Chapter 70

"Pasensya na po sir, ma'am", nakayukong paumanhin ni Coleen.

"Sir, sorry", tanging nasambit na lang din ni Pinky.

Nagkatitigan ang dalawa at mayamaya pa'y nagsalita na si Zach.

"Dami ninyo nang kasalanan sa'kin at sa kanya", tiningnan sya ni Zach at kinindatan.

Napayuko na lamang ang dalawa sa kahihiyan. Hindi nila maitatangging ganun na nga karami ang kanilang nagawang kasalanan sa dalawa. Mula sa pagiging Kathryn at pagmamaliit sa dalaga hanggang sa-

"Pinapatawad ko na kayo",nakangiting sambit ni Clarisse.

"Clarisse?"

"Zach, I just want everything to be okay. Forgive those who made mistakes but make sure they wouldn't do it again or else-" makahalugang binigyan niya ng matalim na tingin ang dalawa.

"Makakalaban ninyo na ako", dugtong niya.

Inakbayan niya ang dalaga at hinaplos ang buhok nito.

"Magmula ngayon, iniuutos kong igalang ninyo ang babaing pakakasalan ko,my Kathryn and Clarisse", pagkasabi niya'y ngumiti naman ang dalawang kasambahay at sabay na sinambit ang pasasalamat.

"Pangako sir. Magbabago na po kami. Susundin na namin ang utos ninyo".

"Hindi na namin uulitin ang mga nagawa namin noon. Ma'am Kathryn o Clarisse, pasensya na po ma'am".

"Sorry po ma'am, sir".

"Good. Madali lang naman pala kayo kausap. Siguraduhin ninyong gagawin ninyo yang mga sinasabi ninyo. Maliwanag?" paglilinaw ni Zach.

Bilang tugon ay tumango-tango ang dalawa ngunit may itinanong na nagpatawa sa dalaga.

"Sir, kailan po ang kasal?" tanong ni Pinky.

Kinurot niya sa tagiliran ang binata kaya't napangiwi ito sa sakit.

"Wala pa pero sigurado imbitado kayo. Di ba soon to be my wife?"

"Yeah. I'm sure invited kayo", at nginitian niya na lang ang mga ito.

"Sir, ma'am,pasensya na po talaga sa mga nagawa namin. Pero ngayon support na namin kayo".

"Pumasok na kayo sa loob. Tandaan ninyo lang ang pinag-usapan natin nang araw na ito at sundin ninyo ang iniutos ko", pagkasabi niya ay muling nagpasalamat ang dalawa't pumasok na sa loob.

Nang maiwan na sila,they both smiled in each other.

"Ano? Magngingitian na lang ba tayo?" sarkastikong tanong ni Clarisse dahil nagngingitian na sila nang ilang segundo.

"Hatid na kita.9:37 pm na oh", ani niya pagkasipat sa relo.

"Tara na", sagot niyang kababakasan ng tunay na kaligayahan. Kaligayahang hindi niya inaasahang sa iisang tao lang niya mararamdaman.

He feels like home.
When she's with him, she doesn't need to worry about her fears coz she knows that she's safe and protected by his arms.












~~~~~~~~~

Few days had passed pero hindi nagawang kalimutan ni Clarisse ang invitation card na ibinigay sa kanya ng isang babaing nagngangalang Natalia.

"Ayos na ba 'to? Tingin ko ayos na' to",kausap niya kay Zach.
Namili kase sya ng regalo para sa batang magta-tatlong gulang na nasa larawan ng invitation card.

Hindi natinag si Zach sa pagtitig sa invitation card na kanyang hawak.
Ipinakita sa kanya ni Clarisse ito kanina ngunit di na niya magawang bitiwan.

"Zach?"

"Oh ano yun?"

"Ate, pakibalot na lang ah. Ito po yung bayad", pag-abot niya ng bayad.

Binalingan niya si Zach at kita sa hitsura nito ang pagkabalisa.

"Woy, ayos ka lang?"

"Clarisse kase..."

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nababasa ng kanyang mata sa card na iyon.
Si Natalia, si Natalia Ching ang ina ng bata.

"Ito na po ma'am", iniabot naman sa kanya ng saleslady ang pinamili niyang regalo.

Ikinawit ni Clarisse ang kamay sa braso ni Zach at sabay na naglakad habang hinihintay na magsalita ito.

"Ayaw mo magsalita?" tanong niya kase ilang minuto na ang lumipas pero ayaw pa rin nitong magsalita.

"Natalia".

"Natalia?" pag-ulit niya sa binanggit nito.

"Natalia Ching, the mother of this child in invitation card-"

Napahinto sa paglalakad si Clarisse at hinarap sya, hinihintay ang susunod pa niyang sasabihin.

"Clarisse, she's my ex girlfriend".

Natawa na lang si Clarisse sa tinuran niya na syang ipinagtaka naman ni Zach.

"I'm serious."

"Ano naman kung ex mo sya?"

"Hindi ka nagagalit?"

"Bakit naman ako magagalit di ba? I love your honesty, Zach. Saka buti nga yun may closure na kayo, hindi naman siguro magiging awkward ang pagkikita ninyo ulit. And one thing, nakamove-on na kayo pareho di ba? Look, she already got a son and husband. Pupunta tayo sa birthday ng anak niya just to greet him and have fun. Nothing else".

Natahimik na lamang si Zach dahil di niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi nito.

"Hindi ka nagseselos?"

"Hmm hindi naman maliban na lang kung makita ko kung gaano mo sya kalagkit na titingnan mamaya", at tinawanan na lang niya ang sarili sa sinabi.

Sinabayan na rin ni Zach ang kanyang pagtawa at sabay na naman silang naglakad.
Inakbayan sya nito na inireklamo ni Clarisse.

"Ang bigat ng kamay mo ngayon".

"Ikaw lang ang titingnan ko nang malagkit.Wala nang iba. Malagkit na para bang gusto kitang idikit sa aking--", hindi na niya naituloy ang sasabihin.

"Magandang joke nga yan. Nakakatawa Zach", sumimangot na si Clarisse.

"Pag ikaw nagjo-joke ayos lang sa'kin pero pag ako--"

"Tama na ah".

"Haha. Pikon".

Sinamaan na lang sya ng tingin ng dalaga at sinimangutan. Padabog na inilagay niya sa backseat ang biniling regalo at walang lingon-likod na tiningnan si Zach hanggang makaupo sa unahan ng kotse.

Natawa na lang ang binata sa inakto ng kanyang nobya.

"Pag ito hinalikan ko, tanggal arte at topak nito",kausap niya sa sarili at pumunta na rin sa unahan katabi ni Clarisse.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top