan.
"That man doesn't exist. Haha."
"Oh? How do you say so? Di ko pa nga sya ipinapakilala sayo"."
"I know you won't replace me. I'm your only husband. The one and only Zach Tyson. Okay? About that beautiful women there? Their beauty is different from yours. And I'll never choose them over you, my wife Clarisse. "
Ayan ang kanyang speech na di ko malaman kung scripted ba, kung dati ba syang actor or what. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kilala ko sya. At pag sinimulan niya, sya rin mag-aayos nun.
Pag kasalanan niya, minsan nga kahit kasalanan ko pa, sya ang nagsosorry.
"Clarisse," hininaan nito ang boses niya.
"Ano na naman?"
"Can I kiss you?"
Favorite line niya pa rin yan matapos ang maraming taon. Tinatawanan ko na lang pero minsan pinagbibigyan ko naman.
I'm so blessed to have him. Who would ever imagine that the man who just take me home and became my boss, the man who was confused in the beginning if he loves me or not, the man who left me once, I left for years, the man I avoided for several times, the man I pushed away over and over again, the man that was the reason of my sadness before is now my beloved husband. . . and a father of my child.
I smiled while looking at him and realizing how lovely he is . . .
Who would ever imagine that I, The President's Lost Daughter is the only person that will turn the cold man into a sweet and faithful one.
I promise that in my last breath, and in the eternal life, he's the only one I'll never stop choosing. .
My Zach Tyson❤️
~The End~
The President's Lost Daughter
By: dixie_alexa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top