Chapter 71

"Nandito na tayo".

Bumaba na rin si Clarisse at nilinga ang paligid ng lugar na kanilang pinuntahan. Sabay silang naglakad at nang hanapan ng invitation card ay kaagad niyang ipinakita ang ibinigag sa kanya ni Natalia.

Pinapasok naman sila ng guard nang makita ito.

"Wow", bulong niya sa sarili nang makita kung gaanong pinaghandaan nang husto ang birthday party na ito.

"Mahal na mahal talaga nila ang batang ito".

"I'm sure they do", sagot ni Zach.

Nagpalinga-linga sya para hanapin si Natalia pero di niya ito makita kaya't naupo na lamang sila sa bakanteng dalawang silyang naroroon.

"Tingnan mo Zach", turo niya sa mga batang masayang naglalaro di kalayuan sa kanila.

"Ang cute nila 'no?"

"Ganyan din ako ka-cute noong bata ako", simula ni Zach at tinatawanan lang sya ng dalaga.

"Ang saya nila tingnan".

"Huwag kang mag-alala. Gagawa rin tayo ng ganyan soon", tatawa-tawang sagot naman ni Zach.

"Sira ka talaga kahit kailan".

Nasa ganito silang pag-uusap nang makita sila ni Natalia at sila'y nilapitan.

"Clarisse, nandito ka na pala. Kanina pa kita--"

Napansin nito ang lalaking kasama niya kaya napahinto sa sasabihin ngunit agad din niyang itinuloy.

"-hinihintay".

Sabay na tumayo ang dalawa para batiin si Natalia.

"Happy birthday to your son, Natalia", ani niya at iniabot ang kanyang biniling regalo.

"Thank you so much for this", nakangiti naman nitong tugon.

"Welcome. Ah, si Zach nga pala, boyfriend ko", pagpapakilala niya rito.
Blangko ang mukha ni Natalia na tila inaasahan na niyang magtatagpo sila ngayon.

"Nice to meet you again, Natalia", inilahad niya ang kamay para sana makipagkamay ngunit saglit muna itong tiningnan ni Natalia.

"Same to you, Zach", sagot na niya saka nakipagkamay.

"My husband is here. Mamaya mame-meet ninyo sya kasama si Simon. Ine-entertain kase nila ang ibang bisita lalo na yung mga batang bisita."

"Carl?" tanong ni Zach.

"Hmm yeah."

Hindi makasingit sa usapan si Clarisse dahil di niya alam ang sasabihin. Pinakikiramdaman niya kung anong atmosphere ang meron sa pagitan ng dalawang mag-ex na nasa kanyang harapan.

"Zach, is she Kathryn?" bumaling ito sa kanya.
Nagkatinginan sina Clarisse at Zach.
Nagtataka naman ngayon si Clarisse dahil ang sinabi lang sa kanya ng binata, ex niya ito pero di niya alam na nabanggit pala sya nito sa kanya.

"I am but you can call me Clarisse now. That's my real name", inunahan na niya si Zach sa anumang sasabihin nito.

Nagtataka rin si Zach nang mga oras na yun.
Wala syang maalalang binanggit niya ang pangalang iyon sa kanya.

"Okay. Maiwan ko muna kayo ah. Anyway, the foods are over there. Take how much and many you want. Saka may ni-rent din kaming waiter. May drinks yung dadalhin sa inyo mamaya. Babalikan ko kayo mamaya. Just enjoy", pagkasabi nito ay umalis na rin agad kaya't naiwan na silang dalawa.
Naupo sila ulit pero sa pagkakataong ito, tahimik na pinakikiramdaman nila ang isa't isa.

"Hindi mo sinabi sa'king binanggit mo 'ko sa kanya",tiningnan niya ito.

"Hindi ko matandaang binanggit ko ang pangalan mo sa kanya. Clarisse,maniwala ka. Binanggit kita noon bilang babaing mahal ko pero ang pangalan mo, hindi ko matandaang binanggit ko sa kanya", paliwanag niya.

"Ibig sabihin nagkikita at nag-uusap na kayo noon pa? Habang wala ako?"

