Chapter 73
"Ako naman".
Pinaikot ni Wilson ang dice at tuwang-tuwa nang makitang nasa 3 dots ito sumakto.
Kasalukuyan silang naglalaro ng snake and ladder nina Clarisse at Paul at sa pagkakataong ito, mabilis na syang nakaakyat.
"Oh panes! Nakaakyat na ako", pumapalakpak pang saad nito.
"Tingnan mo naman, ikaw pa rin pinakamalayo",pambabara ni Paul sa kanya.
"Akin na nga, ako naman", si Clarisse naman ang kumuha nito at humalakhak din sya nang makitang sya na ang pinakamalapit sa 100.
"Talo na kayo. Hahaha".
Napakamot sa batok si Paul na kinuha na naman ang dice at pinaikot at malas niya dahil may ahas sa kanyang napuntahan.
Nasa kalagitnaan na sila ng laro nang tumunog bigla ang cellphone ni Clarisse. Hindi na niya binasa kung sino iyon basta sinagot niya sa pag-aakalang si Zach ito.
"Zach? Pupunta ka ba dito?"
"Si Natalia ito".
Tiningnan niya ang numerong tumawag at unknown number nga ito.
"Bakit ka napatawag?" takang tanong niya.
"Can I talk to Zach?"
Napatawa si Clarisse sa narinig. Anong problema ng babaing ito,ex na niya iyon ah bakit niya pa gustong kausapin.
"Kasama mo ba sya?"
Sumeryoso ang kanyang maamong mukhang sinagot ito.
"Wala. Ano ba gusto mong sabihin sa kanya? Sa'kin mo na lang sabihin".
"Sya ang gusto kong kausapin. Hindi ikaw. Importante lang. Please".
Nanggigigil na inismiran niya ang kausap at tinawanan pero kaya pa naman niyang magtimpi.
"Edi hindi mo sya makakausap kung ganyan ka".
Napatingin na ang dalawa niyang bodyguards na nagtataka. Tumataas na rin kase ang tono ng kanyang boses sa kausap niya.
"Ano? May sasabihin ka pa ba? Siguro kaya mo kinuha ang number ko ay dahil gusto mong mapalapit ulit sa kanya 'no?"
"Itetext ko sayo ang lugar. Magkita tayo", hindi na naituloy pa ni Natalia ang sasabihin dahil ibinaba na ni Clarisse ang kanyang cellphone.
Inis niyang tiningnan ang dalawang bodyguards kaya' t nagkatitigan na lang sila nang ilang segundo.
Akala niya noon hindi sya magseselos sa babaing ito pero ngayon,naiinis na sya.
~~~~~
Ibinuga niya ang usok mula sa hinihithit na sigarilyo at nakangiting itinuro sa ale ang napili niyang magandang bulaklak.
"Bumili rin kaya ako ng isang bulaklak, Zach ano? Tapos kung sinong unang babae ang makita ko paglabas dito sa flowershop, sa kanya ko ibibigay", sabi ni Gab sa kaibigan.
"Alam mo bro? Humanap ka na lang ng girlfriend saka mo ibigay sa kanya. Naisip mo pang mandamay ng ibang babae", sagot naman ng kanyang kaibigang abala sa pagpapalipat-lipat ng tingin sa magagandang bulaklak.
"I realized one thing, Gab".
"Ano yun?"
"I want to marry her".
Natawa ang binata sa sagot niya pero tinapik naman ang balikat niya tanda ng suporta.
"Then marry her. Pag nagkaanak kayo at lalake, bro.. Ipangalan mo sakin ah", tatawa-tawang biro ni Gab.
"Hindi mangyayari yan."
"Bakit?"
"Ayokong maging babaero anak ko."
"Ganun ba ako kababaero?"
"Ito na po sir", iniabot sa kanya ng ale ang napili niyang bulaklak at kinuha niya naman ito.
Binalingan niya muli si Gab.
"Hali ka na nga. Dami mo pang naiisip na kagaguhan e".
"What do you want?"
Humugot muna ng lakas ng loob si Natalia bago pinag-isipang muli kung tama ba ang kanyang gagawin.
Napatingin si Clarisse sa labas at natatanaw niya ang dalawa niyang alalay na nakasandal sa kotse at kumakaway pa sa kanyang parang mga tanga. Natawa sya at muling ipinokus ang atensyon sa taong nasa harapan niya.
"Clarisse.. Huwag kang mabibigla ah. Ang totoo kase niyan hindi ko alam kung tama bang sayo ko ito sabihin pero--"
"Diretsuhin mo na lang ako. Ano ba yung sasabihin mo?"
