Chapter 9


"Kathryn?"

Kunot ang noong napatingin si Lea sa babaing nakatayo sa balkonahe sa fourth floor ng kanilang bahay. Dahil hindi naman nakapatay ang lahat ng ilaw, nakilala agad niya kung sino ito. Nakatingin ito sa maliwanag na buwan at nangingislap na mga bituin.

Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. Lumingon ito saka ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na."

Umiling lamang ito at muling ngumiti.

"Matulog ka na. Gabi na."

Hindi ito umimik at sa halip ay malungkot na muling tiningnan ang buwan.

Nasaan kaya ang pamilya niya? Hinahanap kaya sya ng mga ito o tinanggap na nilang matagal na syang wala?

"Kathryn, hali ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto."

Naglakad si Kathryn palapit sa ginang at sabay silang naglakad.

"You look so pretty, iha. Napakasuwerte ng mga magulang mo sakali," puna niya nang matingnan niya ito nang panaka-naka.

Kung sinuman ang mga magulang ni Kathryn ay sigurado s'yang masuwerte ang mga ito dahil sya'y marunong tumanaw ng utang na loob at ginagampanan nang maayos ang mga gawin.

Base kase sa nakikita niya, isa itong masipag at pursigidong tao. May mararating sya sa buhay. Sa dalawang linggong pamamalagi ng dalagita sa kanilang tahanan at pagsisilbi, napuna niya ang isang bagay. May isang taong kamukha si Kathryn pero di niya matandaan kung sino at kailan niya nakita ang taong yon.


---------

"Talaga po, sir? Woa! Unbelievable! Yess! Ang bait mo po sir!"

"First time po yatang mangyari 'to. Yieee!"

"Oo nga."

"Huwag na nga kayong magsalita. Baka bawiin ni sir yung sinabi niya, yari pa tayo."

Napangiti si Zach nang makita ang reaksyon ng mga empleyado. Tuwang-tuwa ang mga ito sa sinabi niyang magbibigay sya ng bonus next week sa suweldo ng mga ito.

Lumabas ang dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi at dumungaw ang kanyang mapuputing ngipin na syang nagpadagdag sa kanyang kaguwapuhan. Inayos niya ang suot na salamin saka tumikhim.

"Pia, tingin mo rin ba inspired si sir 'no? Ilang araw na siyang masaya at nakangiting pumapasok sa trabaho di ba?" bulong ng katabi ni Pia.

"Sinusubaybayan mo talaga, ah? Napapansin mo rin pala yon. Oo nga eh. Im sure he's just inspired. May inspiration na yan o baka naman nagbago na ang mood niya at marunong na syang ngumiti," sagot niya.

"O baka naman may nagbabayad sa kanya para ngumiti?"

"Shh. . Shut up na lang tayo" saway niya rito kaya nanahimik na rin ito.

Saglit na napayuko si Zach, inilagay ang hintuturo sa labi saka muling ngumiti sa harap ng mga empleyado.

"Go back to work," seryoso nitong sabi.

"Wait lang, sir? May girlfriend na po ba kayo?" tanong ng isang empleyadong kinikilig-kilig pa.

Nagkatinginan silang lahat pero ngayon ang mga mata nila ay nakatuon kay Zach. Hinihintay itong sumagot samantalang ang iba ay iniirapan ang babaing nagtanong sa kanya ng ganoong bagay.

Saglit na natahimik ang lahat. Walang ibig magsalita hanggang sa-

"Still single," sagot ni Zach.

Nagtilian ang mga babaing empleyado na napahawak pa sa mga pisngi at bibig nila.

"But if I would have one, I'll make sure I won't let her go."

"Woa!" tilian ng lahat sa sagot niya.

"Now, go back to work," seryoso nitong inayos ang pagkakasuot ng salamin at iniwan na ang mga ito.

Naiwang namamangha at nakangiti si Pia.
"Narinig mo yon? If I would have one, I'll make sure I won't let her go."

"Tsk. Akala mo naman ikaw ang tinutukoy niya?" pambabara niya sa katabi.

"Tse. Panira ng moment."

"Yong totoo, nagulat ako doon ah. Hindi ko expected yung isasagot niya. Parang inlove si sir 'no?"

"Yes. He's definitely inlove. With me."

"Huwag ka nang umasa. Masasaktan ka lang," pagkasabi nito ay bumalik na sya sa kanyang cubicle.


*****

Hindi makapaniwala si Zach na nasabi niya ang mga linyang yon.

"If I would have one, I'll make sure I won't let her go."

Napaisip din si Zach kung tama ba ang sinabi niya. Pati sya ay nahihiwagaan na sa sarili.

----

Nakangiting pinagmamasdan ni Kathryn  ang sarili sa tubig habang naglalakad sa gilid ng pool.

"Kathryn, huwag ka dyan sa swimming pool," naiiling na paalala ni manang Belen sa kanya.

"Baka mahulog ka na naman. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Lagot ako kay sir Zach pag nangyari ulit yon."

Parang hindi nito narinig ang sinabi ng matanda. Sa halip ay umupo ito at inilubog ang mga paa sa malamig na tubig.

"Diyos ko pong bata ka talaga!" Napakamot na lamang sa batok na sabi ni manang Belen.

Masayang nagtampisaw ito sa tubig nang may mga ngiti sa labi. Hindi sya nakaranas ng ganitong kasiyahan noong hawak pa sya ng mga sindikatong sumira sa buhay niya.

Ipinagkait sa kanya ang mga karapatang dapat ay naranasan ng isang normal na tao kagaya niya. Pambubugbog, pang-aabuso at pamimilit sa kanyang gawin ang mga bagay na ayaw niya. Naranasan niya iyon lahat sa mga taong sumira ng pagkatao niya.

Ni hindi niya alam kung sinong nagluwal sa kanya, kung sino ang tatay niya, kung ano'ng totoong pangalan niya. Ang tanging alam niya, maaaring si Zach ang maging daan para mabago niya ang sarili niya. Ang bahay na hindi kaya pero pansamantala niyang tinutuyan, puwede niya itong paghugutan ng lakas para iwan ang nakaraang alam niyang hindi niya matatakasan.

Lumungkot ang mukha niya nang maalala ang mga batang kasama niyang tumakas noong gabing lasing ang mga bantay.

Nasaan na kaya sila?

Makikita pa kaya niya ang kanyang pamilya, mga magulang at kapatid kung meron man?

Ilang linggo na rin syang nasa pamamahay ng pamilyang Tyson. Ang kasunduan, pansamantala lang sya at magsisilbi sya sa mga ito.

Ginagawa naman niya pero mga magagaang bagay lang ang naaatang sa kanya. Si Zach. Si Zach na nagpapaalala sa kanya na kung di niya kaya ang isang bagay, huwag na niyang pilitin dahil maaring hindi ito para sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top