Napabuntong-hininga si Zach. Nagsasabi sya ng totoo, hindi niya binanggit ang pangalan niya sa kanya. Baka nabasa niya sa diyaro o napanood niya sa balita, at yun ang isasagot niya sa mga tanong ni Clarisse.

"Ipapaliwanag--"

"Mag-usap tayo mamaya. Huwag dito at maingay".

Dinukot niya ang kanyang cellphone sa sling bag na dala at tiningnan kung anong oras na.

8:42 pm.
Ibinalik niya ulit ito sa bag at tiningnan ang kaharap.

"Are you mad?"

"No. I'm not".

"I'm gonna explain".

"Later, Zach.I will listen".

Ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon.
Walang nagsasalita at pareho lang silang tahimik habang ang paligid nila ay nagsasaya't nag-iingay. They know something's wrong.

"Do you wanna eat?" tanong ng binata pero umiling lang sya.

"Hintayin ko na lang yung drinks. Medyo nauuhaw lang ako".

Luminga si Zach para hanapin ang waiter na sinasabi ni Natalia pero wala pa yata ito roon.

"Ikuha na kita".

"Ikaw bahala", matamlay niyang sagot.

Tumayo na si Zach at umalis.

"I think something's gonna happen. I hope it won't be that bad".

Pinagmamasdan ni Clarisse ang mga batang nagsasaya di kalayuan sa kanila. Hindi niya naranasan ang ganitong kabataan, ang ganitong kasiyahan.

"Clarisse", may tumapik sa balikat niya.

Nilingon niya ito. Si Natalia pala.

"Natalia".

"Si Zach umalis?"

"Oo, bakit mo sya hinahanap ?"

"Hindi naman. May kailangan lang ako sayo."

Sumeryoso ang kanyang mukhang hinarap ito.

"Ano yun?"

"Puwede ko bang kunin number mo?"

Natawa sya sa sinabi nito. "Bakit?" takang tanong niya.

"She's weird".

"Just please.." pakiusap nito kahit di niya alam ang dahilan kaya't ibinigay na rin niya.

Nang makaalis ito ay saka sya napabuntong-hininga at parang pinagsisisihan niyang pumunta pa sya rito.
Ang totoo'y nagseselos sya kahit papaano lalo na nang makita niya kung paano tingnan ni Natalia si Zach kanina.

One hour and half has passed...

Nakaramdam na sya ng inis sa di niya alam na dahilan. Tumayo sya't iiwan na sanang mag-isa si Zach pero sinundan sya nito.

"Are you going home now?"

"Exactly".

"Hali ka na".

Dire-diretso lang syang naglalakad nang tawagin sya ni Natalia.
Nilingon niya ito nang nakapoker face na at salubong ang kilay.

"Can I take pictures of you together with Simon?"

Tiningnan niya ang batang iyon katabi ng tatay niyang si Carl. Tiningnan na rin sya ni Carl.
Nagtama naman ang mata nila ng bata at doon na sya nakakaramdam ng inis na di niya maipaliwanag.
Nagkatinginan din sina Zach at Carl ngunit ang mga tinginan nila ay tila nagpapahiwatig ng mensaheng nais sabihin ngunit di masabi.

"Sure", lumapit sya sa bata at lumayo naman saglit ang tatay nito.

Kinuhanan na niya ng larawan ang dalawa pero mayamaya'y tumingin si Natalia kay Zach.

"Together with you too Zach".

Lumapit na rin sya sa dalawa, pinagitnaan ang bata at pilit na ngumiti sa mga larawan.
Sa tuwing magkakatitigan sila ni Clarisse, umiiwas ito.

"They look like a happy family", saad ni Carl kay Natalia.
Malungkot niyang tiningnan  ang asawa ngunit wala syang sinabi.

Ang sayang pagmasdan ng tatlo na para bang isa silang masayang pamilya.
Ang saya ring tingnan ng kanyang mag-ama.



Author's note

I'm gonna finish this book whatever happens. My readers are one of my inspirations to continue this but my first inspiration is to become more motivated that I can finish a book and not leaving it undone.❤️
Thank ya all. So here's the revelation and let's see what will happen next.
Can't believe I reached 27k reads with 71 chapters.
For those who read this silently, supported me silently, let me know if you're still alive. Lol, I wanna say thank youuuu.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top