Napatingin ulit sya sa labas at muli ay mga timang na kumakaway sa kanya ang dalawa. Kanina kase ay napansin ng mga itong wala sya sa mood at alam na hindi sya okay kaya pinipilit ng dalawang pasayahin sya.
"May anak kami ni Zach".
Napahinto sya't napatingin kay Natalia dahil sa sinabi nito.
"Hahaha. Alam mo, huwag kang nagbibiro ng ganyang mga bagay, Natalia", hindi sya naniniwala.
"Hindi ako makikipagkita sayo para lang sa wala, Clarisse."
Umiling-iling syang kinukumbinsi ang sariling hindi ito totoo.
"Si Simon. Si Zach ang tatay niya."
Pinilit niyang tumawa para ibsan ang bigat ng mga salitang naririnig mula sa kanya.
"At kung nagtataka ka kung paano ko nalamang ikaw si Kathryn, noong gabing may nangyari sa amin ni Zach, pangalan mo ang binabanggit niya."
Halos madurog ang puso niya sa sunud-sunod nitong sinasabi.
Hindi ito totoo, nagbibiro lang sya.
"Sinasabi ko sa'yo,huwag kang magbiro ng ganyan", pilit niyang inaalis sa sariling naniniwala sya sa sinasabi nito.
"3 years ago,nagkita kami ni Zach at nagkakuwentuhan. Nabanggit niya sa'king may minamahal syang babae at alam ko sa sarili kong napakasuwerte ng taong yun".
Patuloy syang nakikinig sa sinasabi nito kahit pa hindi gaanong nagsi-sink in sa utak niya ang sinasabi nito. Gustong bumagsak ng mga luha niya pero ayaw niyang ipakitang naduduwag na naman sya at nanghihina.
"It was a mistake dahil kasal na ako kay Carl noon. Pero si Simon, hinding-hindi ko pagsisisihang nagkaroon ako ng anak na gaya niya".
Wala syang masabi. Hindi niya alam ang sasabihin. Sakit ang nararamdaman niya nang mga oras na ito lalo na't nagsinungaling si Zach sa kanya.
"Hindi ako naniniwala sayo",tumayo na sya dahil di na niya kaya ang mga naririnig.
Hindi niya matanggap na ganoon na lang yun.
Feeling niya hindi na sya enough para sa kanya.
Pakiramdam niya rin ay gumuguho ang mundo at binibiyak ang puso niya sa sakit na nararamdaman niya.
Isang tao, iisang tao ang pinagkatiwalaan niya nang sobra-sobra pero sya rin ang dahilan kung bakit nasasaktan sya nang sobra ngayon.
"Clarisse, makinig ka muna please.. Hindi ko gustong guluhin kayo ni Zach",hinawakan nito ang kamay niya ngunit inalis niya rin naman agad.
"Hindi gustong guluhin?Hindi ko nga matanggap, hindi nga ako makapaniwala sa mga walang kuwenta mong sinasabi. Nag-iimbento ka pa ng kuwento para sirain kami tapos sasabihin mo hindi mo kami gustong guluhin kami?!"
Napataas ang boses niya at di na rin niya namamalayang tumutulo ang luha niya sa galit pero hindi lang para sa kanila,lalo na rin sa sarili niya.
Napayuko si Natalia ngunit pinipilit sya nitong kausapin nang mahinahon kaya lang--
Pinagtinginan na sila ng mga tao at meron pang kinukuhanan sila ng video at larawan.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi yun magagawa sa'kin ni Zach. Alam mo ba mga pinagdaanan namin,Natalia? Hindi naman di ba? Kaya wala kang karapatang gumawa ng kuwento. Ngayon lang kami nagkaayos tapos ganito--" naiiyak na iniiwas niya ang tingin dahil pumapatak na ang mga pinipigilan niyang luha.
Dumating naman sina Wilson at Paul nang makitang nagkakagulo na silang dalawa.
"Ma'am?"
Pinaglilipat-lipat nila ang tingin sa dalawang babae. At kapansin-pansin ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha ni Clarisse.
Ito ang unang beses na nakita nila syang umiyak nang ganito.
Sa pagtitig mo sa kanyang mga mata, mararamdaman mo ang kakaibang presensya ng kanyang pinaghalu-halong sakit at dalamhati. Kapag nakita mo syang tumutulo ang luha, mararamdaman mo rin ang bigat ng kanyang damdamin.
Ngayon alam na nilang iba itong masaktan. Sa oras na masaktan ito at ipinakita sa iba ang patak ng luha niya,yan ang oras na alam nilang mabigat para sa kanya ang dinadala niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top