Chapter 8


"Mr. Tyson, nice to meet you."

"Nice to meet you too, mr.Verdazo," nakangiting nakipagkamay ang binata sa lalakeng dumating.

Inilibot ni Lendro ang paningin sa kabuuan ng museum. Napakaraming iba't ibang paintings na pag-aari ng pamilya ni Zach.
Nakapangalan sa kanya ang museum na ito at sya rin ang namamahala.

"Lendro, right?"

"Yes, and I'm Zach. I'll tour you," sabi niya rito saka naglakad.

Nakasunod lang naman sa kanya si Lendro na inililibot ang paningin sa bawat painting na naroroon.

"How could you handle all of it? I mean ikaw lang ba ang namamahala rito?"

Natawa si Zach.

"Nakapangalan sa'kin ang museum na 'to. Pag-aari rin ito ng pamilya ko pero kung tutuusin ako lang ang may karapatan dito. Hali ka. I'll show you the painting you want," nagpatuloy sa paglalakad na sabi niya.

Namangha naman si Lendro sa kanyang mga nakikita.Talagang mga proffessional painters ang nakakagawa non.

May isang painting ng scenery, isang bahay na may babaing nakatayo sa labas, painting ng isang lalaking walang kamay pero ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang isang painting ng sanggol na umiiyak. Ang paligid nito ay madumi at kung sinumang titingin rito ay mahihinuha kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.

Nilapitan niya ito at pinagmasdang mabuti.

"Wow, it's so amazing!" puri niya rito dahil nakapaganda nito at madaming ma-attract ang sinumang titingin.

"That painting was already four years old. Isa rin yan sa mga paborito ko dito. It's so nice, right?"

"Yes it is. It reminds me of my girlfriend's sister."

"Why?"

"Her sister got lost at di pa nakikita."

"Sorry for that. Makikita ninyo rin siya. Yan ba ang napili mo?" tanong ni Zach.

"Hmm. . Why not? I'll get this one," nakangiti nitong turo sa painting."

~~~~~~

"Nasaan sya?" tanong ni Zach kay manang Belen pagkauwi.

"Sir, nando'n po sya sa hardin sa may likod. Mukhang mahilig sya sa mga bulaklak," sagot ni manang Belen sa amo niya.

Tinatanong lang naman nito kung nasaan si Kathryn at kung ano ang ginagawa.

"Salamat, manang," nginitian niya ito at sinuklian din yon ng matanda.

"Ah. .sir, mukhang malaki ang epekto sa inyo ni Kathryn, ah."

"Ha?"

"Mula nang dumating sya dito lagi na kayong nakangiti at concern sa kanya."

Natawa si Zach pero lihim na napaisip. Di kaya malaki nga ang epekto ni Kathryn sa kanya?

"Naku manang, palabiro po talaga kayo. Sige pupuntahan ko po muna sya," paalam niya at iniwan na ito.

Hinanap niya ng hinanap ang dalagita sa hardin. Hindi niya alam pero parang may kulang sa araw niya pag di niya ito nakikita.

"Kathryn," tawag niya rito.Nakaupo ito sa damuhan habang hinahawakan ang iba't ibang uri ng mga bulaklak.

Lumingon si Kathryn at tumayo. Ngumiti ito sa kanyang kaharap na syang nagpangiti rin kay Zach. Nagulat na lang si Zach nang bigla sya nitong yakapin.
Napangiti si Zach nang wala sa sarili habang niyayakap ang dalagita.

"Bakit mo ako niyakap?" tanong niya rito pero ngumiti lang ito sa kanya saka biglang naglakad palayo.

Naiwan syang nagtataka pero binalewala na lang niya ang isiping gusto nito ang ugali niya.

--------

"I dont like that painting. That's a little bit creepy."

Napabuntong-hiningang napakamot sa batok si Lendro sa puna ni Jana sa painting na binili niya. Buong akala niya ay magugustuhan nito iyon pero hindi pala.

"That's not one of those horror paintings as you can see in movies, Jana. Ang unang pumasok sa isip ko pagkakita sa painting na yan ay ang kapatid mo."

"Fine. Don't remind of me again about her."

Umupo si Lendro sa tabi ng dalaga saka inakbayan ang nobya. Nabitawan rin niya ang kamay sa pagkakaakbay nang makita ang isang dyaryong nakapatong sa mesa.

Kinuha niya iyon saka ibinuklat ang bawat pahina. Napakunot sya ng noo nang mapansin ang isang larawan.

"Kailan pa ang dyaryong 'to?"

"I dont know. Nakapatong lang yan dyan. Hindi ako mahilig magbasa ng dyaryo kaya huwag mo 'kong tanungin," masungit na sagot ng tinanong.

"Kilala ko 'to, ah. Hindi ba ito yong lalaking humahabol sa isang babaing tumatakbo noong isang linggo? This is her, right?"

Nakataas ang kilay na hinablot ni Jana ang dyaryo at tiningnan kung ano ang tinutukoy nito.

"Oh, my! Wanted ang lalaking yon?"di makapaniwalang tanong niya dahil kamukha nga ng lalaking nasa dyaryo ang lalaking nakabangga sa kanila.

"Isang sindikato na magnanakaw?"

"I'll take care next time.Baka mamaya makita ko ulit yon."

"Talaga lang, sweetheart, ah? Do it for me."

"Salamat pala sa painting. Na-appreciate ko." Nginitian niya ang nobyo kahit pa hindi talaga niya gusto ang painting.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top